Sa aklat na ito ay gagamitin ko ang wikang naririnig ko sa pagtibok ng aking puso at sa mga salitang nagsasalimbayan sa maingay kong isipan.
Ituring natin itong isang kuwentuhan lamang ng magkaibigan.
Ikaw na nagbabasa ngayon ay binibigyan ng isang pagkakataong magkaroon ng ibang perspektibo.
...