Kaibigan, ilang araw na lang at malapit na ang aming pag-iisang dibdib ni Virginia.
Sinasabi ko sa’yo, napakaswerte kong sadya dahil hindi ko na inaasahang sa akin ay may magmamahal pa.
Kanina, habang nakapikit at pinagninilayan ang kasaysayan ng buhay na ito, aking napagtantong ang aming muling pagkikita ay katulad nga ng paglilinya ng mga bituin at planeta – isang pagtatagpong nakatakdang mangyari, iginuhit ng malambot na kamay ng tadhana.
...