WALA LANG: Recent Episodes

Mamemepe

“Dahil paano mo nga naman lalapatan ng salita ang WALA? Imposible.”

View Details

Kaibigan, kung alam mong hindi ka papKaibigan, kung alam mong hindi ka papalya, ano kaya ang susubukan mong gawin?lya, ano kaya ang susubukan mong gawin?

View Details

Hunyo 28, 2020 (panahon ng krisis ng kamalayan at pandemya ng kamangmangan)

Anak,

Kung nababasa mo ang liham na ito ibig sabihin nun ay marunong ka nang magbasa, magsulat, magsalita, at, higit sa lahat, marunong ka nang makinig.

Nais ko lang magkwento sa’yo ng ilang istorya at karanasan habang nakaapak, tumatahan, at nabubuhay dito sa ating pinagpalang bayan ng AMADEO.

...

View Details

Habang sinusulat ko ang akdang ito ay kasalukuyang nagmumutarga ang aking tatay, dahil sa tanang buhay nya (67 taong gulang), ngayon lang nya mararanasan na walang magaganap na fiyesta dito sa aming bayan.

Ang fiyesta ay isang tradisyon ng pagdiriwang para sa masagang ani tuwing panahon ng tag-init.

Kasama riyan ang paghahanda at pagluluto ng mga putahe kagaya ng menudo, mechado, kare-kare, lumpia, pansit, salad, leche flan, gelatin, atbp.

...

View Details

“Ang punto ba ng isang relasyon ay ang mauwi sa kasal?”

Madalas kong naitatanong yan sa mga magkakarelasyon.

Kasal.

...

View Details

“Ano ang PINAKAKINAKATAKUTAN mo?”

Iyan ang pauna kong tanong sa mga taong nag-aaksaya ng panahon upang lumahok at makinig sa mga ibinibigay kong workshopbilang, sa kamalas-malasan, isang PUBLIC SPEAKER.

Anong isasagot mo rito?

...

View Details

Madalas kong naitatanong kapag napapadpad na sa relihiyon ang pinag-uusapan kapiling ang mga taong tila baga’y maraming alam o malalim ang pinag-aralan sa teolohiya, o yung mga taong masyadong opinyunado sa usapin ng pananampalatayang Kristiyano,

“Kung magpapakita ba sa’yo ngayon si Kristo, makikilala mo ba siya?”

Hindi ko alam kung anong istorya ng mga signos ng muling pagbabalik ng tagapagligtas ang inyong alam.

...

View Details

Kailan ka huling naligo nang hubad sa ilog? O kailan ka huling naligo sa ilog? O kailan ka huling napadpad sa ilog?

Nuong araw daw, base sa kwento ng mga matatandang nakakasabay kong maligo sa ilog, naliligo raw sila nang sabay-sabay at walang saplot. Kita ang mga pribadong bahagi ng kanilang katawan.

Walang malisya..

...

View Details

Kaibigan, dito ko na puputulin ang ating usapan.

Kung mayroon pang susunod ay abangan mo na lang.

Pero hindi ako nangangako, alam mo ‘yan.

...

View Details

Kaibigan, hindi ko alam ang iyong pangalan.

Wala akong ideya kung ano man ang iyong kalagayan.

Hindi ako sigurado kung masaya ka ngayon o kung nababalot ka ba ng kalungkutan.

...

View Details

KAILAN KA NGA BA HULING UMUPO?

KAILAN KA NGA BA HULING PUMIKIT?

KAILAN KA NGA BA HULING HUMINTO?

...

View Details

Kaibigan, tandaan mong hindi mahalaga kung ano ang nangyari sa atin.

Ang mahalaga ay kung anong gagawin natin sa nangyayari sa atin.

At kung may isang mahalagang mapupulot sa transisyong pinagdaraanan ng sangkatauhan ngayon, ito ay ang realisasyong tayo ay nasa gitna ng isang KRISIS NG KAMALAYAN.

...

View Details

Kaibigan, nalalapit na nga tayo sa katapusan ng maikli nating kwentuhan bagaman mukha akong tanga dahil ako lang ang nagsasalita.

Sana ay makarinig din ako ng kahit ano mula naman sa’yo.

Nais ko na lang ding tapusin ito sa ilan pang mga kwentong may kinalaman sa KATAPUSAN.

...

View Details

Base sa aklat ng Genesis 1:1, “Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa.”

Sa isang mausisang bata ay maaari niyang itanong, “Eh ano naman po ang ginagawa ng Diyos bago niya likhain ang langit at lupa?”

Oo nga no?

...

View Details

Sabi ng mga pilosopo, “Ang karunungan ay nagsisimula sa pagkilala sa sarili.”

Ngunit, sa isang banda, posible bang makilala ang sarili ng sarili?

Ano ba ang sarili?

...

View Details

Nanananghalian kami ng aking mga magulang at napunta ang aming usapan sa tanong na,

“PAANO KUNG ITO NA PALA ANG LANGIT?”

Lahat kasi kami ay nakaranas nang pansamantalang mahimatay at mawalan ng malay – malay-tao, sa lebel ng pangkaraniwang-buhay na pamilyar sa atin dito sa mundong kinalakihan natin.

...

View Details

Kaibigan, ilang araw na lang at malapit na ang aming pag-iisang dibdib ni Virginia.

Sinasabi ko sa’yo, napakaswerte kong sadya dahil hindi ko na inaasahang sa akin ay may magmamahal pa.

Kanina, habang nakapikit at pinagninilayan ang kasaysayan ng buhay na ito, aking napagtantong ang aming muling pagkikita ay katulad nga ng paglilinya ng mga bituin at planeta – isang pagtatagpong nakatakdang mangyari, iginuhit ng malambot na kamay ng tadhana.

...

View Details

Kaibigan, isa sa mga pinakamabisang paraan ng pagbabago ng kultura ay ang makita mo ang iba’t ibang ilusyong nagsisilbing pundasyon nito.

Ito ang mga ilusyong humuhubog sa kaisipan ng tao na siya namang huhubog sa lipunang ginagalawan nito.

Lahat ng batas, lahat ng tradisyon, lahat ng kaugalian, lahat ng aksyon ng tao, ang mga ilusyong ito ang basehan.

...

View Details

Kaibigan, kung nais mo raw maintindihan ang nakaraan, tignan mo ang kasalukuyang sitwasyon.

At kung nais mo namang maintindihan ang hinahanarap, tignan mo ang kasalukuyang aksyon.

Paano nga ba tayo humantong sa ganito?

...

View Details

Kaibigan, anong kinaaadikan mo ngayon?

Huwag kang mag-alala.

Lahat tayo, ADIK.

...

View Details

Sabi ng mga manggagamot ng kamalayan, may apat daw na tanong upang malaman mo kung bakit tayo nakararanas ng matinding kalungkutan at pagdurusa.

Una, kailan ba natin tinigilang sumayaw?

Pangalawa, kailan ba natin tinigilang kumanta?

...

View Details

Isang araw, sa lugar kung saan nakahimpil ang Buddha, ay may isang taong namuhay na ubod ng relihiyoso.

Sinunod nya ang mga dasal, ritwal, at paniniwala ng kinalakihan niyang sekta.

Nabuhay siyang may kinikilalang Diyos.

...

View Details

Accounting, sa ilalim ng College of Business Administration and Accountancy, ang aking kursong itinuturo.

Dito tinatalakay ang mga salitang Journal entry, Debit-Credit, Financial statements, Assets, Liabilities, Income, Expenses, lahat may kinalaman sa BUSINESS.

Accounting is the language of business.

...

View Details

“Anong trabaho mo?”

Yan ang isa sa mga nakagawian nating itanong sa mga bago nating kakilala.

Madalas, ito ang ginagawa nating batayan kung paano ba natin sila pakikisamahan.

...

View Details

Mayroon daw tatlong mukha ang pag-ibig.

Una, yan ang tinatawag nating PUPPY LOVE.

Ito ang pag-ibig na may pagka-animal.

...

View Details

Isang linggo mula ngayon ay mag-iisang dibdib na kami ni Virginia.

Narinig ko ang aking nanay na sinasabihan ang aming kasambahay na Huwebes pa lang daw ay dapat nandito na siya dahil gagawa sila ng salad.

Sila ang nag-aabala.

...

View Details

Kaibigan, mahilig ka bang magbasketbol?

Lumaki kasi akong BALL IS LIFE eh.

Gumigising kami nang maaga noon at dumidiretso na agad sa basketball court.

...

View Details

Kaibigan, sino ang iyong hindi malilimutang titser sa eskwelahan?

Minsan may ganyan ano?

May mga taong hinding-hindi mo makakalimutan sa buhay.

...

View Details

Kaibigan, alam mo ba ang ugat ng salitang “school?

Iyan ay nanggaling sa salitang Latin na schola o kaya naman ay sa salitang Griyegong skholena ang ibig sabihin ay lugar kung saan maaari kang maglibang, o kaya naman ay lugar kung saan ka makapagpapahinga.

“SCHOOL IS COOL!”

...

View Details

Third year high school kami noon at kabilang ako sa pinaka magulong seksyon ng aming batch.

Isang araw, sa gitna ng aming kaguluhan, ay pumasok ang aming propesor sa Geometry.

Hindi siya nagsalita.

...

View Details

Kung ihihiwalay ko ang mga kwento ng mga niligawan kong babae noong ako’y nag-aaral pa lamang ay masasabi kong iilan lang din pala ang mga eksenang masasabi kong tumatak sa aking puso.

Ibig sabihin, kung hindi ko isasama ang kwentong pag-ibig, iilan lang din pala ang maituturing kong mahahalagang kwento sa buhay.

Ang sinasabi nga raw na edukasyon ay kung ano ang maaalala o maiiwan sa’yo kapag nakalimutan mo na ang lahat ng pinag-aralan mo sa klase.

...

View Details

Lumaki ako kasabay ang aking mga kapatid, mga pinsan, at iba pang mga batang kalaro.

Naranasan pa naming maglaro ng tagu-taguan sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Naglalaro kami sa kalye at umuuwi nang madungis.

...

View Details

Kaibigan, ano ang pinaka-una mong memorya?

Ano yung pinaka-una mong natatandaang pangyayari sa’yo?

Ilang taon ka nun?

...

View Details

Sa isang mahabang pag-aaral ng Harvard University, inalam nito kung ano nga ba ang pangunahing dahilan o sikreto sa kaligayahan ng tao.

Ikaw, ano sa tingin mo ang makapagbibigay-kahulugan at makapaghahatid-kaligayahan sa tao?

Sagot:

...

View Details

Kaibigan, paulit-ulit mong makikita ang mga salitang iyan para lang tumatak sa iyong isipan ang perspekpitibong minsan ka lang mabubuhay.

Ang pagitan ng kapanganakan at kamatayan ay ang buhay na ito na ating tinamo.

Hindi na tayo mauulit pa.

...

View Details

Naaalala ko ang isang pangyayari kasama ang aking guro.

Nasa tabing dagat kami noon sa Quezon, nagpapalipas ng gabi kasama ang iba pang mga tropa.

Naparami ata siya ng nainom na alak.

...

View Details

Kaibigan, nakahanda ka na bang mawala?

Nakahanda ka na bang mamatay?

Kung mamamatay ka ngayon, okay na ba yun?

...

View Details

Kaibigan, mayroong tatlong marka o tatlong palatandaan ang buhay.

Ibig sabihin, hangga’t buhay ka ay mararanasan at mapagtatanto mo ang mga katotohanang ito.

ANICCA – DUKKHA - ANATTA

...

View Details

Ano ang una at huling marka ng buhay?

Ano pinagsimulan at pagtatapusan ng buhay?

Ano ang bago at susunod sa buhay?

...

View Details

10 araw na lang bago ang kasal namin ni Virginia.

10 araw na lang pala para matapos ang aklat na ito.

10 araw na lang.

...

View Details

Mayroon daw tatlong uri ng kamatayan:

Una, kapag nalaman mong mamamatay ka.

Pangalawa, kapag talagang namatay ka na (namatay ang katawan).

At, pangatlo, yung huling pagkakataong may makaka-alaala sa’yo o may sasambit ng iyong pangalan.

...

View Details

Kaibigan, kapag ikaw ay namatay, masusulat sa iyong lapida kasama ng iyong pangalan ang taon ng iyong kapanganakan at ang taon ng iyong kamatayan.

BIRTH  DEATH

Ipinanganak ka, tama ba?

Mamamatay ka, hindi ba?

...

View Details

Kaibigan, ito ang mabuting balita para sa’yo ngayong araw na ito, “MAMAMATAY KA RIN!”

Hindi ko alam, pero ang kamatayan ang isa na nga sa pinakamatinding kinatatakutan ng tao.

Hindi ko alam, pero mamamatay naman talaga tayo.

...

View Details

Kaibigan, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung ano ka kaya o nasaan ka kaya bago ka ipanganak sa mundong ito?

Napagmuni-munihan mo na rin ba ang tanong kung ano bang tsansang mabuhay ka at maging ikaw kung sino o ano ka man ngayon?

Ano nga ba ang tsansang binabasa mo ang mga salitang ito ngayon?

...

View Details

Naaalala ko nung kami ay nasa kolehiyo, habang naglalakad kami ng tropa ko sa Admin Building, sabi niya, “Saan nanggaling ang mansanas, hindi ba sa buto? Ang buto ay magbubunga ng mansanas na may buto na magbubunga ng mansanas na may buto na magbubunga ng mansanas. Walang katapusan.”

Wow! Oo nga no?

Pero saan naman nanggaling ang buto?

...

View Details

Kaibigan, sinabi ko sa’yong baliw ako kaya hindi ko talaga alam kung bakit nagpapatuloy ka pa rin sa pagbabasa.

Bahala ka ah?

Binalaan na kita sa simula pa lang.

...

View Details

Hindi ko alam kung paano kayo magdiwang ng kapaskuhan sa inyong lugar kaibigan.

Kanya-kanya kasi tayo ng kaugalian tuwing sasapit ang ika-25 ng Disyembre.

Sabagay, baka nga talagang wala ka ring kakaibang ginagawa sa araw na yan.

...

View Details

Mahigit isang linggo kong itinigil muna ang pagsusulat.

Hindi ko alam.

Tinamad ata ako.

...

View Details

Tayo raw ay mga “SONS AND DAUGHTERS OF THE MOST HIGH.”

Mga anak ng pinaka sabog!

Kaya lang, sa mundong ito, pwedeng magpakalasing, pero hindi pwedeng magpakasabog.

...

View Details

Ang aklat na ito ay iniaalay ko rin sa aking lolong si Tatay Peping. Jose ang kanyang pangalan.

Rizal naman ang pangalan ng kanilang unang anak.

Siya ang aking tiyuhing bata pa lang ay agad na ring binawian ng buhay.

...

View Details

Yan ang pinakahuling poste ko sa Facebook bago ako maghibernate.

Hindi ko alam, pero kagaya ng dati, may kung anong boses (konsensya) na naman ang nagsasabi na tigilan ko na muna yang social media na yan.

Naiinis din kasi si Virginia tuwing makakabasa ito ng mga masasakit na salita para sa akin.

...

View Details

Tama nga ang kutob ko!

Nagdala nga ng kaguluhan ang artikulo!

Hindi dahil sa subersibo ito o kung ano pa man, kundi dahil ganun lang talaga.

...

View Details

Naranasan mo na ba yung hindi pa man siya nangyayari ay alam na alam mong yun na ang mangyayari?

Yung hinding-hindi mo maipaliwanag paano mo alam basta ang alam mo, “alam mo lang”?

Yung ang lebel ng kumpiyansa mo ay ubod ng taas na tipong kung tataya ka sa isang sugal, juetengo lotto man yan, ay sigurado kang mananalo ka?

...

View Details

Hindi ko napigilang magkibit-balikat at tumahimik na lang dahil sawang-sawa na ko sa araw-araw na pagrereport ng bilang ng mga naimpeksyon o namatay sa isang VIRUS kung saan ang ating reaksyon / over-reaksyon ay nagdulot ng pangkalahatang depresyon.

Nagsulat ako ng isang artikulo sa Facebook na pinamagatang “TAKOT KA BA SA MATH?”

Narito ang artikulo.

...

View Details

Ituloy natin ang ilan pang istorya noong taong 2018.

Linggo ng palaspas, Palm Sunday, nasa harapan ako ng aming pridyider nang bigla na lang tila may bulong akong narinig.

“Wag ka munang magsalita.” Nanunukso nitong mungkahi.

...

View Details

Sa parehong taon, 2018, habang namimigay kami ng mga tinapay sa lansangan ng Maynila, sabi ng aking guro, “Dapat dinadala na natin sa lansangan ang laban ng maruya.”

Spread awarenesslang ika nga.

Kung mayroon ka kasing babaguhin, kailangang aware ka muna na mayroong kailangang baguhin.

...

View Details

Araw ng mga puso, taong 2018, namigay kami ng pagkain sa Maynila bilang pagdiriwang ng masayang araw ng pag-ibig.

Sa may sidewalk ng Baclaran kami namigay ng mga tinapay na ginawa namin sa bahay ng tropa.

Pagkatapos nito ay dumiretso kami sa isang sikat na mall sa may Pasay.

...

View Details

Kaibigan, mahilig ka bang magtanong?

Ang pinakamahalaga raw kasi ay ang hindi tayo tumigil sa pagtatanong sabi ng isang wais na tao.

Pag nagtanong ka minsan ka lang magmumukhang tanga.

...

View Details

Kailan ka unang nakakita ng lasing?

O kailan mo unang nalaman ang salitang lasing?

Naaalala ko nung ako’y musmos pa lamang, kapag nag-iinuman ang aking mga tiyuhin at mga kapitbahay, lagi na lang may umuuwi nang lasing na lasing sa tinunggang alak.

...

View Details

Magandang araw muli sa’yo kaibigan.

Katulad lang din pala ng pagsusulat sa isang lumang diary ang pagsusulat ng isang aklat.

Dati yung diary ng tao hangga’t maaari ay nakatago sa isang sikretong lalagyang hinding-hindi dapat malaman ng iba kung nasaan.

...

View Details

Sa aklat na ito ay gagamitin ko ang wikang naririnig ko sa pagtibok ng aking puso at sa mga salitang nagsasalimbayan sa maingay kong isipan.

Ituring natin itong isang kuwentuhan lamang ng magkaibigan.

Ikaw na nagbabasa ngayon ay binibigyan ng isang pagkakataong magkaroon ng ibang perspektibo.

...

View Details

KaIBIGan,

Ano nga ba ang tsansang hawak at binabasa mo ang aklat na ito?

O, ano nga ba ang tsansang mabuhay ka?

Naitanong mo na ba iyan kahit minsan?

...

View Details

“WALANG ANUMANG BATAS ang maaaring pagtibayin para bawasan ang kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayagang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.”

(Artikulo III, Seksyon IV ng Katipunan ng mga Karapatan – 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)

View Details

https://www.facebook.com/mamemepe/videos/282898389763676

View Details

https://www.facebook.com/103675434526547/videos/377872423159396

View Details

https://www.facebook.com/103675434526547/videos/3255028351197558

View Details

https://www.facebook.com/103675434526547/videos/560542568215975

View Details

https://www.facebook.com/103675434526547/videos/1666750956806730

View Details

https://www.facebook.com/103675434526547/videos/651037988810472

View Details

WALA LANG

View Details

WALA LANG

View Details

https://www.facebook.com/103675434526547/videos/651037988810472

View Details

LIVE CHAT with Shiva Consciousness

View Details

🍄🍄🍄

View Details

https://www.facebook.com/103675434526547/videos/534773073853178

View Details

PROPAGANDA = PUROPAGANDA

View Details

Kwentong WALAng Kwenta

View Details

Radyo WALA Ep14 - TV PA-TROLL

Mga link sa mga swabeng videos:

  1. London Real (David Icke) - https://londonreal.tv/the-coronavirus-conspiracy-how.../

  2. London Real (Dr. Buttar) - https://londonreal.tv/digital-freedom-platform-interview.../

  3. London Real (Dr. Kaufman) - https://londonreal.tv/unmasking-the-lies-around-covid-19.../

  4. 2 California Doctors' Presscon - https://www.bitchute.com/video/WLp53rpJ2B7i/

FreedomOfSpeech #RadyoWALA #TVPaTroll

View Details

Ang mahalagang papel ng artista.

View Details

"Deep Rest"

Reseta para sa mga tao at henerasyon ng depressed. 

View Details

Ang kwento ng lolo sa kanyang apo sa taong 2080. Ito lang ang kwentong nais kong ikuwento sa aking apo. Kung paanong nagkaisa ang tao upang palayain ang MARUYA.

View Details

Dahil MARUYA lang ang magsasalba sa atin.

View Details

CANNABIS ANG PINAKAMAHALAGANG HALAMAN SA BALAT NG LUPA:

PAGKAIN / DAMIT / TAHANAN / PAPEL / LANGIS / GAMOT

View Details

To believe is not to know. To experience, to perceive, that is to know. It doesn't matter whether we believe or don't believe. What we know, we know. What we don't know, we don't know. Sariling karanasan lang ang iyong paniwalaan.

View Details

Dahil ang adiksyon ay wala sa droga kundi nasa hawla. Ang kabaliktaran ng adiksyon ay ang malalim na koneksyon at pakikipagrelasyon natin sa isa't isa.

View Details

Dahil magkakaroon lang ng paghilom ang bayan kapag marunong nang makinig sa anak ang magulang.

View Details

Ano ang bibitawan mo sa loob ng pitong araw? Attachment is the cause of suffering. Let go. Let go. Let go.

https://www.facebook.com/mamemepe/

View Details

Mahirap magpalaki ng anak, pero mahirap din magpalaki ng magulang. Sila man ay nagdurusa rin. Patawarin mo sila sa kanilang pagkukulang. Anak ang pumili sa magulang.

https://www.facebook.com/mamemepe/

View Details

Sabi sa librong Black Swan (Nassim Taleb), "When you start with the wrong assumption, you'll arrive at the wrong conclusion even if it seems logical." To assume to make an ass out of you and me.

https://www.facebook.com/mamemepe/

View Details

"Curiousity kills the cat kaya siyam (9) ang buhay nya. Para mabigyan ng tsansa ang puso nyang maglayag sa kawalan, sa lugar na walang kasiguruhan, at bumalik na may kwentong siya lang ang nakakaalam para himukin ang ibang tahakin din ang daan ng kamatayang marilag."

https://www.facebook.com/mamemepe

View Details

"Dahil kung walang kurap, walang mahirap. Ang pwede lang mamuno ay ang taong hindi mabibili ng pera."

https://www.facebook.com/mamemepe/

View Details

Dahil paano mo lalapatan ng salita ang WALA? Imposible.

https://www.facebook.com/mamemepe/

View Details

https://www.facebook.com/mamemepe

View Details

https://www.facebook.com/mamemepe/