Usapang Light: Recent Episodes

Three Monkeys

Hanap mo ba ay chill na usapan? Then this is the podcast for you! Your vibe attracts your tribe. Usapang Light Podcast is a bi-weekly podcast show hosted by three high school friends Ena, Terence, and Kat. Join them as they share their adventures and misadventures of being 90's kids, discuss pop cultures, adulthood, friendship, and anything and everything under the sun. Follow us on Facebook and Instagram @usapanglightpodcast.

View Details

Have you ever heard about 'attachment styles'?πŸ€” For the final episode of our February Mini-Series, we unravel the mysteries behind Attachment Styles and how they shape us in building relationships with others. Sabay-sabay natin alamin kung ano ang ibig sabihin ng Secure, Anxious-Preoccupied, Dismissive-Avoidant , at Fearful-Avoidant.

Disclaimer:

The information provided in this episode on attachment styles is for educational purposes only. We are not licensed therapists or experts in psychology. Attachment styles are complex, and individual experiences may vary. For personalized guidance, please consult a qualified professional. Our discussion aims to foster understanding, but listeners are encouraged to seek professional assistance as needed.

View Details

Dive into the playlist of love as we dissect the art of kilig in both English and Tagalog tunes. Join us for a musical escapade, mixing prom night nostalgia and Valentine's feels. We've cooked up a symphony of emotions that's the perfect soundtrack for your JS Prom or any love-filled day. So, ready your hearts for a rollercoaster ride of melody and hugot! πŸŽ΅πŸ’–

View Details

Kilala mo ba kung sino si Gary Chapman? Alamin ang five different ways kung paano tayo makakapag-express ng love natin sa ibang tao. Ano ba ang Love Language mo? We may not be in authority to discuss this topic, pero wala ka ng choice! Kaya samahan mo na kami at maki-join sa usapang Love Languages. Reveal mo na din ano yung sagot mo sa slumbook noon sa tanong na "what is love?".

View Details

Kickstarting our February with LOVE: An Usapang Light Podcast Mini-Series. We are diving into the world of self-love in our first episode. Ano nga ba ang definition ng self-love? Join us as we discuss the common misconception about self-love and hear some valuable tips on self-love na siguradong makaka-relate ka. Welcome this February with some good vibes and join us in celebrating the beauty in every one of us.

View Details

Buena manong episode for 2024, let's explore ang mga 'exits' at 'entrances' sa buhay – sa pag-ibig, pagkakaibigan, trabaho, at propesyonal na buhay. Have some insights and inspiration on how we face new transitions in our lives. Tara pag-usapan na natin yan! Enter this new season with us!

View Details

Tuloy ang kwentuhan! Nabitin ba kayo last episode? Ito na 'yung second half ng taon. Ano-ano nga ba ang significant na mga pangyayari mula July-November 2023? Tara, alamin natin at pag-usapan dito sa season finale episode.

View Details

Gulat kayo noh? Kala niyo wala na kami! Hahahaha. Nahiya naman kami sa inyo, kaya we exerted our full effort (naks) para magpabaon ng bagong episode bago man lang matapos ang 2023. Eh ano pa nga ba ang magandang gawin kapag patapos na ang taon? Eh di balikan ang mga nagdaang mga kaganapan sa loob at labas ng Pilipinas. Tara! Pag-usapan natin 'yan dito sa 2-part episode ng aming Season 3 finale.

View Details

Gusto mo bang malaman ang six (6) Friendship Red Flags you should never ignore? Pwes! Pakinggan mo 'tong episode na 'to. This episode is as good as the Part 1, so you should never miss this! Kayo? Ano ba ang mga considered niyong Red Flags pagdating sa kaibigan?

View Details

Madalas natin makita recently sa social media ang "red flags" especially relationship redflags. Eh since Season 1 pa lang na-establish na namin na wala kami nito, why not discuss friendship red flags? Hahahaha! Listen to this episode to hear some untold stories and secrets. Tara, makipag-tawanan at makipag-kulitan na!

View Details

Usapang pinansiyal tayo mga ka-lighters! Our special guest MaryAnn joined us once again to discuss finances and budget. Dapat ba mag-ipon or dapat natin i-enjoy ang kinikita natin? Kapag ba nagpa-utang ka, sinisingil mo pa? Tara! Pag-usapan natin 'yan dahil hindi ka namin titipirin sa episode na 'to.

View Details

Ano ang nasa center ng universe? Suprise! Hindi ikaw! HAHAHA! Masama ba mag-demind nang nararapat para sa sarili mo? Ano nga ba ang difference ng self centeredness sa entitlement? May kanya-kanya tayong standard at entitlement mentatlity. Tara, pag-usapan natin yan!

View Details

Nagbabalik matapos ang mahabang pahinga. Eh ano pa nga ba ang napapanahon na dapat pag-usapan? Eh di kwentong balikan! Tara at samahan kami sa kauna-unahang episode ngayong Season 3. Maki-marites sa mga kwentong balikan; mapa trabaho man 'yan, mabigat na traffic, balik siksikan, balikan ng mga nag-hiwalayan, at mga utang na hindi na naibalik at tuluyang kinalimutan. Char!

View Details

Nag-bayad ng dalawang beses sa jeep. Tinawag ng "Mahal" si Kuya Shopee or Lazada. Bumaba ng jeep kahit hindi pa naman umaalis mula sa terminal. Mga sabaw moments, meron ka ba nito? Sa makulit na episode na 'to, pag-usapan natin ang mga lutang at sabaw moments sa commute, sa office, o kahit saan pa 'yan.

View Details

Isa sa tatlong tao ang biktima ng online bullying ayon sa UNICEF poll noong 2019. Talamak ngayon ang cyberbullying sa 'digital age' at social media. Sa episode na ito, sinamahan kami ng aming special guest at classmate Guillermo "Sam" Cortes upang pag-usapan ang aming mga karanasan sa 'bullying'. #NoToBullying

View Details

Ang bias mo! Hindi ah, may preference lang ako. Dahil ba mas prefer mo ang isang bagay, bias ka na sa hindi mo pinili? Kailan nga ba nagiging bias ang isang tao? Ano 'yung unconscious bias? Media bias, KPop bias, bias wrecker, positive at negative impact ng bias at kung ano-ano pang bias. Pag-usapan natin 'yan sa episode na to.

View Details

Sabi nga nila, "nasa huli ang pagsisisi". Bakit nga ba may regrets? Mga desisyon na pinagsisihan, mga bagay na binili pero hindi naman kailangan, mga taong pinagkatiwalaan pero nang-iwan. Naka-ilang beses mo na ba nasabi sa sarili mo ang "sayang"?. Pag-usapan natin 'yan. Isalang na ang sinaing at makinig sa amin. Promise! Sa episode na ito, oras mo ay hindi namin sasayangin.

View Details

Updated na ba resume mo? Char! We know, we know. Medyo negative ang ating buena manong episode for the year. Pero aminin mo, napapanahon ito. Habang alam namin na marami ang nag-hahanap ng trabaho, marami din ang mga nahirapan makisabay sa pandemya at sa mga pagba-bagong dala nito sa trabaho. Bakit nga ba naging trend na ang mag-resign pagka-kuha ng 13th month pay? Tara! Pag-usapan natin 'yan.

View Details

Usapang Light Podcast is now back for Season 2! Para sa aming pagbabalik, bumyahe pa kami pa-Bohol para mag-record. Char! Dahil miss na miss na namin ang makagala at makabiyahe, naisipan namin ibahagi ang aming karanasan sa aming bakasyon sa gitna ng pandemya sa 3-part episode na ito. Mula sa preparation, challenges, expecation, disappointments, realizations, at marami pang iba! Tara, umpisahan na ang usapang kinasabikan niyo ng ilang buwan.

View Details

Usapang Light Podcast is now back for Season 2! Para sa aming pagbabalik, bumyahe pa kami pa-Bohol para mag-record. Char! Dahil miss na miss na namin ang makagala at makabiyahe, naisipan namin ibahagi ang aming karanasan sa aming bakasyon sa gitna ng pandemya sa 3-part episode na ito. Mula sa preparation, challenges, expecation, disappointments, realizations, at marami pang iba! Tara, umpisahan na ang usapang kinasabikan niyo ng ilang buwan.

View Details

Usapang Light Podcast is now back for Season 2! Para sa aming pagbabalik, bumyahe pa kami pa-Bohol para mag-record. Char! Dahil miss na miss na namin ang makagala at makabiyahe, naisipan namin ibahagi ang aming karanasan sa aming bakasyon sa gitna ng pandemya sa 3-part episode na ito. Mula sa preparation, challenges, expecation, disappointments, realizations, at marami pang iba! Tara, umpisahan na ang usapang kinasabikan niyo ng ilang buwan.

View Details

Nagpa-budol ka na naman ba nung 7.7? Ano na naman ang binili mo na hindi mo kailangan? Haha! May trust issues ka ba sa online shopping or babe na tawag mo kay kuya rider? Sabi nga ni tita Witty, kapag nasa katwiran, i-add to cart mo! Tara at pag-usapan ang mga kwentong budol mo online.

View Details

Batang Jollibee ka ba or McDo? Ano ang the best fried towel este chicken para sa'yo? Tara at samahan kami magutom at pag-kwentuhan sa episode na 'to ang mga paborito nating pinoy fast food. Alamin kung saang branch ng Tokyo-Tokyo ang generous mag-bigay ng gulay na side-dish at kanino ba dapat mag-sumbong kapag may mali sa inorder mong pagkain? Magutom at makitawa, dahil sa huli, bida pa rin ang saya!

View Details

How you doin'? Oh. My. God. Warning! This episode will include some spoilers from the F.R.I.E.N.D.S. reunion. Join us in this special episode where we share our favorite characters, episodes, and scenes from the series and the reunion. If you don't have a "pla", just go and grab your favorite sandwich while you listen to us because we guarantee you that this episode is not just a moo point.

View Details

Ang iniiiiiiiit! Meron tayong dalawang season sa Pilipinas: Wet and Dry Season or Tag-Ulan at Tag-Araw. Maliban sa Pasko, ang Summer season ay panahon din para makapag-reunion at magsama-sama ang pamilya, magba-barkada, magkaka-trabaho, magkaka-klase, at magka-kaibigan. Mapa-resort, swimming pool, ilog, falls, o dagat man 'yan, ang importante magkakasamang tumatakas sa panandaliang init na hatid ng panahon. Sa episode na ito balikan natin ang mga kwentong summer, mga drawing na plano, at mga lakad na hindi natuloy sa nakaraang dalawang taon.

View Details

The figure Php37,000 trended in the Twitter world 2 weeks ago. Feeling entitled nga ba ang Generation Z or takot lang tayo tanggapin ang katotohanan na malaking porsyento ng manggagawang Pilipino ang underpaid? Our podcast episode this week is inspired by the recent tweet of an HR officer that went viral expressing his frustrations with an applicant from Ateneo who declined his job offer. Sapat ba o kulang ang Php37,000 as an entry salary? Ikaw? Masaya ka ba sa kasalukuyang sweldo mo? Tara, pag-usapan natin 'yan!

View Details

Bakit may mga taong nananatiling single? In this exclusive tell all episode, we talked about singlehood life and being in a relationship and "almost" relationship. The joy and heartbreaks of being single and having a partner in life. In short, ang episode na ito ay para sa mga nag-mahal, nag-mamahal, at mag-mamahal. Tara, samahan kami sa isang mapusong usapan with our high school classmate and very special guest Ma'am Susan Macapia.

View Details

Nasaan ka nung nag-deklara ng total lockdown? Isang taon na mga ka-lighters! Anyare? Sapat ba para sa'yo ang naging aksyon ng gobyerno sa pandemya? Dapat ba i-disclose ang listahan ng lahat ng Covid-19 positive patients? Samahan kami sa episode na ito at balikan ang nagdaang taon ng lockdown. Palitan ng mga kuro-kuro at opinyon sa gobyerno, media, at mamayang Pilipino.

View Details

Ok lang ba balikan ang ex? Importante ba na tropa mo ang partner mo? Inimbitahan namin ang aming very special guest at high school tropa na si Sir Bowen Young para sa isang makulit pero makabuluhang kwentuhan sa usaping puso at pag-ibig. Meron ka nga ba dapat na checklist? Ano-ano nga ba ang katangian na dapat hanapin sa isang partner? Tara! Pag-usapan natin 'yan. Recorded live in Balinsasayaw, Tagaytay.

View Details

Hindi kami makikipag-argumento, pero para sa amin, pinakamasayang buhay ng pag-aaral namin ang High School. Bakit? Pakinggan ang episode na ito at makipag-kwentuhan sa amin habang binabalikan ang mga nakakatuwa, nakakatawa, nakakaiyak, at sana eh nakaka-inspire na mga pangyayari sa buhay High School namin.

View Details

Sa wakas, tapos na ang 2020! Lahat tayo ay umaasa na ang taong 2021 ay taon ng pag-bawi. Kaya naman hayaan niyong umpisahan na namin bumawi sa matagal naming pahinga. Para sa unang episode ng 2021, nakasama namin sa kwentuhan ang isa sa mga tropa namin noong High School. Matagal na namin gusto i-guest 'to eh, kaya excited kami makasama siya sa unang episode namin ngayong taon. Ang daming napag-usapan, 2020 review, handa noong pasko, vaccine, online classes, worries, mga plano at wishes ngayong 2021.

View Details

Merry Christmas, mga ka-lighters! Naging challenging man ang taong 2020, hindi pa rin mapipigilan ang mga Pinoy ipagdiwang ang Pasko. Tara at makipag-kwentuhan at tawanan sa huling episode ng ating Pasko Series. Hangad namin ang masaya, mapayapa, at malusog na pagdiriwang ng Pasko sa'yo at sa iyong pamilya!❀️

View Details

Puto bungbong o Puto bumbong? Ano nga ba ang tamang tawag? Sa kahit na anong okasyon, malaking parte ng mga Pilipino ang pagkain, lalo na tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre. Kabi-kabilaan ang party, reunion, dinner dates, etc. Maaaring kakaiba ang sitwasyon natin ngayong taon dahil sa pandemya at hindi natin magagawa ang mga nakagawiang tradisyon na makasama ang ating mga kaibigan, ka-opisina, o extended families sa mga bonggang kainan. Ganun pa man tara at samahan niyo kami magutom este mag-kwentuhan at pag-usapan ang mga pagkaing pinoy na kadalasan nating inihahanda tuwing panahon ng kapaskuhan.πŸ—

View Details

The Philippines celebrates the world's longest Christmas season, with Christmas carols heard as early as September and lasting 'til around January. One the most popular Christmas song artists we all grew up to associate with the season would probably be Jose Mari Chan. Parang walang Pinoy ang hindi nakakakilala kay JMC or at least narinig ang isa sa Christmas hits songs niya.

For the month of December, Usapang Light Podcast is offering you special episodes and we will call it "Pasko Series". Every week we will release a special topic related to Christmas. At para sa kauna-unahang episode ng mini-series na ito, tara at samahan kami magkantahan at kwentuhan at balikan ang mga kantang nagbibigay kulay sa panahon ng Pasko.🎢

View Details

Surprise! Ginabi na kami sa pag publish namin nito kasi si Rolly kinokontra yung internet. Pasensiya na sa sound quality ka-lighters ah. Isipin niyo na lang dagdag effect. Haha. Happy Halloween!

View Details

It's been seven months since the Philippines was placed on Enhanced Community Quarantine and we are currently holding the world's longest lockdown! Regular na tayo! Tapos na tayo sa probationary period! This pandemic offered us flexibility and adaptability with everything, and that includes the work set-up for corporate world. While there are still employees who were asked to report to their physical office during the quarantine, there has been a dramatic increased of number of companies who embraced the work-from-home set-up for their employees. In this episode, we discussed our experience and what we thought are the pros and cons of working from home.

View Details

β€œThere are only two industries that refer to their customers as 'users': illegal drugs and software. " β€” Edward Tufte. Wondering if you should watch Netflix's latest docu-drama about Social Media? Join us on this episode while we discuss our thoughts and opinions about this eye-opener and highly informative Netflix's documentary. We explored the positive and negative impact of social networking in general and how change and moderation is needed and how we should be in-charge of it.

View Details

**Annyeonghaseyo! Ikaw ba eh nilamon na ng sistema? Pwes! Hindi para sa'yo ang episode na 'to. Charot! We just had a 'light' kwentuhan at Cafe Two for Tea Nine on random stuff about Korea in general and may pa-trivia din. Haha! Halika at pakinggan ang masayang kwentuhan namin tungkol sa Korean Wave. Jal deul-eo!

Intro/Outro Backgroud Music is "Dynamite" by BTS - Acoustic Fingerstyle Guitar Cover by Andrew Foy**

View Details

Kung meron man kami pinaka-nami-miss ngayon, 'yun eh ang gumala. Tara! Makipag-kwentuhan at makipag-tawanan sa mga karanasan namin sa biyahe. Meron din kaming ibinatong mga tips at strategies na ginagawa namin kapag kami ay may gala.

View Details

Isa ka ba sa 57 milyong pinoy na nakulong sa bahay noong Marso 17? Halos anim buwan na ang nakalipas. Anong nai-ambag mo sa mga nagdaang buwan? Meron ka bang bagong skills na natutuhan? Bagong diskubre? Ilang libro ang nabasa mo? Ilang pelikula ang napanuod mo? Miyembro ka na din ba ng Tropang #plantita at #plantito? Tara! Pag-kwentuhan natin 'yan dito sa kauna-unahang episode ng Usapang Light Podcast! :)

View Details

Welcome to Usapang Light! Ang podcast na walang halong tama! Contrary to our tag-line, we hope that you'll get something from us by listening to our future episodes. We are a group of three high school friends and we've known each other for more than 2 decades now. And podcast na ito ay resulta ng kaburyongan namin sa quarantine, at dahil matagal-tagal na rin kami hindi nagkikita, minabuti namin i-explore ang podcast world to bond virtually. We will discuss anything and everything under the sun. From childhood flashback, Travel, Pop Culture, Music, Sports, Movies, Netflix, Kpop, Kdrama, etc.

Please do follow our Facebook Page and search Usapang Light Podcast and our IG handler is @usapanglight.

See you lighters!

~Terence, Ena, & Kat