Sa kabila ng negatibong sitwasyon na maaaring kinalalagyan natin ngayon, pagsumikapan pa rin nating magkaroon ng positibong pag-uugali sa pamamagitan ng pagbabago ng ating kaisipan. Magagawa nating maging positibo sa lahat ng pagkakataon sa tulong ng panalangin at pagbubulay-bulay ng salita ng Diyos.