Solid Joys Devotionals (Tagalog): Recent Episodes

Driven By The Gospel

Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.

View Details

Pagkamangha sa Katapusan ng Kasaysayan

At kayong mga pinahihirapan ay [bibigyan ng Diyos] ng kapahingahang kasama namin, sa pagkapahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel, na nasa nagliliyab na apoy, na magbibigay ng parusa sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus. Ang mga ito’y tatanggap ng kaparusahang walang hanggang pagkapuksa at palalayasin sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kanyang kalakasan, kapag dumating siya sa araw na iyon upang luwalhatiin sa kanyang mga banal, at kamanghaan ng lahat ng mga sumasampalataya, sapagkat ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan.” (2 Tesalonica 1:7-10, ABTAG2001)

Sa pagbabalik ni Jesus sa mundong ito, na ipinangako Niyang gagawin, ang mga di-naniwala sa ebanghelyo, sabi ni Pablo, ay “tatanggap ng kaparusahang walang hanggang pagkapuksa at palalayasin sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kanyang kalakasan.” Isa itong kakila-kilabot na tanawing dapat katakutan ng lahat ng mga di-mananampalatayang nakakarinig sa katotohanang ito.

At naku, dapat itong magpatino sa ating mga mananampalataya at punuin tayo ng kaseryosohan tungkol sa ano’ng nakataya sa mundong ito. Oh, dapat itong magdulot ng pagbangon ng malasakit sa ating puso para sa mga taong di naniniwala, o di man lang nakakaalam, ng ebanghelyo.

Ngunit upang magpatuloy tayo sa kabila ng lahat ng ating paghihirap, binibigyan tayo ni Pablo ng dalawang kamangha-manghang salita na nagbibigay-lakas ng loob at pag-asa. “At kayong mga pinahihirapan ay [bibigyan ng Diyos] ng kapahingahan.” Kung nakakaranas tayo ng matinding pagpapaigting ng paghihirap sa nalalapit na katapusan ng kasaysayan, ang salita ng Diyos ay nagsasabi: Kumapit nang mahigpit; paparating na ang ginhawa. Ang iyong mga paghihirap ay hindi mabibigyan ng huling salita. At pagsisisihan ng inyong mga tila makapangyarihang kalaban ang araw na pinakialaman nila ang pinili ng Panginoon.

Ngunit pagkatapos ay narito ang pinakamagandang salitang nagbibigay ng lakas ng loob at pag-asa. Hindi lamang tayo makakakuha ng ginhawa kapag dumating ang Panginoon, makakamit natin ang pinakadakilang karanasan na siyang dahilan kung bakit tayo nilikha: Makikita natin ang Kanyang kaluwalhatian, at mamamangha tayo sa paraang maluluwalhati Siya sa atin, at makikita ito ng buong mundo.

Talata 10: “Dumating siya sa araw na iyon upang luwalhatiin sa kanyang mga banal, at kamanghaan ng lahat ng mga sumasampalataya.” Nilikha tayo upang mamangha. Wala at walang sinuman ang mas kamangha-mangha kaysa kay Jesu-Cristong ipinako sa krus, nabuhay na mag-uli, at nagbabalik bilang Hari ng kaluwalhatian. Makakamit Niya ang tadhana ng Kanyang kaluwalhatian, at makakamit natin ang tadhana ng ating kagalakan habang sinisimulan natin ang perpekto, walang-sala’t walang katapusang pagkamangha sa pinakadakilang dapat kamanghaan.

Devotional excerpted from Desiring God, page 321

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/marveling-at-the-end-of-history

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Kagalakan sa Kapighatian

“Mapapalad kayo kapag kayo ay nilalait, inuusig, at pinagsasabihan ng sari-saring kasamaan na pawang kasinungalingan dahil sa akin. Magalak kayo at magsaya, sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit.” (Mateo 5:11-12, ABTAG 2001)

Sinasabi ng Cristianong Hedonismo na may iba’t ibang paraan upang magalak sa kapighatian bilang isang Cristiano. Lahat ng ito ay dapat gawin bilang pagpapahayag ng buong sapat at buong kasiya-siyang biyaya ng Diyos.

Isang paraan upang magalak sa kapighatian ay nagmumula sa pag-pokus ng ating isipan sa laki ng gantimpalang darating sa atin sa muling-pagkabuhay. Ang epekto ng ganitong uri ng pokus ay ito: Lumiliit ang ating kasalukuyang sakit kumpara sa paparating pa lamang: “Itinuturing ko na ang pagtitiis sa panahong kasalukuyan ay hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roma 8:18 cf. 2 Corinto 4:16–18). Habang tinitiis natin ang pagdurusa, nagagawa nating umibig dahil sa kagalakan natin sa ating matatanggap na gantimpala.

“Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti, magpahiram kayo na hindi umaasa ng kapalit. Malaki ang magiging gantimpala ninyo” (Lucas 6:35). Maging mapagbigay sa mga mahihirap “at pagpapalain ka, sapagkat wala silang maigaganti sa iyo. Gagantihan ka sa muling pagkabuhay ng mga matuwid” (Lucas 14:14). Pinuputol ng tiwala sa ipinangakong gantimpalang ito ang lubid ng pagiging makamundo at pinapalaya tayo para sa halaga ng pag-ibig.

Ang isa pang paraan upang magalak sa kapighatian ay nagmumula sa mga epekto ng pagdurusa sa ating katiyakan ng pag-asa. Ang kagalakan sa paghihirap ay nakaugat hindi lamang sa pag-asa ng muling pagkabuhay at gantimpala, kundi pati na rin sa paraan na ang mismong pagdurusa’y kumikilos upang palalimin ang pag-asang iyon.

Halimbawa, sinabi ni Pablo, “Nagagalak rin tayo sa ating mga kapighatian sa pagkaalam na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis, at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa” (Mga Taga Roma 5:3–4).

Sa madaling salita, ang kagalakan ni Pablo ay hindi lamang nakaugat sa kanyang malaking gantimpala, kundi sa epekto ng kapighatian na nagpapatatag sa pag-asa sa gantimpalang iyon. Ang paghihirap ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagdudulot ng pakiramdam na ang ating pananampalataya ay totoo at tunay, at pinapalakas nito ang ating pag-asa na matatamo nga natin si Cristo.

Kaya mag-pokus man tayo sa kayaman ng gantimpala o sa pagpapadalisay na epekto ng kapighatian, ang layunin ng Diyos sa kagalakan natin sa pagdurusa ay magpapatuloy.

Devotional excerpted from Desiring God, pages 283–284

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/rejoicing-in-pain

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang Gamit Para sa Mga Misyonero

“Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” (Marcos 10:27 MBBTAG)

Ang makapangyarihang biyaya ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga Christian Hedonist. Kung saan ang mga mananampalataya ay pinakaninanais nila ay maranasan ang makapangyarihang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa kaniya at pagtulong sa iba.

Ang mga Christian Hedonist ay gusto ang"hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin." (1 Corinto 15:10). Sila ay naniniwalang ang bunga ng kanilang ginagawa ay para sa kapurihan ng Diyos. ( 1 Corinto 3:7, Roma 11:36).

Nagiging masaya lang sila kapag sinabi ng Diyos na "Sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin" (Juan 15:5). Sila ay tumatalon tulad ng isang tupa sa katotohanan na ang Diyos ay kayang gawin ang lahat ng imposible. Sinabi nila ito nang walang hinanakit," Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming kakayahang gawin ito; subalit ang aming kakayahan ay kaloob ng Diyos." (2Corinto 3:5)

Noong sila ay umalis, wala nang makabibigay sa kanila ng tunay na kasiyahan kundi sabihin ito sa mga churches, "Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa." (Roma 15:18)

"Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.”-- itong salita ng Diyos ang tunay na nagbibigay pag-aasa at pagkukumbaba sa ating sarili. Ito ang lunas sa mga taong nawawalan ng pag-asa at gamot sa pagmamayabang --ito ang perpektong gamot sa ng isang Misyonero.

Devotional excerpted from Desiring God, pages 235–236

This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click:

https://www.desiringgod.org/articles/medicine-for-the-missionary

Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University.

She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang Pinakadakilang Kaligayahan ng Pag-Ibig

Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya. Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan. (Efeso 5:29-30 MBBTAG)

Huwag kaligtaan ang huling parilala : "tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan." At huwag kalimutan ang sinabi ni Pablo naunang dalawang verse, na nagsasabi na ibinigay ni Cristo ang kaniyang sarili para sa atin "Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon." Sa magkaibang paraan, ginawa ni Pablo na malinaw na si Cristo ay naghangad ng kasiyahan sa pamamagitan ng paghahangad ng kaluwalhatian , kabutihan at kasiyahan ng kaniyang mga tao.

Ang pag-iisa ni Cristo sa kaniyang bride ay napakalapit ("magiging isa") na kung ano mang mabubuting mangyayari sa kaniyang bride ay parang ginawa na rin ito para sa Kanya.. Ang nais bigyang kahulugan sa tekstong ito ay ang Panginoon ang gagawa upang pakainin, alagaan, gawing banal ang kaniyang bride dahil ito ang tunay na magbibigay sa kaniya ng kasiyahan.

Sa ibang depinasyon ito ay hindi pagmamahal. Ang pagmamahal ay hindi pumupukos sa sarili lamang-- lalong-lalo na kung ang mala-Cristong pagmamahal-- higit lalo pagmamahal na dulot ng Kalbaryo. Wala pa akong nakikitang ganitong pagmamahal na katulad ngmensahe sa kasulatan.

Ngunit ano ba ang ginawa ni Cristo para sa kaniyang bride na malinaw na ipinahayag sa tekstong ito: "Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya." (Efeso 5: 25). Bakit hindi hayaan natin ang verse na itona kahulugan ng pag-ibig para sa atin, sa halip na ang ating mga etika at polosopiya ang magbibigay ng kahulugan dito? Ayon sa teksto, ang pag-ibig ay ang paghangad ng kaligayahan ni Cristo sa kaligayahan ng kabanalan ng kaniyang minamahal.

Hindi maaaring ihiwalay ang sariling interes sa pag-ibig, dahil ang sariling interes hindi tuladng isang pagiging sakim. Ang pagkamakasarili ay hindi iniisip ang ibang tao kundi ang sariling kaligayahan lang niya.

Subalit ang mala-Cristong pagmamahal ay ang pagbibigay kasiyahan sa iba. Kahit na siya ay maghirap at mamatay para sa kaniyang mga minamahal upang makamit ang kabanalan nila ay gagawin niya.

Ganito tayo kamahal ni Cristo, at nais niyang ganito rin natin mahalin ang isa't isa.

Devotional excerpted from Desiring God, pages 206–207

This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click: https://www.desiringgod.org/articles/loves-greatest-happiness

Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University.

She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Mag-ingat sa Paglilikod sa Diyos

"Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto ay ang Panginoon ng langit at ng lupa, at hindi naninirahan sa mga templong ginawa ng tao. Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan." (Mga Gawa 17:24-25)

Hindi natin niluluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kailangan Niya, pero sa pananalangin ay Siya ang nagbibigay na kailangan natin at sa pagtitiwala sa Kanyang tugon, at namumuhay sa galak sa gayong pagaalaga, habang inilalaan natin ang ating buhay na mag pag-ibig para sa iba at sa pagtitiwala sa Kanyang tugon, at namumuhay sa galak sa gayong pagaalaga, habang inilalaan natin ang ating buhay na mag pag-ibig para sa iba.

Nandito tayo sa puso ng magandang balita ng Christian Hedonism. Nais ng Diyos na tayo'y lumalapit sa kaniya kung tayo ay nangangailangan ng tulong upang maluwalhati Siya. "Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin;kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin.”(Awit 50:15). Ang kagulat-gulat na katotohanan ay kailangan nating maging maingat sa pag-iisip na kailangan tayo ng Diyos. Kailangan nating mag-ingat sa paglilikod sa Diyos, at tayo ay maging maingat na hayaan Niya tayong pagsilbihan tayo, nang hindi natin nakawin ang kaluwalhatian na nararapat sa Kanya.

" Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan." (Mga gawa 17:25)

Ito katatawa sa pandinig. Halos lahat sa atin ay iniisip na ang paglilingkod sa Panginoon ay isang mabuting gawain. Pero hindi natin iniisip na ang paglilingkod sa kaniya ay nakaiinsulto sa kaniyang kakayahan. Ngunit ang pagbubulay sa tunay na kahulugan ng panalangin ay sinasabi ito ng payak.

Sa nobelang, Robinson Crusoe, ang paboritong mensahe ng bayani ay ang Awit 50:12-15 na nagbigay sa kaniya ng pag-asa noong siya ay na stranded sa isang isla. Sabi ng Diyos, "Kung ako ma'y nagugutom, hindi ko na sasabihin,yamang lahat sa daigdig na narito'y pawang akin. Ang karne ng mga toro, iyon ba'y aking pagkain? At ang inumin ko ba'y dugo ng mga kambing? Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat. Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin."

Ito ang kahulugan niyan; mayroon tayong ginagawa na nakaiinsulto o minamaliit ang kaniyang kapangyarihan bilang Diyos, na kailangan niya ang ating serbisyo. Oh gaano tayo dapat maingat na huwag nating binbinin ang dakilang biyaya ng Diyos ni Cristo. Sabi ni Hesus, "Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.” (Marcos 10:45) Ang layunin niya ay maging isang tagapaglingkod at mapunta sa kaniya ang kapurihan bilang isang tagapagbigay ng ating mga kailangan.

Devotional excerpted from Desiring God, page 168

This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click:

https://www.desiringgod.org/articles/beware-of-serving-god

Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University.

She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang Katarungan ay Makakamtan

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon."(Roma 12:19 MBBTAG)

Lahat tayo ay may nagawang mali maaaring hindi lang isang beses. Halos lahat din siguro sa atin ay nagawan ng kasalanan ng isang tao subalit kahit minsan ay hindi sila humingi ng kapatawaran o gagawing tama ang kanilang pagkamamali.

Isa sa mga nagiging hadlang para takasan at kalimutan ang sakit at kapaitan ay lubos mong pinanghahawakan-- makatuwirang pinaniniwalaan-- na ang katarungan ay kailangang makamtan, na ang moral fabric ng mundon sansinukob ay malulutas kung ang mga tao ay kinakalimutan lang ang mga masasamang ginawa nila at panlilinlang sa iba.

Ito ay isa sa mga hadlang upang magpatawad at alisin ang galit sa iyong puso. Ito ay hindi lang iisa. Mayroon tayong kasalanang kailangang harapin. Ngunit ito ang totoong kasalanan.

Minsan iniisip nating kung pababayaan natin ito, ang katarungan ay hindi natin makakamtan.

Kaya tayo ay kumikimkim ng galit, at paulit-ulit ang sinasabi ng may hinanakit: Dapat hindi ito nangyari; Hindi ito kailangang mangyari; mali ito; maling-mali ito. Paano siya nagiging masaya kung ako ay nagdudurusa? Ito ay mali. Ito ay hindi katanggap-tanggap. Hindi natin ito malilimutan. At ang galit natin ang lalason sa lahat ng bagay.

Ang sabi sa Roma 12:19 na ang Diyos ang aalis ng lahat ng ating pinapasan.

"huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos." Ano nga ba ang ibig sabihin nito sa inyo?

Alisin mo ang dala-dala mong galit, alisin mo ang mga bagay na magdudulot sa iyo ng sakit-- alisin mo, tanggalin mo-- ito ba ay nangangahulugang walang mali laban sa iyo, subalit mayroon.

Pero hindi ibig-sabihin na walang katarungan. Hindi ibig-sabihin na hindi ito maituwid. Hindi ibig-sabihin na makatatakas sila sa mga ginawa nilang mali. Hindi ito matakasan.

Nais kong ipunto ay kung tatanggalin mo na ang paghihinganti sa inyong mga puso, ang Diyos na ang bahala.

Hindi ito daan para maghiganti pero ito ang daan upang ibigay sa karapat-dapat na maghiganti. "Ako ang gaganti", sabi ng Panginoon. Ipaubaya mo sa kaniya. Siya na ang bahala at ang katarungan ay makakamtan.

Ito ay isang maluwalhating kaginhawaan. Hindi ko na kailangang dalhin ang lahat ng aking problema at pasakit. Ito ay tulad ng paghihingang maginhawa sa unang pagkatataon sa maraming dekadang lumipas. At sa wakas, malaya na ulit akong magmahal.

Devotional excerpted from “Do Not Avenge Yourselves, But Give Place to Wrath”

This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click:

https://www.desiringgod.org/articles/justice-will-be-done

Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University.

She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence

View Details

Ang Ating Kabutihan ay Kanyang Kaluwalhatian

Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. (Mateo 6:6, MBBTAG)

Isang karaniwang pagtutol sa Cristianong Hedonismo ay mas itinataas daw nito ang interes ng tao kaysa sa kaluwalhatian ng Diyos — mas itinataas nito ang kaligayahan ko kaysa sa karangalan ng Diyos. Ngunit mariin itong di ginagawa ng Cristianong Hedonismo.

Siguradong tayong mga Cristianong Hedonista ay nagsisikap sundin ang ating mga interes at kaligayahan nang buong lakas. Iniindorso natin ang pagpapasya ng batang Jonathan Edwards: “Pagpapasya: Pagsikapang makamit para sa aking sarili ang pinakamaraming kaligayahan sa kabilang mundo na puwede kong makamit, nang buong kapangyarihan, lakas, sigla, at lupit, oo dahas, na kaya ko, o kayang gawin ng aking kalooban, sa anumang paraan na maaaring isipin.”

Pero natutunan natin mula sa Biblia (at kay Edwards!) na ang interes ng Diyos ay palakihin ang Kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pagpapaapaw ng Kanyang habag sa atin — sa ating mga makasalanan, na lubhang nangangailangan sa Kanya.

Samakatuwid, ang paghahangad ng ating interes at kaligayahan, kahit na ito’y kapalit ng ating buhay, ay hindi kailanman higit sa interes ng Diyos at kaligayahan ng Diyos at kaluwalhatian ng Diyos, ngunit palaging nasa Diyos. Isa sa pinakamahalagang katotohanan sa Biblia ay ito: Ang pinakadakilang interes ng Diyos ay luwalhatiin ang kayamanan ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagpapaligaya ng mga kasalanan sa Kanya — sa Kanya!

Kapag nagpapakumbaba tayo na parang maliliit na bata at hindi nagmamayabang na kaya natin ang lahat, kundi masaya tayong tumatakbo sa kagalakan ng yakap ng ating Ama, nadadagdagan ang kaluwalhatian ng Kanyang biyaya at nasisiyahan ang pananabik ng ating kaluluwa. Ang ating interes at ang Kanyang kaluwalhatian ay nagiging isa.

Nang ipangako ni Jesus sa Mateo 6:6, “Ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala,” ito ang gantimpalang nais Niyang hanapin natin. Hindi Niya tayo inaakit ng kagalakang di natin dapat taglayin! Ngunit ang gantimpalang ito — ang kagalakang ito — ay ang pag-apaw ng pagtalikod sa papuri sa tao, at pagpasok sa ating silid upang hanapin ang Diyos.

Samakatuwid, ang mga Cristianong Hedonista’y hindi inuuna ang kanilang kaligayahan kaysa sa kaluwalhatian ng Diyos. Inilalagay nila ang kanilang kaligayahan sa Diyos mismo at natutuklasan ang maluwalhating katotohanan na ang Diyos ay lubos na naluluwalhati sa atin kapag tayo’y lubos na nasisiyahan sa Kanya.

Devotional excerpted from Desiring God, pages 159–160

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/ammunition-against-anxiety

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Sandata Laban sa Pagkabalisa

Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamo na may pagpapasalamat ay ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos. (Filipos 4:6, ABTAG2001)

​​Isa sa mga bagay na pinagpapasalamat natin kapag ipinapaalam natin sa Diyos ang ating mga kahilingan ay ang Kanyang mga pangako. Ito ang mga bala ng kanyon na pumupuksa sa di-pananampalataya na nagbubunga ng pag-aalala. Kaya ganito ako makipaglaban.

Kapag nababalisa ako tungkol sa aking ministeryo, na tila wala itong silbi o laman, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangako ng Isaiah 55:11. “Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko; hindi ito babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganapin ang ayon sa layunin ko, at magtatagumpay sa bagay na kung saan ay sinugo ko ito.”

Kapag nababalisa ako tungkol sa pagiging mahina ko upang gawin ang aking gawain, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangako ni Cristo, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan” (2 Corinto 12:9).

Kapag nababalisa ako tungkol sa mga desisyong kailangan kong gawin tungkol sa hinaharap, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong, “Aking ipapaalam at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita na ang aking mga mata ay nakatitig sa iyo” (Awit 32:8).

Kapag nababalisa akong harapin ang mga kalaban, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong, “Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?” (Roma 8:31).

Kapag nababalisa ako tungkol sa kapakanan ng mga mahal ko sa buhay, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong kung ako, na masama, ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa aking mga anak, “gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit ang magbigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya?” (Mateo 7:11).

At sinisikap kong mapanatili ang aking espirituwal na balanse gamit ang paalala na lahat ng nag-iwan ng bahay, o mga kapatid na lalaki, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga bukid, dahil kay Cristo, ay “makakatanggap ng isandaang ulit, ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, mga ina at mga anak, at mga bukid, na may mga pag-uusig; at sa darating na panahon ay walang hanggang buhay” (Marcos 10:29–30).

Kapag nababalisa ako sa pagkakasakit, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong, “Marami ang kapighatian ng matuwid; ngunit inililigtas siya ng Panginoon sa lahat ng mga iyon” (Awit 34:19).

At tinatanggap ko ang pangako nang may panginginig: “Ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis, at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin” (Roma 5:3–5).

Devotional excerpted from Future Grace, pages 60–61

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/ammunition-against-anxiety

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ibibigay ng Diyos ang Lahat ng Iyong Kailangan

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. (Filipos 4:19, MBBTAG)

Sinabi ni Pablo sa Filipos 4:6, “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.” At sa Filipos 4:19 (matapos lang ang 13 talata), nagbigay siya ng nagpapalayang pangako ng biyaya sa hinaharap: “At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.”

Kung mabubuhay tayong nananampalataya sa pangakong ito ng biyaya sa hinaharap, magiging napakahirap para sa anxiety, o pagkabalisa, na manatiling buhay. Ang “hindi mauubos na kayamanan” ng Diyos ay hindi masasaid. Seryoso Siya sa plano Niyang huwag tayong mag-alala tungkol sa ating kinabukasan.

Dapat nating tularan ang pattern na inilatag ni Pablo para sa atin. Dapat nating labanan ang kawalan ng paniniwala ng anxiety gamit ang mga pangako ng biyaya sa hinaharap.

Kapag ako’y nababalisa tungkol sa mga bagong pakikipagsapalaran o pagpupulong, regular kong nilalabanan ang kawalan ng paniniwala gamit ang isa sa mga pinakamadalas kong ginagamit na pangako, ang Isaiah 41:10.

Nung araw na umalis ako sa America para manirahan ng tatlong taon sa Germany, tumawag ng long-distance ang aking tatay at ibinigay sa akin ang pangakong ito sa telepono. Mahigit limang daang beses ko atang inulit-ulit ito sa loob ng tatlong taon para malagpasan ang mga panahon ng matinding stress. “Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.”

Napakaraming beses ko nang nilabanan ang anxiety gamit ang pangakong ito, na kapag naka naka-neutral ang makina ng aking isipan, ang tunog nito’y ang huni ng Isaiah 41:10.

Devotional excerpted from Future Grace, pages 59–60

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/god-will-supply-all-your-needs

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Mga Kaaway at Pananampalatayana Binigay ng Diyos

Pagsikapan ninyong mamuhay nang nararapat ayon sa Magandang Balita ni Cristo . . . Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway . . . Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo. (Filipos 1:27-29, MBBTAG)

Sinabi ni Pablo sa mga taga-Filipos na ang pamumuhay nang nararapat ayon sa ebanghelyo ni Cristo ay nangangahulugan ng kawalan ng takot sa harap ng mga kaaway. Pagkatapos ay ibinigay niya ang lohika ng kawalan ng takot na ito.

Ito ang lohika nito: Binigyan ka ng Diyos ng dalawang regalo, hindi lang isa — ang pananampalataya at pagtitiis. Iyan ang sinasabi sa talata 29: “Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo.” Ipinagkaloob sa iyo na manampalataya, at ipinagkaloob sa iyo na magtiis.

Ito ang ibig sabihin sa kontekstong ito: Ang iyong pananampalataya sa harap ng pagtitiis, at ang iyong pagtitiis, ay parehong kaloob ng Diyos. Nang sinabi ni Pablo na huwag silang matakot sa kanilang mga kaaway, may dalawang dahilan sa kanyang isipan kung bakit hindi nila kailangang matakot:

  1. Ang isang dahilan ay ang kaaway nila’y nasa kamay ng Diyos. Ang kanilang pagsalungat ay kaloob ng Diyos. Pinamamahalaan Niya ito. Yan ang unang punto ng talata 29.
  2. At ang isa pang dahilan para di matakot ay dahil ang kanilang kawalan ng takot, ibig sabihin, ang kanilang pananampalataya, ay nasa kamay din ng Diyos. Isa rin itong kaloob. Yan ang isa pang punto ng talata 29.

Kaya ang lohika ng kawalan ng takot sa harap ng paghihirap ay ang dobleng katotohanang ito: Ang iyong paghihirap at ang iyong pananampalataya sa harap ng paghihirap ay parehong regalo ng Diyos.

Bakit tinatawag itong pamumuhay na “nararapat ayon Magandang Balita ni Cristo”? Dahil ang ebanghelyo ang magandang balita na ang dugo ng covenant ni Cristo ay walang kamali-maling nakamit, para sa lahat ng Kanyang mga anak, ang dakilang gawain ng Diyos na bigyan tayo ng pananampalataya’t pamamahala sa ating mga kaaway — laging para sa ating walang-hanggang kabutihan. Yan ang tiniyak ng ebanghelyo. Kaya naman ang mamuhay sa ganoong paraan ay nagpapakita ng kapangyarihan at kabutihan ng ebanghelyo.

Samakatuwid, huwag kang matakot. Hindi maaaring gumawa ang iyong mga kalaban ng higit pa sa ipinagkaloob ng Diyos. At ipagkakaloob Niya ang lahat ng pananampalatayang kailangan mo. Ang mga pangakong ito ay binili ng dugo at tinatakan ng selyo ng Diyos. Ang mga ito ay mga pangako ng ebanghelyo.

Devotional excerpted from “The Logic of Fearlessness”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/god-given-foes-and-god-given-faith

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang Leon at ang Kordero

“Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapahayag ng katarungan sa mga bansa. Hindi siya makikipag-away o maninigaw, ni magtataas ng boses sa mga lansangan, hindi niya babaliin ang tambong marupok, hindi rin niya papatayin ang ilawang umaandap, hanggang katarunga'y hindi nagtatagumpay nang ganap; at ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak.” (Mateo 12:18-21, pagsipi mula sa Isaiah 42)

Ang mismong kaluluwa ng Ama ay nagagalak sa tila isang lingkod na may kaamuhan at kahabagan ng Kanyang Anak.

Kapag ang isang tambo’y nakabaluktot at malapit nang masira, magiliw itong hahawakan nang patayo ng Lingkod hanggang sa ito’y gumaling. Kapag ang mitsa’y aandap-andap at halos wala nang anumang natitirang init, hindi ito pinapatay ng Lingkod, kundi tinatakpan ng kanyang kamay at dahan-dahang hihipan hanggang ito’y muling magliyab.

Kaya pahayag ng Ama, “Narito ang aking Lingkod na kinaluluguran ng Aking kaluluwa!” Ang kahalagahan at kagandahan ng Anak ay di lamang nagmumula sa Kanyang kamahalan, ni sa kanyang kaamuan, kundi sa paraan ng pagsasama-sama ng mga ito sa perpektong proporsyon.

Nang sumigaw ang anghel sa Revelation 5:2, ​“Sino ang karapat-dapat na mag-alis sa mga selyo at magbukas sa balumbon?” ang bumalik na sagot ay, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon mula sa lipi ni Juda, ang anak ni David ay nagtagumpay at may karapatang mag-alis sa pitong selyo at magbukas sa kasulatang nakabalumbon” (Revelation 5:5).

Mahal ng Diyos ang lakas ng Leon ng Juda. Ito ang dahilan kung bakit karapat-dapat Siya sa mata ng Diyos para buksan ang mga balumbon ng kasaysayan at ilantad ang mga huling araw.

Ngunit hindi kumpleto ang larawan. Paano nagtagumpay ang Leon? Inilalarawan ng susunod na talata ang Kanyang anyo: “Nakita ko sa pagitan ng matatandang pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo na ang anyo ay tulad sa pinatay na” (Revelation 5:6). Karapat-dapat si Jesus sa kaluguran ng Ama hindi lamang bilang Leon ng Juda, kundi pati na rin bilang pinatay na Kordero.

Ito ang katangi-tanging kaluwalhatian ni Jesu-Cristo, ang nagkatawang-taong Anak ng Diyos — ang kamangha-manghang pagsasama-sama ng kamahalan at kaamuhan.

Devotional excerpted from The Pleasures of God, pages 29–30

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-lion-and-the-lamb

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang Mensahe ng Sangkalikasan

Sila’y nagmamarunong ngunit lumitaw na sila’y mga hangal. Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila’y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na lumalakad, at ng mga hayop na gumagapang. (Roma 1:22-23, MBBTAG)

Isang malaking kalokohan at trahedya kung mas mahal ng isang lalaki ang kanyang wedding ring kaysa sa kanyang mapapangasawa. Ngunit iyan ang sinasabing nangyari ng talatang ito.

Umibig ang mga tao sa alingawngaw ng kahusayan sa paglikha ng Diyos, at nawalan ito ng kakayahang marinig ang walang kapantay at orihinal na sigaw ng pag-ibig at kapangyarihan at kaluwalhatian.

Ang mensahe ng sangkalikasan ay ito:

May dakilang Diyos ng kaluwalhatian at kapangyarihan at kabutihang-loob sa likod ng lahat ng kahanga-hangang sandaigdig na ito; pag-aari ka Niya dahil Siya ang lumikha sa iyo. Siya ay matiyaga sa iyo; sinusuportahan Niya ang iyong buhay kahit ikaw ay rebelde sa Diyos. Bumaling at umasa at malugod sa Kanya, hindi lamang sa Kanyang mga nilikha.

Ayon sa Awit 19:1–2, sa araw ay walang humpay ang “pahayag” sa mensaheng iyon sa lahat ng makikinig dito–nagsasalita ito nang may nakabubulag na liwanag ng araw at asul na langit at mga ulap at di-mabilang na mga hugis at kulay at magagandang disenyo ng lahat ng bagay na nakikita. Sa gabi rin ay walang humpay ang “kaalaman” sa parehong mensahe sa lahat ng makikinig dito–nagsasalita ito nang may malalim na kadiliman at mga buwan ng tag-araw at di-mabilang na mga bituin at mga kakaibang tunog at malamig na simoy ng hangin at mga ilaw sa hilaga.

Isang bagay ang sinasabi ng araw at gabi: Ang Diyos ay maluwalhati! Ang Diyos ay maluwalhati! Ang Diyos ay maluwalhati! Tumalikod sa sangkalikasan bilang iyong pinakamataas na kasiyahan, at malugod ang sarili sa Panginoon ng kaluwalhatian.

Devotional excerpted from The Pleasures of God, pages 85–86

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-message-of-creation

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Pagbibigay-Puri sa Panginoon

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya. (Awit 103:1, ABTAG2001)

Ang awit ay nagsisimula at nagtatapos sa pangangaral ng salmista sa kanyang kaluluwa na papurihan ang Panginoon — “Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa!” — at pangangaral sa mga anghel at sa mga hukbo ng langit at sa mga gawa ng mga kamay ng Diyos na dapat din nilang gawin ito.

O purihin n’yo si Yahweh, kayong mga anghel ng Diyos, kayong mga nakikinig at sa kanya’y sumusunod!

Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan, kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman.

O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang, sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal;

O aking kaluluwa, si Yahweh ay papurihan!(Awit 103:20–22)

Ang awit ay lubos na nakatutok sa pagpupuri sa Panginoon. Ano ang ibig sabihin ng pagbibigay-puri sa Panginoon?

Nangangahulugan ito ng pagbigkas nang mabuti tungkol sa Kanyang kadakilaan at kabutihan — na nagmumula sa kaibuturan ng iyong kaluluwa.

Ang ginagawa ni David sa una at huling talata ng awit na ito, nang sabihin niyang, “Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa!” ay sabihin na dapat nagmumula sa kaluluwa ang tunay na pagbigkas tungkol sa kabutihan at kadakilaan ng Diyos.

Ang pagpupuri sa Diyos ng bibig pero walang kaluluwa ay pagiging hipokrito. Sinabi ni Jesus, “Iginagalang ako ng bayang ito sa kanilang mga labi, ngunit ang kanilang puso ay malayo sa akin” (Mateo 15:8). Alam ni David ang panganib na ito, at nangangaral siya sa kanyang sarili. Sinasabi niya sa kanyang kaluluwa na huwag hayaang mangyari ito.

“Halika, kaluluwa ko, tingnan mo ang kadakilaan at kabutihan ng Diyos. Sumama sa aking bibig, at purihin natin ang Panginoon ng ating buong pagkatao. Aking kaluluwa, hindi tayo magiging mapagkunwari!"

Devotional excerpted from “Bless the Lord, O My Soul”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/what-it-means-to-bless-the-lord

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Maawa Ka sa Akin, O Diyos

Maawa ka sa akin, O Diyos, ayon sa iyong tapat na pag-ibig; ayon sa iyong saganang kaawaan ay pawiin mo ang aking mga paglabag. (Awit 51:1, ABTAG2001)

Tatlong beses: “Maawa ka,” “ayon sa iyong tapat na pag-ibig,” at “ayon sa iyong saganang kaawaan.”

Ito ang ipinangako ng Diyos sa Exodo 34:6–7:

“Ang Panginoon, ang Panginoon, isang Diyos na puspos ng kahabagan at mapagpala, hindi magagalitin, at sagana sa wagas na pag-ibig at katapatan, na nag-iingat ng wagas na pag-ibig para sa libu-libo, nagpapatawad ng kasamaan, ng pagsuway, at ng kasalanan, ngunit sa anumang paraan ay hindi ituturing na walang sala ang may sala.”

Alam ni David na may mga may kasalanang di patatawarin. At may mga nagkasala na sa pamamagitan ng mahiwagang gawain ng pagtubos ay di mabibilang sa mga makasalanan, kundi patatawarin. Ang Awit 51 ang kanyang paraan ng pag-unawa sa misteryo ng awa na ito.

“Maawa ka sa akin, O Diyos, ayon sa iyong tapat na pag-ibig; ayon sa iyong saganang kaawaan ay pawiin mo ang aking mga paglabag.” Mas marami tayong alam sa misteryo ng pagtubos na ito kaysa kay David. Kilala natin si Cristo. Ngunit pinanghahawakan natin ang awang ito sa parehong paraan ng pag-unawa niya.

Ang pagpapasyang ginagawa niya ay bumaling, nang walang ibang magagawa, sa awa at pagmamahal ng Diyos. Ngayon ang ibig sabihin niyan ay pagbaling, nang walang ibang magagawa, kay Cristo, na ang dugo’y sinisigurado ang lahat ng awa na kailangan natin.

Devotional excerpted from “A Broken and Contrite Heart God Will Not Despise”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/have-mercy-on-me-o-god

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Kung Bakit May Katawan Ka

Sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos. (1 Corinto 6:20, MBBTAG)

Hindi basta-basta lang nilikha ng Diyos ang pisikal-materyal na sansinukob. May layunin Siya, at ito’y upang dagdagan ang mga paraan kung paano ilalabas at ipapakita ang Kanyang kaluwalhatian. “Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!” (Awit 19:1).

Ang ating katawan ay pasok sa parehong kategorya ng mga pisikal na bagay na nilikha ng Diyos para sa dahilang ito. Hindi Siya aatras sa Kanyang plano na luwalhatiin ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng mga tao at katawan ng tao.

Bakit nagpapakahirap ang Diyos na dumihan ang Kanyang mga kamay para sa ating nabubulok na laman na puno ng bahid ng kasalanan, para gawin itong katawang muling mabubuhay at bihisan ito ng kaluwalhatian at kawalang-kamatayan? Sagot: Dahil binayaran ng Kanyang Anak ang presyo ng kamatayan upang matupad ang layunin ng Ama para sa materyal na sansinukob–na Siya’y luwalhatiin nito, pati sa ating mga katawan, magpakailanman.

Iyan ang sinasabi ng teksto: “Binili na kayo sa isang halaga [ang kamatayan ng Kanyang Anak]. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.” Hindi ipagwawalang-bahala o ikahihiya ng Diyos ang ginawa ng Kanyang Anak. Igagalang ng Diyos ang gawain ng Kanyang Anak sa pamamagitan ng pagbibigay muli ng buhay sa ating mga katawan, at gagamitin natin ang ating mga ito upang luwalhatiin Siya magpakailanman.

Ito ang dahilan kung bakit may katawan ka ngayon. At ito ang dahilan kung bakit ito’y bubuhaying muli upang maging katulad ng maluwalhating katawan ni Cristo.

Devotional excerpted from Future Grace, page 373

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/why-you-have-a-body

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Kung Hindi Mo Lalabanan ang Pagnanasa

Talikuran na ninyo ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili. (1 Pedro 2:11, MBBTAG)

Nang hinarap ko ang isang lalaki tungkol sa kanyang pangangalunya, sinikap kong unawain ang kanyang sitwasyon, at nakiusap ako sa kanya na bumalik sa kanyang asawa. Pagkatapos ay sinabi ko, “Alam mo, sinasabi ni Jesus na kung hindi mo lalabanan ang kasalanang ito nang may kaseryosohan na handang dukutin ang iyong sariling mata, mapupunta ka sa impiyerno at magdurusa doon magpakailanman.”

Bilang isang nagpapahayag na siya’y Cristiano, tumitig siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala, na para bang hindi pa niya narinig ito sa kanyang buong buhay. Sinabi niya, “Ang ibig mo bang sabihin, sa tingin mo’y puwedeng mawala ang kaligtasan ng isang tao?"

Kaya naman, paulit-ulit kong natutunan mula sa sariling karanasan na marami sa nagsasabing sila’y Cristiano ay may pananaw sa kaligtasan bilang hiwalay sa tunay na buhay. Pinapawalang-bisa nito ang mga banta ng Biblia, at inilalagay ang taong nagkakasala na nagsasabing siya’y Cristiano sa lugar na di-maabot ng mga babala ng Biblia. Naniniwala ako na ang pananaw na ito tungkol sa buhay Cristiano ay nagbibigay-ginhawa sa libu-libong nasa malapad na daang papunta sa kapahamakan (Mateo 7:13).

Sabi ni Jesus, kung hindi mo lalabanan ang pagnanasa, hindi ka pupunta sa langit. “Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno” (Mateo 5:29). Ang punto’y hindi na ang mga tunay na Cristiano’y laging nagtatagumpay sa bawat laban. Ang isyu ay nagpapasya tayong lumaban, hindi na nagtatagumpay tayo nang walang kamali-mali. Hindi tayo naghahanap ng kapayapaan sa kasalanan. Nakikipagdigma tayo rito.

Mas malaki ang nakataya kaysa kung ang mundo’y pinasabog ng isang libong long-range missiles, o binobomba ng mga terorista ang inyong lungsod, o tinutunaw ng global warming ang mga ice cap, o kumakalat ang AIDS sa mga bansa. Ang lahat ng mga kalamidad na ito’y kayang patayin ang katawan lamang. Pero kung hindi natin lalabanan ang pagnanasa, mawawala ang ating kaluluwa. Magpakailanman.

Sinasabi ni Pedro na ang mga pagnanasa ng laman ay nakikidigma sa ating mga kaluluwa (1 Pedro 2:11). Ang mga nakataya sa digmaang ito’y mas walang-hanggan ang laki kumpara sa anumang banta ng digmaang pandaigdig o terorismo. Inilista ni apostol Pablo ang “pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang pagnanasa, at kasakiman” pagkatapos ay sinabi na “dahil sa mga bagay na ito ay dumarating ang poot ng Diyos” (Colosas 3:5–6, ABTAG2001). At ang poot ng Diyos ay di-masusukat na mas nakakatakot kaysa sa poot ng lahat ng pinagsama-samang bansa sa mundo.

Nawa’y bigyan tayo ng Diyos ng biyaya na seryosohin ang ating kaluluwa at ang mga kaluluwa ng iba at patuloy na makipaglaban.

Devotional excerpted from Future Grace, page 331

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/if-you-dont-fight-lust

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Biyaya para sa Bawat Pangangailangan

Bigyang pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod. (Salmo 86:16, ASND)

Biyaya sa hinaharap ang patuloy na sinusumamo ng mga nagdadasal na salmista. Paulit-ulit nila itong ipinagdarasal upang matugunan ang bawat pangangailangan nila. Binibigyan nila tayo ng magandang modelo ng pang-araw-araw na pag-asa sa biyaya sa hinaharap para sa bawat pangangailangan.

  • Nagsusumamo sila ng biyaya kapag sila’y nangangailangan ng tulong: “Panginoon, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, Panginoon!” (Awit 30:10).

  • Kapag sila’y nanghihina: “Bigyang pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod” (Awit 86:16).

  • Kapag sila’y nangangailangan ng kagalingan: “Maawa po kayo sa akin at akoʼy pagalingin, dahil akoʼy nanghihina na” (Awit 6:2).

  • Kapag sila’y nagdurusa dahil sa mga kaaway: “O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway!” (Awit 9:13, MBBTAG).

  • Kapag sila’y nalulumbay: “Dinggin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap” (Awit 25:16).

  • Kapag sila’y nagdadalamhati: “O Yahweh, sana'y iyong kahabagan, sapagkat ako ay nasa kaguluhan; namamaga na ang mata dahil sa pagluha” (Awit 31:9, MBBTAG).

  • Kapag sila’y nagkasala: “Tunay akong nagkasala, iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!” (Awit 41:4, MBBTAG).

  • Kapag sila’y nananabik na maitaas ang ngalan ng Diyos sa mga bansa: “O Dios, kaawaan nʼyo kami at pagpalain . . . upang malaman ng lahat ng bansa ang inyong mga pamamaraan at pagliligtas” (Mga Awit 67:1–2).

Hindi maitatanggi na ang panalangin ay ang dakilang ugnayan ng pananampalataya sa pagitan ng kaluluwa ng banal at ng pangako ng biyaya sa hinaharap. Kung nilayon ng Diyos na bigyang-lakas ng panalangin ang ministeryo, nilalayon Niyang ipagpatuloy ito ng pananampalataya sa biyaya sa hinaharap.

Devotional excerpted from Future Grace, page 296

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/grace-for-every-need

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ano’ng Nag-uudyok sa Iyo para Maglingkod?

Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan. (Galacia 6:8, MBBTAG)

Ang pananampalataya’y may di-maampat na pagnanais na maranasan ang lahat ng puwedeng danasing biyaya ng Diyos. Kaya ang pananampalataya’y patuloy na tumutungo sa ilog kung saan pinakamalayang dumadaloy ang biyaya ng Diyos, ang ilog ng pag-ibig.

Ano pang ibang puwersa ang mag-uudyok sa atin na lumabas sa ating mga silid ng katiwasayan para pasanin ang mga abala’t pagdurusa na kailangan ng pag-ibig?

Ano’ng magtutulak sa atin . . .

  • para batiin ang mga di-kakilala kapag nahihiya tayo?
  • para lapitan ang kaaway at makipagkasundo kapag nagagalit tayo?
  • para magbigay ng ikapu kahit hindi pa natin ito nasubukan dati?
  • para kausapin ang ating mga kasamahan tungkol kay Cristo kapag tayo’y mahiyain?
  • para anyayahan ang mga bagong kapitbahay sa Bible study?
  • para tawirin ang mga kultura gamit ang ebanghelyo?
  • para lumikha ng isang bagong ministeryo para sa mga nalululong sa alak?
  • para magdamag na magmaneho ng van?
  • para mag-invest ng isang umaga na nagdarasal para sa renewal?

Wala sa mga mamahaling gawain ng pag-ibig na ito ang nangyayari lamang. Hinihimok sila ng isang bagong pagnanais — ang pagnanais ng pananampalataya para sa kabuuang karanasan ng biyaya ng Diyos. Mas ninanais natin ito kaysa sa ating mga pribado’t walang istorbong seguridad at kaginhawaan.

Ang pananampalataya’y mahilig umasa sa Diyos at makita Siyang gumagawa ng mga himala sa atin. Kaya naman tinutulak tayo nito sa ilog kung saan pinakamalaya ang pagdaloy ng kapangyarihan ng biyaya sa hinaharap ng Diyos — ang ilog ng pag-ibig.

Sa palagay ko, ito ang ibig sabihin ni Pablo nang sabihin niyang dapat tayong magtanim para sa Espiritu (Galacia 6:8). Sa pamamagitan ng pananampalataya, dapat nating ilagay ang mga binhi ng ating lakas sa mga tudling kung saan alam natin na kumikilos ang Espiritu upang mamunga — ang mga tudling ng pag-ibig.

Devotional excerpted from Future Grace, pages 283–284

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/what-moves-you-to-minister

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Paano Napagtagumpayan ni Cristo ang Kapaitan

Nang siya’y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. (1 Pedro 2:23, MBBTAG)

Walang sinuman ang nakaranas ng mas mabigat na pagkakasala laban sa kanya kaysa kay Jesus. Bawat katiting na galit sa Kanya ay hindi talaga nararapat.

Walang sinuman ang nabuhay na mas karapat-dapat sa karangalan kaysa kay Jesus; at wala nang mas nakaranas ng mas matinding paninirang-puri kaysa sa Kanya.

Kung meron mang may karapatang magalit at maging bitter at mapaghiganti, si Jesus na ’yun. Paano Niya napigilan ang Kanyang sarili nang dinuraan Siya sa mukha ng mga tampalasang ang mga buhay mismo’y Kanyang hawak? Ibinibigay ng 1 Pedro 2:23 ang sagot: “Nang siya’y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol.”

Ito ang ibig sabihin ng talatang ito: Nananampalataya si Jesus sa hinaharap na biyaya ng makatarungang paghatol ng Diyos. Hindi Niya kailangang ipaghiganti ang sarili sa lahat ng insultong Kanyang pinagdusahan, dahil ipinagkatiwala Niya ang Kanyang kapakanan sa Diyos. Iniwan Niya ang paghihiganti sa mga kamay ng Diyos at ipinagdasal ang Kanyang mga kaaway: “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).

Pinasulyap tayo ni Pedro sa pananampalataya ni Jesus upang tayo mismo’y matuto kung paano mamuhay sa ganitong paraan. Sinabi niya, “Sapagkat ukol dito kayo’y tinawag [upang matiyagang pagtiisan ang malupit na pagtrato], sapagkat si Cristo man ay nagdusa alang-alang sa inyo, na kayo’y iniwanan ng halimbawa, upang sumunod kayo sa kanyang mga yapak” (1 Pedro 2:21).

Kung napagtagumpayan ni Cristo ang kapaitan at paghihiganti sa pamamagitan ng pananampalataya sa ipinangakong gagawin ng Diyos, ang mabuting Hukom, paano pa kaya tayo, na mas hindi karapat-dapat na magmaktol dahil sa nararanasang pagmamalupit kaysa sa Kanya?

Devotional excerpted from Future Grace, page 267

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/how-christ-conquered-bitterness

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang Makapangyarihang Ugat ng Praktikal na Pag-ibig

Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. (1 John 3:14)

Kaya naman, pag-ibig ang patunay na tayo’y ipinanganak muli — na tayo’y mga Cristiano, na tayo’y ligtas.

Minsan, ginagawa ng Biblia ang ating kabanalan at pag-ibig sa tao bilang kondisyon ng ating huling kaligtasan. Sa madaling salita, kung hindi tayo banal at hindi tayo mapagmahal, hindi tayo maliligtas sa araw ng paghuhukom (hal., Hebreo 12:14; Galacia 5:21; 1 Corinto 6:10). Hindi ibig sabihin nito’y mga gawa ng pag-ibig ang paraan upang maging tama tayo sa Diyos. Hindi, paulit-ulit na nilinaw ng Biblia, tulad ng sinasabi sa Efeso 2:8–9, na “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang maipagmamalaki ang sinuman.” Hindi, kapag sinasabi ng Biblia na tayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ngunit kailangan nating mahalin ang tao upang sa wakas ay maligtas, nangangahulugan ito na ang pananampalataya natin sa mga pangako ng Diyos ay kailangang maging tunay na tunay, kaya ang pag-ibig na ipinapakita nito’y nagpapatunay sa katotohanan ng pananampalataya.

Kaya naman, ang pag-ibig sa iba ay isang kondisyon ng biyaya sa hinaharap, dahil pinagtitibay nito na ang pangunahing kondisyon, ang pananampalataya, ay tunay. Puwede nating tawagin ang pag-ibig sa iba bilang pangalawang kondisyon, na nagpapatunay sa pagiging tunay ng pangunahin at mahalagang kondisyon ng pananampalataya, na siyang tanging nagbubuklod sa atin kay Cristo, at tumatanggap ng Kanyang kapangyarihan.

Nakikita ng pananampalataya ang kaluwalhatian ng Diyos sa mga pangako ng biyaya sa hinaharap, at tinatanggap nito ang lahat ng ipinahahayag ng mga pangako sa kung ano ang Diyos para sa atin kay Jesus. Ang espirituwal na paningin na iyon sa kaluwalhatian ng Diyos, at ang ating kaluguran dito, ay katibayan na nagpapatunay sa sarili, na tinawag tayo ng Diyos upang maging benepisyaryo ng Kanyang biyaya. Pinapalaya tayo ng katibayang ito na umasa sa pangako ng Diyos bilang para sa atin. At ang pag-asa sa pangako ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan na magmahal. Na nagpapatunay naman na totoo ang ating pananampalataya.

Ang mundo ay desperado para sa isang pananampalatayang pinagsasama ang dalawang bagay: ang kamangha-manghang pagtingin sa di-natitinag at banal na Katotohanan, at ang praktikal at araw-at-gabing kapangyarihan upang gumawa ng isang nagpapalayang kaibahan sa buhay. Yan din ang gusto ko. Kay naman ako’y isang Cristiano.

May dakilang Diyos ng biyaya na pinapalaki ang Kanyang walang-hanggang kagandahan at kasapatan sa pamamagitan ng pagtupad sa mga pangako sa mga walang kakayahan na taong nagtitiwala sa kanya. At may kapangyarihang nagmumula sa pagpapahalaga sa Diyos na ito, na walang iniiwang sulok o kanto ng buhay na hindi naapektuhan. Binibigyan tayo nito ng kapangyarihang magmahal sa mga pinakapraktikal na paraan.

Devotional excerpted from Future Grace, pages 257-259

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-powerful-root-of-practical-love

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota.

View Details

Paano Tayo Dapat Makipaglaban para sa Kabanalan

Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. (Hebreo 12:14)

May praktikal na kabanalan na kung wala nito’y hindi natin makikita ang Panginoon. Marami ang nabubuhay na parang hindi ito totoo.

May mga nagsasabing sila’y Cristiano pero namumuhay nang walang kabanalan, kaya naman maririnig nila ang kakila-kilabot na mga salita ni Jesus, “Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan” (Mateo 7:23). Sinabi ni Paul sa mga nagsasabing mananampalataya sila, “Mamamatay kayo kung namumuhay kayo ayon sa katawang makalaman” (Roma 8:13).

Kaya naman, may isang kabanalan na kung wala nito’y walang makakakita sa Panginoon. At lubhang mahalaga na matutong ipaglaban ang kabanalang ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa hinaharap na biyaya.

May isa pang paraan nang paghabol sa kabanalan na nagba-backfire at humahantong sa kamatayan. Binabalaan tayo ni Paul laban sa paglilingkod sa Diyos sa ibang paraan maliban sa pananampalataya sa Kanyang nagpapakilos na biyaya. Ang Diyos ay hindi “nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan” (Mga Gawa 17:25). Sa mismong kilos na iyon, anumang pagsisikap na maglingkod sa Diyos na hindi umaasa sa Kanya bilang gantimpala ng ating puso at ang kapangyarihan ng ating paglilingkod, ay ipinapahiya Siya bilang isang diyos-diyosan ng mga pagano.

Inilalarawan ni Peter ang alternatibo sa ganitong paglilingkod sa Diyos na umaasa sa sariling kakayahan, “Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo” (1 Pedro 4:11). At sinabi ni Paul, “Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo . . . sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa” (Roma 15:18; tingnan din sa 1 Corinto 15:10).

Sa bawat sandali, dumarating ang biyaya upang tulungan tayong gawin ang “bawat mabuting gawain” na itinalaga ng Diyos para sa atin. “Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa” (2 Corinto 9:8).

Ang pakikipaglaban para sa mabubuting gawain ay isang pakikipaglaban para maniwala sa mga pangako ng hinaharap na biyaya.

Devotional excerpted from Future Grace, page 219

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/how-we-must-fight-for-holiness

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang Disenyo ng Diyos sa mga Detour

At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. (Colosas 3:17)

Naisip mo na ba kung ano’ng ginagawa ng Diyos habang naghahanap ka sa maling lugar ng isang bagay na nawala mo’t kailangang-kailangan na? Alam Niya eksakto kung nasaan ito, pero hinahayaan ka Niyang maghanap sa maling lugar.

Minsan ay kinailangan ko ang isang quote para sa bagong edisyon ng libro kong Desiring God. Alam kong nabasa ko na ito kay Richard Wurmbrand. Akala ko’y nasa devotional book niya itong Reaching Toward the Heights. Halos nakikita ko na ito sa mga pahina ng aklat. Pero hindi ko ito mahanap-hanap.

Pero habang naghahanap ako, napako ang atensyon ko sa devotional niya para sa November 30. Habang binabasa ko ito, sinabi ko, “Ito ang dahilan kung bakit hinayaan ako ng Panginoon na patuloy maghanap ng aking quote sa ‘maling lugar.’” Narito ang isang kuwento na perpektong inilalarawan na walang nasasayang sa mga ginagawa natin para sa ngalan ni Jesus — wala, kahit pa ang paghahanap ng sipi mula sa maling lugar. Ito ang nabasa ko:

Sa isang tahanan para sa mga batang may kapansanan, dalawampung taong inalagaan si Catherine. [May kapansanan sa pag-iisip] ang bata mula pa sa simula, at hindi kailanman nakapagsalita, kundi parang lantang gulay lang. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga pader o kumikilos nang pabaluktot. Ang pagkain, pag-inom, pagtulog, ito ang buong buhay niya. Parang wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Kailangang putulin ang isa niyang binti. Nais ng mga bantay na mapabuti si Cathy at umasa silang kunin na siya ng Panginoon para makapiling Niya.Isang araw, tinawagan ng doktor ang director para pumunta agad sa tahanan. Malapit nang mamatay si Catherine. Pagpasok nilang dalawa sa kwarto, hindi sila makapaniwala sa nakita. Umaawit si Catherine ng mga Cristianong himno na kanyang narinig at napulot, ang mga angkop lang para sa mga mamamatay na. Paulit-ulit niyang inawit ang German na kantang, “Saan matatagpuan ng kaluluwa ang kanyang amang-bayan, ang kanyang pahinga?” Umawit siya nang kalahating oras na may bagong anyo ang mukha, at pagkatapos ay tahimik siyang pumanaw. (Mula sa The Best Is Still to Come, Wuppertal: Sonne und Shild)

May bagay bang nasasayang na ginawa para sa ngalan ni Cristo?

Hindi nasayang ang bigo at walang-saysay na paghahanap ko sa akala kong aking kailangan. Ang pag-awit sa batang ito na may kapansanan ay hindi nasayang. At ang iyong paghihirap, ang wala sa planong detour ay hindi walang-saysay – kung hahanapin mo ang Panginoon para sa Kanyang di-inaasahang gawain, at gagawin ang lahat sa Kanyang pangalan (Colosas 3:17).

Devotional excerpted from “Is It a Detour If You Find Gold?”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/gods-design-in-detours

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang Liwanag Lampas sa Liwanag

“Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa.” (Colosas 3:1-2, MBBTAG)

Si Jesus ay nagbibigay ng ginhawa. Kaya ituon ang iyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit. Ngayong tag-araw, huwag palitan si Cristo ng maliliit na bagay. Ang pagtakas mula kay Cristo at pagtungo sa walang Cristong paglilibang ay ginagawang tigang ang kaluluwa.

Sa una, parang kalayaan at kasiyahan ang magtipid sa panalangin at pabayaan ang pagbabasa ng Biblia. Ngunit pagkatapos ay pinagbabayaran natin ito: kababawan, kawalan ng kapangyarihan, kahinaan sa kasalanan, kaabalahan sa maliliit na bagay, mabababaw na relasyon, at nakakatakot na kawalan ng interes sa pagsamba at sa mga bagay ng Espiritu.

Huwag hayaan malanta ang iyong kaluluwa sa pagdating ng tag-araw. Ginawa ng Diyos ang tag-araw bilang isang paunang lasa ng langit, hindi kapalit nito.

Kung naghatid ang kartero ng isang liham ng pag-ibig mula sa iyong kasintahan, huwag kang ma-in love sa kartero. Huwag ibigin ang video preview at madiskubreng hindi mo kayang mahalin ang paparating na realidad.

Si Jesu-Cristo ang nakakaginhawang sentro ng tag-araw. Siya ay nangunguna sa lahat ng bagay (Colosas 1:18), kabilang ang mga bakasyon at piknik at volleyball at pamamasyal at ihaw-ihaw. Inaanyayahan Niya tayo ngayong tag-araw, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan” (Mateo 11:28).

Gusto ba natin ito? ’Yan ang tanong. Ibinibigay ni Kristo ang Kanyang sarili sa atin depende kung gaano natin gusto ang Kanyang kaginhawahan. “Kapag hinanap ninyo ako, ako’y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin” (Jeremiah 29:13).

Ito ang sinasabi ni Pedro sa atin tungkol dito: “Kaya nga magsisi kayo at magbalik-loob upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang ang mga panahon ng kaginhawahan ay dumating mula sa harapan ng Panginoon” (Mga Gawa 3:19–20, ABTAG2001). Ang pagsisisi ay hindi lang pagtalikod sa kasalanan, kundi paglapit sa Panginoon na may bukas at umaasa at masunuring puso.

Anong uri ng kaisipan sa tag-araw ito? Ito ang kaisipan ng Colosas 3:1–2, “Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa.”

Ito ang lupain ng Diyos! Ito ay isang video preview sa realidad ng kung ano ang magiging walang-hanggang tag-init kapag “ang lunsod ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang magbigay-liwanag sa kanya, sapagkat ang liwanag niya ay ang kaluwalhatian ng Diyos, at ang ilaw doon ay ang Kordero” (Pahayag 21:23).

Tumuturo lang ang araw ng tag-init sa magiging araw sa huli: ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang tag-araw ay para makita at maipakita ’yan. Gusto mo bang magkaroon ng mga mata para makita ito? Panginoon, hayaan Ninyong makita namin ang liwanag lampas sa liwanag.

Devotional excerpted from “Summer Mindset”

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Pumunta sa Piging

Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh. (Mga Awit 34:8, MBBTAG)

Sa mga nagsasabing hindi pa ninyo natitikman ang kaluwalhatian ng Diyos, sinasabi ko, natikman na ninyo ang marami sa appetizers nito.

Tumingala ka na ba ng langit? Nayakap ka na ba? Naranasan mo na bang umupo sa harap ng mainit-init na apoy? Nakapaglakad ka na ba sa kakahuyan, naupo sa tabi ng lawa, humiga sa duyan sa tag-araw? Naranasan mo na bang uminom ng iyong paborito inumin isang mainit na araw o kumain ng kahit anong masarap na pagkain?

Ang bawat pagnanais ay puwedeng isang tapat o baluktot na pang-aakit sa kaluwalhatian ng langit.

Sabi mo, hindi mo pa natitikman ang kaluwalhatian ng Diyos. Sabi ko, natikman mo na ang appetizers nito. Magpatuloy ka sa pagkain. Mapupunta ka mismo sa Diyos.

Nakita mo ang mga anino; tingnan ang diwa nito. Nakalakad ka sa mainit-init na sinag ng araw; tumingala at tingnan mismo ang araw — oo, sa pamamagitan ng nanananggalang at matalim na lente ng ebanghelyo. Narinig mo ang mga alingawngaw ng kaluwalhatian ng Diyos sa lahat ng dako; itono ang iyong puso sa orihinal na musika.

Ang pinakamagandang lugar para matono ang iyong puso ay sa krus ni Jesu-Cristo. “Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama” (Juan 1:14).

Kung nais mo ang pinakapurong display ng kaluwalhatian ng Diyos, tingnan si Jesus sa mga Ebanghelyo, at lalo na sa krus. Ipo-focus nito ang iyong mga mata at itotono ang iyong puso at gigisingin ang iyong panlasa para makita mo at marinig at matikman ang kaluwalhatian ng tunay na Diyos kahit saan.

Ito ang dahilan ng pagkakalikha sa ’yo. Nakikiusap ako: Huwag mong itapon ang iyong buhay sa mga anino. Nilikha ka ng Diyos para makita at matikman ang Kanyang kaluwalhatian. Gawin mo ito nang buong puso at higit sa anuman. Natikman mo na ang appetizers. Ngayon ay pumunta ka na sa mismong piging.

Devotional excerpted from “God’s Ultimate Purpose: Vessels of Mercy Knowing the Riches of His Glory”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/go-on-to-the-meal

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Isang Motibong Mapanganib

“Sino ang nakapagbigay ng anuman sa [Diyos] na dapat niyang bayaran?” Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! (Roma 11:35-36, MBBTAG)

Pagdating sa pagsunod, ang pasasalamat ay isang motibong mapanganib. Madalas itong itakda ng may utang na loob. Halimbawa, “Tingnan mo kung gaano karami ang ginawa ng Diyos para sa ’yo. Hindi ba dapat marami ka ring gawin para sa Kanya para mapasalamatan Siya?” O kaya, “Utang mo sa Diyos kung sino ka at kung anong meron ka. Ano’ng ginawa mo para sa Kanya bilang kapalit?” Meron akong at least tatlong problema sa ganitong uri ng motivation.

Una, imposibleng bayaran ang Diyos para sa lahat ng biyayang ibinigay Niya sa atin. Ni hindi natin ito kayang gawin, dahil sabi sa Roma 11:35–36, “Sino ang nagkapagbigay ng anuman sa [Diyos] na dapat siyang bayaran? [Sagot: Walang sinuman!] Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman!” Hindi natin Siya mababayaran dahil Siya na ang may-ari ng lahat ng puwede nating ibigay sa Kanya — pati na ang lahat ng ating pagsisikap.

Pangalawa, kahit pa magtagumpay tayong bayaran Siya para sa lahat ng Kanyang biyaya, magtatagumpay lang tayong gawing palitan ng kalakal ang biyayang ito. Kung pwede natin itong bayaran, hindi ito biyaya. Kung sinubukan ng isang tao na ipakita sa ’yo ang isang natatanging pagmamahal sa pamamagitan ng pag-imbita sa ’yong kumain ng hapunan sa kanyang bahay, at pagkatapos ng gabi’y sinabi mong babayaran mo siya at iimbitahin sa iyong bahay sa susunod na linggo, pinapawalang-bisa mo ang kanyang biyaya at ginagawa itong isang kalakal. Hindi gusto ng Diyos na mapawalang-bisa ang Kanyang biyaya. Gusto Niyang luwalhatiin ito (Efeso 1:6, 12, 14).

Ikatlo, ang pagpo-focus sa pasasalamat bilang motibo sa pagsunod ay madalas na hindi pinapansin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa biyayang panghinaharap ng Diyos. Nagbabalik-tanaw ang pasasalamat sa biyayang natanggap sa nakaraan at pinasasalamatan ito. Hinaharap ng pananampalataya ang ipinangakong biyaya sa hinaharap – maging limang minuto man ito mula ngayon o limang siglo – at nakakaramdam ng pag-asa. “Ngayon, ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan, ang paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita” (Hebreo 11:1).

Ang pananampalatayang ito sa biyayang panghinaharap ang motibo ng pagsunod na nagpapanatili ng mapagbiyayang kalidad na pagsunod ng tao. Ang pagsunod ay hindi binubuo ng pagbabayad sa Diyos kaya’t nagiging palitan ng kalakal ang biyaya. Nagmumula ang pagsunod sa pagtitiwala sa Diyos para sa marami pang biyaya – biyaya sa hinaharap – ang walang-hanggang kayamanan ng pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos. Tinitingnan ng pananampalataya ang pangakong “kasama mo [ako] saan ka man pumaroon” (Joshua 1:9), at naglalakas-loob angkinin ang lupain nang may pagsunod.

Devotional excerpted from “Future Grace”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/a-dangerous-motive

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Mga Anak ng Umaawit na Diyos

Umawit sila ng isang himno, at pagkatapos ay nagpunta sila sa Bundok ng mga Olibo. (Marcos 14:26, MBBTAG)

Naririnig mo bang umaawit si Jesus?

Bass ba Siya o tenor? May punto ba sa boses Niya? O buo at malinis ang tinis nito?

Pumipikit ba Siya at umaawit sa Kanyang Ama? O tinititigan sa mata ang Kanyang mga alagad at ngumingiti sa kanilang malalim na pagkakaibigan?

Madalas bang Siya ang nag-uumpisa ng kanta? O si Pedro o si James, o kaya si Mateo, ang gumawa nito?

Naku, halos hindi ko na mahintay marinig umawit si Jesus! Sa tingin ko malilihis sa orbit ang mga planeta kung ipapailanlang Niya ang Kanyang tunay na tinig sa ating sansinukob. Ngunit meron tayong kaharian na hindi mayayanig; kaya, Panginoon, sige lang! Kayo’y umawit!

Hindi puwedeng hindi maging pananampalatayang umaawit ang

Cristianismo. Umaawit ang nagtatag nito. Natuto Siyang umawit mula sa Kanyang Ama. Tiyak na magkasama Silang umaawit mula sa kawalang-hanggan. Ano sa tingin mo? Hindi ba’t aawit sa walang-hanggang kaligayahan ang fellowship ng Trinity?

Sinasabi ng Biblia na ang layunin ng ating pag-awit ay “pag-awit ng masasayang awitin” (1 Cronica 15:16). Walang sinuman sa sansinukob ang mas masaya kaysa sa Diyos. Walang hangganan ang Kanyang kagalakan. Siya’y nagagalak mula pa sa kawalang-hanggan sa tanawin ng Kanyang sariling kawastuhan na lubos na makikita sa pagka-Diyos ng kanyang Anak.

Di-maiisip ang kapangyarihan ng Diyos. Siya ay Diyos. Kapag nagsalita Siya, may nalilikhang mga kalawakan. At kapag Siya’y umaawit nang may kagalakan, mas maraming enerhiya ang napapakawalan kaysa sa lahat ng laman at pagkilos ng sansinukob.

Kung nagtakda Siya ng awit para sa atin upang pakawalan ang galak ng ating puso sa Kanya, hindi ba’t dahil alam din Niya ang galak ng pagpapakawala ng pagakalugod ng puso Niya para sa kawangis Niyang Anak sa pamamagitan ng Espiritu sa isang awitin? Tayo’y mga taong umaawit dahil tayo’y mga anak ng isang umaawit na Diyos.

Devotional excerpted from “Joining Jesus in Song”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/children-of-a-singing-god

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Takot Lumihis Mula sa Kanya

O napakasagana ng kabutihan mo, na iyong inilaan para sa mga natatakot sa iyo, at ginawa para doon sa nanganganlong sa iyo, sa lihim na dako ng iyong harapan, sila'y iyong ikubli! (Mga Awit 31:19, ABTAG2001)

Pag-isipan ang dalawang mahalagang katotohanan sa Mga Awit 31:19.

  1. Ang kabutihan ng Panginoon

May natatanging kabutihan ng Diyos. Ibig sabihin, hindi lang ang pangkalahatang kabutihan ng Diyos na ipinapakita Niya sa lahat ng tao ang meron, na pinapasikat ang Kanyang araw sa masasama at mabubuti (Mateo 5:45), kundi isang natatanging kabutihan din, gaya ng sinasabi ng awit, para sa “mga natatakot” sa Kanya.

Di masusukat ang kabutihang ito. Ito ay walang hangganan. Ito ay tumatagal magpakailanman. Ito ay sumasaklaw sa lahat. May kabutihan lang para sa mga natatakot sa Kanya. Sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos ng mabuti para sa kanila (Roma 8:28). Maging ang kanilang mga pighati ay puno ng pakinabang ayon sa Roma 5:3–5.

Ngunit ang mga hindi natatakot sa Kanya ay tumatanggap ng pansamantalang kabutihan. Ganito ang paglalarawan sa Roma 2:4–5: “O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya’y napakabait, matiisin, at mapagpasensya? Hindi mo ba alam na ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa iyo upang magsisi at tumalikod sa kasalanan? Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ayaw mong magsisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa Araw na iyon, kung kailan ihahayag ang poot at makatarungang paghatol ng Diyos.” Kabaitan. Pagtitiis. Pagpapasensya. Kabutihan. Pero hindi ito tumutugon sa takot sa Panginoon, kundi katigasan.

’Yan ang unang katotohanan: ang kabutihan ng Panginoon.

  1. Ang takot sa Panginoon

Ang takot sa Panginoon ay takot na lumihis mula sa Kanya. Kaya ipinapahayag nito ang sarili sa panganganlong sa Diyos. Kaya naman dalawang kondisyon ang binanggit sa Mga Awit 31:19 — ang takot sa Panginoon at panganganlong sa Kanya. “O napakasagana ng kabutihan mo, na 1) iyong inilaan para sa mga natatakot sa iyo, at 2) ginawa para doon sa nanganganlong sa iyo!”

Parang magkasalungat sila. Ang takot ay tila nagtataboy at panganganlong ay nag-aanyaya. Pero kapag nakita natin itong takot na ito bilang takot na tumakbo palayo – takot na lumihis mula sa Kanya – nagtutulungan sila.

May tunay na takot sa puso ng mga banal. “Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos” (Filipos 2:12). Ngunit ito ang takot na nararamdaman ng isang tao sa mga bisig ng isang Ama na katatapos lang ahunin ang Kanyang anak mula sa ilalim ng karagatan. Ito ay ang takot sa kakila-kilabot na posibilidad ng pag-iisip na hindi natin kailangan ng isang Ama.

Kaya, pahalagahan ang kabutihan ng Panginoon. Matakot lumihis mula sa Kanya. Tumakas mula sa bawat kasalanan at manganlong sa Kanya. “O napakasagana ng kabutihan mo, na iyong inilaan para sa mga natatakot sa iyo, at ginawa para doon sa nanganganlong sa iyo!”

Devotional excerpted from “The Goodness of God and the Fear of God”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/afraid-to-stray

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Kausapin ang Iyong mga Luha

“Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan. Silang mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis, ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!” (Mga Awit 126:5-6)

Walang malungkot sa paghahasik ng binhi. Hindi ito mas matrabaho kaysa sa pag-aani. Ang mga araw ay maaaring maging maganda. Puwedeng magkaroon ng matinding pag-asa ng ani.

Subalit binabanggit ng awit ang nagsisipagtanim na “tumatangis.” Sinasabi nito na may isang taong humayong dala’y binhi’t nananangis. Kaya, bakit sila umiiyak?

Sa tingin ko, ang dahilan ay hindi dahil malungkot ang paghahasik ng binhi, o dahil ito’y mahirap. Sa tingin ko, walang kinalaman ang dahilan sa paghahasik ng binhi. Ang paghahasik ay simpleng gawain na kailangang gawin, kahit may mga bagay sa buhay na nagpapaiyak sa atin.

Hindi maghihintay ang mga pananim habang tinatapos natin ang ating dalamhati o nilulutas ang lahat ng ating mga problema. Kung gusto nating kumain sa susunod na taglamig, kailangan nating lumabas sa bukid at maghasik ng binhi, umiiyak man tayo o hindi.

Kung gagawin mo iyan, ang pangako ng awit ay “[mag-aani] na puspos ng kagalakan.” Ikaw ay “aawit na may galak, dala’y ani pagbalik.” Hindi dahil ang mga luha ng paghahasik ay nagbubunga ng kagalakan ng pag-aani, kundi dahil ang paghahasik mismo’y nagbubunga ng pag-aani, at kailangan mong tandaan ito kahit na himihimok ka ng iyong mga luha na sumuko sa paghahasik.

Kaya, heto ang aral: Kapag may mga simple at payak na trabahong dapat gawin, at puno ka ng kalungkutan, at madali ang pag-agos ng luha, sige lang at gawin mo ang trabaho nang may luha. Magpakatotoo ka. Sabihin mo sa iyong mga luha, “Mga luha, nararamdaman kita. Gusto kong sumuko sa buhay ko dahil sa ’yo. Pero may bukid na kailangan taniman (pinggan na kailangan hugasan, kotseng kailangan ayusin, sermon na kailangan isulat).’

Pagkatapos, sabihin mo, batay sa salita ng Diyos, “Mga luha, alam ko na hindi kayo mananatili habambuhay. Ang mismong paggawa ko lang ng aking trabaho (kahit puno ako ng luha) ay magdadala ng ani ng pagpapala sa huli. Kaya, sige at dumaloy kayo kung kailangan. Pero naniniwala ako — bagama’t hindi ko pa ito nakikita o lubos na nadarama — naniniwala ako na ang simpleng gawain ng aking paghahasik ay magdudulot ng pag-aani. At ang mga luha ko’y may galak na ibabalik.”

Devotional excerpted from “Talking to Your Tears”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/talk-to-your-tears

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Kapag Tinawag Niya, Iingatan Niya

Kayo’y gagawin [ng Panginoon na] matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon. (1 Corinto 1:8-9, MBBTAG)

Saan ka nagde-depend para matiyak na ang iyong pananampalataya ay tatagal hanggang sa pagdating ni Jesus?

Ang tanong ay hindi, Naniniwala ka ba sa walang-hanggang seguridad ng kaligtasan? Ang tanong ay, Paano tayo nananatiling ligtas?

Nakasalalay ba ang sigasig ng ating pananampalataya sa katapatan ng ating sariling determinasyon? O nakasalalay ba ito sa gawain ng Diyos para “patuloy tayong magtiwala”?

Ito ay isang dakila at kamangha-manghang katotohanan ng Kasulatan, na ang Diyos ay tapat at pananatilihin magpakailanman ang Kanyang mga tinawag. Ang ating pagtitiwala na tayo’y ligtas magpakailanman ay pagtitiwala na gagawin ng Diyos ang anumang kailangan para “patuloy tayong magtiwala!”

Ang katiyakan ng kawalang-hanggan ay hindi mas dakila kaysa sa katiyakan na patuloy tayong pagtitiwalain ng Diyos ngayon. Pero ang katiyakang iyan ay napakalaki para sa lahat ng tinawag ng Diyos.

Hindi bababa sa tatlong talata ang nag-uugnay sa tawag ng Diyos at sa pagpapanatili ng Diyos sa ganitong paraan.

  1. “Kayo’y gagawin [matatag ng Panginoon] hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon” (1 Corinto 1:8–9).
  2. “Nawa’y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito” (1 Tesalonica 5:23–24).
  3. “Mula kay Judas, lingkod ni Jesu-Cristo at kapatid ni Santiago—Para sa mga tinawag ng Diyos, mga namumuhay sa pag-ibig ng Diyos Ama at iniingatan ni Jesu-Cristo. Sumagana nawa sa inyo ang habag, kapayapaan at pag-ibig. (Judas 1–2). (Tingnan ang kaparehong katotohanan sa Roma 8:30, Filipos 1:6, 1 Pedro 1:5, at Judas 24.)

Sinisiguro ng “katapatan” ng Diyos na pananatilihin Niyang ligtas magpakailanman ang lahat ng Kanyang tinawag.

View Details

Tinitiyak ng Kamangmangan ang Kasamaan

Ipinagkaloob sa atin ng kanyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na kailangan sa buhay at pagiging maka-Diyos, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin sa kanyang sariling kaluwalhatian at kabutihan. (2 Peter 1:3, ABTAG2001)

Namamangha ako sa kapangyarihang iniuugnay ng Biblia sa karunungan.

Pakinggan muli ang 2 Peter 1:3: “Ipinagkaloob . . . ng [banal na kapangyarihan ng Diyos] ang lahat ng mga bagay na kailangan sa buhay at pagiging maka-Diyos, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin sa kanyang sariling kaluwalhatian at kabutihan.”

Literal na ang lahat ng kapangyarihang makukuha mula sa Diyos para mabuhay at maging maka-Diyos ay dumarating sa pamamagitan ng karunungan! Kamangha-mangha! Dapat natin bigyang-halaga ang doktrina at tagubilin sa Kasulatan! Buhay at kabanalan ang nakataya rito.

Pero hindi nito ginagarantiya ang kabanalan. Hindi. Pero tila ginagarantiya ng kamangmangan ang kasamaan. Sabi ni Pedro, ito’y dahil ang banal na kapangyarihan na nagdadala sa kabanalan ay ibinibigay sa pamamagitan ng kaalaman tungkol sa Diyos.

Narito ang tatlong implikasyon, isang babala, at isang panghihikayat.

  1. Magbasa! Magbasa! Magbasa! Pero mag-ingat na hindi mag-aksaya ng oras sa mga teolohikal na bula. Magbasa ng mga doktrinal na aklat na mayaman sa paksa ng “tumawag sa iyo sa Kanyang kaluwalhatian at kahusayan.”

  2. Magbulay-bulay! Magbulay-bulay! Magdahan-dahan. Mag-ukol ng panahon para isipin ang ibig sabihin ng Biblia kapag binabasa mo ito. Magtanong. Mag-journal. Hayaan mabagabag nang may pagpapakumbaba ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga nakapagtatakang bagay. Nagmumula ang pinakamalalalim na pananaw sa pagsisikap na makita ang ugat na nag-uugnay sa dalawang tila magkaaway na sanga sa puno ng katotohanan.

  3. Pag-usapan. Pag-usapan. Maging bahagi ng isang maliit na grupo na lubos ang malasakit sa katotohanan. Hindi isang grupo na mahilig lang magsalita at magbanggit ng mga problema. Kundi isang grupo na naniniwalang may mga biblikal na sagot sa mga biblikal na problema, at matatagpuan ang mga ito.

Babala: “Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan” (Hosea 4:6). “Sila’y masigasig na maging kalugud-lugod sa Diyos. Hindi nga lamang batay sa tamang kaalaman” (Roma 10:2). Kaya mag-ingat sa nakamamatay na epekto ng kamangmangan.

Panghihikayat: “Halikayo't kilalanin natin si Yahweh, sikapin nating siya’y makilala” (Hosea 6:3).

Devotional excerpted from “The Power of Knowledge”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/ignorance-guarantees-ungodliness

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

“Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.” (Mateo 24:14)

Wala akong alam na mas inspiring na pangako tungkol sa pagmimisyon kaysa sa salitang ito mula kay Jesus.

Hindi: Dapat ipangaral ang ebanghelyong ito.

Hindi: Puwedeng ipangaral ang ebanghelyong ito.

Kundi: Ipapangaral ang ebanghelyong ito.

Hindi ito isang dakilang komisyon, ni isang dakilang utos. Ito’y isang dakilang katiyakan, isang dakilang pagtitiwala.

Sino ba naman ang maglalakas-loob magsalita ng ganyan? Paano Niya nalamang mangyayari ito? Paano Siya nakakatiyak na hindi mabibigo ang simbahan sa gawaing pangmisyong ito?

Sagot: Ang biyaya ng paglilingkod sa misyon ay kasing irresistible ng biyaya ng pagbabagong-buhay. Kayang mangako ni Cristo ng pandaigdigang pagpapahayag dahil sovereign Siya. Alam Niya ang tagumpay ng mga misyon sa hinaharap dahil Siya ang gumagawa ng hinaharap. Makikinig ang lahat ng bansa!

Hindi isang modernong “bansa” ang “bansa” na ito. Nang banggitin sa Lumang Tipan ang tungkol sa mga bansa, tinutukoy nito ang mga grupo tulad ng Jebusites at Perizites at Hivites at Amorites at Moabites at Canaanites at Philistines. Ang “mga bansa” ay mga pangkat etniko na may kanya-kanyang kakaibang wika at kultura. Awit 117:1: “Purihin si Yahweh! Dapat na purihin ng lahat ng bansa. Siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa!” Ang mga bansa ay mga tao — mga grupo ng tao, kung tawagin natin sila.

Bilang sovereign na Anak ng Diyos at Panginoon ng simbahan, tinanggap lang ni Jesus ang banal na layuning ito at sinabi bilang katiyakan, “Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas” (Mateo 24:14).

Tiyak na tiyak na ang tagumpay ng usapin ng mga misyon sa mundo. Hindi ito puwedeng mabigo. Kung gayon, hindi ba reasonable lang na manalangin tayo nang may lubos na pananampalataya, na mamuhunan tayo nang may lubos na pagtitiwala, at humayo tayo nang may pakiramdam sa tiyak na tagumpay?

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/jesus-will-finish-the-mission

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo. (1 Pedro 5:6–7, MBBTAG)

Bakit isang uri ng pagmamataas, o pride, ang pag-aalala tungkol sa hinaharap?

Ganito ang puwedeng sagot ng Diyos (na paraphrase ng Isaiah 51:12):

Ako — ang Panginoon, ang iyong Manlilikha — Ako ang siyang nagbibigay ng ginhawa sa ’yo, ang nangangakong mag-aalaga sa ’yo; at ang mga nagbabanta sa ’yo ay mga tao lamang na namamatay. Kaya, ang ibig sabihin ng takot mo ay wala kang tiwala sa Akin — at kahit hindi ka sigurado kung maaalagaan ka ng sariling resources mo, mas pinipili mo pa ring umasa sa ’yong sarili, kaysa manalig sa Aking biyaya sa hinaharap. Kaya ang lahat ng iyong pangamba — gaano man kaliit ito — ay pagmamataas.

Ang lunas? Talikuran ang pag-asa sa ’yong sarili at umasa sa Diyos, at manampalataya sa sapat na kapangyarihan ng pangako ng Kanyang biyaya sa hinaharap.

Makikita mo sa 1 Pedro 5:6–7 na ang pag-aalala ay isang uri ng pagmamataas. Pansinin ang grammatical na pagdudugtong-dugtong sa pagitan ng mga talata. “Pasakop kayo . . . [verse 7], ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin.” Ang verse 7 ay hindi bagong pangungusap. Isa itong subordinate clause (o sugnay na pantulong). Sa Ingles, nag-uumpisa ito sa isang participle (o pandiwari): “Humble yourselves . . . [by] casting all your anxieties on him.”

Ibig sabihin, ang pagtitiwala sa Diyos para sa ’yong mga alalahanin ay isang paraan ng pagpapakumbaba sa lilim ng Kanyang makapangyarihang kamay. Para itong pagsasabi na, “Maging magalang sa pagkain . . . huwag ngumuya nang nakabukas ang bibig.” O, “Mag-ingat sa pagmamaneho . . . tumingin lagi sa kalye.” O “Maging mapagbigay . . . mag-imbita ng kaibigan sa Pasko.” O, “Magpakumbaba . . . ipagkatiwala ang iyong mga alalahanin sa Diyos.”

Isang paraan ng pagpapakumbaba ay ang pagtitiwala sa Diyos para sa lahat ng ating mga alalahanin. Ibig sabihin, ang pride ay isang hadlang sa pagtitiwala sa Kanya. Ibig sabihin, ang sobrang pag-aalala ay isang uri ng pagmamataas, kahit gaano pa kaliit ito.

Ngayon, bakit kabaligtaran ng pagmamataas ang pagtitiwala sa Diyos para sa ating mga alalahanin? Dahil ayaw aminin ng pride na may alalahanin ito. O na hindi natin ito kayang lutasin mag-isa. At kahit aminin pa ng pride na hindi niya kayang lutasin ang mga takot nito, ayaw pa rin nitong aminin na baka ang lunas ay ang pagtitiwala sa isang taong mas matalino at mas malakas sa kanya.

Sa madaling salita, ang pride ay isang uri ng unbelief at hindi nito gustong magtiwala sa Diyos para sa Kanyang biyaya sa hinaharap. Sa kabilang banda, inaamin naman ng pananampalataya na kailangan niya ng tulong. Hindi ito gagawin ng pride. Umaasa ang faith na tutulong ang Diyos. Hindi ito gagawin ng pride. Ipinagkakatiwala ng faith ang kanyang mga alalahanin sa Diyos. Hindi ito gagawin ng pride.

Kung gayon, ang paraan para labanan ang pagmamataas ay aminin na meron kang mga alalahanin, at pahalagahan ang pangako ng hinaharap na biyaya sa mga salitang, “Siya ay nagmamalasakit sa iyo.” Pagkatapos, ilagay ang iyong mga kinakargang takot sa Kanyang makapangyarihang balikat.

View Details

Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, na kayo’y ariin ng ating Diyos na karapat-dapat sa pagkatawag sa inyo, at tuparin ang bawat hangarin sa kabutihan at gawa ng pananampalataya na may kapangyarihan. (2 Tesalonica 1:11, ABTAG2001)

Ang paghahanap sa kapangyarihan ng Diyos para tuparin ang mabubuting hangarin natin ay hindi nangangahulugang hindi talaga tayo naghahangad, o hindi talaga natin ginagamit ang ating kalooban.

Hindi pinapalitan ng pakikibahagi ng kapangyarihan ng Diyos ang pakikibahagi ng ating kalooban! Hindi tayo ginagawang walang-pakialam ng kapangyarihan ng Diyos sa pagpapabanal! Kumikilos ang kapangyarihan ng Diyos sa ilalim o likod o loob ng ating kalooban, hindi bilang kapalit nito.

Hindi ang kawalan ng kalooban natin ang katibayan ng kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay, kundi ang lakas ng ating loob, ang kagalakan ng loob natin.

Ang sinumang nagsasabing, “Naniniwala ako sa soberanong kapangyarihan ng Diyos kaya wala na lang akong gagawin” ay hindi talaga naniniwala sa kapangyarihan ng Diyos. Bakit naman sadyang susuwayin ang Diyos ng taong naniniwala sa kapangyarihan Niya?

Kapag wala kang ginawa, hindi ka lang gumagawa ng wala. Aktibo mong ginagamit ang iyong kalooban sa isang desisyon na walang gawin. At kung ganyan mo harapin ang kasalanan o tukso sa iyong buhay, tahasan itong pagsuway, dahil inutusan tayong makipaglaban nang mabuti (1 Timoteo 1:18) at labanan ang diyablo (James 4:7) at sikaping mamuhay nang banal (Hebreo 12:14) at patayin ang makasalanang gawain ng katawan (Roma 8:13).

Sabi sa 2 Tesalonica 1:11, magagawa natin ang mabubuting hangarin at gawa ng pananampalataya dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Pero hindi nito pinapawalang-bisa ang kahulugan ng salitang “hangarin” at ng salitang “gawain.” Bahagi ng buong proseso ng paglalakad na karapat-dapat sa tawag ng Diyos ang aktibong pakikibahagi ng ating kalooban sa paghahangad na gumawa ng kabutihan.

Kung may nananatili kang kasalanan sa iyong buhay, o kung patuloy mong pinababayaan ang isang mabuting gawain dahil naghihintay kang maligtas nang walang ginagawa, pinapalala mo lang ang iyong pagsuway. Hindi kailanman magpapakita ang Diyos nang may kapangyarihan sa iyong kalooban sa anumang paraan maliban sa pagsasagawa mo ng kaloobang iyon; ibig sabihin, ng iyong mabubuting hangarin — ang iyong mabubuting intensyon at mga plano at layunin.

Kaya hindi dapat matakot ang mga taong naniniwala sa kapangyarihan ng Diyos na gawing kabahagi ang kanilang kalooban sa pagsusumikap na maging banal. “Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpupumilit pumasok ngunit hindi makakapasok” (Lucas 13:24, MBBTAG). Magsikap ka lang sa pananampalataya na sa iyong pagsisikap, kumikilos ang Diyos para naisin at isagawa ang Kanyang kalooban (Filipos 2:13).

View Details

Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios. (1 Pedro 4:14, ASND)

Maraming Cristiano sa mundo ngayon ang hindi alam ang life-threatening na panganib na dulot ng paniniwala kay Cristo. Nasanay na tayong maging malaya sa ganitong pag-uusig. Parang ganito na talaga dapat ang takbo ng buhay natin.

Kaya madalas na galit ang una nating reaksyon sa panganib na baka mag-iba ang kasalukuyan nating sitwasyon. Pero puwedeng tanda ang galit na iyon na nawala na ang ating kamalayan ng pagiging dayuhan at exile (“Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito . . .” 1 Pedro 2:11, MBBTAG).

Siguro’y masyado na tayong nasanay mamalagi sa mundong ito. Hindi natin nararamdaman ang pagka-homesick kay Cristo tulad ni Paul: “Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo” (Filipos 3:20).

Marami sa atin ang kailangan ng paalala, “Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito’y di pangkaraniwan” (1Pedro 4:12). Hindi ito kakaiba.

Naisip mo na ba kung ano ang gagawin mo sa oras ng huling pagsubok? Nakatutok ang baril ng kaaway at tinatanong ka niya, “Cristiano ka ba?” Narito ang isang makapangyarihang salita para bigyan ka ng pag-asang puwedeng mas mahusay ang gagawin mo kaysa iyong iniisip.

Sinasabi ni Peter, “Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios” (1 Pedro 4:14). Sinasabi ng encouragement na ito mula kay Peter na sa oras ng di-pangkaraniwang panganib (insulto man o kamatayan), meron tayong “makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios” sa atin. Hindi ba’t ibig sabihin nito na nagbibigay ang Diyos ng espesyal na tulong sa oras ng krisis para sa mga nagdurusa dahil sila’y Cristiano?

Hindi ko ibig sabihin na absent Siya sa iba pa nating pagdurusa. Ang ibig ko lang sabihin, sinadyang sabihin ni Peter na makakaranas ang mga nagdurusang “tagasunod ni Cristo” ng espesyal na “kapalaran” dahil sa “makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios.”

Ipanalangin mo na ito ang iyong maranasan pagdating ng pagsubok. Magkakaroon tayo ng resources para mapagtiisan ang sandaling iyon na hindi natin makukuha sa ibang pagkakataon. Lakasan mo ang loob mo.

View Details

Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Dios. (Hebreo 11:17, ASND)

Para sa marami sa inyo ngayon — at para sa ibang darating na ang panahon — ang pagsunod ay parang katapusan ng isang panaginip. Pakiramdam ninyo, kung gagawin ninyo ang sinasabi ng Salita ng Diyos o ng Espiritu ng Diyos na gawin ninyo, gagawin kayo miserable nito, at walang paraan na magagawa itong mabuti ng Diyos.

Siguro ang utos o tawag ng Diyos na naririnig mo ngayon ay manatiling may asawa o wala, manatili sa iyong trabaho o umalis na, magpabawtismo, magsalita sa trabaho tungkol kay Cristo, tumangging i-kompromiso ang iyong pamantayan ng katapatan, harapin ang isang taong nasa kasalanan, makipagsapalaran sa bagong bokasyon, maging misyonero. At sa nakikita ng iyong limitadong pag-iisip, terible ang posibilidad ng paggawa nito — para itong pagkawala ni Isaac, ang tanging anak na puwedeng maging tagapagmana mo.

Isinaalang-alang mo ang bawat anggulo ayon sa batayan ng tao, at imposibleng maging mabuti ang resulta nito.

Ngayon alam mo na kung ano ang naramdaman ni Abraham. Nasa Biblia ang kuwentong ito para sa iyo.

Hangad mo ba ang Diyos at ang Kanyang daan at mga pangako nang higit pa sa anumang bagay, at naniniwala ka ba na kaya at igagalang Niya ang iyong pananampalataya at pagsunod, na hindi Siya mahihiyang tawaging Diyos mo, at gagamitin Niya ang lahat ng Kanyang karunungan at kapangyarihan at pagmamahal para gawing daan ng buhay at kagalakan ang daan ng pagsunod?

Iyan ang krisis na kinakaharap mo ngayon: Hinahangad mo ba Siya? Magtitiwala ka ba sa Kanya? Ito ang salita ng Diyos sa iyo: Karapat-dapat ang Diyos at kaya Niyang gawin ang lahat.

Devotional excerpted from “The Hope of Exiles on the Earth”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/when-obedience-feels-impossible

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Kaya’t huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. (Mga Hebreo 10:35, MBBTAG)

Kailangan nating pagnilay-nilayan ang pananaig ng Diyos bilang dakilang gantimpala natin sa lahat ng kayang ibigay ng mundo. Kung hindi, iibigin natin ang mundo tulad ng iba at mabubuhay tayo tulad ng iba.

Kaya tingnan mo ang mga bagay na nagpapatakbo sa mundo, at pagbulay-bulayan kung paano mas mabuti at mas magtatagal ang Diyos. Pag-isipan ang kaugnayan ng pera o sex o kapangyarihan sa kamatayan. Kukunin ng kamatayan ang bawat isa sa kanila. Kung ito ang ikinabubuhay mo, wala ka masyadong makukuha, at kung anuman ang makukuha mo, mawawala rin sa iyo.

Pero ang kayamanan ng Diyos ay mas nakalalamang, at ito ay nagtatagal. Malalampasan nito ang kamatayan. Mas mainam ito sa pera dahil ang Diyos ang may-ari ng lahat ng pera at Siya ang ating Ama. Tayo ang kanyang mga tagapagmana. “Lahat ng ito’y para sa inyo. At kayo’y para kay Cristo, at si Cristo nama’y para sa Diyos” (1 Corinto 3:22–23).

Mas mainam ito sa sex. Hindi kailanman nagkaroon ng sexual relations si Jesus, at Siya ang pinakaganap at kumpletong tao sa lahat. Ang sex ay isang anino — isang larawan — ng mas malaking katotohanan, ng isang relasyon at kasiyahan na gagawing kaantok-antok ang pinakamagandang sex.

Ang gantimpala ng Diyos ay mas mabuti kaysa sa kapangyarihan. Walang mas dakilang kapangyarihan ang tao kaysa maging anak ng makapangyarihang Diyos. “Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel?” (1 Corinto 6:3). “Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama sa kanyang trono” (Pahayag 3:21).

At tuloy-tuloy lang ito. Sa lahat ng mabibigay ng mundo, mas mabuti at mas magtatagal pa rin ang Diyos.

Walang maihahambing pa rito. Palaging nagwawagi ang Diyos. Ang tanong: Mapapasaatin ba Siya? Magigising ba tayo mula sa pagkatuliro dahil sa mundong ito, at makikita at maniniwala at magagalak at mamahalin ang talagang tunay, at walang hanggan na mahalaga, at walang katapusan?

Devotional excerpted from “The Present Power of a Future Possession”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/better-than-money-sex-and-power

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

“At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, dahil pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin. At huwag nʼyo kaming hayaang matukso.” (Lucas 11:4, ASND)

Sino ba ang unang nagpapatawad kanino?

  • Sa isang banda, sinasabi ni Jesus, “Patawarin n’yo kami sa aming mga kasalanan, dahil pinapatawad din namin ang mga nagkasala sa amin.” (Lucas 11:4)
  • Sa kabilang banda, sinasabi ni Paul, “Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.” (Colosas 3:13, MBBTAG)

Kapag tinuturuan tayo ni Jesus na manalangin na patawarin tayo ng Diyos, “dahil pinapatawad din namin ang mga nagkasala sa amin,” hindi Niya sinasabing tayo ang gumawa ng unang hakbang sa pagpapatawad. Ganito talaga ang nangyayari: Pinatawad tayo ng Diyos nang sumampalataya tayo kay Cristo (Gawa 10:43). Pagkatapos, mula sa wasak, masaya, nagpapasalamat, at may pag-asang karanasan ng pinatawad na, inaalok natin ang kapatawaran sa iba.

Pinapakita nitong espiritung nagpapatawad na tayo’y ligtas at pinatawad na. Kumbaga, pinapakita ng ating pagpapatawad na tayo’y nananampalataya; na tayo’y kaisa ni Cristo; na tayo’y pinamamahayan ng maawain at mapagpakumbabang Banal na Espiritu.

Pero nagkakasala pa rin tayo (1 Juan 1:8, 10). Kaya lumalapit pa rin tayo sa Diyos para sa bagong aplikasyon ng pagkilos ni Cristo para sa atin — bagong aplikasyon ng pagpapatawad. Hindi natin ito magagawa nang may kompiyansa kung meron tayong espiritung hindi nagpapatawad. (Tandaan ang talinghaga tungkol sa aliping ayaw magpatawad sa Mateo 18:23–35. Tumanggi siyang patawarin ang kapwa niya alipin na may utang sa kanya ng sampung dolyar, kahit na siya’y pinatawad ng sampung milyon. Ipinakita ng kanyang espiritung ayaw magpatawad na hindi siya nabago ng habag ng hari.)

Pinoprotektahan tayo ni Jesus mula sa kamaliang ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa ating manalangin, “Patawarin n’yo kami sa aming mga kasalanan, dahil pinapatawad din namin ang mga nagkasala sa amin” (Lucas 11:4). Kaya sinasabi ni Jesus na humihingi tayo ng tawad dahil tayo ay nagpapatawad. Parang sinasabi natin, “Ama, patuloy mong ipagkaloob sa akin ang habag na binayaran ni Cristo, sapagkat pinatawad ako dahil sa habag na ito, at tinalikuran ko ang paghihiganti at ipinagkakaloob sa iba ang ipinagkaloob mo sa akin."

Nawa’y maranasan mo muli ang kapatawaran ng Diyos ngayon, at nawa’y umapaw ang biyayang iyon sa puso mo sa pagpapatawad sa iba. At nawa’y bigyan ka ng dagdag na katiyakan ng matamis na karanasan ng biyaya sa iyong buhay na, kapag lumapit ka sa Diyos para maranasan ang bagong kapatawarang tinubos ng dugo ni Cristo, malalaman mong tinuturing ka Niya bilang Kanyang pinatawad at nagpapatawad na anak.

View Details

Ang Diyos ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan.Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen. (Hebreo 13:20-21)

Pinagtibay ni Cristo ang walang hanggang tipan sa pamamagitan ng dugo Niyang dumanak. Sa matagumpay na pagtubos na ito, natamo Niya ang pagpapala ng Kanyang pagkabuhay muli mula sa mga patay. Mas malinaw ito sa Griyego kaysa sa Ingles, at sapat na ang linaw nito rito: “Ang Diyos . . . ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus . . . dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan.” Ang Jesus na ito — na binuhay ng dugo ng tipan — ay ating buhay na Panginoon at Pastol ngayon.

At dahil sa lahat ng ’yan, may dalawang bagay na ginagawa ang Diyos:

  1. Ginagawa Niya tayong ganap sa bawat mabuting bagay para magawa natin ang Kanyang kalooban, at
  2. Ginagawa Niya sa atin ang kalugod-lugod sa paningin Niya.

Ang “walang hanggang tipan,” na tinitiyak ng dugo ni Cristo, ay ang new covenant. At ito ang pangako ng new covenant: “Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko ito sa kanilang mga puso” (Jeremiah 31:33). Kung gayon, hindi lang sinisigurado ng tipan na ito na gagawin tayong ganap ng Diyos para magawa ang Kanyang kalooban. Tinitiyak din nito na kumikilos sa atin ang Diyos para gawing matagumpay ang ating pagiging ganap.

Ang kalooban ng Diyos ay hindi lang nakasulat sa bato o papel bilang paraan ng biyaya. Kumikilos Siya para ilagay ito sa atin. At ito ang epekto nito: Nakakaramdam, nag-iisip, at kumikilos tayo sa paraang mas nakalulugod sa Diyos.

Inuutusan pa rin tayong gamitin ang kagamitang ibinibigay Niya: “Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos.” Ngunit ang mas mahalaga’y sinabihan tayo kung bakit: “Sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban” (Filipos 2:12–13).

Kung kaya nating pasayahin ang Diyos — kung gagawin natin ang Kanyang kalooban — ito’y dahil ang biyaya ng Diyos, na binayaran ng Kanyang dugo, ay dumaloy mula sa pagiging ganap patungo sa makapangyarihang pagbabago.

Devotional excerpted from “God Gives the Equipment and Makes It Successful”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/outfitted-and-empowered

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang lahat ng pagtitiis ko ay para sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakakatanggap ng kagandahang-loob ng Diyos, lalo pang dumami ang magpapasalamat sa ikaluluwalhati niya. (2 Corinto 4:15)

Ang pasasalamat sa Diyos ay isang masayang damdamin. Nakakaramdam tayo ng maligayang pagkakautang sa Kanyang biyaya. Kaya sa damdamin ng pasasalamat, tayo pa rin ang nakikinabang. Ngunit sa likas na katangian nito, niluluwalhati ng pasasalamat ang nagbigay. Kapag nagpapasalamat tayo, kinikilala natin ang ating pangangailangan at ang kabutihan ng Diyos, ang kapunuan ng Diyos, ang kayamanan ng Kanyang kaluwalhatian.

Tulad ng pagpapakumbaba ko at pagbibigay-puri sa server sa restaurant kapag sinasabi kong, “Salamat,” nagpapakumbaba rin ako at dinadakila ang Diyos kapag nagpapasalamat ako sa Kanya. Ang kaibahan, syempre, ay talagang walang-hanggan ang utang ko sa Diyos dahil sa Kanyang biyaya, at lahat ng ginagawa Niya para sa akin ay libre at hindi ako karapat-dapat.

Pero ang punto ay niluluwalhati ng pasasalamat ang nagbigay. Niluluwalhati nito ang Diyos. At ito ang huling layunin ni Paul sa lahat ng kanyang gawain. Oo, ang kanyang mga gawain ay para sa kapakanan ng simbahan — ang ikabubuti ng simbahan. Ngunit hindi ang simbahan ang pinakamataas na mithiin. Pakinggan muli: “Ang lahat ng pagtitiis ko ay para sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakakatanggap ng kagandahang-loob ng Diyos, lalo pang dumami ang magpapasalamat sa ikaluluwalhati niya.” Lahat ito’y para sa iyong kapakanan — para sa kaluwalhatian ng Diyos!

Ang magandang bagay tungkol sa ebanghelyo ay ito: Ang tugon na kailangan nito mula sa atin para sa kaluwalhatian ng Diyos ay siya ring tugon na natural at masaya; kung baga, pasasalamat sa biyaya. Hindi nagkokompetensya ang kaluwalhatian ng Diyos sa pagbibigay at ang ating mapagpakumbabang kagalakan sa pagtanggap. Niluluwalhati ng masayang pasasalamat ang Diyos.

Ang buhay na nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos para sa Kanyang biyaya at ang buhay ng pinakamalalim na kagalakan ay iisang buhay. At sila’y iisa dahil sa pagpapasalamat.

Devotional excerpted from “Grace, Gratitude, and the Glory of God”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/glorify-god-by-giving-thanks

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso. (Hebreo 4:12)

Ang Salita ng Diyos ang ating tanging pag-asa. Sapat ang talas, buhay, at bisa ng magandang balita ng mga pangako ng Diyos at ang mga babala ng Kanyang paghatol para tumagos sa kaibuturan ng aking puso at ipakita sa akin na ang mga kasinungalingan ng kasalanan ay mga kasinungalingan nga.

Ang abortion ay hindi lilikha ng magandang kinabukasan para sa akin. Hindi rin ito gagawin ng pandaraya, o pagsusuot ng mapanuksong damit, o pagtatapon ng aking sexual purity, o pananahimik tungkol sa pandaraya sa trabaho, o divorce, o paghihiganti. At ang sumasagip sa akin mula sa panlilinlang na ito ay Salita ng Diyos.

Ang salita ng pangako ng Diyos ay parang pagbubukas ng bintana ng maliwanag na sikat ng araw sa mga ipis ng kasalanan na nagpapanggap na kasiyahan sa ating puso. Ibinigay sa iyo ng Diyos ang Kanyang magandang balita, ang Kanyang mga pangako, ang Kanyang Salita para protektahan ka mula sa matinding panlilinlang ng kasalanan na nagsisikap patigasin ang iyong puso at ilayo ito sa Diyos at akayin ito tungo sa pagkawasak.

Magalak sa iyong pakikibaka para maniwala. Dahil ang Salita ng Diyos ay buháy at mabisa at mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila’y may talim, tatagos ito nang mas malalim kaysa anumang panlilinlang ng kasalanan at ihahayag kung ano ang tunay na mahalaga at tunay na karapat-dapat pagkatiwalaan at mahalin.

Devotional excerpted from “The Word of God: Living, Active, Sharp”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-piercing-power-of-the-word

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang lahat ng pagtitiis ko ay para sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakakatanggap ng kagandahang-loob ng Diyos, lalo pang dumami ang magpapasalamat sa ikaluluwalhati niya. (2 Corinto 4:15)

Ang pasasalamat sa Diyos ay isang masayang damdamin. Nakakaramdam tayo ng maligayang pagkakautang sa Kanyang biyaya. Kaya sa damdamin ng pasasalamat, tayo pa rin ang nakikinabang. Ngunit sa likas na katangian nito, niluluwalhati ng pasasalamat ang nagbigay. Kapag nagpapasalamat tayo, kinikilala natin ang ating pangangailangan at ang kabutihan ng Diyos, ang kapunuan ng Diyos, ang kayamanan ng Kanyang kaluwalhatian.

Tulad ng pagpapakumbaba ko at pagbibigay-puri sa server sa restaurant kapag sinasabi kong, “Salamat,” nagpapakumbaba rin ako at dinadakila ang Diyos kapag nagpapasalamat ako sa Kanya. Ang kaibahan, syempre, ay talagang walang-hanggan ang utang ko sa Diyos dahil sa Kanyang biyaya, at lahat ng ginagawa Niya para sa akin ay libre at hindi ako karapat-dapat.

Pero ang punto ay niluluwalhati ng pasasalamat ang nagbigay. Niluluwalhati nito ang Diyos. At ito ang huling layunin ni Paul sa lahat ng kanyang gawain. Oo, ang kanyang mga gawain ay para sa kapakanan ng simbahan — ang ikabubuti ng simbahan. Ngunit hindi ang simbahan ang pinakamataas na mithiin. Pakinggan muli: “Ang lahat ng pagtitiis ko ay para sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakakatanggap ng kagandahang-loob ng Diyos, lalo pang dumami ang magpapasalamat sa ikaluluwalhati niya.” Lahat ito’y para sa iyong kapakanan — para sa kaluwalhatian ng Diyos!

Ang magandang bagay tungkol sa ebanghelyo ay ito: Ang tugon na kailangan nito mula sa atin para sa kaluwalhatian ng Diyos ay siya ring tugon na natural at masaya; kung baga, pasasalamat sa biyaya. Hindi nagkokompetensya ang kaluwalhatian ng Diyos sa pagbibigay at ang ating mapagpakumbabang kagalakan sa pagtanggap. Niluluwalhati ng masayang pasasalamat ang Diyos.

Ang buhay na nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos para sa Kanyang biyaya at ang buhay ng pinakamalalim na kagalakan ay iisang buhay. At sila’y iisa dahil sa pagpapasalamat.

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/glorify-god-by-giving-thanks

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso. (Hebreo 4:12)

Ang Salita ng Diyos ang ating tanging pag-asa. Sapat ang talas, buhay, at bisa ng magandang balita ng mga pangako ng Diyos at ang mga babala ng Kanyang paghatol para tumagos sa kaibuturan ng aking puso at ipakita sa akin na ang mga kasinungalingan ng kasalanan ay mga kasinungalingan nga.

Ang abortion ay hindi lilikha ng magandang kinabukasan para sa akin. Hindi rin ito gagawin ng pandaraya, o pagsusuot ng mapanuksong damit, o pagtatapon ng aking sexual purity, o pananahimik tungkol sa pandaraya sa trabaho, o divorce, o paghihiganti. At ang sumasagip sa akin mula sa panlilinlang na ito ay Salita ng Diyos.

Ang salita ng pangako ng Diyos ay parang pagbubukas ng bintana ng maliwanag na sikat ng araw sa mga ipis ng kasalanan na nagpapanggap na kasiyahan sa ating puso. Ibinigay sa iyo ng Diyos ang Kanyang magandang balita, ang Kanyang mga pangako, ang Kanyang Salita para protektahan ka mula sa matinding panlilinlang ng kasalanan na nagsisikap patigasin ang iyong puso at ilayo ito sa Diyos at akayin ito tungo sa pagkawasak.

Magalak sa iyong pakikibaka para maniwala. Dahil ang Salita ng Diyos ay buháy at mabisa at mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila’y may talim, tatagos ito nang mas malalim kaysa anumang panlilinlang ng kasalanan at ihahayag kung ano ang tunay na mahalaga at tunay na karapat-dapat pagkatiwalaan at mahalin.

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-piercing-power-of-the-word

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises. Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay.Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos, upang magpatotoo sa mga bagay na ihahayag sa mga darating na panahon.Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kung matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya. (Hebreo 3:3-6)

Ang mga taong nagmamalaki at umaasa kay Jesu-Cristo ay ang sambahayan ng Diyos. Ibig sabihin, si Jesus mismo, sa araw na ito — hindi lang sa panahon ni Moses o sa sarili Niyang mga araw sa daigdig — kundi sa mismong araw na ito, ay ating Tagapaglikha, ating May-ari, ating Pinuno, at ating Tagapagbigay.

Si Jesus ay tinatawag na “Tagapagtayo” ng bahay na ito. Hindi si Moses ang tagapagtayo. Bahagi siya ng bahay. Kaya sinasabi, “Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises.” Kaya si Moses, gaano man siya kadakila sa pamumuno ng bahay, at nagbabahagi ng Salita ng Diyos sa bahay, ay bahagi pa rin ng bahay. Ngunit itinayo ni Jesus ang sambahayan.

Kaya kung nagmamalaki tayo kay Jesus at umaasa kay Jesus, tayo ang sambahayan, at si Jesus ang ating Tagapagtayo, at May-ari at Pinuno at Tagapagbigay. Hindi Niya hinahayaang masira o gumuho ang Kanyang bahay.

Pagkatapos ay binago ng manunulat ang matalinghagang panaginip — mula sa tagapagtayo at bahay, patungo sa anak at lingkod. “Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos . . . . Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos.” Kaya naging bahagi nga ng bahay si Cristo — bahagi ng sambahayan — na Kanyang itinayo. Ganun pa man, higit ang Kanyang karangalan kay Moses. Si Moses ay isang lingkod. Si Cristo ang Anak. Ang tagapagmana.

At tayo ay bahagi ng sambahayang ito. Sa Mga Hebreo 3:6: “At tayo ang kanyang sambahayan, kung matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya.” Syempre, igalang at ibigay natin kay Moses ang nararapat sa kanya. Pero ang punto ng buong aklat ng Hebreo ay ito: Mas dakila si Cristo. Higit na dakila sa lahat ng bagay. Siya ang Tagapagtayo ng sambahayan ng mga anak ng Diyos. At siya ang Anak sa sambahayan ng mga anak ng Diyos. Igalang natin si Moses. Pero sambahin natin si Jesus — ang ating Tagalikha, ang ating kapatid.

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/we-are-his-house

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

“Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!” (Mateo 6:30)

Sinabi ni Jesus na ang ugat ng pagkabalisa ay di-sapat na pananampalataya — “kay liit ng inyong pananampalataya” — sa biyaya ng ating Ama sa hinaharap.

Puwedeng ito ang isang reaksyon ng ilan: “Hindi ito magandang balita! Katunayan, nakapanghihina ng loob na malaman na ang inaakala kong pakikipaglaban lang sa pagkabalisa ay may malalim palang ibig sabihin at nakasalalay dito kung nagtitiwala ba ako sa Diyos.”

Ang sagot ko sa discouragement na ito ay pagsang-ayon, at pagkatapos ay di-pagsang-ayon.

Kunwari’y sumasakit ang iyong tiyan at sumusubok ka ng mga gamot at kung ano-anong diet, pero wala silang epekto. At pagkatapos, ipalagay mong sinabi sa ’yo ng iyong doktor, matapos ang isang regular na check-up, na mayroon kang kanser sa iyong small intestine. Magandang balita ba ’yan? Sinasabi mo, mariing hindi! At sang-ayon ako rito.

Pero hayaan mong itanong ko ito nang ibang paraan: Natutuwa ka bang natuklasan ng doktor ang kanser habang ito’y puwede pang gamutin, at sa katunayan, ito’y puwedeng matagumpay na gamutin? Sinasabi mo, oo, tuwang-tuwa akong natagpuan ng doktor ang tunay na problema. Muli, sumasang-ayon ako rito.

Kaya, ang balitang mayroon kang kanser ay hindi magandang balita. Pero, sa isang banda, magandang balita ito, dahil mabuting nalaman mo kung ano talaga ang problema, lalo na kapag ang problema’y puwedeng gamutin successfully.

’Yan ang pakiramdam na malaman na ang tunay na problema sa likod ng pagkabalisa ay “maliit na pananampalataya” (tulad ng sabi ni Jesus) sa mga pangako ng biyaya ng Diyos sa hinaharap. At kaya Niyang kumilos sa napakagandang paraan ng pagpapagaling kapag iniiyak natin, “Naniniwala po ako! Tulungan po ninyo akong madagdagan pa ang aking pananampalataya!” (Marcos 9:24).

View Details

“Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita,ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan.” (Mark 10:29-30)

Ibig sabihin ni Jesus dito, Siya mismo ang papalit sa bawat sakripisyo.

  • Kung tatalikuran mo ang malapit na pagmamahal at malasakit ng isang ina, makukuha mo nang isandaang beses pabalik ang pag-ibig at pagmamalasakit mula kay Cristo na laging nandyan.
  • Kung tatalikuran mo ang mainit na samahan sa isang kapatid, makukuha mo nang isandaang beses pabalik ang init at samahan kay Cristo.
  • Kung tatalikuran mo ang pagiging at-home mo sa iyong tahanan, makukuha mo nang isandaang beses pabalik ang kapanatagan at seguridad ng kaalaman na pagmamay-ari ng iyong Panginoon ang bawat tahanan.

Para sa mga nagnanais maging misyonero, sinasabi ni Jesus, “Nangangako Akong kikilos para sa iyo, at magiging para sa iyo, kaya’t hindi ka makapagsasalita tungkol sa anumang pagsasakripisyo.”

Ano ang saloobin ni Jesus sa “pagsasakripisyo” ni Peter? Sabi ni Peter, “Iniwan na namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo” (Mark 10:28). Ito ba ang diwa ng “pagtatatwa sa sarili” na pinuri ni Jesus? Hindi, pinagsabihan ito.

Sinabi ni Jesus kay Peter, “Walang sinumang nagsasakripisyo para sa Akin ang hindi Ko binabayaran nang isandaang ulit — oo, sa isang banda’y maging sa buhay na ito, hindi pa kasama ang buhay na walang hanggan sa darating na panahon.”

View Details

“Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging isa.” Mayroon ditong malalim na hiwaga, at sinasabi ko na ito'y tumutukoy sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya.” (Efeso 5:31-32)

Binabanggit ni Paul dito sa Efeso 5:31 ang Genesis 2:24, na sinabi ni Moses — at sinabi ni Jesus na nangusap ang Diyos sa pamamagitan ni Moses (Mateo 19:5) — “Iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging isa.” Sinabi ni Paul na ang salitang ito ng Diyos, na binigkas bago ang pagkahulog ng tao sa kasalanan, ay tungkol kay Cristo at sa simbahan at kung gayo’y naglalaman ng isang dakilang hiwaga.

Ipinahihiwatig nito na kapag nagsimulang lumikha ang Diyos ng lalaki at babae at mag-atas ng pagiging isa sa kasal, hindi Siya gumamit ng dice o nag-draw lots o nag-toss coin kung paano sila maiuugnay sa isa’t isa. Itinulad Niya ang pagsasama ng mag-asawa sa ugnayan ng Kanyang Anak at ng simbahan, na Kanyang pinlano mula sa kawalang-hanggan.

Kung gayon, isang hiwaga ang pag-aasawa — naglalaman at nagtatakip ito ng kahulugang higit pa sa nakikita natin sa labas. Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae at iniatas ang kasal para mailarawan ng pagsasama ng mag-asawa ang walang-hanggang tipanan sa pagitan ni Cristo at ng Kanyang simbahan.

Ito ang hinuha ni Paul mula sa misteryong ito: Hindi nagkataon lang ang pagtatalaga ng papel na ginagampanan ng mag-asawa sa kasal, kundi nakaugat sa natatanging tungkulin ni Cristo at ng Kanyang simbahan.

Tayong mga may-asawa ay dapat pagnilayan nang paulit-ulit kung gaano kahiwaga at kamangha-mangha na binigyan tayo ng Diyos ng pribilehiyong ilarawan ang dakilang katotohanan na di-natatapos ang kahigitan sa ating mga sarili.

Ang hiwagang ito ni Cristo at ng simbahan ang pundasyon ng pattern ng pag-ibig na inilarawan ni Paul para sa kasal. Hindi sapat na sabihin ng mag-asawa na dapat hanapin nila ang sariling kagalakan sa kagalakan ng kanilang asawa. Totoo iyan. Pero hindi sapat ito. Mahalaga ring sabihin na dapat gayahin ng mag-asawa ang ugnayang hangad ng Diyos para kay Cristo at sa simbahan. Ibig sabihin, dapat hangarin ng bawat isa na mamuhay ayon sa natatanging huwaran ng dalisay at magandang plano ng Diyos para kay Cristo at sa simbahan.

Sana seryosohin mo ito, may asawa ka man o wala, matanda ka man o bata. Nakasalalay dito ang paghahayag ni Cristong tumutupad sa covenant at sa Kanyang simbahang tumutupad din dito.

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-mystery-of-marriage

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

“Sa kabila ng ginawa nila, sila'y aking pagagalingin at tutulungan, at ang nagluluksa'y aking aaliwin. Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit man. Aking pagagalingin ang aking bayan.” (Isaiah 57:18-19) Sa kabila ng malubhang sakit ng tao na magrebelde at sadyang gawin ang kahit anong gusto niya, nagpapagaling ang Diyos. Paano Siya nagpapagaling? Sinasabi sa Isaiah 57:15 na ang Diyos ay naninirahan sa mga nagsisisi at nagpapakumbaba. Pero ang mga tao ng Isaiah 57:17 ay hindi mapagpakumbaba. Walang pakundangan nilang sinusunod ang kanilang palalong pamamaraan. Kung gayon, ano ang pagpapagaling sa kanila? Isang bagay lang ang puwede rito. Pagagalingin sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapababa ng loob nila. Gagamutin Niya ang pasyente sa pamamagitan ng pagdurog sa kanyang kahambugan. Kung ie-enjoy lang ng nagsisisi’t mapagpakumbaba ang fellowship sa Diyos (Isaiah 57:15), at kung ang karamdaman ng Israel ay isang palalo’t sinasadyang rebelyon (Isaiah 57:17), at kung nangangako ang Diyos na pagagalingin sila (Isaiah 57:18)—kung gayon, nakakapagpababa ng loob ang Kanyang pagpapagaling at ang Kanyang gamot ay isang nagsisising espiritu. Hindi ba’t ito ang paraan ng paghula ni Isaiah sa tinatawag ni Jeremiah na new covenant at ang kaloob na isang bagong puso? Sabi niya, “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y gagawa ng panibagon tipan sa sambahayan ng Israel . . . Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat iton sa kanilang mga puso; at ako’y magiging kanilang Diyos at sila’y magiging aking bayan” (Jeremiah 31:31, 33). Kapwa nakita nina Isaiah at Jeremiah ang paparating na panahon kung saan ang isang sakitin, suwail, at matigas ang loob na tao’y magbabago sa pamamagitan ng pagkilos ng Diyos. Binanggit ni Isaiah ang tungkol sa pagpapagaling. Binanggit ni Jeremiah ang pagsulat ng Kautusan sa kanilang puso. At ganito ang sabi ni Ezekiel: “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin” (Ezekiel 36:26) Kaya ang pagpapagaling sa Isaiah 57:18 ay isang malaking heart transplant — tinanggal ang luma’t masuwaying puso, na mapagmataas at nananadya, at inilagay ang isang bagong puso, na malambot at magiliw, na madaling magpakumbaba at nagsisisi sa alaala ng kasalanan at sa kasalanang nananatili. Ito’y isang pusong pananahanan magpakailanman ng Dakilang ang pangala’y Banal.

View Details

Sapagkat hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pandinig, o ang mata man ay nakakita ng Diyos liban sa iyo, na gumagawa para sa mga naghihintay sa kanya. (Isaiah 64:4, ABTAG2001)

Iilan lang ang nagbigay sa’kin ng higit na kagalakan kaysa sa katotohanan na gustong-gustong ipakita ng Diyos ang Kanyang kabanalan sa pamamagitan ng pagkilos para sa akin, at ang Kanyang gawain para sa akin ay laging nauuna at pumapailalim at nasa anumang gawaing ginagawa ko para sa Kanya.

Sa una, puwedeng magtunong mayabang tayo, at minamaliit ang Diyos, sa pagsabing gumagawa Siya para sa atin. Pero dahil lang ito sa konotasyon na employer ako at kailangan ng Diyos ng trabaho. Hindi ’yan ang nais ipahiwatig kapag binabanggit ng Biblia ang tungkol sa gawain ng Diyos para sa atin. Ni hindi ito nasa isip ni Isaiah nang sabihin niyang ang Diyos ay “gumagawa para sa mga naghihintay sa kanya” (Isaiah 64:4).

Ang tamang paghahalintulad ng pagsasabing ang Diyos ay gumagawa para sa akin ay ito: Bankrupt ako’t kailangan ng magbabayad ng mga utang ko. Mahina ako’t kailangan ng malakas na tao. Nanganganib ako at kailangan ng tagapagtanggol. Hangal ako’t kailangan ng matalinong tao. Naliligaw ako’t kailangan ng Tagapagligtas.

Ibig sabihin ng pagkilos ng Diyos para sa’kin ay hindi ko kayang gawin ang gawain. Kailangang-kailangan ko ng tulong.

At niluluwalhati nito ang Diyos, hindi ako. Nakakakuha ng kaluwalhatian ang Tagapagbigay. Nakakatanggap ng papuri ang Makapangyarihan.

Pakinggan ang paraan ng pagbanggit sa Biblia tungkol sa pagkilos ng Diyos para sa ’yo, at maging malaya sa pagpasan ng iyong sariling pasanin. Hayaang gawin Niya ang gawaing iyan.

  1. “Sangkatauhan ay wala pang nakikita o naririnig na Diyos maliban sa iyo; ikaw na tumutugon sa mga dalangin ng mga umaasa sa iyo” (Isaiah 64:4).
  2. “Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan” (Mga Gawa 17:25).
  3. “Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami” (Mark 10:45).
  4. “Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya. Dahil sa kahangalan mong ito, mula ngayo'y lagi kang magkakaroon ng digmaan” (2 Cronica 16:9).
  5. “Kung ako ma'y nagugutom, hindi ko na sasabihin . . . Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin” (Mga Awit 50:12, 15).
  6. “Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo'y iligtas at tulungan” (Isaiah 46:4).
  7. “Nagpagal ako nang higit kaysa sinuman sa kanila, subalit hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin” (1 Corinto 15:10).
  8. “Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan” (Mga Awit 127:1).
  9. “Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo” (1 Pedro 4:11).
  10. “Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan . . . sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban” (Mga Taga Filipos 2:12–13).
  11. “Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago” (1 Corinto 3:6).

View Details

Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. (Filipos 3:1)

Walang nagturo sa akin na nago-glorify ang Diyos sa pamamagitan ng ating kagalakan sa Kanya — na ang kagalakan sa Diyos ang mismong bagay na ginagawang karangalan ang ating papuri sa Diyos, at hindi ang pagiging hipokrito.

Ngunit sinabi ito ni Jonathan Edwards na napakalinaw at makapangyarihan:

Niluluwalhati rin ng Diyos ang Kanyang sarili sa mga nilalang [sa] dalawang paraan: (1) sa pamamagitan ng pagpapakita sa . . . kanilang pang-unawa; (2) sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga puso, at sa kanilang kagalakan at kaluguran, at pag-enjoy ng pagpapakilalang ginagawa Niya sa Kanyang sarili . . . Nago-glorify ang Diyos hindi lang sa pagkakita sa Kanyang kaluwalhatian, kundi sa pagkagalak dito . . . .

Kapag ang mga nakakakita nito’y nagagalak dito: Mas naluluwalhati ang Diyos kaysa kung nakikita lang nila ito . . . Siyang nagpapatotoo sa kanyang ideya tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos [ay hindi] niluluwalhati ang Diyos tulad ng nagpapatotoo rin sa kanyang pagsang-ayon at kagalakan dito.

Napakagandang pagtuklas nito para sa akin. Dapat akong patuloy na magalak sa Diyos kung gusto ko Siyang i-glorify bilang napakahalagang Katotohanan sa sansinukob. Hindi lang option ang kagalakan sa pagsamba. Ito’y mahalagang bahagi ng pagsamba. Tunay ngang ang pinakadiwa ng pagsamba — kagalakan sa kaluwalhatian ng Diyos.

May tawag tayo sa mga nagsasabi ng kanilang papuri sa Diyos na hindi namang nagagalak sa kanilang pinupuri. Hipokrito, o mapagpaimbabaw, ang tawag natin sa kanila. Sabi ni Jesus, “Kayong mapagpaimbabaw! Tama ang paghahayag ni Isaias sa inyo na sinabi: Lumalapit sa akin ang mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang mga bibig at igina­galang nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga labi. Ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin” (Mateo 15:7–8). Ang katotohanang ito — na ang kahulugan ng tunay na pagpupuri ay lubos na kagalakan at ang pinakamataas na rason bakit nilika ang tao ay ang uminom nang malalim sa kagalakang ito para sa kaluwalhatian ng Diyos — siguro’y ito ang pinaka-liberating na natuklasan ko.

View Details

“Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.” (Exodo 33:19)

Kailangan ni Moses ng pag-asang talagang magkakaroon ng awa ang Diyos sa mga matitigas ang ulo na kakatapos lang sumamba sa mga diyos-diyosan at nilait ang Diyos na nagdala sa kanila palabas ng Ehipto.

Para maibigay kay Moses ang pag-asa at kompiyansang kailangan niya, sinabi ng Diyos, “Mahahabag Ako sa nais Kong kahabagan.” Sa madaling salita, “Hindi nakadepende ang Aking pagpili sa antas ng kasamaan o kabutihan ng tao kundi sa Aking malaya at soberanong kalooban. Sa gayon, walang makakapagsabi na masyado siyang masama para pakitaan ng biyaya.” Ipapahiwatig nito na hindi malaya ang Diyos, at ang pagpili ay hindi unconditional.

Ang doktrina ng unconditional election, o walang kondisyong pagpili, ay ang dakilang doktrina ng pag-asa para sa mga pinakamasamang makasalanan. Ibig sabihin nito’y pagdating sa pagpili ng tao para sa biyaya, walang kinalaman ang iyong pinagmulan sa pasya ng Diyos. Magandang balita iyan.

Kung hindi ka pa naipapanganak muli at dinala sa saving faith kay Jesu-Cristo, huwag malunod sa kawalang-pag-asa na ang labis na kabulukan o katigasan ng iyong buhay noon ay napakalaking balakid sa gawain ng Diyos sa iyong buhay. Gustong-gusto ng Diyos na palakihin ang kalayaan ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagliligtas sa pinakamasama sa mga makasalanan.

Talikuran ang iyong kasalanan; tumawag sa Panginoon. Kahit sa daily devotion na ito na iyong binabasa o pinakikinggan, Siya’y mapagbiyaya sa ’yo, at binibigyan ka ng matinding panghihikayat na lumapit sa Kanya para sa awa.

“‘Halikayo at tayo’y magpaliwanagan,’ sabi ni Yahweh. Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo’y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak” (Isaiah 1:18).

View Details

Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. (Mga Awit 27:4)

Hindi puwedeng walang tugon ang Diyos sa nagsisising pananabik ng kaluluwa. Dumarating Siya at binubuhat ang pasanin ng kasalanan at pinupuspos ng kagalakan at pasasalamat ang ating puso. “Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit. Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko’y walang patid” (Mga Awit 30:11–12).

Pero hindi lang mula sa pagsulyap pabalik sa pasasalamat nagmumula ang ating kagalakan. Gumigising din ito mula sa pasulong na sulyap sa pag-asa: “Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan” (Mga Awit 42:5–6).

“Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong” (Mga Awit 130:5).

Sa huli, hindi inaasam ng puso ang anuman sa mabubuting kaloob ng Diyos, kundi ang Diyos mismo. Ang makita Siya at makilala Siya at makapiling ang Kanyang presensya ang huling piging ng kaluluwa. Higit pa rito’y wala nang hahanapin pa. Hindi ito kayang ilagay sa mga salita. Tinatawag natin itong kasiyahan, kagalakan, kaluguran. Ngunit ang mga ito’y mahinang tumuturo sa di-masambit na karanasan:

“Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh’y aking mapagmasdan, at doo’y humingi sa kanya ng patnubay” (Mga Awit 27:4).

“Sa piling mo’'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo’'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan” (Mga Awit 16:11).

“Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan” (Mga Awit 37:4).

View Details

Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo? (1 Corinto 4:7)

Isipin mo ang kaligtasan bilang bahay na iyong tinitirahan.

Binibigyan ka nito ng proteksyon. Ito’y stocked ng pagkain at inumin na tatagal habang-panahon. Hindi ito kailanman mabubulok o masisira. Ang bintana nito’y nagbubukas sa mga tanawin ng kaluwalhatiang kasiya-siya sa lahat.

Malaki ang ibinayad ng Diyos at ng Kanyang Anak sa pagtayo nito, at ibinigay Niya ito sa ’yo nang libre at tiyak.

Ang kasunduan sa “pagbili” ay tinatawag na “new covenant.” Mababasa sa mga tuntunin nito: “Ang bahay na ito’y magiging sa ’yo at mananatili sa ’yo kung tatanggapin mo ito bilang regalo at kaluluguran ang Ama at Anak habang naninirahan Sila sa bahay kasama mo. Hindi mo lalapastanganin ang bahay ng Diyos sa pamamagitan ng ibang mga diyos o pagtuon ng iyong puso sa ibang kayamanan, bagkus ay matatagpuan mo ang iyong kasiyahan sa fellowship ng Diyos sa bahay na ito."

Hindi ba kamangmangan na umoo sa kasunduang ito, at pagkatapos ay kumuha ng abugado para gumawa ng iskedyul ng amortization na may buwanang bayad, sa pag-asang kahit paano’y mababalanse mo ang iyong accounts at mababayaran ang bahay?

Ituturing mo ang bahay hindi na bilang isang regalo kundi isang bagay na iyong binili. Hindi na magiging malayang benefactor ang Diyos. At magiging alipin ka sa panibagong tuntunin na hindi naman Niya pinangarap na ibigay sa ’yo.

Kung ang biyaya ay magiging libre — na siya mismong kahulugan ng biyaya — hindi natin ito puwedeng tingnan bilang isang bagay na kailangan babayaran.

View Details

“Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.” (Deuteronomio 7:6)

Ano’ng magiging tunog ng mga doktrina ng biyaya — ang lumang terminong Puritan para sa Calvinistic na turo ng soberanong biyaya ng Diyos sa ating kaligtasan (TULIP) — ano ang magiging tunog ng mga doktrina ng biyayang ’yon kung ang bawat sanga ng punong ’yon ay dinadaluyan ng dagta ng Augustinian na kagalakan (ibig sabihin, “Cristianong Hedonismo”)?

  • Ang lubos na kabuktutan ay hindi lang kasamaan, kundi pagkabulag sa kagandahan ng Diyos, at pagiging patay sa pinakamalalim na kagalakan.
  • Ibig sabihin ng unconditional election – o walang kondisyong pagpili – ay nakaplano na para sa atin ang kabuuan ng ating kagalakan kay Jesus bago pa tayo mabuhay, bilang pag-apaw ng kagalakan ng Diyos sa fellowship ng Trinity.
  • Ang limited atonement – o limitadong pagbabayad-sala – ay katiyakan na ang di-mawawasak na kagalakan sa Diyos ay siguradong secured para sa mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng dugo ng bagong covenant.
  • Ang biyayang kahali-halina ay ang pangako’t kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos para matiyak na hindi tayo kakapit sa suicidal na kasiyahan, at para palayain tayo gamit ang soberanong kapangyarihan ng nakahihigit na kasiyahan.
  • Ang pagpapatuloy ng mga banal ay ang makapangyarihang gawain ng Diyos na ’di tayo hayaang mahulog sa huling pagkaalipin ng mababaw na kasiyahan, kundi para ingatan tayo, sa pamamagitan ng lahat ng paghihirap at pagdurusa, para sa gantimpala ng lubos na kagalakan sa harapan Niya, at kasiyahan sa Kanyang kanang kamay magpakailanman.

Sa limang iyon, ang unconditional election ang naghahatid ng pinakamatindi at pinakamatamis na paghatol sa aking kaluluwa. Dahil ito’y unconditional, winawasak nito ang lahat ng pagtataas sa sarili (’yan ang malupit na parte); at dahil ito’y biyaya, ibig sabihin ay iniingatang pag-aari Niya ako (’yan ang matamis na parte).

Isa ito sa mga kagandahan ng mga biblikal na doktrina ng biyaya sa Biblia: inihahanda tayo ng kanilang pinakamatinding pagkawasak para sa kanilang pinakamatinding kagalakan.

Anong pagmamataas ang kahihinatnan natin sa mga salitang, “Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan” (Deuteronomio 7:6), kung ang election na ito ay nakadepende sa atin sa anumang paraan. Pero para protektahan tayo mula sa pagmamalaki, itinuturo sa atin ng Panginoon na tayo’y pinili nang walang kundisyon (Deuteronomio 7:7–9). “He made a wretch His treasure (Ginawa Niyang kayamanan ang isang walang palad),” malugod nga nating inaawit.

Tanging ang nakakawasak na kawalan ng bayad at kondisyon ng electing grace (o biyaya ng pagpili) — na sinundan ng lahat ng iba pang gawain ng saving grace (o biyayang nagliligtas) — ang nagpapahintulot sa ating kumuha at tumikim ng gayong mga regalo para sa ating sarili nang walang pagdadakila sa sarili natin.

Devotional excerpted from “Why We Love the Doctrines of Grace”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/devastated-and-delighted

View Details

Binigyan ng puting kasuotan ang bawat isa sa kanila, at sinabi sa kanilang magpahinga nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa mga lingkod, na papatayin ding tulad nila. (Revelation 6:11)

Sa loob ng halos tatlong daang taon, lumago ang Kristiyanismo sa lupang basa ng dugo ng mga inuusig.

Hanggang kay Emperor Trajan (around AD 98), pinapayagan pero hindi legal ang persecution. Mula kay Trajan hanggang kay Decius (around AD 250), naging legal ang persecution. Mula kay Decius, na kinamumuhian ang mga Kristiyano at kinatatakutan ang kanilang epekto sa kanyang mga reporma, hanggang sa unang edict of toleration (o utos ng pagpaparaya) noong 311, hindi lang legal ang persecution kundi laganap din.

Inilarawan ng isang manunulat ang sitwasyon sa ikatlong period na ito:

Kumalat ang takot sa lahat ng dako ng mga kongregasyon; at napakalaki ng bilang ng mga lapsi [o mga taong tumalikod sa kanilang pananampalataya nang pinagbantaan]. Gayunman, walang kakulangan ng mga nanatiling matatag, at nagpakamartir kesa bumigay; at, sa pagkalat at pagtindi ng persecution, lalong naging masigasig ang mga Kristiyano at lumakas nang lumakas ang kanilang kapangyarihan ng paglaban.

Kaya, sa loob ng tatlong daang taon, ang pagiging Kristiyano ay paglalagay sa panganib ng iyong buhay at mga pag-aari at pamilya. Ito’y pagsubok sa kung ano ang mas mahal mo. At ang sukdulan ng pagsubok na iyon ay ang pagiging martir.

At sa itaas na pagiging martir na iyon ay isang soberanong Diyos na nagsabing may itinalagang bilang ng mga martir. May espesyal na papel silang gagampanan sa pagtatanim at pagbibigay ng kapangyarihan ng simbahan. May espesyal na papel silang gagampanan sa pagsasara ng bibig ni Satanas, na palaging sinasabing ang mga anak ng Diyos ay naglilingkod lang sa Kanya dahil mas bumubuti ang buhay nila. Iyan ang punto ng Job 1:9–11.

Hindi aksidente ang pagiging martir.

Hindi nagulat ang Diyos dito. Hindi ito di-inaasahan. At hindi ito isang strategic na pagkatalo para sa layunin ni Cristo.

Maaaring mukha itong pagkatalo. Pero bahagi ito ng plano ng langit na walang human strategist ang puwedeng makaisip o makapagdisenyo. At ang planong ito ay magtatagumpay para sa lahat ng nagtitiis hanggang wakas sa pamamagitan ng pananampalataya sa all-sufficient grace ng Diyos.

View Details

Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya'y muling pupurihin ko, ang tulong sa aking harapan, at Diyos ko. (Psalm 42:11, ABTAG2001)

Dapat natin matutunang labanan ang kawalan ng pag-asa — ang pagkakaroon ng malungkot na espiritu. Ang labanan ay labanan ng pananampalataya sa future grace. Nilalabanan ito by preaching truth sa ating sarili, tungkol sa Diyos at sa Kanyang ipinangakong kinabukasan.

Ito ang ginagawa ng psalmist sa Awit 42. Pinapangaralan ng psalmist ang kanyang problemadong kaluluwa. Pinapagalitan at nakikipagtalo siya sa kanyang sarili. At ang kanyang pangunahing argumento ay future grace: “Ang pag-asa ay nasa Diyos! Magtiwala sa gagawin sa ’yo ng Diyos sa hinaharap. Darating ang araw ng pagpupuri. Ang presensya ng Panginoon ang tanging magiging tulong na kailangan mo. At nangako Siyang makakasama natin Siya magpakailanman."

Naniniwala si Martyn Lloyd-Jones na ang isyung ito ng pangangaral ng katotohanan sa ating sarili tungkol sa future grace ng Diyos ay mahalaga upang madaig ang spiritual na kalungkutan. Isinulat niya sa kanyang helpful na aklat, Spiritual Depression:

Na-realize mo ba na karamihan sa iyong kalungkutan sa buhay ay dahil nakikinig ka sa iyong sarili imbis na kausapin mo ang sarili mo? Tingnan ang mga iniisip mo paggising sa umaga. Hindi mo alam saan sila nanggaling, pero sinisimulan nilang kausapin ka, at binabalik nila ang mga problema ng kahapon, etc. May isang taong nagsasalita. . . . Kinakausap ka ng sarili mo. Ngayon, ito ang lunas ng taong ito [sa Awit 42]: Imbis na hayaang kausapin siya ng kanyang sarili, sinisimulan niyang kausapin ang kanyang sarili. “Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko?” tanong niya. Pinalulungkot siya ng kanyang kaluluwa, dinudurog siya nito. Kaya tumatayo siya at sinasabing, “Makinig ka sandali, aking sarili. Kakausapin kita.” (20–21)

Ang laban sa kawalan ng pag-asa ay isang labanan para maniwala sa mga pangako ng Diyos. At ang paniniwalang iyan sa future grace ng Diyos ay dumarating sa pakikinig sa Salita. Kaya nga ang pangangaral natin ng Salita ng Diyos sa sarili natin ay nasa puso ng labanan.

View Details

Subalit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ako ay ako, at ang kanyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan. Sa halip, ako'y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat, bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin. (1 Corinto 15:10, ABTAG2001) Na-realize ni Paul na baka hindi maintindihan ang unang bahagi ng talatang ito: “Ako’y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat.” Kaya sinabi pa niya, “Bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin.” Hindi kinukunekta ni Paul ang kanyang pagsunod sa kanyang pasasalamat para sa past grace. Ikinakabit niya ito sa grace ng bawat sandali na laging dumadating. Tumataya siya sa pagdating ng pangakong future grace ng Diyos sa bawat sandali ng pangangailangan. Sa bawat intensyon at pagsisikap ni Paul na sumunod kay Cristo, kumikilos ang biyaya para makabuo ng intensyon at effort na iyon. Hindi naglilingkod si Paul dahil lang sa pasasalamat para sa past grace, kundi sa bawat sandaling pag-asa sa pagdating ng ipinangakong biyaya. Gustong bigyang-diin ni Paul na ang laging pagdating ng biyaya ng Diyos ang tiyak na dahilan ng kanyang paglilingkod. Talaga bang sinasabi ’yan? Hindi ba’t sinasabi lang na ang biyaya ng Diyos ay kumikilos kay Paul? Hindi, higit pa rito ang sinasabi nito. Kailangan nating maintindihan ang mga salitang, “Bagaman hindi ako.” Gusto ni Pablo na itaas ang biyaya ng bawat sandali ng Diyos sa paraang malinaw na hindi siya ang nagpapasyang gumawa ng gawaing ito. Gayunman, isa siyang tagapaglingkod ng gawaing ito: “Ako’y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat.” Naglilingkod siya. Pero sinabi niya na ito’y biyaya ng Diyos “na ibinigay sa akin.” Kung hahayaan natin tumindig ang lahat ng bahagi ng talatang ito, ito ang bunga: grace ang tiyak na manggagawa sa gawain ni Paul. Yamang si Paul ay isa ring tagapagtupad ng kanyang gawain, ang paraan na nagiging tiyak na tagapaglingkod ang biyaya ay sa pamamagitan ng enabling power ng paglilingkod ni Paul. Sa tingin ko, ito ang ibig sabihin nito: Sa pagharap ni Paul sa pasanin ng ministeryo bawat araw, yumuyuko siya at ipinagtatapat na, maliban kung bibigyan siya ng future grace para sa gawain sa araw na iyon, hindi niya ito magagawa. Siguro’y naalala niya ang mga salita ni Jesus, “Sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin” (Juan 15:5). Kaya ipinagdasal niya ang future grace para sa maghapon, at nagtiwala siya sa pangako na darating ito nang may kapangyarihan. “At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus” (Mga Taga Filipos 4:19). Pagkatapos nito… naglingkod siya nang buong lakas.

View Details

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo. (Efeso 4:32)

Ang pananampalatayang nagliligtas, o saving faith, ay hindi lang paniniwala na pinatawad ka. Tumitingin ang saving faith sa nakakakilabot na mukha ng kasalanan, at pagkatapos ay tumitingin sa kabanalan ng Diyos, at nauunawaan nito spiritually na ang pagpapatawad ng Diyos ay walang sukat na kaluwalhatian at kagandahan. Hindi lang natin ito tinatanggap; hinahangaan natin ito. Satisfied tayo sa bago nating pakikipagkaibigan sa dakila’t mapagpatawad na Diyos.

Hindi ibig sabihin ng faith sa kapatawaran ng Diyos ay kumbinsido na akong hindi ako mapaparusahan. Ibig sabihin nito’y paglasap sa katotohanang ang mapagpatawad na Diyos ang pinakamahalagang katotohanan sa sansinukob. Minamahal ng saving grace ang kapatawaran ng Diyos, at mula roon nagmumula ang pagmamahal sa Diyos na nagpapatawad — at lahat ng kung sino Siya para sa atin kay Jesus. Malaki ang epekto ng karanasang ito sa pagiging mapagpatawad nating tao.

Nakaraan na ang dakilang akto ng pagbili ng kapatawaran natin — ang Krus ni Cristo. Sa pagbabalik-tanaw nito, nalalaman natin ang biyayang ating pinaninindigan (Roma 5:2). Nalalaman natin na tayo ngayon, at sa tuwina, ay mamahalin at tatanggapin. Nalalaman natin na ang buhay na Diyos ay isang mapagpatawad na Diyos.

Pero magpapatuloy ang dakilang pagkilos ng pagdanas ng kapatawaran magpakailanman sa hinaharap. Tumatagal magpakailanman ang ating maligayang pakikipag-isa sa dakilang Diyos na mapagpatawad. Kung ganun, ang kalayaan para sa kapatawaran, na dumadaloy mula sa all-satisfying fellowship sa mapagpatawad na Diyos, ay tumatagal hangga’t naririto tayo.

Natutunan kong posibleng magpatuloy ang pagkimkim ng sama ng loob kung ang ibig sabihin lang ng pananampalataya mo’y nilingon mo ang Krus at iniisip mo lang na hindi ka na paparusahan. Kaya napilitan akong tingnan ito nang mas malalim pa sa tunay na pananampalataya — hindi lang relief na hindi na ako mapaparusahan, kundi isang mas malalim na kasiyahan sa lahat ng meron sa akin ang Diyos kay Jesus. Ang pananampalatayang ito ay hindi lang lumilingon para matuklasan na tayo’y hindi na mapaparusahan, kundi para makita at matikman ang uri ng Diyos na nag-aalok sa atin ng isang kinabukasan ng walang-hanggang reconciled tomorrows sa pakikipagkaibigan sa Kanya. Napakahalaga ang satisfied fellowship sa ganitong mapagpatawad na Diyos para sa pagiging mapagpatawad nating tao.

View Details

Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan.Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. (Filipos 4:11-13)

Ang future grace na nilalaan ng Diyos sa pang-araw-araw ang siyang umaagapay kay Paul para maging busog o maging gutom, magkaroon ng mabuti o nagdurusang kalagayan, o magkaroon ng kasaganaan o kakulangan.

“Lahat” talaga ang ibig sabihin ng “Lahat ng ito’y magagawa ko,” hindi lang ang madadaling bagay. Ang ibig sabihin ng “Lahat ng bagay” ay “Kay Cristo, puwede akong magutom at magdusa at magkulang.” Inilalagay nito ang napakagandang pangako ng Filipos 4:19 sa tamang perspective: “Ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.”

Ano ang ibig sabihin ng “lahat ng inyong kailangan” sa pananaw ng Filipos 4:11–12? Ibig sabihin, “lahat ng kailangan ninyo para sa God-glorifying na kasapatan.” Puwedeng may kasamang gutom at pangangailangan ito. Ang pagmamahal ni Paul sa mga taga-Filipos ay dumaloy mula sa kanyang contentment sa Diyos, at dumaloy ang kanyang kasiyahan mula sa pananampalataya sa future grace ng tiyak na provision ng Diyos, na kanyang tanging kailangan sa panahon ng kasaganaan at kakulangan.

Malinaw na ang pag-iimbot ay eksaktong kabaligtaran ng pananampalataya. Ito ang pagkawala ng kasiyahan kay Cristo kaya sinisimulan nating maghanap ng iba pang bagay para i-satisfy ang mga inaasam ng ating puso na tanging ang presensya ng Diyos mismo ang makaka-satisfy. At walang pagkakamali na ang digmaan laban sa pag-iimbot ay digmaan laban sa unbelief sa pangako ng Diyos na maging tanging kailangan natin sa bawat sitwasyon.

Napakalinaw nito sa Hebreo 13:5. Tingnan kung paano nakikipagtalo ang may-akda para sa ating kalayaan mula sa pag-ibig sa pera — kalayaan mula sa pag-iimbot — ang kalayaan ng contentment sa Diyos: “Iwasan ninyo ang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo kung ano'ng mayroon kayo, sapagkat sinabi ng Diyos, ‘Hinding-hindi kita iiwan, ni pababayaan man.’” Winawasak ng faith sa pangakong ito — “Hindi kita iiwan” — ang kapangyarihan ng lahat ng pagnanais na nakaka-dishonor sa Diyos — lahat ng pag-iimbot.

Tuwing nararamdaman natin ang pag-usbong ng kahit ang pinakamaliit na pag-iimbot sa ating puso, dapat natin labanan ito nang buong kakayahan natin gamit ang mga sandata ng pananampalatayang ito.

Devotional excerpted from Future Grace, page 224

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/i-can-be-content-in-every-circumstance

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ngunit ito ang taong aking titingnan, siya na mapagpakumbaba at may nagsisising diwa, at nanginginig sa aking salita. (Isaiah 66:2, ABTAG2001)

Ang unang tanda ng matuwid na puso ay nanginginig ito sa salita ng Panginoon.

Tinitingnan ng Isaias 66 ang problema na sumasamba ang ilan sa paraang nakalulugod sa Diyos at ang ilang sa paraan na hindi. Inilarawan sa talata 3 ang masasama na nagdadala ng kanilang mga handog, “Ang kumakatay ng baka ay gaya ng pumapatay ng tao.” Ang kanilang mga handog ay karumal-dumal sa Diyos — kapantay ng pagpatay. Bakit?

Ipinaliwanag ng Diyos sa talata 4, “Nang ako’y tumawag, walang sumagot, nang ako’y magsalita ay hindi sila nakinig.” Ang kanilang mga sakripisyo ay karumal-dumal sa Diyos dahil ang mga tao ay bingi sa Kanyang tinig. Pero paano naman ang mga taong dininig ng Diyos ang mga panalangin? Sabi ng Diyos sa talata 2, “Ngunit ito ang taong aking titingnan, siya na mapagpakumbaba at may nagsisising diwa, at nanginginig sa aking salita.”

Hinuha ko mula rito na ang unang tanda ng matuwid, iyong mga panalangin ay nakalulugod sa Diyos, ay silang nanginginig sa salita ng Diyos. Ito ang mga taong titingnan ng Panginoon.

Kaya, ang panalangin ng matuwid na kalugud-lugod na Diyos ay nagmumula sa pusong nakararamdam sa una ng panganib sa presensya ng Diyos. Nanginginig ito sa pakikinig sa salita ng Diyos, dahil may pakiramdam siya na napakalayo nito sa pamantayan ng Diyos at vulnerable ito sa Kanyang paghatol at wala itong magawa at nalulungkot talaga ito dahil sa mga pagkukulang nito.

Ito ang sinabi ni David sa Mga Awit 51:17, “Ang mga hain sa Diyos ay bagbag na diwa, isang bagbag at nagsisising puso, O Diyos, ay hindi mo hahamakin.” Ang unang bagay na katanggap-tanggap sa panalangin sa Diyos ay ang pagiging wasak at pagpapakumbaba ng isang taong nagdarasal. Nanginginig sila sa Kanyang salita.

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/what-kind-of-prayer-pleases-god

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Sinasabi ng tamad, “May leon sa labas! Mapapatay ako sa mga lansangan!” (Kawikaan 22:13, ABTAG2001)

Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin ng kawikaang ito. Inasahan kong sasabihin nito, “Sinasabi ng duwag, ‘May leon sa labas! Mapapatay ako sa mga lansangan!” Pero sabi rito, “tamad,” hindi “duwag.” Kaya, ang kumokontrol na damdamin dito ay katamaran, hindi takot.

Pero ano ang kinalaman ng katamaran sa panganib ng leon sa kalye? Hindi natin karaniwang sinasabing, “Masyadong tinatamad gawin ng taong ito ang kanyang gawain dahil may leon sa labas.”

Ang punto ay lumilikha ang tamad ng mga imaginary na sitwasyon para bigyang-katwiran ang hindi paggawa ng kanyang gawain, at sa gayon ay inililipat ang focus mula sa bisyo ng kanyang katamaran papunta sa panganib ng mga leon. Walang sinumang papayag na manatili siya sa bahay buong maghapon dahil tamad siya. Pero puwede nila siyang i-excuse kung may leon sa kalye.

Ito ang isang malalim na insight sa Biblia na kailangan nating matutuhan mula rito: na ang ating puso’y pinagsasamantalahan ang isipan natin para pangatwiranan ang ating kagustuhan. Ibig sabihin, mas nauuna ang deepest desires natin kaysa sa tamang pag-function ng ating isipan, at nililiko nito ang ating isip para tumingin at mag-isip ng paraan para maging tama ang ating mga gusto, kahit mali ang mga ito.

Ito ang ginagawa ng tamad. Gustong-gusto niyang manatili sa bahay at hindi magtrabaho. Walang magandang dahilan para manatili sa bahay. Kaya, ano ang ginagawa niya? Tinatalo ba niya ang kanyang masamang pagnanais — ang kanyang katamaran? Hindi, ginagamit niya ang kanyang isip para lumikha ng di-totoong sitwasyon para pangatwiranan ang kanyang naisin.

Sabi ni Jesus, “Naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa” (Juan 3:19). Gustong-gusto natin ang kadiliman para patuloy nating magawa ang mga gusto nating gawin nang hindi malalantad. Sa ganitong kalagayan, nagiging pabrika ng kadiliman ang isipan — isang bukal ng kalahati o di-malinaw na katotohanan, maling argumento, pag-iwas, at kasinungalingan — anumang bagay para protektahan ang masasamang kagustuhan ng puso mula sa pagkalantad at pagkawasak.

Ikunsidera ito at maging matalino.

View Details

Lalo siyang lumakas dahil sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. Lubos siyang naniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito. (Roma 4:20-21)

Sa isip ni Paul ay may espesyal na dahilan kung bakit niluluwalhati ng pananampalataya ang future grace ng Diyos. Sa madaling sabi, ang dahilan ay ito: Ang God-glorifying faith ay pagtitiwala na nakatuon sa hinaharap, sa integridad at kapangyarihan at karunungan ng Diyos na gawin ang lahat ng Kanyang ipinangako.

Inilalarawan ni Paul ang pananampalatayang ito sa pagtugon ni Abraham sa pangako ng Diyos: na magiging ama siya ng maraming bansa kahit matanda na siya at baog ang kanyang asawa (Roma 4:18). “Umaasa kahit wala nang pag-asa,” ibig sabihin, sumampalataya siya sa future grace ng pangako ng Diyos, sa kabila ng lahat ng pangmundong katibayan na kumokontra rito.

Hindi nanghina ang kanyang pananampalataya nang naisip niya ang kanyang katawan, na parang patay na (dahil isandaang taon na siya), o nang naisip niya ang pagkabaog ng sinapupunan ni Sarah. Walang unbelief ang nagdulot sa kanya na mag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang lumakas sa pananampalataya habang nagbibigay-luwalhati sa Diyos, lubos na naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito. (Roma 4:19–21)

Ang faith ni Abraham ay pananampalataya sa pangako ng Diyos na gagawin siyang ama ng maraming bansa. Niluwalhati ng faith na ito ang Diyos dahil binigyan-pansin nito ang lahat ng makapangyarihan at di-pangkaraniwang pagkukunan ng Diyos na kailangan para maisakatuparan ito.

Napakatanda na ni Abraham para magkaroon ng mga anak, at baog si Sarah. Hindi lang iyan: Paano mo gagawing “maraming bansa” ang anak o dalawa, na sinabi ng Diyos na magiging ama si Abraham? Parang imposibleng mangyari ito.

Samakatwid, niluwalhati ng faith ni Abraham ang Diyos sa kanyang pagiging sigurado na magagawa Niya at gagawin Niya ang imposibleng magawa ng tao. Ito ang pananampalatayang tinatawag tayo na magkaroon. Gagawin ng Diyos para sa atin ang hindi natin magagawa para sa ating sarili.

View Details

Si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, ay magpapakita sa ikalawang pagkakataon, hindi upang harapin ang kasalanan, kundi upang iligtas ang mga sabik na naghihintay sa kanya. (Hebreo 9:28, ABTAG2001)

Ang tanong sa ating lahat ay: Kasama ba tayo sa “marami” na ang mga kasalana’y pinasan ni Cristo? At maliligtas ba tayo sa Kanyang muling pagbabalik?

Ang sagot sa Hebreo 9:28 ay, “Oo,” kung tayo ay “sabik na naghihintay sa kanya.” Malalaman natin na inalis na ang ating mga kasalanan at magiging ligtas tayo sa judgment, kung nagtitiwala tayo kay Cristo sa paraan na sabik tayo sa Kanyang pagdating.

May huwad na pananampalataya na nagsasabing naniniwala kay Cristo, pero fire insurance policy lang ito. “Naniniwala” ang huwad na pananampalataya para lang makatakas sa impyerno. Wala itong tunay na desire kay Cristo. Katunayan, mas gusto nito kung hindi Siya dumating, para magkaroon tayo ng maraming kasiyahan sa mundong ito hangga’t maaari. Ipinapakita nito na ang isang puso ay hindi kay Cristo, kundi sa mundo.

Kaya, ang issue para sa atin ay: Sabik ba tayo sa pagdating ni Cristo? O gusto ba nating manatili Siyang malayo, samantalang nagpapatuloy ang ating pagmamahal sa mundo? Iyan ang tanong na susubok sa pagiging tunay ng pananampalataya.

Maging katulad tayo ng mga taga-Corinto habang tayo’y “naghihintay sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (1 Corinto 1:7, ABTAG2001), at gaya ng mga taga-Filipos na ang “pagkamamamayan ay nasa langit; mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo” (Filipos 3:20, ABTAG2001).

Iyan ang issue para sa atin. Gustong-gusto ba natin na Siya’y dumating? O mahal ba natin ang mundo at umaasa tayo na hindi maaabala ng Kanyang pagpapakita ang ating mga plano? Ang eternity ay nakasabit sa tanong na ito.

View Details

Pakatandaan ninyo: hangga't hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito'y mamatay, mamumunga ito nang sagana. Ang taong nagpapahalaga sa kanyang sarili lamang ay siyang mawawalan nito, ngunit ang taong hindi nagpapahalaga sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 12:24-25)

“Ang taong hindi nagpapahalaga sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan.” Ano’ng ibig sabihin nito?

Ibig sabihin, at least hindi mo masyadong iniisip ang iyong buhay sa mundong ito. Sa madaling salita, hindi masyadong mahalaga kung ano’ng nangyayari sa buhay mo sa mundong ito.

Kung nagsasalita ng mabuti tungkol sa ’yo ang mga tao, hindi mahalaga ito.

Kung galit sila sa ’yo, hindi mahalaga ito.

Kung marami kang mga bagay-bagay, hindi masyadong mahalaga ito.

Kung kakaunti lang ang mayroon ka, hindi masyadong mahalaga ito.

Kung inuusig ka o nagsisinungaling sila tungkol sa ’yo, hindi masyadong mahalaga ito.

Kung sikat ka man o di kilala, hindi mahalaga ito.

Kung namatay ka kasama ni Cristo, hindi na gaanong mahalaga ang mga bagay na ito.

Pero mas radikal ang mga salita ni Jesus. Tinatawag tayo ni Jesus hindi lamang para tiisin ang mga karanasang hindi natin pinipili, kundi magpasyang sundin Siya. “Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin” (Juan 12:26). Saan? Siya ay papuntang Gethsemane at patungo sa krus.

Hindi lang sinasabi ni Jesus: Kung sumama ang mga nangyayari, huwag kang mag-alala, dahil namatay ka na naman kasama Ko. Sinasabi Niya: Piliin mong mamatay kasama Ko. Piliin mong kamuhian ang iyong buhay sa mundong ito, tulad ng pagpili Ko sa krus.

Ito ang ibig sabihin ni Jesus nang sinabi Niya, “Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24). Tinatawag Niya tayo na piliin ang krus. Isang bagay lang ang ginagawa ng mga tao sa krus. Namatay sila rito. “Pasanin mo ang iyong krus” — ibig sabihin, “Tulad ng isang butil ng trigo, mahulog ka sa lupa at mamatay." Piliin ito.

Pero bakit? Para sa kapakanan ng radikal na katapatan sa ministeryo: “Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay magawâ ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, ang pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos para sa tao” (Mga Gawa 20:24). Parang naririnig kong sinasabi ni Paul, “Hindi mahalaga kung ano’ng mangyayari sa’kin — kung mabubuhay lang ako sa kaluwalhatian ng biyaya ng Diyos.”

View Details

Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. (Efeso 1:4-5)

Ang karanasan ni Charles Spurgeon ay hindi higit sa kakayahan ng sinumang ordinaryong Kristiyano.

Si Spurgeon, na nabuhay mula 1834 hanggang 1892, ay isang contemporary at kaibigan nina George Mueller at Hudson Taylor. Naglingkod siya sa Metropolitan Tabernacle sa London nang higit tatlumpung taon bilang pinakakilalang pastor ng kanyang panahon.

Napakabisa ng kanyang preaching kaya naco-convert ang mga tao kay Cristo linggo-linggo. Nililimbag pa rin ang kanyang mga sermon ngayon at itinuturing siyang modelong soul winner ng nakararami.

Binabalikan niya ang isang karanasan noong 16 years old siya, na humugis sa kanyang buhay at ministeryo hanggang sa dulo ng buhay niya.

Nang lumapit ako kay Cristo, akala ko’y ginagawa ko ito nang sarili ko lang, at kahit masigasig kong hinanap ang Panginoon, wala akong ideya na hinahanap ako ng Panginoon. Palagay ko, sa una’y hindi ito alam ng bagong convert.

Naaalala ko mismo ang araw at oras nang una kong tinanggap ang mga katotohanang iyon [ang mga doktrina ng pinakadakila at mapagtagumpay na grace] sa sarili kong kaluluwa — nang sila’y tumatak sa puso ko tulad ng mainit na bakal, tulad ng sabi ni John Bunyan, at naaalala ko ang pakiramdam na ako’y lumago, biglaan, mula sa isang sanggol sa pagiging isang lalaki — na ako ay lumago sa kaalaman sa Banal na Kasulatan, sa pagkakahanap ko, sa wakas, ng clue sa katotohanan ng Diyos.

Isang gabi, habang nakaupo ako sa bahay ng Diyos, hindi ko gaanong pinag-iisipan ang sermon ng mangangaral, dahil hindi ako naniniwala rito.

Naisip ko, Paano ka naging Kristiyano? Hinanap ko ang Panginoon. Pero paano ka nakarating sa paghahanap sa Panginoon? Sumagi sa isip ko ang katotohanan — hindi ko Siya hahanapin maliban kung may naunang impluwensya sa aking isipan na hanapin Siya. Nagdasal ako, nag-isip ko, pero tinanong ko ang sarili ko, Paano ako nakarating sa pagdarasal? Nahikayat akong manalangin sa pagbabasa ng Scriptures. Paano ako nakarating sa pagbabasa ng Scriptures? Binasa ko ito, pero ano ang nagtulak sa akin para gawin ito?

Sa sandaling iyon, nakita ko na ang Diyos ang may kagagawan ng lahat ng ito, at Siya ang May-akda ng aking pananampalataya, at sa gayon ang buong doktrina ng grace ay nagbukas sa akin, at hindi ako iniwan ang doktrinang ito hanggang sa araw na ito, at gusto kong maging patuloy na confession ito, “Tanging ang Diyos ang dahilan ng pagbabago ko.”

Ikaw? Tanging ang Diyos ba ang dahilan ng iyong conversion? Siya ba ang may kagagawan ng lahat ng ito? Dahil ba rito’y pinupuri mo ang glory ng Kanyang pinakadakila at mapagtagumpay na grace?

View Details

Umuwing masaya ang lahat upang magdiwang . . . sapagkat naunawaan nila ang ipinaliwanag sa kanila. (Nehemiah 8:12)

Ang tanging kagalakang nagre-reflect sa kahalagahan ng Diyos at umaapaw sa pag-ibig na lumuluwalhati sa Diyos ay nakabatay sa tunay na kaalaman sa Kanya. At hanggang maliit o may kapintasan ang ating kaalaman, ang ating kagalakan ay magiging mahinang echo ng tunay na kahusayan ng Diyos.

Ang karanasan ng Israel sa Nehemiah 8:12 ay isang halimbawa kung paano nangyayari ang God-glorifying na kagalakan sa puso. Binasa ni Ezra ang Salita ng Diyos sa kanila at ipinaliwanag ito ng Levites. At pagkatapos ay umalis ang mga tao “upang magdiwang.”

Ang kanilang pagdiriwang ay dahil naunawaan nila ang mga salita — ang tunay na mga salita ng Diyos.

Natikman na ng karamihan sa atin ang karanasan ng pusong nag-aalab sa galak nang mabuksan sa atin ang Salita ng Diyos (Lucas 24:32). Dalawang beses sinabi ni Jesus na tinuruan Niya ang Kanyang mga alagad alang-alang sa kanilang kagalakan. J

uan 15:11, “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan.”

Juan 17:13, “Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng aking kagalakan.”

At ang pangunahing nakikita natin sa salita ay ang Panginoon mismo — ang Diyos mismo — na nag-aalay ng Kanyang sarili para makilala at ma-enjoy natin. “Ipinakilala ng Panginoon ang kanyang sarili kay Samuel sa Shilo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon” (1 Samuel 3:21, ABTAG2001).

Ang punto ay ito: Kung ire-reflect ng ating kagalakan ang kaluwalhatian ng Diyos, kailangang dumaloy ito mula sa tunay na kaalaman kung paano naging dakila ang Diyos. Kung ie-enjoy natin ang Diyos gaya ng nararapat, dapat natin Siyang tunay na kilalanin.

View Details

Malalim na ang gabi, at ang araw ay malapit na. (Roma 13:12, ABTAG2001)

Ito ay salita ng pag-asa para sa mga nagdurusang Kristiyano. Ito ay salita ng pag-asa para sa mga Kristiyanong napopoot sa kanilang sariling kasalanan at hinahangad na hindi na sila magkasala. Ito ay salita ng pag-asa sa mga Kristiyanong umaasa sa pagkatalo at pagtapon sa lawa ng apoy sa huling kaaway, si Kamatayan (Revelation 20:14).

Paano ito naging salita ng pag-asa para sa lahat ng ito?

Ang “gabi” ay kumakatawan sa panahong ito ng kadiliman at lahat ng kasalanan at kalungkutan at kamatayan nito. At ano ang sinasabi ni Pablo tungkol dito? “Malalim na ang gabi.” Ang panahon ng kasalanan at kalungkutan at kamatayan ay halos tapos na. Ang araw ng katuwiran at kapayapaan at lubos na kagalakan ay malapit na.

Puwede mong sabihin, “Parang napakatagal na bukang-liwayway ang 2,000 taon.” Sa isang banda, oo. At umiiyak tayo, Gaano katagal, O Panginoon, gaano katagal Ninyo hahayaang magpatuloy ito? Pero ang biblikal na paraan ng pag-iisip ay lampas sa panaghoy ng “Gaano katagal!” Iba ang pagtingin nito sa kasaysayan ng mundo.

Ang mahalagang pagkakaiba ay ito: ang “araw” — ang bagong panahon ng Messiah — ay talagang nagsimula kay Jesu-Cristo. Si Jesus ang katapusan ng lugmok na panahong ito. Ibig sabihin, ang pagtatapos ng lugmok na panahong ito ay nagsimula na sa mundo. Tinalo ni Jesus ang kasalanan at sakit at kamatayan at si Satanas nang namatay Siya at nabuhay muli. Tapos na ang mahalagang digmaan ng panahon. Dumating na ang kaharian. Dumating na ang buhay na walang hanggan.

At kapag nagbukang-liwayway na — tulad ng nangyari sa pagdating ni Jesus — walang sinumang dapat mag-alinlangan sa papalapit na araw. Kahit na tumagal ng 2,000 taon ang bukang-liwayway. Tulad ng sabi ni Pedro sa 2 Pedro 3:8, “Subalit huwag ninyong kaliligtaan ang katotohanang ito, mga minamahal, ang isang araw sa Panginoon ay tulad ng sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay tulad ng isang araw.” Dumating na ang bukang-liwayway. Dumating na ang araw. Walang makapipigil sa pagsikat ng araw sa bagong umaga.

View Details

Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. (Lucas 12:32)

Ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos na hindi tayong matakot tungkol sa pera o iba pang mga bagay ng mundo ay dahil ima-magnify ng kawalan ng takot — ang kalayaan mula sa anxiety — ang limang dakilang bagay tungkol sa Kanya.

Una, ang kawalan ng takot ay nagpapakita na tinatangi natin ang Diyos bilang ating Pastol. “Huwag kayong matakot, munting kawan.” Tayo ang Kanyang flock, at Siya ang ating Pastol. At kung Siya ang ating Pastol, naa-apply sa atin ang Mga Awit 23:1: “Ang Panginoon ay aking pastol; hindi ako magkukulan” — ibig sabihin, hindi ako magkukulang sa anumang pangangailangan ko.

Pangalawa, ang kawalan ng takot ay nagpapakita na tine-treasure natin ang Diyos bilang ating Ama. “Sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” Hindi lang tayo munting kawan Niya; mga anak din Niya tayo, at Ama natin Siya. Talagang nagmamalasakit Siya at alam Niya kung ano ang kailangan mo at ang dapat gawin para matiyak na mayroon ka ng kailangan mo.

Pangatlo, ang kawalan ng anxiety ay nagpapakita na tinatangi natin ang Diyos bilang Hari. “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” Maibibigay Niya sa atin ang “kaharian” dahil Siya ang Hari. Nagdaragdag ito ng napakalaking bahagi ng kapangyarihan sa pagpo-provide para sa atin. Ibig sabihin ng “Pastol” ay proteksyon at probisyon. Ang “Ama” ay nagpapahayag ng pag-ibig at lambing at awtoridad at probisyon at patnubay. Ang “Hari” ay nagpapakita ng kapangyarihan at paghahari at kayamanan.

Pang-apat, ang kawalan ng takot ay nagpapakita kung gaano kalibre at generous ang Diyos. Pansinin, binibigay Niya ang kaharian. “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” Hindi Niya ipinagbibili ang kaharian o pinapaupahan ang kaharian o pinaaarkilahan ang kaharian. Walang-katapusan ang yaman Niya at hindi Niya kailangan ang ating bayad. Kaya generous ang Diyos at libre ang Kanyang yaman. At ito ang ating mina-magnify tungkol sa Kanya kapag hindi tayo natatakot, kundi nagtitiwala sa Kanya para sa ating mga pangangailangan.

Panghuli, ang kawalan ng takot — ang hindi pagiging anxious — ay nagpapakita na nagtitiwala tayo na talagang gusto itonggawin ng Diyos. “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” Nalulugod Siya rito. Hindi Siya maramot. Natutuwa Siyang ibigay sa atin ang kaharian. Hindi lahat tayo ay may mga amang tulad nito, na nasisiyahan sa pagbibigay imbis na sa pagkuha. Pero ang kalungkutang ’yan ay hindi na pangunahing bagay ngayon, dahil puwede ka nang magkaroon ng ganitong Ama, at Pastol, at Hari.

Kaya nga, ang punto ng talatang ito ay dapat nating i-treasure ang Diyos bilang ating Pastol at Ama at Hari na generous at masayang binibigay sa atin ang kaharian ng Diyos — para bigyan tayo ng langit, bigyan tayo ng buhay na walang hanggan at kagalakan, at lahat ng kailangan natin para makarating doon.

Kung pahahalagahan natin ang Diyos sa ganitong paraan, magiging walang-takot tayo at ang Diyos ay masasamba natin.

View Details

Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa, na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda. (Psalm 32:9)

I-picture ang mga anak ng Diyos bilang isang bukirin ng lahat ng klase ng hayop. Inaalagaan ng Diyos ang Kanyang mga alaga, ipinapakita Niya kung saan sila dapat pumunta, at nagbigay Siya ng barn para sa kanilang proteksyon.

Pero may isang hayop sa bukid na binibigyan ang Diyos ng di-magandang karanasan, ang mule. Siya’y hangal at matigas ang ulo at hindi mo masabi kung alin ang nauuna — ang katigasan ng ulo o ang kahangalan.

Ngayon, ganito ang paraan ng Diyos para papasukin ang Kanyang mga hayop sa barn, para kumain at sumilong: turuan sila na lahat sila’y may sariling mga pangalan at pagkatapos ay tawagin sila sa kanilang pangalan. “Aking ipapaalam at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran.” (Mga Awit 32:8).

Pero hindi tumutugon ang mule sa ganitong pag-uutos. Wala siyang pang-unawa. Kaya sumasakay ang Diyos sa Kanyang pick-up truck at lumalabas sa bukid, nilalagyan ng bit and bridle ang bibig ng mule, isinasampa siya sa truck, at ibinabalik sa barn habang ito’y naninigas at sumisinghal.

Hindi sa ganyang paraan gusto ng Diyos na lumapit ang Kanyang mga alaga para sa pagpapala at proteksyon.

Isang araw, magiging huli na para sa mule na ito. Bubugbugin siya ng yelo at tatamaan ng kidlat, at kapag nagtatakbo na siya papuntang barn, nakasarado na ang pinto nito.

Kaya huwag maging katulad ng mule. “Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa, na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.”

Sa halip, hayaang ang lahat ng banal ay manalangin sa Diyos sa panahong matatagpuan Siya (Mga Awit 32:6).

Ang paraan para hindi maging mule ay magpakumbaba, manalangin sa Diyos, ipagtapat ang ating mga kasalanan, at tanggapin, tulad ng mga abang sisiw sa bukid, ang patnubay ng Diyos sa kamalig ng Kanyang proteksyon at pagkain.

View Details

Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo. (James 4:7)

Dahil mas kitang-kita si Satanas sa panahon natin ngayon — malinaw na mas aktibo siya — mas mahalaga ang tagumpay ni Cristo sa mga nagtitiwala sa Kanya.

Itinuturo sa New Testament na nang mamatay si Cristo at nabuhay muli, tiyak nang natalo si Satanas. Binigyan siya ng panahon para sa limitadong kalayaan, pero nasira na ang kanyang kapangyarihan laban sa mga anak ng Diyos at tiyak na ang kanyang pagkawasak.

  • “Kaya’t naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.” (1 Juan 3:8)
  • “Ginawa [ito ni Cristo] upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.” (Hebreo 2:14)
  • “Nilupig [ng Diyos] ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.” (Colosas 2:15)

Sa madaling salita, ang tiyak na pagkatalo ay nangyari sa Calvary. At isang araw, kapag tapos na ang limitadong kalayaan ni Satanas, sabi sa Revelation 20:10, “Ang Diyablo . . . ay itinapon sa lawa ng apoy at . . . pahihirapan sila doon araw at gabi, magpakailanman.”

Ano’ng ibig sabihin nito para sa atin na sumusunod kay Jesu-Cristo?

  • “Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.” (Roma 8:1)
  • “Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila?” (Roma 8:33)
  • “Kahit . . . ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap,ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.” (Roma 8:38–39)
  • “Ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan.” (1 Juan 4:4)
  • “Nagtagumpay ang mga [santo] laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, at sa pamamagitan ng kanilang pagpapatotoo sa salita ng Diyos.” (Revelation 12:11)

Kaya, “Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo!” Natalo na siya, at binigyan na tayo ng tagumpay. Tungkulin natin ngayon na ipamuhay ang tagumpay na iyan at ipaalam kay Satanas ang kanyang pagkatalo.

View Details

Para sa iglesya sa Tesalonica, na nasa Diyos na ating Ama at nasa Panginoong Jesu-Cristo. (2 Tesalonica 1:1)

Bilang church, “nasa” Ama at “nasa” Panginoon tayo. Ano’ng ibig sabihin nito?

Ipinapahiwatig ng salitang “Ama” ang pag-aalaga at paglingap at proteksyon at provision at disiplina. Kaya ang ibig sabihin ng “nasa” Ama ay maging nasa pangangalaga at proteksyon ng Diyos bilang ating Ama sa langit.

Ang isa pang designation ay Panginoon: Tayo ay nasa Panginoong Jesu-Cristo. Ang salitang “Panginoon” ay nagpapahiwatig ng awtoridad at pamumuno at pagmamay-ari. Kaya ang ibig sabihin ng “nasa” Panginoon ay maging nasa pamamahala, sa ilalim ng awtoridad, at pag-aari ni Jesus bilang ating pinakadakilang Panginoon.

Kaya binati ni Pablo ang Thessalonian church sa paraan na nagpapaalala sa kanila na sila’y pamilya (sa pangangalaga ng isang Ama) at mga lingkod (na pinamamahalaan ng isang Panginoon). Ang dalawang paglalarawang ito sa Diyos bilang Ama at Panginoon, at sa church bilang pamilya at mga lingkod, ay tumutugon sa dalawa sa ating deepest needs

Kailangan ng bawat isa sa atin ang pagsagip at tulong, sa isang banda, at ng layunin at kahulugan, sa kabilang banda.

  1. Kailangan natin ng Ama sa langit na kakaawaan at sasagipin tayo mula sa kasalanan at paghihirap. Kailangan natin ang Kanyang tulong sa bawat hakbang, dahil napakahina natin.

  2. Kailangan din natin ng panginoon sa langit na gagabay sa atin sa buhay at sasabihin kung ano ang mahusay at magbibigay sa atin ng malaki at makahulugang tungkuling dapat nating gawin, at dahilan para sa ating existence, na kapaki-pakinabang sa pagkakalikha sa atin ng Diyos. Hindi natin gustong basta lang maging ligtas sa pangangalaga ng isang Ama — kahit na mahalaga at kailangan natin ito. Gusto rin nating mamuhay nang maluwalhati.

Gusto natin ng maawaing Ama na magiging Tagapagtanggol natin, at nais nating ng omnipotent na Panginoon bilang ating kampeon at ng Kumander at Lider sa isang dakilang layunin. Kaya kapag sinabi ni Pablo sa verse 1, Kayo ang church “na nasa Diyos na ating Ama at nasa Panginoong Jesu-Cristo,” puwede tayong kumuha ng kapahingahan at tulong mula sa isa — ang Diyos Ama natin! At magkakaroon tayo ng tapang at kahulugan mula sa isa pa — si Jesus, ang ating Panginoon!

View Details

“Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.” (Juan 6:35)

Itinuturo ng tekstong ito ang katotohanang ang paniniwala kay Jesus ay pagkain at pag-inom mula sa kung ano si Jesus. Sinasabi pa nga nitong natutugunan ang pagkauhaw ng ating kaluluwa kay Jesus, kaya’t hindi na tayo nauuhaw pa.

Siya ang katapusan ng paghahanap natin ng kasiyahan. Wala nang iba pa, at wala nang mas maganda pa rito.

Kapag nagtiwala tayo kay Jesus sa paraang nilayon ni Juan na gawin natin, ang presensya at pangako Niya ay talagang satisfying, kaya hindi tayo panghihinaan ng loob sa lahat ng nakakaakit na kasiyahan ng kasalanan (tingnan sa Roma 6:14). Ipinapakita nito kung bakit ang ganitong pananampalataya kay Jesus ay nagtatanggal ng kapangyarihan ng kasalanan at binibigyan tayo ng kakayahang sumunod.

Tumuturo ang Juan 4:14 sa parehong direksyon: “[Ang] sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.” Alinsunod sa Juan 6:35, binanggit dito ang saving faith bilang pag-inom ng tubig na nagbibigay-kasiyahan sa pinakamatitinding pananabik ng kaluluwa. At nagiging produktibo ang kasiyahang ito, tulad ng isang umaapaw na balon.

Ganyan din sa Juan 7:37–38: “Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, “Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom.Ang sumasampalataya sa akin, ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.’”

Sa pamamagitan ng pananampalataya, nagiging di-nauubos na bukal ng kasiya-siyang buhay si Cristo sa atin, na tumatagal magpakailanman at inaakay tayo patungo sa langit, at habang nasa daan tayo papunta roon ay pinapalaya tayo sa makasalanang ilusyon ng iba pang mga kasiyahan. Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa atin ng Kanyang Espiritu (Juan 7:38–39).

View Details

Gayundin naman, pinagtibay ng Diyos ang kanyang pangako sa pamamagitan ng panunumpa, upang ipakita sa kanyang mga pinangakuan na hindi mababago ang kanyang layunin.Hindi nagbabago at hindi nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. (Hebreo 6:17–18)

Hindi inconsistent ang Diyos. Hindi Niya pinapagod ang sarili sa pagbigay ng mga pangako, panunumpa, at ang dugo ng Kanyang Anak, para lamang iangkla ang isang dulo ng ating seguridad habang hinahayaang palutang-lutang sa hangin ang kabilang dulo nito.

Ang kaligtasang nakuha ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang dugo ang lahat ng kailangan para iligtas ang Kanyang mga anak, hindi lamang bahagi nito.

Kaya naman, malamang maitatanong natin, Bakit ine-encourage tayo ng manunulat na panghawakan ang ating pag-asa (Hebreo 6:18)? Kung ang ating paghawak ay nakuha at tiyak na tiyak na dahil sa dugo ni Jesus — at ito nga (’yan ang kaibahan ng bago at lumang covenant) — bakit sinasabi sa atin ng Diyos na humawak tayo nang mahigpit?

Ito ang sagot:

  • Hindi ang kalayaan mula sa pagkapit ang binayaran ni Cristo para sa atin nang mamatay Siya, kundi ang kapangyarihang humawak nang mahigpit.
  • Hindi ang pagpapawalang-bisa ng ating kalooban ang binayaran Niya, na para bang hindi na natin kailangang kumapit, kundi ang pagbibigay-kapangyarihan sa ating kalooban para naisin nating humawak nang mahigpit.
  • Hindi ang pagkansela ng kautusang kumapit ang binayaran Niya, kundi ang katuparan ng kautusang humawak nang mahigpit.
  • Hindi ang katapusan ng mga pangaral ang binayaran Niya, kundi ang tagumpay ng mga pangaral.

Namatay Siya para gawin mo mismo ang ginawa ni Pablo sa Filipos 3:12: “Sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako’y tinawag ni Cristo Jesus.” Hindi kamangmangan, kundi ebanghelyo, ang sabihin sa makasalanan na gawin ang magagawa niya sa pamamagitan lamang ni Cristo — ang umasa sa Diyos.

Kaya nga, pinapayuhan kita nang buong puso: Abutin at panghawakan mo ang bagay na iyong pinanghahawakan kay Cristo, at panghawakan ito nang buong kalakasan — na makapangyarihang ginagawa Niya para sa iyo.

View Details

“Sa simula pa’y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin.” (Isaiah 46:10)

Ang salitang “sovereignty” (tulad ng salitang “Trinity”) ay hindi matatagpuan sa Biblia. Ginagamit natin ito upang tukuyin ang katotohanang ito: Ang Diyos ay ang tunay na may kontrol ng mundo, mula sa pinakamalaking international na nakakapukaw-pansing bagay hanggang sa pinakamaliit na ibon na namatay sa kagubatan.

Ganito ang sabi ng Biblia: “Ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba. . . . Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin” (Isaias 46:9–10). At: “Ginagawa [ng Diyos] ang ayon sa kanyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga nananahan sa lupa. Walang makakahadlang sa kanyang kamay, o makapagsasabi sa kanya, ‘Anong ginagawa mo?’” (Daniel 4:35, ABTAG2001). At: “Hindi siya nagbabago at di kayang salungatin, walang makakapigil sa nais niyang gawin.Isasakatuparan niya ang plano niya sa akin, ang marami niyang balak ay kanyang gagawin” (Job 23:13–14). At: “Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin, at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin” (Mga Awit 115:3).

Isang dahilan kaya napakahalaga ng doktrinang ito sa believers ay dahil alam natin na ang dakilang hangarin ng Diyos ay magpakita ng awa (mercy) at kabutihan sa mga nagtitiwala sa Kanya (Efeso 2:7; Mga Awit 37:3–7; Mga Kawikaan 29:25). Ang ibig sabihin ng sovereignty ng Diyos ay ito: Hindi mabibigo ang plano Niya para sa atin. Hindi ito mabibigo.

Wala, talagang wala, na sasapitin ang mga “nagmamahal sa Diyos” at “tinawag ayon sa Kanyang layunin” kundi kung ano ang para sa pinakamasidhi, pinakadakila, at pinakamagtatagal na kabutihan sa natin (Mga Taga Roma 8:28; Mga Awit 84:11).

Kaya nga gusto kong sabihin na ang awa at ang sovereignty ng Diyos ay ang kambal na haligi ng aking buhay. Sila ang pag-asa ng aking hinaharap, ang lakas ng aking paglilingkod, ang sentro ng aking teolohiya, ang bigkis naming mag-asawa, ang pinakamagandang gamot sa lahat ng aking karamdaman, ang lunas sa lahat ng aking discouragements.

At kapag ako ay mamatay (sooner or later man), ang dalawang katotohanang ito ay tatabi sa aking higaan, at sa walang hanggang kalakasan at pagmamahal ay itataas ako sa Diyos.

View Details

“Ako'y gagawa sa kanila ng isang walang hanggang tipan, at hindi ako hihiwalay sa kanila upang gawan sila ng mabuti . . . Ako'y magagalak sa kanila na gawan ko sila ng mabuti.” (Jeremiah 32:40–41, ABTAG2001)

Isa ito sa mga pangako ng Diyos na binabalik-balikan ko kapag nadi-discourage ako. May naiisip ka bang mas nakahihikayat kaysa sa katotohanang nagagalak ang Diyos na gawan ka ng mabuti? Hindi lamang gawan ka ng mabuti. Hindi lamang committed na gawan ka ng mabuti — gaano man ka-glorious ito. Nagagalak Siyang gawan ka ng mabuti. “Ako’y magagalak sa kanila na gawan ko sila ng mabuti.”

Hindi Siya napipilitan lang sa pagtupad sa mga pangako ng Roma 8:28, na gagawin ang lahat ng bagay para sa ikabubuti natin. Kagalakan Niyang gawan tayo ng mabuti. At hindi lang paminsan-minsan. Palagi! “Hindi ako hihiwalay sa kanila upang gawan sila ng mabuti.” Walang agwat sa Kanyang katapatan o kagalakan na gawan ng mabuti ang Kanyang mga anak — ang mga nagtitiwala sa Kanya.

Dapat tayong magalak!

Ngunit minsan ay mahirap para sa ating maging masaya. Napakahirap ng ating sitwasyon kaya hindi natin makuhang magalak. Kapang nangyayari sa akin ito, sinusubukan kong gayahin si Abraham: “Umasa kahit wala nang pag-asa” (Roma 4:18). Sa madaling salita, titigan mo ang kawalan ng pag-asa at sabihing, “Hindi ka kasingtatag ng Diyos! Magagawa Niya ang imposible. At alam kong gustong-gusto Niyang gawin ito para sa mga nagtitiwala sa Kanya. Kaya, hopelessness, wala sa iyo ang huling salita. Nagtitiwala ako sa Diyos!"

Noon pa man ay tapat na ang Diyos sa pagbabantay ng kaunting kinang ng aking pananampalataya. At kalaunan (hindi laging agad-agad), ito’y nagiging maalab na apoy ng kagalakan at lubos na pagtitiwala. At ang Jeremiah 32:41 ay malaking bahagi ng kagalakang iyon.

Ah, masaya ako na kasama sa nagpapasaya sa puso ng makapangyarihang Diyos ang paggawa ng mabuti para sa iyo at sa akin! “Ako’y magagalak sa kanila na gawan ko sila ng mabuti.”

View Details

Kinaumagahan, nagkasundo ang mga Judio at ang bawat isa ay sumumpa na hindi kakain o iinom hangga’t hindi nila napapatay si Pablo. (Mga Gawa 23:12)

Paano naman ’yung mga gutom na taong nangakong ’di kakain hanggang hindi nila naa-ambush si Paul?

Mababasa natin ang tungkol sa kanila sa Mga Gawa 23:12, “Kinaumagahan, nagkasundo ang mga Judio at ang bawat isa ay sumumpa na hindi kakain o iinom hangga’t hindi nila napapatay si Pablo.” Hindi ito nangyari. Bakit? Dahil may mga pangyayaring malabong mangyari ang nangyari:

  • Narinig ng isang batang lalaki ang kanilang plano.
  • Anak ng kapatid na babae ni Paul ang batang ito.
  • Nagkaroon ng tapang ang bata na magpunta sa Roman centurion na nagbabantay kay Pablo.
  • Sineryoso siya ng centurion at dinala siya sa tribune.
  • Naniwala ang tribune sa kanya at naghanda ng “dalawandaang sundalo at pitumpung kawal na nakakabayo at dalawandaang kawal na may sibat” para dalhin si Paul sa kaligtasan.

Bawat isa sa mga pangyayaring ito ay malabong mangyari. Kakaiba. Pero ’yan ang nangyari.

Ano’ng hindi naisip ng mga gutom na taong ’yon na naghihintay mang-ambush? Hindi nila alam ang nangyari kay Paul bago nila ginawa ang kanilang plano. Nagpakita ang Panginoon kay Paul sa bilangguan at sinabing, “Lakasan mo ang iyong loob! Kung paanong nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem, kailangang magpatotoo ka rin sa Roma” (Mga Gawa 23:11).

Sinabi ni Cristo na pupunta si Paul sa Roma. At ’yun na ’yun. Walang ambush na makakahadlang sa pangako ni Cristo. Hanggang makarating siya sa Roma, imortal si Pablo. May huling patotoong kailangang ipahayag. At sisiguraduhin ni Cristo na masasabi ito ni Paul.

Ikaw rin ay may huling patotoo na ipapahayag. At imortal ka hanggang masabi mo ito.

Devotional excerpted from “Nothing Stands Against Christ”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/when-you-are-immortal

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Ang alipin nang tawagin ng Panginoon ay malayang tao ng Panginoon. Gayundin naman, ang taong malaya nang siya’y tawagin ni Cristo ay alipin ni Cristo. (1 Corinthians 7:22, sariling salin)

Aasahan ko sanang pagpapalitin ni Paul ang “Panginoon,” na ibig sabihin ay Master, at “Cristo,” na ibig sabihin ay Messiah.

Iniuugnay Niya ang ating kalayaan kay Jesus bilang ating Master (“malayang tao ng Panginoon”). At iniuugnay niya ang ating bagong pagkaalipin kay Jesus bilang ating Messiah (“alipin ni Cristo”). Tila kakatwa ito dahil dumating ang Messiah para palayain ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga mananakop; at kinokontrol ng masters ang buhay ng kanilang mga alipin.

Bakit niya sinasabi ito sa ganitong paraan? Bakit niya iniugnay ang pagkaalipin (imbis na kalayaan) sa Messiah, at kalayaan (imbis na pagkaalipin) sa Master?

Isang mungkahi: Ang pagpapalit ay may dalawang epekto sa ating bagong kalayaan at dalawang epekto sa ating bagong pagkaalipin.

Sa isang banda, sa pagtawag sa atin na “malayang tao ng Panginoon,” nililigtas at nililimitahan Niya ang ating bagong kalayaan:

  1. Ang Kanyang Pagkapanginoon ay mas mataas sa lahat ng ibang panginoon; kaya walang kokontra sa ating kalayaan — siguradong ligtas tayo.

  2. Ngunit, kahit malaya tayo sa lahat ng ibang panginoon, hindi tayo malaya sa Kanya. Ang ating kalayaan ay limitado dahil sa habag. Si Jesus ang ating Master.

Sa kabilang banda, sa pagtawag sa atin na “alipin ni Cristo,” niluluwagan Niya ang ating pagkaalipin:

  1. Inaangkin tayo ng Messiah bilang pag-aari Niya, para dalhin tayo mula sa pagkaalipin patungo sa bukas na lugar ng kapayapaan. “Itatatag niya ito at pamamahalaan na may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman” (Isaias 9:7).

  2. At inaangkin Niya tayo para bigyan ng pinakamatamis na kagalakan. “Ang gusto ninyong masarap na pulot, ang siyang sa inyo’y aking idudulot” (Mga Awit 81:16). At ang Batong iyon ay si Cristo, ang Messiah.

Kaya, Cristiano, magalak tayo rito: “Ang alipin nang tawagin ng Panginoon ay malayang tao ng Panginoon” — ang Master. “Gayundin naman, ang taong malaya nang siya’y tawagin ni Cristo ay alipin ni Cristo” — ang nagbibigay kaluwagan at tamis na Messiah.

View Details

Ang sariling dati-rati’y namumuhay nang baluktot, nang ako ay parusahan, salita mo ang sinunod. (Mga Awit 119:67)

Ipinapakita sa talatang ito na nagpapadala ng paghihirap ang Diyos para tulungan tayong matutuhan ang Kanyang salita. Paano ito nangyayari? Paano tayo natutulungan ng pagdurusa na matutuhan at sumunod sa Salita ng Diyos?

May di-mabilang na mga sagot, tulad ng di-mabilang na mga karanasan ng dakilang kahabagang ito. Ngunit heto ang lima:

  1. Inaalis ng pagdurusa ang kababawan ng buhay at ginagawa tayo nitong mas seryoso, kaya mas nakakasabay ang ating isipan sa kahalagahan ng Salita ng Diyos. At ating tandaan: Walang ni isang mababaw na pahina sa aklat ng Diyos.

  2. Tinutumba ng paghihirap ang mga makamundong tuntungan ng ating mga paa at pinupwersa tayong umasa sa Diyos. Tinutulungan tayo nitong mas makasabay sa sa layunin ng Salita. Dahil ang layunin ng Salita ay umasa tayo sa Diyos at magtiwala sa Kanya. “Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa” (Roma 15:4). “Ang mga nakasulat dito ay isinulat upang kayo’y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos” (Juan 20:31).

  3. Dahil sa pagdurusa, mas desperado tayong naghahanap ng tulong mula sa Banal na Kasulatan, imbis na ituring itong hindi mahalaga sa buhay. “Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin” (Jeremias 29:13).

  4. Ang paghihirap ay ginagawa tayong partner ni Cristo sa Kanyang paghihirap, kaya mas nakaka-fellowship natin Siya at nakikita natin ang daigdig sa Kanyang mga mata. Ang matinding pagnanais sa puso ni Pablo ay “lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan” (Filipos 3:10).

  5. Pinapatay ng pagdurusa ay mapanlinlang at nakagagambalang pagnanasa ng laman, at dinadala tayo sa mas espirituwal na kaanyuan at ginagawa tayong receptive sa espirituwal na Salita ng Diyos. “Yamang si Cristo’y nagtiis ng hirap noong siya’y nasa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtiis na ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan” (1 Pedro 4:1). May malaking epekto sa pagpatay ng kasalanan ang paghihirap. At kapag mas malinis ang ating puso, mas makikita natin ang Diyos (Mateo 5:8).

Nawa’y bigyan tayo ng Banal na Espiritu ng grace na huwag ipagdamot ang katuruan ng Diyos sa pamamagitan ng sakit.

View Details

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan. (1 Juan 1:9, MBBTAG)

Ang malabo’t pangit na pakiramdam na ikaw ay isang masamang tao ay hindi kapareho ng kombiksyon sa kasalanan. Hindi magkatulad ang guilty feeling at pagsisisi.

Ngayong umaga, nagsimula akong manalangin, at naramdaman kong hindi ako karapat-dapat makipag-usap sa Creator ng universe. Isa itong malabong pakiramdam ng unworthiness. Kaya sinabi ko ito sa Kanya. Ano’ng nangyari?

Walang nagbago hangga’t hindi ako naging partikular sa mga kasalanan ko. Ang pangit na pakiramdam ay puwedeng maging kapaki-pakinabang kung hahantong ito sa kumbiksyon para sa partikular na mga kasalanan. Ngunit ang di-malinaw na pakiramdam ng pagiging masamang tao ay hindi karaniwang nakakatulong.

Kailangang hubugin ang hamog ng unworthiness sa malinaw at madilim na mga haligi ng pagsuway. Pagkatapos ay puwede mong ituro ang mga ito at magsisi at humingi ng tawad at itutok ang bazooka ng iyong ebanghelyo upang pasabugin sila.

Kaya sinimulan kong alalahanin ang mga utos na madalas kong suwayin. Ito ang mga pumasok sa aking isipan.

  • Ibigin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, isipan at lakas. Hindi 95% kund 100%. (Mateo 22:37)
  • Mahalin ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Naisin na mabubuti ang mangyari sa kanya, tulad ng pagnanais na maganda ang mangyari sa iyo. (Mateo 22:39)
  • Gawin ang lahat ng bagay nang walang reklamo — sa loob o labas. (Filipos 2:14)
  • Ipagkatiwala ang lahat ng iyong mga alalahanin sa Kanya — para hindi ka na mabigatan sa mga ito. (1 Pedro 5:7)
  • Sabihin lamang ang mga bagay na nagbibigay ng biyaya sa iba — lalo na sa mga pinakamalapit sa iyo. (Efeso 4:29)
  • Gamitin nang lubusan ang panahon. Huwag aksayahin ang mga minuto, o magtamad-tamaran. (Efeso 5:16)

Anong pagkukunwari sa kabanalan! Sirang-sira ako.

Mas masahol pa ito kaysa sa malabo’t pangit na pakiramdam. Ah, ngunit nakikita na ngayon ang kaaway. Specific na ang mga kasalanan. Lumabas na sila mula sa kanilang pinagtataguan. Tinititigan ko na sila. Hindi ako nagrereklamo sa pangit kong pakiramdam. Humihingi ako ng tawad kay Cristo sa hindi paggawa ng specific na mga bagay na iniutos Niya.

Wasak ako, at galit ako sa aking kasalanan. Gusto kong patayin ito, hindi ang sarili ko. Hindi ako suicidal. Isa akong sin-hater at sin-murderer. (“Patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo,” Colosas 3:5; “Patayin ang mga gawa ng katawang makalaman,” Roma 8:13.) Gusto kong mabuhay. Kaya nga isa akong mamamaslang — ng aking kasalanan!

Sa labanang ito, naririnig ko ang pangako, “Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid” (1 Juan 1:9). Nangingibabaw ang kapayapaan.

Ngayon, ang panalangin ay posible at tama at makapangyarihan nang muli.

View Details

“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa akin.” (Mateo 5:11, MBBTAG)

“Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.” (Lucas 10:20, MBBTAG)

Inihayag ni Jesus ang isang lihim na nagpoprotekta sa ating kaligayahan mula sa panganib ng pagdurusa at pagbabanta ng tagumpay. Ito ang sekreto: Dakila ang iyong gantimpala sa langit. At ang kabuuan ng gantimpalang iyon ay ang pag-enjoy sa kabuuan ng kaluwalhatian ni Jesu-Cristo (Juan 17:24).

Pinoprotektahan ni Jesus ang ating kaligayahan mula sa pagdurusa kapag sinasabi Niya,

“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.” (Mateo 5:11–12)

Nililigtas ng ating dakilang gantimpala sa langit ang ating kagalakan mula sa panganib ng pang-uusig at panlalait.

Pinoprotektahan din Niya ang ating kagalakan mula sa tagumpay kapag sinasabi Niya,

“Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.” (Lucas 10:20)

Tinukso ang mga alagad na ilagay ang kanilang kagalakan sa tagumpay ng ministeryo. “Kahit po ang mga demonyo ay napapasunod namin dahil sa kapangyarihan ng inyong pangalan.” (Lucas 10:17). Ngunit puputulin nito ang kanilang kagalakan mula sa tanging tiyak na anchor nito.

Kaya pinoprotektahan ni Jesus ang kanilang kagalakan mula sa banta ng tagumpay sa pamamagitan ng pangangako ng mas dakilang gantimpala sa langit. Magsaya rito: na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit. Ang inyong mana ay walang hanggan, walang hanggan, tiyak.

Ligtas ang ating kagalakan. Hindi kayang sirain ng pagdurusa o tagumpay ang anchor nito. Malaki ang inyong gantimpala sa langit. Ang pangalan ninyo ay nakasulat doon. Ito ay tiyak.

Iniangkla ni Jesus ang kaligayahan ng mga nagdurusang santo sa gantimpala ng langit. At iniangkla Niya ang kaligayahan ng matatagumpay na santo sa ganito ring paraan.

Sa gayon, pinalaya Niya tayo mula sa naghaharing kalupitan ng makamundong sakit at kasiyahan — makamundong pagdurusa at makamundong tagumpay.

Devotional excerpted from “The Secret of Invincible Joy”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-anchor-of-joy

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

View Details

Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. (Mga Hebreo 12:3, MBBTAG)

Isa sa pinakapambihirang kakayahan ng isip ng tao ay ang kakayahang pagtuunan ang isang bagay na pinipili nito. Puwede tayong tumigil sandali at sabihin sa ating isip, “Pag-isipan ito, hindi iyan.” Kaya nating ituon ang ating pansin sa isang ideya o larawan o problema o pag-asa.

Kamangha-manghang kapangyarihan ito. Duda ako kung may ganito ang mga hayop. Marahil ay hindi sila nagmumuni-muni tungkol sa kanilang sarili, kundi pinamamahalaan ng impulse at instinct.

Hindi mo ba pinapansin ang matinding sandatang ito na kasama ng ibang sandata sa iyong pakikidigma laban sa kasalanan? Paulit-ulit tayong tinatawag ng Biblia na gamitin ang pambihirang regalong ito. Kunin natin ang regalong ito mula sa istante, pagpagin, at gamitin.

Halimbawa, sinabi ni Paul sa Roma 8:5–6, “Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay inilalagay ang isipan sa mga bagay na ukol sa laman, ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay inilalagay ang isipan sa mga bagay na espirituwal. Sapagkat ang isipang nakatutok sa laman ay kamatayan, ngunit ang isipang nakapaloob sa Espiritu ay buhay at kapayapaan” (sariling salin).

Nakamamangha nito. Ang nilalagay mo sa iyong isipan ang tumutukoy kung ang isyu ba’y buhay o kamatayan.

Marami sa atin ang naging masyadong pabaya sa paghahangad na magbago at maging buo at mapayapa. Sa tingin ko, sa ating therapeutic age, nahulog na tayo sa passive mindset na “pag-usapan ang ating mga problema” o “harapin ang ating mga isyu” o “tuklasin ang ugat ng ating basag-basag na pinagmulan."

Ngunit may nakikita akong mas agresibo at di-pabayang paraan para magbago sa Bagong Tipan. Ito’y ang pagtatakda ng isipan. “Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa” (Colosas 3:2).

Malaki ang epekto ng ating mga iniisip sa ating mga emosyon — kung ano ang pinapatira natin sa ating isipan. Halimbawa, sinabi sa atin ni Jesus na pagtagumpayan ang anxiety gamit ang ating mga isinasaalang-alang: “Tingnan ninyo ang mga uwak . . . Tingnan ninyo ang mga bulaklak sa parang” (Lucas 12:24, 27).

Ang isipan ang bintana ng puso. Kung hahayaan nating palaging manahan sa dilim ang ating isipan, magdidilim din ang ating puso. Pero kung bubuksan natin ang bintana ng ating isipan sa liwanag, madarama ng ating puso ang liwanag.

Higit sa lahat, ang matinding kakayahan ng ating isipan na mag-focus at mag-isip ay para isipin si Jesus (Mga Hebreo 12:3). Kaya, gawin natin ito: “Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob.”

View Details

Daranas muna tayo ng maraming kapighatian upang makapasok sa kaharian ng Diyos. (Mga Gawa 14:22, MBBTAG)

Hindi lamang pagod dahil sa pang-araw-araw na stress nagmumula ang pangangailangan para sa inner strength. Mula rin ito sa pagdurusa at paghihirap na dumarating paminsan-minsan. At dumarating nga ang mga ito.

Hindi maiiwasang maidagdag ang pagdurusa sa panghihina ng puso sa daan papuntang langit. Pagdating nito, maaaring mag-alinlangan ang puso at puwedeng magmukhang napakahirap lakaran ng makitid na daan ng buhay. Mahirap na ngang magkaroon ng makitid na kalye at matarik na bundok na sinusubok ang lakas ng isang lumang kotse. Ngunit ano ang gagawin natin kapag nasira ito?

Tatlong beses iniyak ni Paul ang tanong na ito dahil sa ilang paghihirap sa kanyang buhay. Humingi siya ng ginhawa mula sa kanyang tinik sa laman. Ngunit ang biyaya ng Diyos ay hindi dumating sa anyong hiniling ni Paul. Dumating ito sa ibang anyo. Sumagot si Cristo, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan” (2 Corinto 12:9, ASND).

Makikita natin dito ang biyayang ibinigay sa anyo ng sustaining power ni Cristo sa di-inaasahang paghihirap — masasabi nating ito’y isang biyayang ibinigay sa loob ng isang biyayang itinanggi. At tumugon si Paul nang may pananampalataya sa kasapatan ng future grace na ito: “Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo” (2 Corinto 12:9, ASND).

Madalas tayong pagpalain ng Diyos ng “biyayang ibinigay” sa loob ng “biyayang itinanggi.”

Halimbawa, isang napakainit na araw ng Hulyo, tumigil ang water pump ng aming kotse. Dalawampung milya mula sa anumang bayan ang layo namin nang kami’y ma-stranded sa interstate sa Tennessee.

Ipinagdasal ko nang umagang iyon na tumakbo nang maayos ang kotse namin at ligtas kaming makarating sa aming destinasyon. Ngayon ay namatay ito. Itinanggi ang biyaya ng walang problemang paglalakbay. Walang tumitigil habang nakapaligid kami sa kotse namin. Pagkatapos ay sinabi ng anak kong si Abraham (mga labing-isang taong gulang siya noon), “Tay, dapat manalangin tayo.” Kaya yumuko kami sa likuran ng kotse at humingi sa Diyos ng future grace — isang tulong sa oras ng pangangailangan. Nang matapos kaming manalangin, may isang pickup trak na huminto.

Ang drayber ay isang mekanikong nagtatrabaho nang mga dalawampu't dalawang milya ang layo mula sa aming puwesto. Sinabi niyang handa siyang kumuha ng mga piyesa at bumalik upang ayusin ang aming kotse. Sumakay ako sa trak kasama niya papunta sa bayan at naibahagi ko sa kanya ang ebanghelyo. Mga limang oras kaming bumiyahe.

Ang kamangha-mangha tungkol sa sagot sa aming panalanging iyon ay nasa loob siya ng isang panalanging tinanggihan. Humingi kami ng walang problemang biyahe. Binigyan kami ng Diyos ng problema. Ngunit sa gitna ng itinangging biyayang ito, nabigyan kami ng ibang biyaya. At natututo akong magtiwala sa karunungan ng Diyos, sa Kanyang pagbibigay ng biyaya na pinakamabuti para sa akin at sa mga di-mananampalatayang mekaniko at sa sumusubaybay na pananampalataya ng labing-isang taong gulang na mga binatilyo.

Hindi tayo dapat magulat na binibigyan tayo ng Diyos ng kahanga-hangang biyaya, sa gitna ng pagdurusang hiniling nating huwag Niyang pahintulutang mangyari. Alam Niya kung paano parti-partihin ang Kanyang biyaya para sa ating ikabubuti at sa Kanyang ikaluluwalhati.

View Details

Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. . . . At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. (1 Corinto 10:31; Colosas 3:17)

Sa pagbangon mo sa umaga at pagharap sa bagong araw, ano ang sinasabi mo sa iyong sarili tungkol sa mga inaasam mo para sa araw na iyon? Kung titingnan mo ito mula sa simula hanggang sa pagtatapos nito (ng araw), ano ang gusto mong mangyari dahil sa buhay mo (nabuhay ka)?

Kung sasabihin mong, “Ni hindi ko iniisip iyan. Tumatayo lang ako at ginagawa ang kailangan kong gawin,” tinatanggal mo ang iyong sarili mula sa isang basic na pinagkukunan ng biyaya at pinagmumulan ng patnubay at lakas at fruitfulness (pagiging mabunga) at kagalakan. Napakalinaw sa Biblia, kabilang na sa mga tekstong ito, na nais ng Diyos na malay (may kamalayan) tayong maghangad ng mahalagang bagay sa ating mga araw.

Ito ang inihayag na will (kalooban) ng Diyos para sa iyo: Kapag bumangon ka sa umaga, hindi ka dapat palutang-lutang lang (sa buong araw na walang layunin), na hahayaang kung ano-anong mga bagay lang ang magdidikta ng iyong mga gagawin. Sa halip, dapat kang maghangad ng isang bagay — mag-focus sa isang partikular na layunin. Tinutukoy ko ang mga bata rito, at mga teenager, at matatanda — single, may-asawa, balo, ina, at lahat ng trabaho at propesyon.

Ang kawalan ng layunin ay tulad ng kawalan ng buhay. Maaaring mas gumagalaw ang mga patay na dahon sa bakuran kaysa anumang bagay — higit pa sa aso, higit pa sa mga bata. Kapag umihip ang hangin parito, pupunta sila rito. Kapag umihip ang hangin paroon, doon sila pupunta. Sila’y sumisirko, tumatalbog, tumatalon-talon, dumidikit sa bakod, pero wala silang layunin. Puno sila ng paggalaw at walang buhay.

Hindi nilikha ng Diyos ang mga tao sa Kanyang larawan upang maging aimless walang layunin, gaya ng mga patay na dahon na tinatangay sa bakuran ng buhay. Nilikha Niya tayo upang magkaroon ng hangarin — magkaroon ng focus at layunin sa lahat ng ating mga araw. Ano ang layunin mo ngayon? Ano ang layunin mo para sa bagong taon? Isang magandang lugar para magsimula ay ang 1 Corinto 10:31, “Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.”

View Details

Marami pang mga himalang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga alagad na hindi nakasulat sa aklat na ito.Ngunit ang mga nakasulat dito ay isinulat upang kayo’y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagsampalatayang iyon ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.

Juan 20:30–31

Ito ang talagang pinaniniwalaan ko: Ang mga kasamahan natin na lumaki sa simbahan at kayang bigkasin ang mga doktrina ng ating pananampalataya habang tulog pero naghihikab naman sa Apostles’ Creed — kailangan may gawin sa atin upang muling maramdaman ang pagkamangha, ang takot, ang surpresa, ang paghanga sa Anak ng Diyos, nagmula sa Ama noong una pa lang, sinasalamin ang kaluwalhatian ng Diyos, mismong imahe Niya, at kung saan ang lahat ay nilikha Niya, sinusuportahan ang sansinukob gamit ang salita ng Kanyang kapangyarihan.

Puwede mong basahin ang lahat ng naisulat na fairy tale, lahat ng nakapananabik na nobela, kuwentong katatakutan, at wala kang makikitang mas nakakagulat, kakaiba, at mahiwaga tulad ng kuwento ng pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos.

Bakit parang patay tayo sa ganito! Bakit kami manhid at patay malisya sa Iyong kaluwalhatian at kuwento, O Diyos! Ilang ulit kong kinailangang magsisi at sabihing, “Diyos, patawarin Ninyo ako dahil mas napupukaw ng mga kuwento ng tao ang aking damdamin, ang aking pagkamangha at paghanga at ligaya, higit sa iyong totoong kuwento.”

Marahil ay maaaring gawin ito ng malalaking movie thrillers ng ating panahon para sa atin: Kaya nilang gawin tayong mapagkumbaba at dalhin tayo sa pagsisisi, sa pagpapakita na kaya talaga nating makaramdam ng pagkamangha na bihira nating maramdaman kapag pinagbubulay-bulayan natin ang eternal na Diyos at ang cosmic na kaluwalhatian ni Cristo at isang tunay at buhay na ugnayan sa kanila kay Jesus ng Nazareth.

Nang sinabi ni Jesus, “Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan” (Juan 18:37), ang sinabi Niya’y kakaiba at kamangha-mangha at kakila-kilabot, tulad ng anumang sanaysay sa science fiction na iyong nabasa.

O, ako’y nananalangin na mag-alab ang Espiritu ng Diyos sa iyo at sa akin, na ang Banal na Espiritu ay pumasok sa aking mga karanasan sa kamangha-manghang paraan, upang gisingin ako sa di-mawaring realidad ng Diyos.

Balang-araw, mapupuno ng kidlat ang langit mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, at magpapakita sa mga ulap ang Anak ng Tao kasama ang Kanyang malalakas na anghel. At malinaw natin Siyang makikita. At sa takot man o excitement, tayo’y manginginig at mamamangha kung paano tayo namuhay nang pagkatagal-tagal kasama ang maamong Cristo.

Ang mga ito’y naisulat — ang buong Biblia’y naisulat — upang tayo’y maniwala, upang tayo’y magulat at magising sa hiwaga, na si Jesu-Cristo ang Anak ng Diyos na dumating sa daigdig.

View Details

“Kung ganoon, isa ka ngang hari?” sabi ni Pilato.

Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsasabing ako’y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan, upang magpatotoo tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.”

Juan 18:37

Ang Juan 18:37 ay isang magandang talatang pampasko kahit na ito’y nagmula sa pinakadulo ng buhay ni Jesus sa daigdig, hindi sa simula nito.

Pansinin na sinabi ni Jesus na hindi lamang Siya ipinanganak, kundi “naparito sa sanlibutan.” Unique ang Kanyang kapanganakan dahil hindi Siya nagmula rito. Naroon na Siya bago pa Siya ipinanganak sa sabsaban. Ang pagkatao, ang katauhan, ang personalidad ni Jesus ng Nazareth ay naroon na bago pa ipinanganak ang taong Jesus ng Nazareth.

Ang teolohikal na salita upang ilarawan ang misteryong ito ay hindi paglikha (creation) kundi pagkakatawang-tao (incarnation). Ang Kanyang kapanganakan ay hindi pagkakaroon ng bagong tao, kundi pagdating sa daigdig ng isang walang-hanggang tao. Sabi sa Micah 5:2 (ABTAG2001), pitong daang taon bago ipanganak si Jesus:

Ngunit ikaw, Bethlehem sa Efrata,

na maliit upang mapabilang sa mga angkan ng Juda,

mula sa iyo ay lalabas para sa akin

ang isa na magiging pinuno sa Israel;

na ang pinagmulan ay mula nang una,

mula nang walang hanggan.

Ang misteryo ng kapanganakan ni Jesus ay hindi lamang na Siya’y ipinanganak ng isang birhen. Ang himalang ito ay nilayon ng Diyos na maging saksi sa isang mas malaking himala, na ang sanggol na ipinanganak nang Pasko ay isang taong naroon na “mula nang una, mula nang walang hanggan.”

Kung gayon, may layunin ang Kanyang kapanganakan. Bago pa Siya ipinanganak, inisip na Niya ang pagpapanganak sa Kanya. Mayroon Siyang plano kasama ang Kanyang Ama. At bahagi ng magandang planong ito ay Kanyang binanggit sa mga huling oras ng Kanyang buhay: “Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan, upang magpatotoo tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan” (Juan 18:37).

Siya ang walang-hanggang katotohanan. Katotohanan lamang ang Kanyang binibigkas. Ang Kanyang ginawa ay bunga ng pinakamatinding uri ng pag-ibig. At tinitipon Niya sa Kanyang eternal na pamilya ang lahat ng pinanganak sa katotohanan. Ito ang Kanyang plano mula nang walang hanggan.

View Details

Kaya’t naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.

1 Juan 3:8

Ang pagawaan ni Satanas ay naglalabas ng milyon-milyong kasalanan bawat araw. Binabalot niya ang mga ito sa malalaking eroplano at pinapadala sa langit at inilalatag sa harap ng Diyos at siya’y tumatawa nang tumatawa nang tumatawa.

Ang ibang tao ay full-time na nagtatrabaho sa pagawaan ni Satanas. Ang iba’y umalis na rito pero bumabalik pa rin paminsan-minsan.

Sa bawat minuto sa pagawaang ito, nagiging katatawanan ang Diyos sa harapan ni Satanas. Negosyo ni Satanas ang kasalanan dahil galit siya sa liwanag at kagandahan at kadalisayan at kaluwalhatian ng Diyos. Wala nang mas makapagpapasaya sa kanya kaysa sa mga nilikhang di nagtitiwala at di sumusunod sa kanilang Tagapaglikha.

Kung gayon, mabuting balita ang Pasko para sa mga tao at sa Diyos.

“Totoo ang pahayag na ito at dapat paniwalaan ng lahat: Si Cristo Jesus ay dumating sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15). Mabuting balita ito para sa atin.

“Kaya’t naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo” (1 Juan 3:8). Ito’y mabuting balita rin para sa Diyos.

Mabuting balita ang Pasko para sa Diyos dahil dumating si Jesus upang pangunahan ang pagsalakay sa pagawaan ng kasalanan ni Satanas. Sumugod Siya sa loob ng pagawaan, nanawagan ng pagkakaisa ng mga tapat, at nagsimula ng malawakang pag-aalsa.

Ang Pasko ay panawagang mag-alsa sa pagawaan ng kasalanan. Walang negosasyon sa kinauukulan. Walang bargaining. Ang mayroon lang ay iisa at di-mababagong pagtutol sa produkto ng pagawaan. Hindi na tayo magiging bahagi sa paggawa nito.

Layunin ng pagkakaisa sa Pasko na panatilihin sa paliparan ang mga eroplano ni Satanas. Hindi ito gagamit ng puwersa o dahas. Gamit ang walang-tigil na debosyon sa katotohanan, ipapakita nito ang mapanira sa buhay na industriya ng Diyablo.

Hindi susuko ang pagkakaisa sa Pasko hanggang magsara nang tuluyan ang pagawaan.

Kapag nawasak na ang kasalanan, tuluyan nang mapapalaya ang pangalan ng Diyos. Wala nang tatawa rito.

Kung nais mong magbigay ng regalo sa Diyos ngayong Pasko, umalis ka sa pagawaan ng kasalanan at huwag kang lilingon pabalik dito. Pumuwesto ka sa pilahan ng pag-ibig. Sumali sa pagkakaisa ng Pasko hanggang ang banal na ngalan ng Diyos ay mapalaya, at Siya’y matagumpay na tumayo sa gitna ng mga papuri ng mga makatwiran.

View Details

Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila’y may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa pamamagitan din ng kanyang kamatayan ay pinalaya niya ang lahat ng tao na buong buhay nila’y inalipin ng takot sa kamatayan.

Hebreo 2:14–15

Naging tao si Jesus dahil kailangan ng kamatayan ng isang taong higit pa sa tao. Ang pagkakatawang-tao Niya ay ang pagkukulong ng Diyos sa Kanyang sarili sa death row.

Hindi nakipagsapalaran sa kamatayan si Jesus. Pinili Niya ito. Niyakap. Ito ang dahilan kung bakit Siya dumating: “Hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami” (Marcos 10:45).

Kaya naman pala sinubukan ni Satanas na ilayo si Jesus sa krus — sa ilang (Mateo 4:1–11) at sa bibig ni Pedro (Mateo 16:21–23)! Ang krus ang pagkawasak ni Satanas. Paano siya winasak ni Jesus?

Sinasabi sa Hebreo 2:14 na si Satanas ay “may kapangyarihan sa kamatayan.” Ibig sabihin, may kakayahan si Satanas na gawing nakakatakot ang kamatayan. “Kapangyarihan sa kamatayan” ang kapangyarihan na umaalipin sa tao sa pamamagitan ng takot sa kamatayan. Ito ang kapangyarihang ikulong ang tao sa kasalanan upang maging nakakakilabot ang kamatayan.

Ngunit tinanggalan ni Jesus ng kapangyarihang ito ni Satanas. Tinanggalan Niya ito ng sandata. Humubog Siya ng baluti ng katuwiran para sa atin upang hindi tayo tablan ng paninisi ng Diyablo. Paano Niya ginawa ito?

Sa Kanyang kamatayan, binura ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan. At ang isang taong walang kasalanan ay hindi maaaaring hatulan ni Satanas. Dahil tayo’y napatawad na, hindi tayo mawawasak. Ang plano ni Satanas ay wasakin ang kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng paninisi sa mga tagasunod Niya sa korte mismo ng Diyos. Ngunit ngayon, kay Cristo, wala nang kahatulang pagsumpa. Naudlot ang pagtataksil ni Satanas. Ang kanyang planong pandaraya ay napigilan. “Magpapatuloy ang kanyang galit, dahil, aba, sigurado na ang kanyang kapalaran.”[1] Sinaksak na siya ng krus. At di magtatagal ay malalagutan na siya ng hininga.

Si Cristo ay para sa kalayaan — kalayaan mula sa takot sa kamatayan.

Nagkatawang-tao si Jesus sa Bethlehem upang mamatay sa nakalaang kamatayan para sa atin sa Jerusalem — upang tayo’y mawalan ng takot kung saan tayo ngayon. Oo, walang takot, dahil kung ang pinakamalaking banta sa ating kagalakan ay wala na, bakit pa tayo matatakot sa mas maliliit na banta? Paano natin masasabi nang totoo, “Hindi ako takot mamatay pero takot akong mawalan ng trabaho”? Hindi. Hindi. Mag-isip kayo!

Kung ang kamatayan (sinasabi ko, kamatayan! — walang pulso, malamig, wala na!) ay hindi na kinatatakutan, tayo’y malaya na talaga. Malaya na tayong makipagsapalaran para kay Cristo at para sa pag-ibig. Hindi na tayo magiging alipin sa takot.

Kung pinalaya ka na ng Anak, ika’y tunay na ngang malaya!

[1] Martin Luther, “A Mighty Fortress Is Our God,” 1527–1529.

View Details

Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan.

Juan 17:18

Ang Pasko ay isang modelo para sa mga misyon. Ang pagmimisyon ay salamin ng Pasko. Kung ano ako ay ikaw din.

Halimbawa, panganib. Dumating si Cristo nang mag-isa, at hindi Siya tinanggap ng mga kalahi Niya. Ikaw din. Siya’y pinagbalakan nila nang masama. Ikaw din. Wala Siyang permanenteng tirahan. Ikaw din. Siya’y hinagupit at nilibak. Ikaw din. Namatay Siya matapos ang tatlong taon ng ministeryo. Ikaw din.

Ngunit may mas malalang panganib kaysa sa lahat ng ito, na natakasan ni Jesus. Ikaw din!

Noong mid-sixteenth century, sumulat ang misyonerong si Francis Xavier (1506–1552) kay Father Perez ng Malacca (ngayo’y bahagi ng Malaysia) tungkol sa mga panganib ng pagmimisyon sa China. Sabi niya, “Ang pinakamapanganib ay mawala ang tiwala sa habag ng Diyos . . . Ang mawalan ng tiwala sa Kanya ay mas masahol pa sa anumang pisikal na kasamaan na maaaring iparanas sa atin ng lahat ng kalaban ng Diyos, dahil kung walang pahintulot ay hinding-hindi tayo mapipigilan ng mga demonyo o ng kanilang mga tauhan.”[1]

Hindi kamatayan ang pinakamalaking panganib na hinaharap ng misyonero kundi ang kawalan ng tiwala sa habag (mercy) ng Diyos. Kung maiiwasan ang panganib na ito, mawawala na ang sakit ng iba pang panganib.

Sa dulo ng lahat, ginagawang scepter ng Diyos ang bawat patalim sa ating kamay. Sabi nga ni A.J. Alexander, “Ang bawat pagpapagal ay may biyayang binabayaran ng milyon-milyong taon ng kaluwalhatian.”[2]

Naiwasan ni Cristo ang panganib na ito — ang panganib na hindi pagkatiwalaan ang Diyos. Kung gayon ay itinaas siya ng Diyos. Tulad Niya, ikaw din.

Tandaan ngayong Advent na ang Pasko ay modelo para sa pagmimisyon.

Kung ano ako ay ikaw din. At ang misyon na ito ay nangangahulugan ng panganib. At ang pinakamatinding panganib ay hindi pagkatiwalaan ang awa ng Diyos. Sumuko rito at mawawala ang lahat. Pagtagumpayan ito at walang makakasakit sa iyo nang milyong taon.

[1] From “A Letter to Father Perez,” in Classics of Christian Missions, ed. Francis M. DuBose (Nashville, TN: Broadman Press, 1979), 221f.

[2] J. W. Alexander, Thoughts on Preaching: Classic Contributions to Homiletics (Edinburgh: Banner of Truth, 1975), 108.

View Details

Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong tipan sa Israel at sa Juda.

Jeremias 31:31

Ang Diyos ay makatarungan at banal at hiwalay sa mga makasalanang tulad natin. Ito ang ating pangunahing problema sa Pasko — at iba pang panahon. Paano tayo magiging tama sa harap ng isang matuwid at banal na Diyos?

Gayon pa man, ang Diyos ay mahabagin at nangako sa Jeremias 31 (limang daang taon bago kay Cristo) na balang-araw ay may gagawin Siyang bago. Papalitan Niya ang mga anino ng realidad ng Mesias. At makapangyarihan Siyang papasok sa ating mga buhay at isusulat ang Kanyang kalooban sa ating mga puso upang hindi tayo mapigilan sa labas ngunit pumayag mula sa kaibuturan natin na mahalin Siya’t pagkatiwalaan at sundin.

Ito ang pinakadakilang kaligtasang maaari nating maisip — kung ibibigay sa atin ng Diyos ang pinakamagandang katotohanan ng buong sansinukob upang ating ma-enjoy at pagkatapos ay pumasok sa atin upang malaman natin ang realidad sa paraang mae-enjoy natin ito nang buong kalayaan at kagiliwan. Isa itong regalong pampasko na dapat inaawitan natin.

Ito ang Kanyang pinangako sa new covenant. Ngunit may malaking balakid. Ang ating kasalanan. Ang ating pagkakahiwalay sa Diyos dahil sa ating hindi pagiging matuwid.

Paano pinapakitaan ng isang banal at makatarungang Diyos ang mga makasalanang tulad natin ng sobrang kabutihan, na binigay sa atin ang pinakadakilang katotohanan sa sanlibutan (ang Kanyang Anak), upang ating i-enjoy nang buong kagalakan?

Ang sagot ay ito: Nilagay ng Diyos ang ating mga kasalanan sa Kanyang Anak, at hinusgahan ang mga ito roon, upang matanggal ito sa Kanyang isipan at pakitunguhan tayo nang may habag habang Siya’y nananatili pa ring makatarungan at banal. Sabi sa Hebreo 9:28, si Cristo ay “minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao.”

Pinasan ni Cristo ang ating mga kasalanan nang Siya’y namatay (1 Pedro 2:24). Siya ang umako ng ating hatol (Roma 8:3). Tinanggal Niya ang kahatulang parusa para sa atin (Roma 8:1). Ibig sabihin, ang ating mga kasalan ay wala na. Hindi sila nananatili sa isipan ng Diyos bilang batayan ng ating hatol. Kung baga, “kinalimutan” na Niya iyon (tingnan ang Jeremias 31:34). Kinuha na sila ng kamatayan ni Cristo.

Ibig sabihin, malaya na ang Diyos, sa Kanyang katarungan, na paulanan tayo ng di-mailalarawang pangako ng new covenant. Binigay Niya sa atin si Cristo, ang pinakadakilang realidad sa buong sansinukob, para sa ating enjoyment. At sinulat Niya ang sariling kalooban — ang sariling puso — sa ating mga puso upang ibigin natin si Cristo at pagkatiwalaan si Cristo at sumunod kay Cristo mula sa ating mga puso, na may kalayaan at kaligayahan.

View Details

Dahil dito, siya’y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama. Filipos 2:9–11

Minarkahan ng Pasko ang simula ng pinakamatagumpay na kabiguan ng Diyos. Lagi Siyang nalulugod na ipakita ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng tila’y pagkatalo. Gumagawa Siya ng mga tactical na pag-atras upang manalo sa strategic na tagumpay.

Sa Lumang Tipan, Si Jose, isa sa labindalawang anak ni Jacob, ay pinangakuan ng luwalhati at kapangyarihan sa kanyang panaginip (Genesis 37:5–11). Ngunit upang makamit ang tagumpay na ito, kinailangan niyang maging alipin sa Ehipto. At kung hindi pa ito sapat, nang gumanda na ang kanyang kalagayan dahil sa kanyang integridad, ginawa siyang mas malala kaysa isang alipin: isang bilanggo.

Ngunit nakaplano ang lahat ng ito — may plano ang Diyos para sa kanyang kabutihan at sa kabutihan ng kanyang pamilya, at para rin sa kabutihan ng buong mundo! Sa bilangguan ay nakilala ni Jose ang butler ng Pharaoh, na kalaunan ay nagdala sa kanya sa Pharaoh, na nagbigay naman sa kanya ng kapangyarihan sa buong Ehipto. At sa wakas, nagkatotoo ang kanyang panaginip. Lumuhod ang kanyang mga kapatid sa harapan niya, at niligtas niya ang mga ito mula sa pagkagutom. Isang kakaibang daan patungong kaluwalhatian!

Ito ang paraan ng Diyos — kahit para sa Kanyang Anak. Tinanggal Niya kung anong meron Siya at kinuha ang anyo ng alipin. Mas masahol pa sa alipin — isang bilanggo — at pinatay. Ngunit tulad ni Jose, nanatili ang Kanyang integridad. “Dahil dito, siya’y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat” (Filipos 2:9–10).

At ito rin ang daan ng Diyos para sa atin. Pinangakuan tayo ng kaluwalhatian — kung tayo ay maghihirap kasama Niya, tulad ng sinasabi sa Roma 8:17. Ang daan pataas ay pababa. Ang daan pasulong ay paatras. Ang daan patungong tagumpay ay sa banal na itinalagang kabiguan. Lagi itong magmumukha at mararamdaman bilang kabiguan.

Ngunit kung may maituturo sa atin sina Jose at Jesus ngayong Pasko, ito’y ito: Ang masamang balak ni Satanas at ng mga makasalanang tao ay “ipinahintulot . . . ng Diyos para sa kabutihan. . .” (Genesis 50:20).

Kayong mga santong puno ng takot, maging matapang

Ang mga ulap na inyong kinatatakutan

Ay puno ng habag at magbubuhos

Ng mga biyaya sa inyong ulunan.[1]

[1] William Cowper, “God Moves in a Mysterious Way,” 1773.

View Details

Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.

Juan 10:10

Nang sisimulan ko na ang devotional na ito, nakatanggap ako ng balitang pumanaw na si Marion Newstrum. Si Marion at ang kanyang asawa, si Elmer, ay matagal nang bahagi ng aming simbahan, mas matagal pa kaysa sa buhay ng karamihan sa aming mga miyembro ngayon. Eighty-five years old siya. Sixty-four years silang kasal.

Nang kinausap ko si Elmer at sinabi sa kanya na gusto ko siyang maging malakas sa Panginoon at huwag sumuko sa buhay, sinabi niya, “Siya’y naging tunay na kaibigan.” Dalangin ko na lahat ng Cristiano’y masasabi sa dulo ng kanilang buhay: “Si Cristo’y naging tunay na kaibigan.”

Tuwing Advent, minamarkahan ko ang anibersaryo ng kamatayan ng aking ina. Fifty-six years old siya nang namatay sa isang bus accident sa Israel. December 16, 1974 noon. Ang pangyayaring iyon ay buhay na buhay pa rin sa akin hanggang ngayon. Kung hahayaan ko ang aking sarili, madali akong maiiyak — halimbawa, kung iisipin kong hindi siya nakilala ng aking mga anak. Inilibing namin siya nang araw matapos ang Pasko. Natatangi ang Paskong iyon!

Marami sa inyo ay mas mararamdaman ang inyong kawalan ngayong Pasko. Huwag ninyo itong harangan. Damahin ninyo ito. Ano ba ang pag-ibig, kung hindi ang pagpapatindi ng ating pagmamahal — sa buhay at kamatayan? Pero huwag maging bitter. Nakakasira ng sarili ang pagpapasakop sa kapaitan.

Dumating si Jesus nang Pasko upang magkaroon tayo ng buhay na walang-hanggan. “Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos” (Juan 10:10). Pinag-usapan nina Elmer at Marion kung saan sila mananatili sa mga huling taon ng kanilang buhay. Sabi ni Elmer, “Nagkasundo kami ni Marion na ang aming huling hantungan ay sa piling ng Panginoon.”

Nakakaramdam ka ba ng pagkaligalig para sa iyong tahanan? May mga kapamilya akong darating para sa holidays. Masaya ito. Sa tingin ko, maganda ito sa pakiramdam dahil sila at ako ay nakatadhana para sa isang huling homecoming. Lahat ng ibang homecoming ay patikim lamang. At masarap ang mga patikim.

Maliban na lang kung sila’y maging kapalit. Huwag mong hayaan na ang matatamis na bunga ngayon ay pumalit sa panghuli at maganda at sobrang nakalulugod na tamis. Hayaan mong ang bawat kawalan at pananabik ay dalhin ang iyong puso sa langit.

Pasko. Ano ba ito kundi ito: Dumating ako upang sila’y magkabuhay? Si Marion Newstrum, si Ruth Piper, pati ikaw at ako — upang magkaroon tayo ng buhay, ngayon at kailanman.

Payamanin at palalimin ang iyong Pasko ngayon sa pamamagitan ng pag-inom sa bukal ng magpakailanman. Napakalapit lang nito.

View Details

Ayon sa Hebreo 8:6, Si Cristo ang tagapamagitan ng new covenant. Ano ang kahulugan nito? Ibig sabihin, nabayaran na’t sinigurado ng Kanyang dugo — ang dugo ng covenant (Lucas 22:20; Hebreo 13:20) — ang pagpapatupad ng mga pangako ng Diyos para sa atin.

Ibig sabihin, ayon sa mga pangako ng new covenant, pinapatupad ng Diyos ang pagbabago ng ating sarili sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo.

At ibig sabihin, kumikilos ang Diyos para sa pagbabagong ito sa pamamagitan ng pananampalataya — pananampalataya kung sino ang Diyos para sa atin kay Cristo.

Ang new covenant ay tinubos ng dugo ni Cristo, ginawang mabisa para sa atin ng Espiritu ng Diyos, at nilalaan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.

Sa Hebreo 13:20–21, pinakamagandang makikita ang pagkilos ni Cristo bilang tagapamagitaan ng new covenant:

Ang Diyos ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa’y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen.

Ang mga salitang “gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya” ay naglalarawan ng nangyayari kapag sinusulat ng Diyos ang kautusan sa ating mga puso batay sa new covenant. At ang mga salitang “sa pamamagitan ni Jesu-Cristo” ay naglalarawan kay Jesus bilang tagapamagitan ng maluwalhating pagkilos ng sovereign grace sa atin.

Kung gayon, ang kahulugan ng Pasko ay hindi lamang ang pagpapalit ng Diyos ng mga anino sa realidad. Ito rin ay kung paano Niya kinukuha ang realidad na ito at ginagawa itong totoo para sa Kanyang mga anak. Sinusulat Niya ito sa ating mga puso. Hindi Niya basta na lang inilagay ang Kanyang aguinaldo ng kaligtasan at pagbabago sa ilalim ng Christmas tree para lamang damputin mo ito sa pamamagitan ng iyong sariling kalakasan. Kinukuha Niya ito at nilalagay sa iyong puso at sa iyong isip at binibigyan ka Niya ng selyo ng kasiguraduhan na ikaw ay anak ng Diyos.

View Details

Ito ang ibig naming sabihin: mayroon tayong ganyang Pinakapunong Pari, na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasan. Siya’y naglilingkod doon sa Dakong Banal, sa tunay na toldang itinayo ng Panginoon, at hindi ng tao. . . . Ang paglilingkod ng mga ito ay larawan lamang ng nasa langit, sapagkat nang itatayo na ni Moises ang tolda, mahigpit na ipinagbilin sa kanya ng Diyos ang ganito, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita ko sa iyo sa bundok.” Hebreo 8:1–2, 5

Nakita na natin ito dati. Pero meron pa. Ang Pasko ay ang pagpapalit ng tunay na bagay sa mga anino.

Isang pagbubuod nito ang Hebreo 8:1–2, 5. Ang punto ay ito: Ang nag-iisang pari na namamagitan sa atin at sa Diyos, at ginagawa tayong tama sa mata ng Diyos at ipinapanalangin tayo, ay hindi isang ordinaryo, mahina, makasalanan, at namamatay na pari ng Lumang Tipan. Siya ang Anak ng Diyos — malakas, walang kasalanan, at hindi magagapi.

Hindi lang iyon. Hindi Siya naglilingkod sa makamundong tabernakulo, na may limitasyon ang lugar at laki, na naluluma at kinakain ng gamu-gamo at nababasa at nasusunog at nasisira at nananakaw. Sabi sa Hebreo 8:2, si Cristo ay naglilingkod sa atin “sa tunay na toldang

itinayo ng Panginoon, at hindi ng tao.” Hindi ito anino. Ito ay tunay na nasa langit. Ito ang realidad na nagpakita sa Mount Sinai upang kopyahin ni Moises.

Ayon sa Hebreo 8:1, heto ang isa pang magandang bagay tungkol sa katotohanang higit pa sa anino: Nakaupo ang ating high priest sa kanang kamay ng Diyos sa langit. Walang pari mula sa Lumang Tipan ang puwedeng magsabi nito.

Direktang nakikipag-usap si Jesus sa Diyos Ama. Mayroon Siyang lugar ng karangalan sa tabi ni Diyos. Walang hanggan ang pag-ibig at respeto sa Kanya ng Diyos. Palagi Niyang kasama ang Diyos. Hindi ito ang realidad ng mga anino, tulad ng mga kurtina at mangkok

at mesa at kandila at balabal at palawit at tupa at kambing at kalapati. Ito ang panghuling realidad: Nag-uusap ang Diyos at ang Anak sa pag-ibig at kabanalan para sa ating

panghabang-buhay na kaligtasan.

Ang pinakamataas na realidad ay ang relasyon ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, ang kanilang pakikipagugnayan sa isa’t isa tungkol sa kanilang kadakilaan at kabanalan at pag-ibig at katarungan at kabutihan at katotohanan na makikita sa mga tinubos na tao.

View Details

Day 12

Ito ang ibig naming sabihin: mayroon tayong ganyang Pinakapunong Pari, na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasan. Siya’y naglilingkod doon sa Dakong Banal, sa tunay na toldang itinayo ng Panginoon, at hindi ng tao.

Hebreo 8:1–2

Ito ang punto ng Hebreo: Pumarito si Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, hindi lamang upang makibagay sa makamundong sistema ng pagpapari, bilang pinakamahusay at huling taong pari. Dumating din Siya upang tuparin at tapusin ang sistemang ito at ituon ang lahat ng atensyon sa Kanya, upang paglingkuran tayo — una, sa Kalbaryo, bilang ang panghuling sakripisyo, at pagkatapos ay sa langit, bilang ating panghuling pari.

Ang tabernakulo, mga pari, at sakripisyo ng Lumang Tipan ay pawang mga anino lamang. Ngayon ay dumating na ang tunay, at ang mga anino’y nawala na.

Ito ay isang ilustrasyon ng Advent para sa mga bata — at para sa atin na dati’y mga bata at naaalala kung paano maging ganito. Kunwari’y nagkahiwalay ka ng iyong ina sa grocery store, at nagsimula kang makaramdam ng takot at pangamba at hindi mo alam saan ka pupunta, at tumakbo ka sa dulo ng aisle, at bago ka maiyak, nakita mo ang isang anino sa sahig sa dulo ng aisle na tulad ng iyong ina. Nakaramdam ka ng pag-asa dahil dito. Pero ano ang mas mainam? Ang pag-asa nang makita mo ang anino, o ang makita mo mismo ang iyong ina?

Ganito ang pakiramdam nang dumating si Jesus upang maging ating punong pari. Ito ang Pasko. Ang Pasko ay ang pagpapalit ng tunay sa mga anino: ang pagpapakita ng iyong ina sa dulo ng aisle at ang ginhawa at ligayang binibigay nito sa isang maliit na bata.

(Para sa dagdag na kaalaman kung paano pinalitan ng pagdating ni Cristo ang Lumang Tipan, tingnan ang appendix sa dulo ng aklat na ito.)

View Details

Day 11

Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila’y may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa pamamagitan din ng kanyang kamatayan ay pinalaya niya ang lahat ng tao na buong buhay nila’y inalipin ng takot sa kamatayan.

Hebreo 2:14–15

Hebreo 2:14–15 yata ang paborito kong teksto para sa Advent dahil wala na akong ibang alam na kasinglinaw sa pagpapakita ng koneksyon sa pagitan ng simula at wakas ng buhay sa daigdig ni Jesus — sa pagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao (incarnation) at ang pagkapako sa krus (crucifixion). Malinaw na ipinapakita ng dalawang talatang ito kung bakit dumating si Cristo — upang mamatay. Mainam itong gamitin sa mga kaibigan at kapamilyang di-mananampalataya upang paunti-unti silang dalhin sa iyong Cristianong pananaw ng Pasko. Maaari mong gawin ang tulad nito:

Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao. . .

Ang salitang “anak” ay kinuha mula sa nakaraang talata (Hebreo 2:13) at tumutukoy sa espiritwal na anak ni Cristo, ang Mesias (tingnan ang Isaias 8:18; 53:10). Sila rin ang mga “anak ng Diyos” (Juan 1:12). Sa madaling salita, sa pagsugo kay Cristo, nakikita ng Diyos ang kaligtasan ng Kanyang “mga anak.”

Totoong “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya [si Jesus]” (Juan 3:16). Ngunit totoo na tinipon ng Diyos “ang mga anak ng Diyos na nasa iba’t ibang dako” (Juan 11:52). Dinisenyo ng Diyos na ialay si Cristo sa mundo at isagawa ang kaligtasan ng Kanyang mga anak (tingnan ang 1 Timoteo 4:10). Maaari mong maranasan ang pag-aampong ito sa pamamagitan ng pagtanggap kay Cristo (Juan 1:12).

. . . naging tao rin si Jesus at tulad nila’y may laman at dugo . . .

Ibig sabihin, naroroon na si Cristo bago pa ang Kanyang pagkakatawang-tao. Siyay’s espiritu. Siya’y Salitang walang wakas. Siya’y kasama ng Diyos at Siya’y Diyos (Juan 1:1; Colosas 2:9). Ngunit Siya’y naging laman at dugo, at dinamitan ang Kanyang pagka-Diyos ng pagiging tao. Siya’y naging buong tao at nanatiling buong Diyos. Ito’y isang malaking misteryo sa maraming paraan. Ngunit ito ang nasa puso ng ating pananampalataya — at kung ano ang tinuturo ng Biblia.

. . . upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan . . .

Kamatayan ang dahilan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Bilang Diyos, hindi Siya maaaring mamatay para sa mga makasalanan. Ngunit bilang tao, maaari Niyang gawin ito. Layunin Niyang mamatay. Kung gayon, kailangan Niyang ipanganak bilang tao. Pinanganak Siya upang mamatay. Biyernes Santo ang layunin ng Pasko. Ito ang kailangan marinig ng maraming tao ngayon tungkol sa dahilan ng Pasko.

. . . mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. . .

Sa Kanyang kamatayan, tinanggalan ni Cristo ng pangil ang Diyablo. Paano? Sa pamamagitan ng pagpawi sa lahat ng ating kasalanan. Ibig sabihin, wala nang lehitimong batayan si Satanas upang akusahan tayo sa harapan ng Diyos. “Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila?” (Roma 8:33) — ano’ng batayan ng Kanyang pagpapawalang-sala? Ang dugo ni Jesus (Roma 5:9).

View Details

Day 10

Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.

Mateo 2:10–11

Hindi nangangailangan ang Diyos ng anumang tulong o paglilingkod ng tao (Mga Gawa 17:25). Ang mga regalo ng mga mago ay hindi ibinigay bilang tulong sa isang pangangailangan. Kahiya-hiya para sa isang hari kung may darating na mga banyagang bisita na may-dala-dalang ayuda.

Hindi rin suhol ang mga regalong ito. Sabi sa Deuteronomy 10:17, hindi tumatanggap ng suhol ang Diyos. Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng mga regalong ito? Paano sila naging pagsamba?

Ang mga regalong ibinibigay sa mayayaman at self-sufficient na tao ay tanda ng kagustuhan ng nagbigay na ipakita kung gaano kahanga-hanga ang taong kanyang pinagbigyan. Kung baga, ang pagbibigay ng mga regalo kay Cristo ay tulad ng pag-aayuno — pagsasakripisyo ng isang bagay upang ipakitang mas mahalaga si Cristo sa bagay na iyong sinakripisyo.

Kapag nagbigay ka ng regalo kay Cristo tulad nito, para mong sinabing, “Ang ligayang aking hinahanap [pansinin ang Mateo 2:10! “Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin.”] ay hindi ang pag-asang yumaman sa pakikipag-barter o ang makipagkasundo ng bayad sa Iyo. Lumapit ako hindi para sa Iyong mga ari-arian kundi para sa Iyo. At pinapatindi at pinapakita ko ang kagustuhang ito sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng mga bagay, sa pag-asang mas ma-e-enjoy Kita. Sa pagbibigay ko ng hindi Mo kailangan at maaari kong i-enjoy, taimtim kong sinasabi nang buong katotohanan, ‘Ikaw ang aking kayamanan, hindi ang mga bagay na ito.’”

Sa tingin ko’y ito ang ibig sabihin ng pagsamba sa Diyos gamit ang mga regalo ng ginto, insenso, at mira. O kung ano pa man ang maisip nating ibigay sa Kanya.

Nawa’y gisingin ng Diyos sa iyo ang paghahangad mismo kay Cristo. Nawa’y sabihin natin mula sa puso, “Panginoong Jesus, ikaw ang Mesias, ang Hari ng Israel. Lahat ng mga bansa ay lalapit at luluhod sa Iyong harapan. Pinamamahalaan ng Diyos ang mundo upang siguraduhing Ika’y sasambahin ng lahat. Samakatuwid, anumang oposisyon ang aking harapin, maligaya kong idadahilan ang Iyong awtoridad at dignidad, at dadalhin ang aking mga regalo upang sabihing Ikaw lamang ang makakalulugod sa aking puso.”

View Details

Day 9

Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya’y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem.

Mateo 2:3

Nakakabahala si Jesus para sa mga taong ayaw sumamba sa Kanya, at nagdudulot naman Siya ng oposisyon laban sa mga taong nais gawin ito. Malamang ay hindi ito ang pangunahing punto ni Mateo, ngunit isa itong di-maiiwasang implikasyon sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento.

Sa kuwentong ito, may dalawang uri ng tao na ayaw sumamba kay Jesus.

Ang una ay ang mga taong walang pakialam kay Jesus. Wala lang Siya sa kanilang buhay. Ang grupong ito’y kinakatawan ng mga punong pari at tagapagturo ng Kautusan sa umpisa ng buhay ni Jesus. Sabi sa Mateo 2:4, “Kaya’t tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila’y tinanong [ni Herodes], ‘Saan ba isisilang ang Cristo?’” Siya’y sinagot nila, at doon na iyon nagtapos: Balik trabaho na sila pagkatapos. Lubhang napakalaki ang naging katahimikan at di-pagkilos ng mga lider na ito kung ikukumpara sa bigat ng mga pangyayari.

Pansinin na sinabi sa Mateo 2:3, “Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya’y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem.” Sa madaling salita, may sabi-sabing kumakalat na may nag-aakalang ipinanganak na ang Mesias. Nakakagulat ang di-pagkilos ng mga punong pari: Bakit hindi sila sumama sa mga mago? Hindi sila interested. Hindi sila passionate sa paghahanap sa Anak ng Diyos at pagsamba sa Kanya.

Ang ikalawang uri ng mga taong ayaw sumamba kay Jesus ay ang mga nakakaramdam ng lubhang pagbabanta mula sa Kanya. Ito si Herodes sa kuwentong ito. Siya’y tunay na natatakot — sobra-sobra ang takot Niya kaya nagplano siya’t nagsinungaling at nagpapatay ng maraming sanggol para lamang mapatay si Jesus.

Ngayon, dadating ang dalawang uri ng oposisyon laban kay Cristo at sa Kanyang mga tagasunod: ang kawalan ng pakialam at ang kapootan. Umaasa akong wala ka sa isa sa mga grupong ito.

At kung ikaw ay isang Cristiano, hayaan mong ang Pasko’y maging panahon upang iyong pag-isipan ang kahulugan nito — ang halaga — para sambahin at sumunod sa Mesias na ito.

View Details

Day 8

Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya’t naparito kami upang siya’y sambahin.

Mateo 2:2

Paulit-ulit na kinikiliti ng Biblia ang ating isipan kung gaano katiyak ang mga pangyayari noon. Paano nadala ng “bituing” ito ang mga mago mula sa silangan patungong Jerusalem?

Hindi sinabi ng Biblia na dinala ng bituin ang mga mago o nanguna ito sa kanila papunta sa Jerusalem. Sinabi lang na may nakita silang bituin sa silangan (Mateo 2:2) at pumunta sila sa Jerusalem. At paano nanguna sa kanila ang bituin sa limang-milyang paglalakbay nila mula Jerusalem patungong Bethlehem, gaya ng sinasabi sa Mateo 2:9? At paano ito tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol?

Ang sagot? Hindi natin alam. Napakaraming pagsisikap upang maipaliwanag ito batay sa mga planeta o kometa o supernovas o mahimalang ilaw. Hindi lang talaga natin alam. At gusto ko kayong payuhang huwag maging abala sa mga teorya na tentatibo lamang at walang masyadong espiritwal na halaga.

Nakikipagsapalaran akong magbigay ng generalization upang balaan kayo: Ang mga taong abala sa mga ganitong bagay — kung paano naging gabay ang bituin at paano nahati ang Red Sea at paano dumating ang manna at paano nabuhay si Jonah sa loob ng isda at paano nagkukulay-dugo ang buwan — ay madalas mga taong tinatawag kong may mentalidad para sa marginal.

Hindi mo nakikita sa kanila ang malalim na pag-ibig sa mga sentral na bagay ng ebanghelyo: ang kabanalan ng Diyos, ang kapangitan ng kasalanan, ang kawalan ng kakayahan ng tao, ang kamatayan ni Cristo, ang pagbibigay-katwiran sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, ang pagpapawalang-sala ng Espiritu, ang kaluwalhatian ng pagbabalik ni Cristo, at ang panghuling paghuhukom. Tila lagi ka nilang nililihis sa daan gamit ang isang bagong artikulo o libro na exciting para sa kanila, na tumatalakay sa isang bagay na marginal. Kaunti lamang ang pagdiriwang sa malalaking sentral na katotohanan.

Ngunit malinaw na makikita sa usapin ng bituin na ginagawa nito ang isang bagay na hindi nito kayang gawin mag-isa: Ginagabayan nito ang mga mago patungo sa Anak ng Diyos upang sambahin Siya.

Sa biblikal na kaisipan, iisa lamang ang nasa likod ng ginagawa ng mga bituin: ang Diyos mismo.

Hayaang maging malinaw ang aral: Ginagabayan ng Diyos ang mga dayuhan kay Cristo upang Siya’y sambahin. At ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandaigdigan — malamang ay universal — na impluwensiya at kapangyarihan.

Pinapakita ni Lucas ang pag-impluwensiya ng Diyos sa Roman Empire upang magkaroon ng census sa eksaktong panahon para dalhin ang isang mahalagang birhen sa Bethlehem upang matupad ang propesiya sa kanyang panganganak. Pinakita ni Mateo ang pag-impluwensiya ng Diyos sa mga bituin sa langit para dalhin ang iilang dayuhan sa Bethlehem upang sambahin nila ang Anak.

Ito ang disenyo ng Diyos. Ginawa Niya ito noon. Ginagawa pa rin Niya ito ngayon. Layunin Niyang sambahin ng mga bansa — lahat ng mga bansa (Mateo 24:14) — ang Kanyang Anak.

Ito ang kalooban ng Diyos para sa lahat ng tao sa iyong opisina at sa iyong classroom at sa iyong kapitbahayan at sa iyong tahanan. Sabi sa Juan 4:23, “Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang ninanais ng Ama.”

Sa simula ng Mateo, mayroon tayong “Halina’t silipin” na pattern. Ngunit sa pagtatapos ay naging “ipahayag sa iba” ang pattern na ito. Pumunta ang mga mago at nakita ito. Tayo’y dapat humayo at magpahayag.

Ngunit hindi nagkakaiba ang layunin at kapangyarihan ng Diyos sa pagtitipon ng mga bansa upang sambahin ang Kanyang Anak. Ang pagma-magnify ng naglalagablab na pagsamba kay Cristo sa mga bansa ang dahilan kung bakit mayroong daigdig.

View Details

Day 7

Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya’y sambahin.”

Mateo 2:1–2

Di tulad ni Lucas, hindi itinala ni Mateo ang tungkol sa mga pastol na bumisita kay Jesus sa sabsaban. Naka-focus agad siya sa mga dayuhan — mga Hentil, hindi Judio — na dumayo mula sa silangan upang sambahin si Jesus.

Ipinakita ni Mateo si Jesus, sa umpisa at dulo ng kanyang Ebanghelyo, bilang pangkalahatang Mesias para sa lahat ng mga bansa, hindi lamang para sa mga Judio.

Dito, ang mga unang sumamba ay court magicians, o manghuhula, o mga pantas na hindi mula sa Israel kundi sa silangan — malamang ay mula sa Babilonia. Sila ay mga Hentil. Sila’y hindi malinis, ayon sa mga seremonyal na kautusan ng Lumang Tipan.

Sa pagtatapos ng Mateo, ang mga huling salita ni Jesus ay, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa” (Mateo 28:18–19).

Hindi lamang nito binuksan ang pinto para sa ating mga Hentil na magdiwang sa Mesias; nadagdag din ito bilang katibayan na si Jesus ang Mesias dahil isa sa mga inuulit na propesiya ay lalapit sa Kanya ang mga bansa at mga hari bilang pinuno ng daigdig. Halimbawa, sa Isaias 60:3:

Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag,

ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat.

Nagdagdag si Mateo ng katibayan ng pagka-Mesias ni Jesus at nagpakita na siya ang Mesias — isang hari, at tagatupad ng pangako — para sa lahat ng bansa, hindi lamang ng Israel.

View Details

“Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.” Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila’y nagpupuri sa Diyos at umaawit, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!” Lucas 2:12–14

Kapayapaan para kanino? May mapanglaw na tono ang papuri ng mga anghel. Kapayapaan para sa Kanyang pinapaboran. Kapayapaan para sa mga kinaluluguran Niya. Ngunit imposibleng bigyan-kaluguran ang Diyos nang walang pananampalataya (Hebreo 11:6). Kung gayon, ang Pasko’y hindi nagdadala ng kapayapaan sa lahat.

“Ganito ang paghatol ng Diyos,” sabi ni Hesus, “naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng

mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa” (Juan 3:19). O tulad ng sinabi ng matandang Simeon nang nakita niya ang batang Jesus, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya ng marami, kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip” (Lucas 2:34–35). O, kay-raming nakadungaw sa isang malungkot at maginaw na Pasko at walang ibang makikita kundi iyon — isang tandang kailangan salungatin.

“Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos” (Juan 1:11–12). Sa Kanyang mga alagad lamang Niya sinabi, “Kapayapaan

ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot” (Juan 14:27).

Ang mga tumatamasa ng kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ay iyong mga humihiling sa Diyos ng lahat ng kanilang kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat (Filipos 4:6–7).

Ang susi na nagbubukas ng kaban ng kayaman ng kapayapaan ng Diyos ay pananampalataya sa mga pangako Niya. Kaya nanalangin si Pablo, “Nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya” (Roma 15:13). At kapag nagtiwala tayo sa mga pangako ng Diyos at nagkaroon ng kagalakan at kapayapaan at pag-ibig, naluluwalhati ang

Diyos.

Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan, sa kapayapaan sa lahat ng Kanyang kinaluluguran sa daigdig! Lahat — mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika — na mananampalataya.

View Details

Day 6

“Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.” Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila’y nagpupuri sa Diyos at umaawit,

“Papuri sa Diyos sa kaitaasan,

at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”

Lucas2:12–14

Kapayapaan para kanino? May mapanglaw na tono ang papuri ng mga anghel. Kapayapaan para sa Kanyang pinapaboran. Kapayapaan para sa mga kinaluluguran Niya. Ngunit imposibleng bigyan-kaluguran ang Diyos nang walang pananampalataya (Hebreo 11:6). Kung gayon, ang Pasko’y hindi nagdadala ng kapayapaan sa lahat.

“Ganito ang paghatol ng Diyos,” sabi ni Hesus, “naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa” (Juan 3:19). O tulad ng sinabi ng matandang Simeon nang nakita niya ang batang Jesus, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya ng marami, kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip” (Lucas 2:34–35). O, kay-raming nakadungaw sa isang malungkot at maginaw na Pasko at walang ibang makikita kundi iyon — isang tandang kailangan salungatin.

“Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalatayasa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos” (Juan 1:11–12). Sa Kanyang mga alagad lamang Niya sinabi, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot” (Juan 14:27).

Ang mga tumatamasa ng kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ay iyong mga humihiling sa Diyos ng lahat ng kanilang kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat (Filipos 4:6–7).

Ang susi na nagbubukas ng kaban ng kayaman ng kapayapaan ng Diyos ay pananampalataya sa mga pangako Niya. Kaya nanalangin si Pablo, “Nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya” (Roma 15:13). At kapag nagtiwala tayo sa mga pangako ng Diyos at nagkaroon ng kagalakan at kapayapaan at pag-ibig, naluluwalhati ang Diyos.

Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan, sa kapayapaan sa lahat ng Kanyang kinaluluguran sa daigdig! Lahat — mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika — na mananampalataya.

View Details

Day 5

Habang sila’y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.

Lucas 2:6–7

Iisipin mo siguro na kung ang Diyos ay naghahari sa daigdig at kayang gamiting ang malawakang census ng kaharian upang dalhin sina Maria at Jose sa Bethlehem, masisiguro Niya na may bakanteng silid sa mga bahay-panuluyan.

Oo, puwede Niya itong gawin. Puwedeng-puwede! Puwedeng ipinanganak si Jesus sa isang mayamang pamilya. Puwede Niyang gawing tinapay ang bato sa wilderness. Puwede Niyang tawagin ang sampung libong anghel upang tulungan Siya sa hardin ng Gethsemane. Puwede Siyang bumaba sa krus at iligtas ang Kanyang sarili. Ang tanong ay hindi kung ano ang puwedeng gawin ng Diyos, kundi kung ano ang pinili Niyang gawin.

Kalooban ng Diyos na kahit mayaman si Jesus, Siya’y naging mahirap para sa ating kapakanan. Ang “No Vacancy” signs na nakapaskil sa mga bahay-panuluyan sa buong Bethlehem ay para sa iyong kapakanan. “. . . Kahit na mayaman [siya] ay naging dukha upang maging mayaman kayosa pamamagitan ng kanyang pagiging dukha” (2 Corinto 8:9).

Pinaghaharian ng Diyos ang lahat ng bagay — kahit ang kapasidad ng mga hotel at Airbnbs — para sa kapakanan ng Kanyang mga anak. Nagsimula ang daan patungong Kalbaryo sa “No Vacancy” sign sa Bethlehem at nagtapos sa pagdura at panunuya sa krus sa Jerusalem.

At hindi natin dapat kalimutan na sinabi ni Jesus: “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin” (Lucas 9:23).

Sinasamahan natin Siya sa daan patungong Kalbaryo at naririnig Siyang magsabi, “Alalahanin ninyo ang sinabi kong ito: walang aliping higit kaysa kanyang panginoon. Kung ako’y inusig nila, uusigin din nila kayo” (Juan 15:20).

Para sa taong masiglang nagsasabi, “Susunod po ako sa inyo kahit saan kayo pumunta,” tumugon si Jesus, “May lungga ang asong-gubat, at may pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao ay wala man lamang mapagpahingahan” (Lucas9:57–58).

Oo, puwede sanang sinigurado ng Diyos na may matutuluyang kuwarto si Jesus sa Kanyang kapanganakan. Pero ito’y maaaring maging palayo sa daan papuntang Kalbaryo.

View Details

Day 4

Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang sensus na ito ay ginawa noong si Cirenio ang gobernador ng Siria. Kaya’t umuwi ang mga tao sa sarili nilang bayan upang magpatala. Mula sa Nazaret, isang lungsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya’y mula sa angkan ni David. Kasama rin niyang umuwi upang magpatala si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay nagdadalang-tao.

Lucas 2:1–5

Naisip mo na ba kung gaano kamangha-mangha na naunang naitalaga ng Diyos ang Mesias na ipanganak sa Bethlehem (na pinapakita ng propesiya sa Micah 5:2)? Namamangha ka ba na itinalaga Niya ang mga bagay-bagay na pagdating ng panahon, hindi nakatira sa Bethlehem ang ina at legal na ama ng Mesias, kundi sa Nazareth? Na upang matupad ang Kanyang Salita at pagbukludin ang dalawang di-kilala, di-mahalaga, at abang tao sa Bethlehem para sa unang Pasko, inilagay ng Diyos sa puso ni Caesar Augustus na dapat magpatala ang buong mundo ng Romano sa kanyang sariling bayan? Isang kautusan para sa buong mundo upang paglakbayin nang pitumpung milya ang dalawang tao!

Tulad ko, naramdaman mo na bang maging maliit at di-mahalaga sa mundong may pitong bilyong tao, kung saan ang lahat ng balita ay tanging tungkol sa malalaking politikal at ekonomiko at social na pagkilos at namumukod-tanging mga tao na may halaga sa mundo at may kapangyarihan at reputasyon? Kung oo, huwag mo hayaang ito’y ikalungkot o ipanghina mo ng loob. Dahil ipinahihiwatig sa Kasulatan na ang mga dambuhalang political forces at industrial complexes ay ginagabayan ng Diyos, nang hindi nila nalalaman, hindi para sa kanilang kapakanan, kundi para sa kapakanan ng mga abang tao ng Diyos — ang maliit na Maria at maliit na Jose na kinailangang maglakbay mula Nazareth patungong Bethlehem. Gumagamit ang Diyos ng mga kaharian upang tuparin ang Kanyang salita at pagpalain ang Kanyang mga anak.

Huwag mong isipin na dahil nakakaranas ka ng paghihirap sa iyong maliit na mundo ng pagdurusa ay maiksi ang kamay ng Panginoon. Hindi ang ating pag-unlad o katanyagan ang Kanyang buong-pusong hinahanap kundi ang ating kabanalan. At para sa layuning iyon, pinaghaharian Niya ang buong mundo. Sabi sa Kawikaan 21:1, “Hawak ni Yahweh ang isip ng isang hari at naibabaling niya ito kung saan igawi.” At lagi Niya itong ginagamit para sa Kanyang pagliligtas, pagpapabanal, at eternal na layunin sa Kanyang mga tao.

Siya ay isang malaking Diyos para sa maliliit na tao. Mayroon tayong malaking dahilan na ipagdiwang ang katotohanang ito: na hindi alam ng mga hari at presidente at premier at chancellor at hepe ng mundo na sila’y sumusunod sa makapangyarihang utos ng ating Ama sa langit, upang tayong mga anak Niya’y matulad sa imahe ng Kanyang Anak, si Jesu-Cristo — at makapasok sa Kanyang walang-hanggang kaluwalhatian.

View Details

Day 3

Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan. Nagsugo siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa angkan ni David na kanyang lingkod. Ito’y ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta, na ililigtas niya tayo mula sa ating mga kaaway, mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.

Lucas1:68–71

Pansinin ang dalawang kamangha-manghang bagay mula sa mga salita ni Zechariah, ang asawa ni Elizabeth, sa Lucas 1:68–71.

Una, siyam na buwan ang nakararaan, hindi naniwala si Zechariah na magkakaroon ng anak ang kanyang asawa. Ngayon, puspos ng Espiritu Santo, siya’y lubos na naniwala sa redeeming work ng Diyos sa paparating na Mesias, kaya sinabi niya ito na tila nangyari na: “Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan.” Para sa isip ng pananampalataya, ang isang pangakong gagawin ng Diyos ay maituturing na naganap na. Natutunan ni Zechariah na panghawakan ang sinasabi ng Diyos at dahil dito’y nagkaroon siya ng kakaibang kasiguraduhan: “Tumulong at nagpalaya ang Diyos!” (Lucas 1:68).

Ikalawa, ang pagdating ni Jesus, ang Mesias, ay pagbisita ng Diyos sa ating daigdig: Ang Diyos ng Israel ay bumisita at nagligtas. Ilang siglong nanamlay ang mga Judio sa paniniwalang iniwan na sila ng Diyos: Tumigil na ang espiritu ng propesiya, at nahulog ang Israel sa mga kamay ng Roma. At lahat ng makadiyos sa Israel ay naghihintay ng pagbisita ng Diyos. Ayon kay Lucas, may isang matandang lalaki, ang debotong si Simeon, na “naghihintay sa katubusan ng Israel” (Lucas 2:25). Gayon din, ang mapanalangin na si Anna ay “naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem” (Lucas 2:38).

Ito ang mga araw ng matinding pag-asa. Ngayon, ang pinakahihintay na pagbisita ng Diyos ay magaganap na — tunay nga, Siya’y paparating sa isang paraang hindi inaasahan ninuman.

View Details

Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,

at ang aking espiritu’y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,

sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!

Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong pinagpala;

dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.

Banal ang kanyang pangalan!

Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.

Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,

nilito niya ang mga may palalong isip.

Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,

at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.

Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,

at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman.

Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod,

at hindi niya kinalimutang kahabagSi Maria’y may nakikitang isang pambihirang bagay tungkol sa Diyos: Babaguhin Niya ang takbo ng buong kasaysayan ng tao; magsisimula na ang tatlong pinakamahalagang dekada sa lahat ng panahon.

At nasaan ang Diyos? Kumikilos Siya sa dalawang di-kilala at mapagkumbabang babae — isang matanda na’t baog (Elizabeth), isang bata pa’t birhen (Maria). At lubos ang pagkamangha ni Maria sa vision ng Diyos, ang Mangingibig ng mga aba, na siya’y napaawit — isang awit na nakilala bilang “Magnificat.”

Sina Maria at Elizabeth ay mga kamangha-manghang bida sa kuwento ni Lucas. Gustong-gusto niya ang pananampalataya ng dalawang babaeng ito. Tila ang pinakahinangaan niya, at ang nais niyang tumatak kay Theophilus — ang marangal na tagabasa ng kanyang Ebanghelyo — ay ang pagpapakababa at masiglang pagpapakumbaba nina Elizabeth at Maria sa pagpapasakop nila sa kanilang kamangha-manghang Diyos.

Sabi ni Elizabeth (Lucas 1:43), “Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?” At sabi ni Maria (Lucas 1:48), “Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!”

Ang mga tanging taong kayang tunay na dakilain ang Panginoon ay ang mga katulad nina Elizabeth at Maria — mga taong kinikilala ang kanilang pagkaaba at napupuspos ng ulan na dulot ng kamangha-manghang Diyos.an ito.

Tulad ng kanyang ipinangako sa ating mga ninuno,

kay Abraham at sa lahi nito, magpakailanman!

Lucas 1:46–55

View Details

Day 1

Sa pamamagitan niya’y maraming Israelita ang magbabalik-loob sa kanilang Panginoong Diyos.Mauuna siya sa Panginoon na taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias upang pagkasunduin ang mga ama at ang kanilang mga anak, at panumbalikin ang mga suwail sa karunungan ng mga matuwid. Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.

Lucas 1:16–17

Ang ginawa ni John the Baptist para sa Israel, kayang gawin ng Advent para sa atin. Huwag mong hayaang datnan ka ng Pasko na hindi handa. Ibig kong sabihin ay hindi handa spiritually. Mas magiging maganda ang ligaya at epekto nito kung ikaw ay handa!

Para maging handa ka . . .

Pagbulay-bulayan ang katotohanang kailangan natin ng Tagapagligtas.

Ang Pasko ay isang pagdedemanda laban sa iyo bago ito maging kagalakan. “Isinilang sa inyo ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon” (Lucas 2:11). Kung hindi mo kailangan ng Tagapagligtas, hindi mo kailangan ng Pasko. Hindi magkakaroon ng nilalayong epekto ang Pasko hanggang hindi natin lubos na mararamdaman ang pangangailangan ng Tagapagligtas. Hayaan mong tulungan ka ng maiiksing Advent meditations na ito na gisingin ang mapait na pakiramdam ng pangangailangan ng Tagapagligtas.

Ikalawa, simulan ang malalim na pagkilatis sa iyong sarili. Ang Advent ay para sa Pasko, tulad ng Lent ay para sa Easter. “O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, / subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; / kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, / sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid” (Mga Awit 139:23–24). Let every heart prepare Him room . . . sa pamamagitan ng paglilinis.

Ikatlo, bumuo ng pag-asa at pananabik na nakasentro sa Diyosat excitement sa iyong tahanan — lalo na para sa mga bata. Kung excited ka para kay Cristo, magiging excited din sila. Kung gagawin mong exciting ang Pasko dahil lamang sa mga materyal na bagay, paano magkakaroon ng pagkauhaw ang mga bata para sa Diyos? Gamitin ang iyong imahinasyon upang maipakita ang hiwaga ng pagdating ng Hari sa mga bata.

Ikaapat, magbabad sa Kasulatan at mag-memorize ng magagandang talata! “Parang apoy ang aking salita at katulad ng martilyo na dumudurog sa malaking bato” (Jeremias 23:29). Magtipon-tipon sa paligid ng apoy na ito ngayong Advent. Ito’y mainit-init. Ito ay nagniningning sa mga kulay ng biyaya. Ito ay paghihilom sa libo-libong sakit. Ito ay ilaw para sa madidilim na gabi.

View Details

Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating mga budhi sa mga gawang walang kabuluhan upang tayo’y makapaglingkod sa Diyos na buháy. (Hebreo 9:14)

Narito tayo sa makabagong panahon — ang panahon ng internet, smartphones, space travel, at transplant ng puso — at ang ating problema ay tulad pa rin ng dati: Hinahatulan tayo ng ating konsensya at pinaparamdam sa atin na hindi tayo katanggap-tanggap sa Diyos. Tayo ay napalayo sa Diyos. At ang ating mga konsensya ay patotoo nito.

Maaari nating sugatan ang ating sarili, o ihagis ang ating mga anak sa sagradong ilog, o magbigay ng milyun-milyong piso sa charity, o magpakain ng mahihirap, o mag-penitensya at saktan ang sarili nang sandaang paraan, at pareho lang ang resulta nito: Mananatili ang mantsa at matatakot pa rin tayo sa kamatayan.

Alam natin na ang ating konsensya ay nadungisan — hindi sa panlabas na mga bagay tulad ng paghipo sa isang bangkay, maruming lampin, o karne ng baboy (ayon sa Lumang Tipan). Sinabi ni Jesus na ang lumalabas sa tao, hindi ang pumapasok dito, ang nagpaparumi sa kanya (Marcos 7:15–23). Nadudungisan tayo ng mga pag-uugaling tulad ng pride at self-pity at poot at pagnanasa ng laman at inggit at selos at pag-iimbot at apathy at takot.

Ang tanging sagot sa makabagong panahong ito, tulad sa iba pang panahon, ay ang dugo ni Cristo. Kapag tumindig ang iyong konsensya at hinatulan ka, saan ka babaling? Ibinibigay ng Hebreo 9:14 ang sagot: “Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating mga budhi sa mga gawang walang kabuluhan upang tayo’y makapaglingkod sa Diyos na buháy.”

Ang sagot ay ito: Bumaling sa dugo ni Cristo. Bumaling sa tanging tagapaglinis ng sansinukob na makapagbibigay sa iyo ng ginhawa sa buhay, at kapayapaan sa kamatayan.

View Details

Ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang at dahil sa pagsasanay ay marunong nang kumilala ng pagkakaiba ng mabuti at masama. (Hebrews 5:14)

Kamangha-mangha ito. Wag mo itong palampasin. Maliligtas ka nito sa maraming taon ng sayang na pamumuhay.

Ito ang sinasabi ng talatang ito: Kung nais mong maging mature at maunawaan at pahalagahan ang mas solid na turo ng Salita, kailangan ma-transform ng mayaman, masustansya, at mahalagang gatas ng mga pangako ng ebanghelyo ng Diyos ang iyong moral na pandama — ang inyong espirituwal na kaisipan — upang mabatid mo kung ano ang mabuti at masama.

Tingnan ito sa ibang paraan: Hindi isang intellectual na hamon ang paghahandang magpakabusog sa Salita ng Diyos; isa muna itong hamon sa moralidad. Kung nais mong kainin ang solid food ng Salita ng Diyos, kailangan mong gamitin ang iyong espirituwal na pandama upang magkaroon ng kaisipang nakababatid ng mabuti at masama. Ito ay isang hamon sa moralidad, hindi lamang sa intellect.

Ang nakakagulat na katotohanan ay ito: Kung natitisod ka sa pag-unawa kay Melchizedek sa Genesis at Hebreo, maaaring ito’y dahil nanonood ka ng mga questionable na programa sa TV. Kung natitisod ka sa doktrina ng election, maaaring ito’y dahil gumagawa ka pa rin ng mga kahina-hinalang gawain. Kung nadadapa ka sa gawain ni Cristo sa krus na nakasentro sa Diyos, maaaring ito’y dahil mahal mo ang pera at mahilig kang gumastos at kakaunti lamang ang ibinibigay mo sa iba.

Hindi ang pagiging matalino ang daan tungo sa maturity at matatag na biblical food kundi ang pagiging masunurin. Mas may kinalaman ang ginagawa mo sa alak at sex at pera at paglilibang at pagkain at computer, at ang paraan ng pakikitungo mo sa ibang tao, sa iyong kakayahan para sa solid food kaysa sa iyong paaralan o kung anong mga aklat ang binabasa mo.

Napakahalaga nito dahil sa ating hi-tech na lipunan, madali nating isipin na ang edukasyon — lalo na ang intellectual na edukasyon — ay ang susi sa maturity. Maraming Ph.D.’s ang nabibilaukan sa kanilang spiritual immaturity sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos. At maraming di-gaanong edukadong santo ang lubhang mature at kayang namnamin nang may kasiyahan at pakinabang ang pinakamalalim na mga bagay sa Salita ng Diyos.

View Details

Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas. (Isaiah 41:10)

Kapag nababalisa ako sa ilang risky (na bagong proyekto o miting, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang isa sa pinakamadalas kong gamiting pangako: Isaiah 41:10.

Noong araw ng aking pag-alis para sa tatlong taong pag-aaral sa Germany, nag-long distance call ang tatay ko sa akin mula New York at ibinigay sa akin ang pangako ng talatang ito. Sa loob ng tatlong taon, daan-daang beses ko yata itong binanggit sa aking sarili para malagpasan ang matinding stress.

Kapag naka-neutral ang takbo ng aking isipan, ang huni ng kambyo nito ay ang tunog ng Isaiah 41:10. Mahal ko ang talatang ito.

Siyempre, hindi lang ito ang patalim sa arsenal ng aking pananampalataya.

Kapag nababalisa ako sa aking ministeryo na tila walang silbi at walang laman, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangako ng Isaiah 55:11, “Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito’y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.”

Kapag nababalisa ako sa aking kahinaan para gawin aking trabaho, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangako ni Cristo, “Ang kagandahang-loob ko ay sapat na para sa iyo, sapagkat lubusang nahahayag ang aking kapangyarihan kapag ikaw ay mahina” (2 Corinto 12:9).

Kapag nababalisa ako sa mga desisyong kailangan kong gawin tungkol sa hinaharap, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangakong ito, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan” (Mga Awit 32:8).

Kapag nababalisa ako sa pagharap sa mga katunggali, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangakong, “Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?” (Roma 8:31).

Kapag nababalisa ako tungkol sa kapakanan ng mga mahal ko sa buhay, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangako na kung ang masamang taong tulad ko ay alam kung paano magbigay ng mabubuting bagay sa aking mga anak, “gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!” (Mateo 7:11).

By all means, labanan mo ang lahat ng unbelief gamit ang lahat ng pangakong mayroon sa Salita ng Diyos. Pero nakakatulong na magkaroon ng isang sentral at default na sandata. At para sa akin, ito ay Isaias 41:10, “Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.” Isang katangi-tanging pangako!

View Details

“Kapag iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw; at iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan, at marangal ang banal na araw ng Panginoon,at ito’y iyong pinarangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan ni magsasalita ng iyong mga salita;kung magkagayo’y malulugod ka sa Panginoon, at pasasakayin kita sa mga matataas na dako sa lupa.” (Isaias 58:13–14 ABTAG 2001)

Posibleng sundin ang Diyos nang hindi niluluwalhati ang Diyos. Kung nais nating parangalan ang Diyos, dapat natin Siyang sundin para sa kagalakan ng fellowship sa Kanya.

Isipin ang Araw ng Sabbath bilang paglalarawan nito. Nire-rebuke ng Panginoon ang Kanyang mga anak dahil sa kanilang paghahanap ng sariling kasiyahan sa Kanyang banal na araw. “Iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw.” Pero ano ang ibig Niyang sabihin? Ibig ba Niyang sabihin ay hindi natin dapat hangarin ang ating kagalakan sa Araw ng Panginoon? Hindi, dahil ang sunod Niyang sinabi ay, “Iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan.” At sa talata 14, “malulugod ka sa Panginoon.” Kaya ang kini-criticize Niya ay ang mga natutuwa sa sarili nilang negosyo sa araw ng Sabbath sa halip na magalak sa kagandahan ng kanilang Diyos at ng kapahingahan at kabanalan na sinisimbolo ng araw na ito.

Hindi Niya nire-rebuke ang kanilang hedonismo. Nire-rebuke Niya ang kahinaan nito. Tulad ng sabi ni C. S. Lewis, “Napakadali nating masiyahan.” Nakuntento sila sa sekular na interes at sa gayon ay pinarangalan ito nang higit sa Panginoon.

Pansinin na ang pagtawag sa Sabbath na “isang kasiyahan” ay katulad ng pagtawag na “marangal” sa banal na araw ng Panginoon. “At iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan, at marangal ang banal na araw ng Panginoon . . .” Ibig sabihin, pinararangalan mo ang kinasisiyahan mo. O niluluwalhati mo ang tinatamasa mo.

Iisa ang kasiyahan sa Diyos at ang pagluwalhati sa Diyos. Ang Kanyang eternal na layunin at ang ating eternal na kasiyahan ay nagkakaisa sa nararanasan natin sa pagsamba. Ito ang layunin ng Lord’s Day. Tunay ngang ito ang dahilan ng lahat ng buhay.

View Details

Nagagalak ako sa aking paghihirap alang-alang sa inyo, sapagkat sa pamamagitan nito’y naipagpapatuloy ko ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Cristo para sa iglesya na kanyang katawan. (Colosas 1:24)

Naghanda si Cristo ng love offering para sa mundo sa pamamagitan ng pagdurusa at pagkamatay para sa mga makasalanan. Ito ay isang perpektong sakripisyo. Binayaran nito nang buo ang lahat ng kasalanan ng lahat ng Kanyang mga anak. Walang maidaragdag para maging mas maganda ang regalong ito. Wala itong kulang na anumang bagay—maliban sa isa, ang personal na pagpapakita ni Cristo sa mga bansa ng mundo.

Ang sagot ng Diyos sa kakulangang ito ay ang tawagin ang mga anak ni Cristo (mga taong katulad ni Pablo) upang gumawa ng personal na paglalahad ng mga paghihirap ni Cristo sa mundo. Sa paggawa nito, “naipagpapatuloy [natin] ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Cristo.” Tinatapos natin ang layunin ng mga paghihirap na ito—ang personal na presentation sa mga taong hindi alam ang tungkol sa kanilang walang-hanggang kahalagahan.

Ngunit ang kamangha-manghang bagay tungkol sa Colosas 1:24 ay kung paano pinunuan ni Pablo ang kulang sa mga paghihirap ni Cristo.

Sinasabi niya na ang sarili niyang pagdurusa ang pumupuno sa mga paghihirap ni Cristo. Ibig sabihin, kung gayon, ipinapakita ni Pablo ang mga pagdurusa ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang sariling pagdurusa para sa mga taong sinisikap niyang madala kay Cristo. Sa kanyang pagdurusa, dapat nilang makita ang mga pagdurusa ni Cristo.

Narito ang kamangha-manghang outcome: Nilalayon ng Diyos na maipakita sa mundo ang mga paghihirap ni Cristo sa pamamagitan ng mga paghihirap ng Kanyang mga anak.

Talagang plano ng Diyos para sa katawan ni Cristo, ang simbahan, na maranasan ang ilan sa pagdurusang dinanas Niya, para kapag ipinahayag natin ang krus bilang daan tungo sa buhay, makikita ng mga tao ang mga tanda ng krus sa atin at madama ang pagmamahal ng krus mula sa atin.

View Details

Tayo’y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. (Efeso 2:5)

Ang dakilang pag-asa ng pagmimisyon ay ito: Kapag ipinangaral ang ebanghelyo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ginagawa mismo ng Diyos ang hindi magagawa ng tao: lumilikha Siya ng pananampalatayang nagliligtas. Ginagawa ng panawagan ng Diyos ang hindi kayang tawagin ng tao. Binubuhay nito ang mga patay. Lumilikha ito ng espirituwal na buhay. Katulad ito ng panawagan ni Jesus kay Lazarus sa libingan, “Lumabas ka!” Sumunod ang patay na lalaki at lumabas. Nilikha ng pagtawag ang pagsunod sa pamamagitan ng paglikha ng buhay (Juan 11:43). Sa ganito naliligtas ang kahit sino.

Maaari nating gisingin ang isang tao mula sa pagtulog sa ating pagtawag, ngunit ang panawagan ng Diyos ay lumilikha ng mga bagay na hindi pa nalilikha (Roma 4:17). Ang tawag ng Diyos ay hindi mapipigil dahil matatalo nito ang lahat ng pagtutol. Ito ay laging effective ayon sa layunin ng Diyos — kaya’t masasabi ni Paul na, “Ang mga tinawag [ng Diyos] ay kanya ring pinawalang-sala” (Roma 8:30), kahit na naju-justify lang tayo ng ating pananampalataya.

Sa madaling salita, mabisang-mabisa ang panawagan ng Diyos, kaya talagang lumilikha ito ng pananampalataya kung saan ang isang tao ay naju-justify. Lahat ng tinawag ay binibigyang-katwiran ayon sa Roma 8:30. Ngunit walang sinumang binibigyang-katwiran nang walang pananampalataya (Roma 5:1). Kaya ang panawagan ng Diyos ay hindi mabibigo sa layunin nito. Hindi maiiwasang likhain nito ang pananampalatayang nagbibigay-katwiran.

Hindi ito magagawa ng tao. Imposible ito. Tanging Diyos lang ang makaaalis sa pusong bato (Ezekiel 36:26). Tanging Diyos lang ang makakatawag ng mga tao sa Anak (Juan 6:44, 65). Tanging Diyos lang ang makapagbubukas ng spiritually dead na puso upang makinig ito sa ebanghelyo (Mga Gawa 16:14). Tanging ang Good Shepherd lang ang nakaaalam ng Kanyang mga tupa, at tinatawag sila sa pangalan nang may kapangyarihan, na lahat sila ay sumusunod — at kailanman ay hindi masawi ( Juan 10:3–4, 14).

Ang pinakadakilang biyaya ng Diyos—gawin ang imposible para ng tao sa pamamagitan ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo—ay ang dakilang pag-asa ng mga pagmimisyon.

View Details

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesyaupang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita.Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito . . . . (Efeso 5:25–27)

Ang dahilan kaya napakaraming pagdurusa sa pagsasama ng mag-asawa ay hindi dahil hinahangad nila ang pansariling kasiyahan, kundi dahil hindi nila ito hinahanap sa kasiyahan ng kanilang asawa. Ang utos ng Biblia sa mga mag-asawa ay hanapin ang inyong kagalakan sa kagalakan ng inyong asawa.

Halos wala nang mas hedonistic na talata sa Biblia kaysa ang tungkol sa pag-aasawa sa Mga Taga Efeso 5:25–30. Sinasabihan ang mga lalaki na mahalin ang kanilang asawa sa paraan ng pagmamahal ni Cristo sa church.

Paano Niya minahal ang church? Sinasabi sa talata 25 na “inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya.” Pero bakit? Sabi sa talata 26, “upang ialay ito sa Diyos” at linisin siya. Pero bakit Niya gustong gawin iyon? Sumagot ang talata 27, “upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito!”

Ah! Ito ’yun! “Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus” (Mga Hebreo 12:2). Anong kagalakan? Ang kagalakan ng pagpapakasal sa Kanyang bride, ang church. Ang kagalakan ng paghaharap ng church sa Kanyang sarili, sa kagandahan na binayaran ng dugo.

Hindi balak ni Jesus na magkaroon ng marumi at di-banal na asawa. Kung gayon, handa Siyang mamatay para i-sanctify at linisin ang Kanyang betrothed upang maiharap Niya sa Kanyang sarili ang isang asawa “sa kagandahan nito.” Natamo Niya ang hangarin ng Kanyang puso sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang sarili sa pagdurusa para sa kabutihan ng kanyang bride.

Ina-apply ito ni Pablo sa mga lalaki sa mga talata 28–30: “Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito’y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya.Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan.”

Sinabi ni Jesus sa mga mag-asawa — at sa lahat — “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Mateo 22:39). Ang kasal ay isang pambihirang lugar ng aplikasyon. Hindi lamang ito “katulad” ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Pero minamahal mo ang iyong sarili. Kapag mahal mo ang taong pinag-isa sa iyo ng Diyos, minamahal mo rin ang iyong sarili. Ibig sabihin, ang pinakamalaking kagalakan mo ay matatagpuan sa paghahangad ng pinakamalaking kagalakan ng iyong asawa.

View Details

“Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.” (Juan 15:5)

Kunwari ay lubos kang paralisado at wala kang magagawa para sa iyong sarili kundi makipag-usap. At kunwari’y may matatag at maaasahan kang kaibigan na nangakong titira kasama mo at gagawin ang anumang kailangang gawin. Paano mo maluluwalhati ang kaibigang ito kung may dumating kang bisita?

Igo-glorify mo ba ang kanyang kabaitan at lakas sa pamamagitan ng pagsisikap na makatayo sa kama para buhatin siya? Hindi! Sasabihin mo, “Kaibigan, pakiusap, maglalagay ka ng unan sa likuran ko para makita ko ang panauhin ko. At puwede mo bang isuot sa akin ang aking salamin?”

Kaya matututuhan ng iyong bisita mula sa iyong mga kahilingan na helpless ka at ang kaibigan mo’y matatag at mabait. Niluluwalhati mo ang iyong kaibigan sa pamamagitan ng pangangailangan sa kanya, at sa paghingi sa kanya ng tulong, at pag-asa sa kanya.

Sa Juan 15:5, sinabi ni Jesus, “Wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.” Kaya talagang paralisado tayo. Kung wala si Cristo, hindi natin kayang gumawa ng Christ-exalting na kabutihan. Tulad ng sinabi ni Pablo sa Mga Taga Roma 7:18, “Alam kong walang mabuting bagay na naninirahan sa aking katawang makalaman.”

Ngunit sinabi rin sa Juan 15:5 na nilayon ng Diyos na gumawa tayo ng maraming kabutihang nagpapadakila kay Cristo—ang magkaroon ng bunga: “Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana.” Kaya bilang ating matatag at maaasahang kaibigan — “itinuring ko kayong mga kaibigan” (Juan 15:15) — nangangako Siyang gagawin para sa atin, at sa pamamagitan natin, kung ano ang hindi natin magagawa para sa ating sarili.

Paano natin Siya niluluwalhati? Ibinigay ni Jesus ang sagot sa Juan 15:7: “Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at matutupad iyon para sa inyo.” Nagdarasal tayo! Hinihiling natin sa Diyos na gawin Niya sa pamamagitan ni Cristo kung ano ang hindi natin magagawa para sa ating sarili — ang magbunga.

Nagbibigay ng resulta ang Juan 15:8: “Napaparangalan ang aking Ama kung kayo’y masaganang nagbubunga at sa gayon kayo’y magiging mga alagad ko.”

Kaya paano naluluwalhati ang Diyos sa panalangin? Panalangin ang bukas na pagtanggap na kung wala si Cristo, wala tayong magagawa. At panalangin ang pagtalikod sa ating sarili at pagharap sa Diyos, sa pagtitiwalang magbibigay Siya ng tulong na kailangan natin.

View Details

“Ipinahayag ko na sa kanila kung sino ka, at patuloy ko itong ipapahayag, upang ang pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila.” (Juan 17:26)

Iyan ang ipinagdasal ni Jesus nang gabi bago Siya mamatay. Ipalagay na puwede mong ma-enjoy ang pinaka-enjoyable nang may di-nauubos na lakas at passion. Hindi na ito ang ating karanasan ngayon. Tatlong bagay ang nakaharang sa ating lubos na kasiyahan sa mundong ito.

Una, walang anumang bagay sa nilikhang mundong ito ang may sapat na personal worth upang matugunan ang pinakamatinding inaasam ng ating mga puso.

Ang isa pa ay kulang tayo ng lakas upang namnamin ang mga pinakamagandang kayamanan to their maximum worth.

At ang ikatlong balakid na nakaharang sa ating lubos na kasiyahan ay ito: Natatapos ang ating mga kagalakan dito sa mundo. Walang tumatagal. Ngunit kung ang layunin at panalangin ni Jesus sa Juan 17:26 ay totoo, lahat ng ito ay magbabago. Ipinagdasal Niya, “na pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila.” Ang walang hanggan pagmamahal ng Diyos sa kanyang Anak ay nasa atin!

Kung ang kasiyahan ng Diyos sa Anak ay magiging kasiyahan natin sa Anak, ang layunin ng ating kasiyahan, si Jesus, ay di-mauubusan ng halaga sa sarili. Hindi Siya kailanman magiging boring o disappointing o frustrating.

Wala nang hihigit pang kayamanan kaysa sa Anak ng Diyos.

Bukod pa rito, ang kakayahan nating namnamin ang di-mauubos na kayamanang ito ay hindi limitado ng kahinaan ng tao. Ma-e-enjoy natin ang Anak ng Diyos nang may buong kasiyahan ng kanyang Ama. Iyan ang ipinagdasal ni Jesus!

Ang kaluguran ng Diyos sa Kanyang Anak ay mapapasaatin at magiging atin — ang ating kagalakan sa Anak. At ito ay hindi kailanman magwawakas, dahil hindi nagwawakas ang Ama o ang Anak kailanman.

Ang pagmamahal Nila sa isa’t isa ay ang ating magiging pagmamahal sa kanila at samakatuwid, ang ating pagmamahal sa kanila ay hindi mamamatay ni mababawasan kailanman.

View Details

Ako nama’y lalakad sa kalayaan, yamang ako sa utos mo’y sumusunod namang kusa. (Mga Awit 119:45, sariling salin)

Isang mahalagang bahagi ng kagalakan ay ang kalayaan. Walang sinuman sa atin ang magiging masaya kung hindi tayo malaya mula sa ating kinaaayawan at malaya para sa ating minamahal.

At saan natin mahahanap ang tunay na kalayaan? Sabi sa Mga Awit 119:45, “Ako nama’y lalakad sa kalayaan, yamang ako sa utos mo’y sumusunod namang kusa.”

Ang larawang ito ay isang maluwag na espasyo. Pinalalaya tayo ng salitang ito mula sa kaliitan ng isipan. “Binigyan ng Diyos si Solomon ng . . . kalawakan ng pag-iisip, gaya ng buhanging nasa tabing-dagat” (1 Mga Hari 4:29, ABTAG2001). Pinalalaya tayo ng salitang ito mula sa nagbabantang pagkabilanggo. “Inilabas niya ako sa maluwag na dako” (Mga Awit 18:19, ABTAG2001).

Sabi ni Jesus, “Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32). Ang kalayaang nasa isipan Niya ay kalayaan mula sa pagkaalipin sa kasalanan (Juan 8:34). O, kung titingnan ito sa positibong paraan, ito’y kalayaan para sa kabanalan.

Ang mga pangako ng biyaya ng Diyos ay nagbibigay ng kapangyarihan na gawing karanasan ng kalayaan ang hinihingi ng kabanalan ng Diyos, sa halip na takot at pagkabilanggo. Ganito inilarawan ni Pedro ang nagpapalayang kapangyarihan ng mga pangako ng Diyos: “Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas kayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos” (2 Pedro 1:4).

Sa madaling salita, kapag nagtitiwala tayo sa mga pangako ng Diyos, pinuputol natin ang ugat ng katiwalian at makasalanang hangarin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mas dakilang pangako.

Napakahalaga ng salitang sumisira sa kapangyarihan ng huwad na kasiyahan! At dapat tayong maging maingat na ilawan ang ating mga landas at kargahan ang ating mga puso ng Salita ng Diyos!

“Salita mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw” (Mga Awit 119:105). “Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman” (Mga Awit 119:11).

View Details

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw.Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. (Mateo 6:19–20)

Ito ang mensaheng kailangang isigaw mula sa mga bahay ng high finance: Sekular na tao, hindi ka pa ganoong ka-hedonistic!

Huwang kang masiyahan sa kakarampot na 2% na ani ng kaligayahang kinakain ng naninirang insekto ng inflation at ng kalawang ng kamatayan. Mamuhunan sa blue-chip, high-yield, banal at siguradong kayamanan ng langit.

Ang paglalaan ng buhay sa mga materyal na kaginhawaan at seguridad at katuwaan ay parang paghahagis ng pera pababa ng isang rat hole. Ngunit ang pamumuhunan ng buhay sa gawain ng pag-ibig ay nagbubunga ng kagalakang di malalagpasan at walang katapusan:

“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! [At sa gayon ay] gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nauubos” (Lucas 12:33).

Ang mensaheng ito ay napakagandang balita: Lumapit kay Cristo, na ang presensya ay puno ng kagalakan at kasiyahan magpakailanman. Makiisa sa atin sa gawain ng Cristianong Hedonism. Sapagkat sinabi ng Panginoon: Mas pinagpala ang magmahal kaysa mamuhay sa karangyaan! Mas pinagpapala ngayon, at magpakailanman.

View Details

“Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito. Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.” (Mateo 6:3134)

Naglalaman ang Matthew 6:25–34 ng at least pitong pangakong dinisenyo ni Jesus para tulungan tayong labanan ang kawalan ng pananampalataya at maging malaya tayo sa pagkabalisa. Ngayon ay titingnan natin ang huling tatlo sa mga pangakong ito.

Pangako #5: “Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.” (Mateo 6:31–32)

Huwag mong isipin na hindi alam ng Diyos ang iyong mga pangangailangan. Alam Niyang lahat ito. At Siya ang “iyong Ama na sa langit.” Hindi Siya tumitingin nang walang pakialam mula sa malayo. Nagmamalasakit Siya. Kikilos Siya para ibigay ang iyong pangangailangan sa pinakatamang oras.

Pangako #6: “Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.” (Mateo 6:33)

Kung ibibigay mo ang iyong sarili sa Kanyang layunin sa mundo imbis na mamroblema sa iyong private material needs, titiyakin Niya na taglay mo ang lahat ng iyong kakailanganin upang gawin ang Kanyang kalooban at bigyan Siya ng kaluwalhatian. Sa ganitong paraan ko nauunawaan na “Ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.” Lahat ng pagkain at inumin at damit — at lahat ng iba pa — na kailangan mo para gawin ang Kanyang kalooban at luwalhatiin Siya. Maaaring nangangahulugan ito na ang Kanyang layunin ay mamatay ka para sa Kanya, ngunit ibibigay Niya ang lahat ng kailangan mo para magawa ito, for His glory.

Katulad ito ng pangako ng Romans 8:32, “Hindi kaya ibibigay nang masagana sa atin [ng Diyos kasama ni Cristo] ang lahat ng bagay?” Sinundan pa ito ng, “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? Ayon sa nasusulat, ‘Dahil sa inyo'y buong araw kaming pinapatay, turing nila sa amin ay mga tupang kakatayin lamang.’ Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin” (Romans 8:35–37). Maaaring dumating ang pagkagutom at kahirapan. Ngunit mapapasaatin ang lahat ng kailangan natin para maging higit pa sa isang conqueror.

Pangako #7: “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.” (Matthew 6:34)

Sisiguraduhin ng Diyos na sa anumang araw ay hindi ka susubukin nang higit pa sa iyong makakaya (1 Corinthians 10:13). Siya ay kikilos para sa iyo, upang “maging mahaba at matatag . . . ang iyong pamumuhay” (Deuteronomy 33:25).

Ang bawat araw ay may itinakdang panganib. Ngunit ito’y hindi kailanman higit pa sa iyong makakaya ayon sa Kanyang biyaya. Araw-araw ay magkakaroon ng kahabagan na sariwa bawat umaga — kahabagan para sa problema sa araw na iyon (Lamentations 3:22–23). Hindi Niya aasahan ang anumang good deed mula sa iyo nang hindi Niya ibinibigay ang lahat ng biyayang kakailanganin mo (2 Corinthians 9:8).

View Details

Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? (Romans 8:35)

Pansinin ang tatlong bagay sa Romans 8:35.

  1. Iniibig tayo ni Cristo ngayon.

Maaaring sabihin ng isang babae tungkol sa kanyang pumanaw na asawa: Walang makapaghihiwalay sa akin sa kanyang pagmamahal. Maaari niyang sabihin na ang alaala ng kanyang pag-ibig ay mananatiling matamis at makapangyarihan buong buhay niya. Ngunit hindi iyan ang ibig sabihin ni Pablo rito.

Malinaw na sinasabi sa Romans 8:34, “Si Cristo Jesus na namatay, oo, siyang muling binuhay mula sa mga patay, na siya ring nasa kanan ng Diyos, na siya ring namamagitan para sa atin” (ABTAG2001). Ang dahilan kung bakit nasasabi ni Pablo na walang anumang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo ay dahil buhay si Cristo at minamahal pa rin Niya tayo ngayon.

Siya ay nasa kanang kamay ng Diyos at naghahari para sa atin. At Siya ay namamagitan para sa atin. Ibig sabihin, sinisigurado Niyang ang Kanyang natapos na gawain ng redemption ay inililigtas tayo oras-oras, at ligtas tayong ihahatid sa walang-hanggang kagalakan. Hindi lamang isang alaala ang Kanyang pag-ibig. Ito ay bawat sandaling pagkilos ng makapangyarihang Anak ng Diyos, upang ihatid tayo sa walang-hanggang kagalakan.

  1. Epektibong pinoprotektahan tayo ng pag-ibig na ito ni Cristo mula sa pagkakahiwalay sa Kanya. Samakatuwid, hindi ito universal na pag-ibig para sa lahat, kundi isang partikular na pag-ibig para sa Kanyang mga anak — ayon sa Romans 8:28, ito ang mga umiibig sa Diyos at tinawag alinsunod sa Kanyang layunin.

Ito ang pag-ibig ng Ephesians 5:25, “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya.” Ito ang pag-ibig ni Cristo sa church, ang Kanyang bride. Si Cristo ay may pagmamahal sa lahat, at Siya’y may espesyal, nakapagliligtas, at preserving na pag-ibig para sa Kanyang bride. Alam ninyong bahagi kayo ng pagiging bride na iyon kung nagtitiwala kayo kay Cristo. Sinuman — walang exception — sinumang nagtitiwala kay Cristo ay puwedeng sabihin, Bahagi ako ng Kanyang bride, ng Kanyang church, ang Kanyang tinawag at pinili, na, ayon sa Romans 8:35, ay iingatan at poprotektahan magpakailanman, anuman ang mangyari.

  1. Hindi tayo inililigtas ng epektibo’t makapangyarihang pag-ibig na ito mula sa mga kalamidad sa buhay, kundi ligtas tayong inihahatid tungo sa walang hanggang kagalakan sa Diyos.

Mangyayari sa atin ang kamatayan, ngunit hindi tayo ihihiwalay nito sa Diyos. Kaya kapag sinabi ni Pablo sa talata 35 na ang “kamatayan” ay hindi maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo, ibig niyang sabihin: kahit tayo ay patayin, hindi tayo mahihiwalay sa pag-ibig ni Cristo.

Kaya ang kabuuan ng bagay na ito sa talata 35 ay ito: Si Jesu-Cristo ngayon ay lubos na iniibig ang Kanyang mga anak gamit ang makapangyarihan at bawat sandaling pag-ibig. Hindi nito tayo laging sinasagip mula sa kalamidad, kundi iniingatan tayo para sa walang hanggang kagalakan sa piling ni Cristo, maging sa pamamagitan ng pagdurusa at kamatayan.

View Details

Kaya nga, hindi lahat ng anak ni Abraham ay ibinibilang na anak ng Diyos, kundi iyon lamang mga ayon sa pangako ng Diyos. (Roma 9:8)

Tingnan si Abraham ng Lumang Tipan bilang isang pastor. Sabi ng Panginoon, “Pagpapalain kita at pauunlarin ko ang iyong ministry.” Ngunit ang church ay tigang at walang mga anak.

Ano ang ginawa ni Abraham? Nagsimula siyang mawalan ng pag-asa para sa isang divine intervention. Tumatanda na siya. Ang kanyang asawa ay nananatiling baog. Kaya nagpasya siyang isakatuparan ang pinangakong anak ng Diyos nang walang supernatural na pamamaraan. Nakipagtalik siya kay Hagar, ang katulong ng kanyang asawa (Genesis 16:4). Subalit ang resulta ay hindi isang “anak ng pangako,” kundi isang “anak ng laman,” si Ismael.

Ginulat ng Diyos si Abraham sa pagsasabing, “Magkakaanak ka sa [iyong asawang si Sarah]” (Genesis 17:16). Kaya’t umiyak si Abraham sa Diyos, “Bakit hindi na lang po si Ismael ang magmana ng mga ipinangako ninyo sa akin?” (Genesis 17:18). Nais niyang maging katuparan ng pangako ng Diyos ang gawain ng kanyang sariling pamamaraan. Ngunit sabi ng Diyos, “Hindi; ang asawa mong si Sara ay magkakaanak ng isang lalaki” (Genesis 17:19).

Ngunit si Sarah ay 90 years old na. Siya ay baog buong buhay niya, at dumaan na siya sa menopause (Genesis 18:11). Si Abraham ay 100. Ang tanging pag-asa para sa isang anak ng pangako ay isang napakagandang supernatural intervention.

Iyan ang ibig sabihin ng maging “anak ng pangako” — na isisilang hindi “ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos” (Juan 1:13). Ang tanging mga batang nabibilang bilang mga anak ng Diyos sa mundong ito ay ang supernatural na ipinanganak na children of promise. Sinasabi ni Pablo sa Galacia 4:28, “Mga [Cristiano], tulad ni Isaac, tayo’y mga anak ayon sa pangako.” Kayo ay “ipinanganak ayon sa Espiritu,” hindi ayon sa laman (Galacia 4:29).

Isipin muli si Abraham bilang pastor. Hindi lumalago ang kanyang church tulad ng pinaniniwalaan niyang pinangako ng Diyos. Pagod na siyang maghintay ng supernatural na pamamaraan. Bumaling siya sa “Hagar” ng mga tao, at nagpasyang “maaakit niya ang mga tao” nang walang supernatural na pagkilos ng Banal na Espiritu.

Ngunit hindi ito magiging church ni Isaac, kundi ng mga Ismaelita — mga anak ng laman, hindi mga anak ng Diyos. Inililigtas tayo ng Diyos mula sa ganitong uri ng nakamamatay na tagumpay. Oo, gawin natin ang lahat ng dapat gawin. Ngunit laging umasa sa Panginoon para sa decisive at supernatural na gawain. “Ang kabayo’y naihahanda para sa digmaan, ngunit tanging si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay” (Mga Kawikaan 21:31).

View Details

Mangyayari ito sa Araw ng kanyang pagparito upang tumanggap ng papuri mula sa kanyang mga hinirang at ng parangal ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo roon sapagkat sinampalatayanan ninyo ang patotoong ipinahayag namin sa inyo. (2 Tesalonica 1:10)

Sinasabi ni Pablo na paparito si Cristo upang maluwalhati at kamanghaan. Ito ang dahilan ng Kanyang pagbabalik.

Natitisod ang mga tao dahil sa katuruan na dinadakila ng Diyos ang Kanyang sarili at hinahangad Niyang purihin Siya ng Kanyang mga anak, dahil itinuturo sa atin ng Biblia na huwag maging ganito. Halimbawa, sinasabi sa Biblia na ang pag-ibig ay hindi “ipinipilit ang sariling kagustuhan” (1 Corinto 13:5, ABTAG2001).

Paano magiging mapagmahal ang Diyos ngunit devoted sa “pagpilit sa Kanyang sariling” kaluwalhatian at papuri at kagalakan? Paano magiging para sa atin ang Diyos kung Siya ay lubos para sa Kanyang sarili?

Ito ang sagot na iminumungkahi ko: Dahil ang Diyos ay unique bilang isang all-glorious at self-sufficient na Nilalang, dapat Siyang maging para sa Kanyang sarili kung Siya ay magiging para sa atin. Ang rules ng pagpapakumbaba na para sa isang nilalang ay hindi maaaring ma-apply sa parehong paraan sa Lumikha nito.

Kung tatalikuran ng Diyos ang Kanyang sarili bilang Pinagmumulan ng walang-hanggang kagalakan, titigil siya sa pagiging Diyos. Itatatwa Niya ang walang-hanggang kahalagahan ng Kanyang sariling kaluwalhatian. Ipahihiwatig Niya na may isang bagay na mas mahalaga bukod sa Kanyang sarili. Magkakasala Siya sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.

Wala tayong makukuha sa ganito. Sapagkat saan tayo pupunta kapag naging di-matuwid ang ating Diyos? Saan tayo makakahanap ng Bato ng integridad sa sansinukob kapag tumigil na ang puso ng Diyos sa pagpapahalaga sa pinakamahalaga? Saan tayo babaling sa ating pagsamba kapag tinalikuran na mismo ng Diyos ang pag-angkin ng walang-hanggang kahalagahan at kagandahan?

Hindi, hindi natin ginagawang pag-ibig ang sariling pagdadakila ng Diyos sa pamamagitan ng pag-demand na ang Diyos ay tumigil sa pagiging Diyos.

Sa halip, dapat nating makita na ang Diyos ay pag-ibig dahil walang humpay Niyang hinahanap ang mga papuri ng Kanyang pangalan mula sa puso ng Kanyang mga anak. Ang papuri natin sa Kanyang kadakilaan ang capstone ng ating kagalakan at kadakilaan.

View Details

Sa galak at tuwa ako ay puspusin; butong nanghihina'y muling palakasin. . . . Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat. (Mga Awit 51:8,12)

Bakit hindi umiiyak si David para sa sexual restraint? Bakit hindi niya ipinagdarasal na panagutin siya ng mga tao? Bakit hindi niya ipinagdarasal na protektahan ang kanyang mga mata at isip mula sa mga sekswal na kaisipan? Sa awit ng pagtatapat at pagsisisi, matapos niyang halayin si Bathsheba, tila aasahan ninyong hihilingin ni David ang ganito.

Ang dahilan ay alam niya na ang sexual sin ay isang sintomas, hindi ang sakit mismo.

Bumibigay ang mga tao sa sexual sin dahil wala silang ganap na kagalakan kay Cristo. Hindi matatag ang kanilang mga espiritu. Nag-aalinlangan sila. Nahihikayat sila, at bumibigay sila dahil wala ang Diyos sa nararapat Niyang lugar—ang Kanyang supreme place—sa kanilang mga damdamin at isipan.

Alam ito ni David tungkol sa kanyang sarili. Totoo rin ito para sa atin. Ipinapakita sa atin ni David, sa paraan ng kanyang pagdarasal, kung ano ang tunay na kailangan ng mga nagkasala ng sexual sin: Ang Diyos! Kagalakan sa Diyos.

Ito’y profound na karunungan para sa atin.

View Details

Yamang sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos. Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos. (Roma 5:9–11)

Saan tayo kailangang iligtas? Malinaw na sinabi ng talata 9: “Yamang sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos.” Pero ito ba ang pinakamataas, pinakamabuti, pinakaganap, at pinaka-satisfying na gantimpala ng ebanghelyo?

Hindi. Sabi sa talata 10, “lalong tiyak . . . tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.” At dinala ito ng talata 11 sa pinakahuling hantungan at layunin ng ebanghelyo: “At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos.”

Ito ang panghuli at pinakamataas na kabutihan ng magandang balita. Wala nang isa pang “at hindi lamang iyan” pagkatapos nito. Ang natitira na lang ay ang pagsasabi ni Pablo kung paano tayo nakarating rito, “sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.”

Ang dulo ng ebanghelyo ay “tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos.” Ang pinakamataas, pinakaganap, pinakamatamis na kabutihan ng ebanghelyo ay ang Diyos mismo, na nae-enjoy ng Kanyang mga tinubos.

Ang Diyos kay Cristo ay naging bayad (Roma 5:6–8), at ang Diyos kay Cristo ay naging gantimpala (Roma 5:11).

Ang ebanghelyo ay ang mabuting balita na tinubos tayo ng Diyos para sa Kanyang walang-hanggang kasiyahan.

View Details

At yamang ang mga anak ng Dios na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Jesus upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay malupig niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa ganitong paraan, pinalaya niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila. (Hebreo 2:14–15, ASND)

Paano tayo pinalaya ni Cristo sa takot sa kamatayan at hinayaan tayong mabuhay nang may tapang, na kayang bitawan ang mga ari-arian at kapamilya, pati ang ating mortal na buhay (“let goods and kindred go, this mortal life also”)?

At yamang ang mga anak ng Dios na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo . . .

Ang mga salitang “mga anak” ay kinuha mula sa naunang talata at tumutukoy sa espiritwal na mga anak ni Cristo, ang Mesiyas. Sila rin ang “mga anak ng Diyos.” Sa madaling salita, sa Kanyang pagpapadala kay Cristo, tinitingnan ng Diyos ang kaligtasan ng Kanyang “mga anak.” “At yamang ang mga anak ng Dios na binanggit Niya ay mga taong may laman at dugo . . .”

naging tao rin si Jesus . . .

Ang Anak ng Diyos, na buhay na bago pa ang Kanyang incarnation bilang eternal na Salita (Juan 1:1), ay nagkatawang-tao — laman at dugo — at dinamitan ang Kanyang pagka-Diyos ng pagkatao. Siya’y naging buong tao at nanatiling buong Diyos.

upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan . . .

Ang dahilan ng pagkakatawang-tao ni Cristo ay upang mamatay. Bilang Diyos (bago Siya naging tao), hindi Siya maaaring mamatay para sa mga makasalanan. Ngunit bilang isa sa laman at dugo, maaari na Niyang gawin ito. Ang layunin Niya ay mamatay. Kaya naman kinailangan Niyang ipanganak bilang tao, isang mortal.

ay malupig niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.

Sa Kanyang kamatayan, tinanggal ni Cristo ang pangil ng dyablo. Paano? Sa paghandog sa ating mga kasalanan (Hebreo 10:12). Ibig sabihin, wala nang lehitimong dahilan si Satanas upang akusahan tayo sa harapan ng Diyos. “Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila?” (Roma 8:33). Ano ang batayan ng Kanyang pagpapawalang-sala? Ang dugo ni Jesus (Hebreo 9:14; Roma 5:9).

Ang pangunahing sandata ni Satanas laban sa atin ay ang ating sariling kasalanan. Kung tinanggal na ito ng kamatayan ni Jesus, ang pangunahing sandata ng dyablo ay mawawala na sa kanyang kamay. Kung gayon, siya’y mawawalan din ng kapangyarihan.

Sa ganitong paraan, pinalaya niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila.

Kung gayon, tayo’y malaya mula sa takot sa kamatayan. Pinawalang-sala tayo ng Diyos. Future grace na lamang ang nasa ating harapan. Hindi ito mababago ni Satanas. At nais ng Diyos na magkaroon ng agad-agarang epekto sa ating buhay ang ating kaligtasan. Layunin ng Diyos na tanggalin ng ating happy ending ang pagkaalipin at takot sa kasalukuyan.

View Details

Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. (1 Timoteo 6:10)

Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang sinulat niya ito? Hindi ito tungkol sa palaging pag-iisip ng salapi habang nagkakasala ka. Maraming kasalanan ang nangyayari kapag hindi natin iniisip ang salapi.

Ito ang aking suggestion: Ibig sabihin ni Pablo, lahat ng kasamaan sa mundo ay nagmumula sa isang uri ng puso, isang pusong umiibig sa sa salapi.

Ano ba ang ibig sabihin ng pag-ibig sa salapi? Hindi ito ang sobrang paghanga sa kulay-ubeng 100-peso bills o mga baryang tigsa-sampung piso. Upang malaman ang ibig sabihin ng pag-ibig sa salapi, dapat mong tanungin, Ano ba ang salapi? Sasagutin ko ito nang ganito: Ang salapi ay simbolo na tumatayo sa resources ng tao. Tumatayo ito sa makukuha mo mula sa tao — ibang tao — imbis na sa Diyos.

Grace ang currency ng Diyos, hindi salapi: “Narito ang tubig, kayong mga nauuhaw. Ang mga walang salapi ay lumapit din dito, bumili kayo ng pagkain at ito’y kainin ninyo!” (Isaiah 55:1). Salapi ang currency ng resources ng tao. Kaya naman ang pusong umiibig sa salapi ay isang pusong umaasa rito, hinahabol ang kaligayahang dulot nito, at nilalagay ang tiwala sa mga kayang ibigay ng resources ng tao.

Kaya ang pag-ibig sa salapi ay kapareho ng pananampalataya sa salapi — paniniwala (tiwala, kumpiyansa, kasiguraduhan) na tutugunan ng salapi ang iyong mga pangangailangan at paliligayahin ka nito.

Ang pag-ibig sa salapi ay alternatibo sa pananampalataya sa future grace ng Diyos. Ito ay pananampalataya sa resources ng tao sa panghinaharap — bagay na iyong makukuha gamit ang salapi. Kaya naman ang pag-ibig sa salapi o pagtitiwala rito ay nakapaloob sa di-paniniwala sa mga pangako ng Diyos. Sinabi ni Jesus sa Mateo 6:24, “Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon. . . . Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.”

Hindi ka puwedeng sabay na magtiwala sa Diyos at sa salapi. Ang paniniwala sa isa ay hindi paniniwala sa kabila. Ang pusong umiibig sa salapi — ang umaasa sa salapi para sa kaligayahan — ay hindi umaasa sa kung sino ang Diyos para sa atin kay Jesus bilang kasiyahan ng ating mga kaluluwa.

View Details

Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang mahanap natin ang kalinga para sa napapanahong pangangailangan. (Mga Hebreo 4:16, sariling salin)

Alam kong madalas isalin ang mahalagang talatang ito na, “Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.” Ngunit isa itong tunay na paraphrase upang ipakita na ang Diyos ay dumadating sa eksaktong oras na kailangan natin Siya. Ngunit ang literal na pokus ay kung gaano ka-timely ang tulong na ito.

Lahat ng ministeryo ay nasa hinaharap — mangyayari sa susunod na sandali, isang buwan, isang taon, o isang dekada. May sapat tayong oras upang mabalisa tungkol sa ating kakulangan. Kapag nangyayari ito, dapat tayong manalangin.

Ang panalangin ay isang anyo ng pananampalataya na kumokonekta sa atin ngayon sa biyayang kailangan natin upang maging sapat tayo para sa ministeryo ng kinabukasan. Mahalaga talaga ang timing.

Paano kung masyadong maaga o huli na ang pagdating ng grace? Hindi nagbibigay-linaw sa mahalagang pangako ang tradisyonal na salin ng Hebreo 4:16. Kailangan natin ng mas literal na pagsasalin upang makita ito. Ang pangako ay hindi lang upang mahanap natin ang kalinga “upang tulungan tayo sa panahon ng pangangailangan,” kundi ang grace ay eksaktong itinakda sa oras ng Diyos.

Ang punto ay ito: Ang panalangin ay paraan upang mahanap ang future grace para sa napapanahong tulong. Itong kalinga ng Diyos ay laging dumadating on time mula sa “trono ng mahabaging Diyos.” Ang ibig sabihin ng mga salitang “trono ng mahabaging Diyos” ay ito: Ang grace para sa kinabukasan ay nagmumula sa Hari ng sansinukob na nagtatakda ng panahon gamit ang Kanyang sariling kapangyarihan (Mga Gawa 1:7)

Ang timing Niya ay perpekto, pero bihirang sa atin: “Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw, sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang; isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan” (Mga Awit 90:4). Itinatakda Niya ang simula’t hangganan ng mga lahi sa buong mundo (Mga Gawa 17:26). Sa personal na level, “hawak [Niya ang] aking buhay” (Mga Awit 31:15).

Kapag ating pinag-iisipan ang timing ng future grace, kailangan nating mag-isip sa “trono ng mahabaging Diyos.” Walang makakapigil sa plano ng Diyos na magpadala ng kalinga kapag ito ang pinakamabuti para sa atin. Palaging tama ang panahon ng future grace.

View Details

Ang layunin ng tagubiling ito ay upang magkaroon kayo ng pag-ibig na nagmumula sa pusong dalisay, malinis na budhi at tapat na pananampalataya. (1 Timoteo 1:5)

Pag-ibig ang layunin ni Pablo. At isa sa mahalagang pinagkukunan nito ay ang tapat na pananampalataya. Ang dahilan kung bakit ang pananampalataya ay isang siguradong pinagkukunan ng pag-ibig ay ito: Tinatanggal ng pananampalataya sa grace ng Diyos mula sa puso ang makasalanang kapangyarihan na pumipigil sa pag-ibig.

Kung nagi-guilty tayo, puwede tayong malugmok sa makasariling depresyon at awa sa sarili. At hindi natin makikita o bibigyan ng pakialam ang pangangailangan ng kahit sino. O tayo’y magiging ipokrito upang pagtakpan ang ating kasalanan, at sisirain nito ang katapatan ng mga ugnayan at gagawing imposible ang pag-ibig. O pag-uusapan natin ang mga pagkakamali ng ibang tao upang paliitin ang ating sariling kasalanan — bagay na hindi ginagawa ng pag-ibig. Kung tayo’y magmamahal, kailangan nating mapagtagumpayan ang nakasisirang epekto ng kasalanan.

Ganito rin sa takot. Kung natatakot tayo, madalas na hindi natin nilalapitan ang isang bisita sa church na nangangailangan ng welcome at encouragement. O tinatanggihan natin ang pagmimisyon bilang bokasyon, dahil parang masyado itong delikado. O nag-aaksaya tayo ng pera sa mamahaling insurance, o nilalamon ng maliliit na phobia, kaya naman nakatutok na lang tayo sa ating sarili at nabubulagan sa mga pangangailangan ng ibang tao. Lahat ng ito ay ang kabaligtaran ng pag-ibig.

Ganito rin sa kasakiman. Kung sakim tayo, puwedeng gumagastos tayo para sa mga karangyaan — perang dapat ginagamit sa pagpapahayag ng ebanghelyo. Hindi tayo gumagawa ng anumang delikado, dahil baka manganganib ang ating mahahalagang ari-arian at financial future. Nakatutok tayo sa mga bagay imbis na sa tao, o nakikita lamang natin ang mga tao bilang pagkukunan ng ating materyal na benepisyo. Kaya naman nasisira ang pag-ibig.

Ngunit ang pananampalataya sa future grace ay nagdudulot ng pag-ibig sa pamamagitan ng pagtutulak ng kasalanan at takot at kasakiman palabas ng puso.

Tinutulak nito ang kasalanan dahil kumakapit ito sa pag-asa na ang kamatayan ni Cristo ay sapat na upang masiguro ang pagpapawalang-sala at katwiran ngayon at habang-buhay (Hebreo 10:14).

Tinutulak nito ang takot dahil umaasa ito sa pangakong, “Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot . . . Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas” (Isaias 41:10).

At tinutulak nito ang kasakiman dahil sigurado ito na si Cristo ay nakahihigit sa anumang kayamanang inaalok ng mundo (Mateo 13:44).

Kaya nang sinabi ni Pablo, “Ang layunin ng tagubiling ito ay upang magkaroon kayo ng pag-ibig na nagmumula sa . . . tapat na pananampalataya,” tinatalakay niya ang pambihirang kapangyarihan ng pananampalataya upang mapagtagumpayan ang lahat ng balakid sa pag-ibig. Kapag tayo’y lumalaban para sa pananampalataya — isang laban para maniwala sa mga pangako ng Diyos na pumapatay ng kasalanan at takot at kasakiman — tayo’y lumalaban para sa pag-ibig.

View Details

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” (Roma 12:19)

Bakit napakahalaga ng pangakong ito sa pagtatagumpay natin laban sa pagkiling sa poot at paghihiganti? Ang dahilan ay ito: Sinasagot ng pangakong ito ang isa sa pinakamatinding udyok sa likod ng galit — isang udyok na hindi naman talaga mali.

Maraming beses ay totoong may maling ginawa sa atin. Kaya hindi naman talaga mali na makaramdam ng paghahanap ng hustisya para sa nangyari. Ang mali ay kapag nararamdaman nating dapat ay may gawin tayo upang mangyari ito, at makararamdam tayo ng poot hanggang hindi ito nangyayari. Ito’y isang nakamamatay na pagkakamali.

Nang panahon ko sa seminaryo, ako at si Noël ay kasali sa isang small group para sa mga mag-asawa. Ang mga nasa grupo ay nagbabahagi ng malalalim at personal na saloobin. Isang gabi, pinag-uusapan namin ang tungkol sa pagpapatawad at galit. Isa sa mga nakababataang asawang babae ay nagsabing hindi niya kaya, at ayaw niyang patawarin ang kanyang ina para sa isang bagay na ginawa nito noong siya’y bata pa.

Pinag-usapan namin ang ilan sa mga biblikal na kautusan at babala tungkol sa espiritung hindi nagpapatawad.

  • Maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo. (Efeso 4:32)
  • Kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan. (Mateo 6:15)

Ngunit hindi nagbago ang kanyang isip. Kaya binalaan ko siya na nasa panganib ang kanyang kaluluwa kung ipagpapatuloy niya ang ugaling hindi nagpapatawad at may poot. Ngunit matibay niyang sinabing hindi niya patatawarin ang kanyang ina.

Ang grace ng paghatol ng Diyos ay ipinangako sa atin sa Roma 12 upang tulungan tayong mapagtagumpayan ang nakamamatay na espiritu ng paghihiganti at poot.

Ang katuwiran ni Pablo ay ito: Makasisiguro tayo na ang lahat ng kamalian ay aaksyunan ng Diyos at maaari natin itong iwan sa Kanyang mga kamay dahil ang paghihiganti ay sa Kanya. Upang kilusin tayong bitiwan ang ating pagnanasa sa paghihiganti, nangako Siya: “Ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Ang pangakong nagpapalaya sa atin mula sa espiritung hindi makapagpatawad, may poot, at paghihiganti ay ang pangakong aaksyunan ng Diyos ang nangyari sa atin. Gagawin Niya ito nang mas may katwiran at may habag at lubusan kaysa sa atin. Parurusahan Niya ang lahat ng kasalanan. Walang makakatakas sa kahit ano. Parurusahan Niya ito kay Cristo sa krus para sa mga nagsisi at nagtiwala sa Kanya, o sa impyerno para sa mga hindi gumawa nito. Kaya naman puwede tayong umatras at mag-iwan ng espasyo upang gawin ng Diyos ang Kanyang perpektong gawain.

View Details

Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus. (Hebreo 12:2)

Minsan, mahirap ipaliwanag ang layon ng pananampalataya.

Sa kanyang librong Miracle on the River Kwai, kinuwento ni Ernest Gordon ang tunay na istorya ng isang grupo ng POWs na nagtrabaho sa Burma Railway noong World War II.

Sa pagtatapos ng araw, tinitipon ang mga kagamitan mula sa mga trabahador. Sa isang okasyon, may sundalong Hapon ang sumigaw na may nawawalang pala at tinanong kung sino ang kumuha nito. Sumigaw siya nang sumigaw, mabaliw-baliw sa galit, at inutusan na umamin ang magnanakaw. Walang gumalaw. “Mamatay kayong lahat!” sigaw niya, sabay kasa ng baril at itinutok ito sa mga bilanggo. Sa puntong iyon, may umamin na isang bilanggo at binugbog siya ng sundalo gamit ang kanyang baril. Nanatili lang nakatayo ang bilanggo hanggang ito’y binawian ng buhay. Pagbalik sa kampo, binilang muli ang mga gamit at nakita nilang walang nawawalang pala.

Ano ang kayang magpanatili ng kaloobang mamatay para sa iba, kung ikaw ay inosente? Dinala at pinanatili ni Jesus ang Kanyang pag-ibig sa atin“dahil sa kagalakang naghihintay sa Kanya.” Naniwala Siya sa isang hinaharap na may pagpapala at galak. Ito ay nagdala at nagpanatili ng Kanyang pag-ibig sa kabila ng Kanyang paghihirap.

Kahabag-habag tayo kung iniisip nating dapat o kaya tayong itulak at palakasin para sa radikal at mahalagang pagsunod ng “higher motive” kaysa ng kagalakang inilaan para sa atin. Nang tinawag tayo ni Jesus para sa mahalagang pagsunod na humihingi ng sakripisyo sa buhay na ito, sinabi Niya sa Lucas 14:14: “Kapag ganito ang ginawa mo, pagpapalain ka, dahil hindi man nila masuklian ang ginawa mo, ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng gantimpala sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.” Sa madaling salita, maging malakas ka sa lahat ng iyong kabiguan para sa ngalan ni Cristo, dahil nakahanda na ang kagalakan para sa iyo.

Sinabi ni Pedro ito: Nang nagtiis ng hirap si Jesus nang walang paghihiganti, binigyan Niya tayo ng halimbawang dapat tularan — at kasama rito ang tiwala ni Jesus sa kagalakang nakahanda para sa Kanya. Ibinigay Niya ang layuning ito sa Diyos (1 Pedro 2:21) at hindi tinangkang bumawi at maghiganti. Nilagay Niya ang Kanyang pag-asa sa resurrection at sa lahat ng kagalakan sa muling pagsasama Nila ng Ama at ang kaligtasan ng Kanyang mga anak. Ganito rin dapat tayo.

View Details

Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. (Juan 6:35)

Ang kailangan nating makita ay ito: Ang esensya ng pananampalataya ay pagiging satisfied sa kung sino para sa atin ang Diyos nang dahil kay Cristo.

Ang pagbibigay-kahulugan sa pananampalataya sa ganitong paraan ay nagbibigay-diin sa dalawang bagay. Una, ang naka-sentro sa Diyos na pananampalataya. Hindi lamang ang mga pangako ng Diyos ang nagbibigay kasapatan sa atin. Ito ay kung Sino para sa atin ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Niyayakap ng pananampalataya ang Diyos kay Cristo bilang ating kayamanan — hindi lang ang mga pinangakong regalo ng Diyos.

Nilalagay ng pananampalataya ang kanyang pag-asa hindi lamang sa real estate ng darating na panahon, kundi sa katotohanang naroon ang Diyos (Pahayag 21:3). “Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, ‘Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila.’”

Kahit ngayon, buong-buo ang pagtanggap ng pananampalataya hindi lamang sa katotohanan ng mga napatawad na kasalanan (gaano man ito kahalaga), kundi ang presensya ng buhay na Cristo sa ating mga puso at ang kapunuan mismo ng Diyos. Sa Efeso 3:17–19, pinanalangin ni Pablo na “manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig . . . at sa gayo'y mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos.”

Ang isa pang binibigyang-diin sa pagbibigay ng kahulugan sa pananampalataya bilang pagiging satisfied sa kung sino para sa atin ang Diyos nang dahil kay Cristo ay ang salitang “satisfaction.” Ang pananampalataya ay ang pagpawi ng uhaw ng kaluluwa sa bukal ng Diyos. Sa Juan 6:35, makikita natin na ang “paniniwala” ay “paglapit” kay Jesus upang kainin at inumin ang “tinapay ng buhay” at “tubig na buhay” (Juan 4:10,14), na walang iba kundi si Jesus mismo.

Heto ang sikreto ng kapangyarihan ng pananampalataya na wasakin ang pang-aalipin ng kasalanan. Kung ang puso ay satisfied sa kung sino para sa atin ang Diyos nang dahil kay Cristo, nawawasak ang kapangyarihan ng kasalanan na ilayo tayo sa karunungan ng Diyos.

View Details

“Muli siyang malulugod sa inyo at pagpapalain niya kayo.” (Deuteronomio 30:9)

Hindi naiinis ang Diyos kapag binibigyan Niya tayo ng pagpapala. May kasabikan ang kabutihan ng Diyos. Hindi Niya tayo hinihintay na lumapit sa Kanya. Hinahanap Niya tayo, dahil nagagalak Siyang gumawa ng mabuti para sa atin. Hindi tayo hinihintay ng Diyos; sinusundan Niya tayo. Ito ang literal na salin ng Mga Awit 23:6 (ABTAG2001), “Tiyak na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay.”

Gustong-gusto ng Diyos na magpakita ng awa. Uulitin ko: Gustong-gusto ng Diyos na magpakita ng awa. Hindi Siya nag-aatubili o urong-sulong o pansamantala lang sa Kanyang pagnanais na gumawa ng kabutihan para sa Kanyang mga anak. Matibay ang kandado ng Kanyang galit, ngunit gabuhok lang ang harang sa Kanyang habag. Ito ang Kanyang ibig sabihin nang bumaba Siya mula Mount Sinai at sinabi kay Moises, “Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako'y nananatiling tapat” (Exodo 34:6). Ito ang Kanyang ibig sabihin nang sinabi Niya sa Jeremias 9:24, “Ako ang Panginoong mapagmahal na gumagawa ng tama at matuwid dito sa mundo, dahil iyon ang kinalulugdan ko. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Hindi bugnutin ang Diyos. Hindi Siya madaling magalit. Sa halip, masigasig at walang katapusan ang Kanyang sigla sa pagtupad ng mga nagpapaligaya sa Kanya.

Mahirap para sa atin na maunawaan ito dahil kailangan nating matulog gabi-gabi para lamang kayanin at maging matagumpay sa mga bagay-bagay. Taas-baba ang ating mga emosyon. Nabo-bored tayo at nadi-discourage isang araw at nakakaramdam naman ng pag-asa at excitement sa susunod.

Para tayong maliliit na bukal na bumubula-bula lang. Ngunit ang Diyos ay tulad ng Pagsanjan Falls — tingnan ang tone-toneladang tubig na umaagos mula sa tuktok nito kada minuto, at isipin: Siguradong hindi ito puwedeng magpatuloy sa pag-agos nang ganito kalakas taon-taon. Pero nagpapatuloy lang ito.

Ito ang paraan ng paggawa ng kabutihan ng Diyos sa atin. Hindi Siya napapagod. Hindi ito nakakabagot para sa Kanya. Walang katapusan ang Pagsanjan Falls ng Kanyang biyaya.

View Details

Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin. (Galacia 2:20, ASND)

Tugmang-tugma ang pananampalataya sa future grace ng Diyos. Naaayon ito sa kalayaan at kasarinlan ng biyaya. At itinuturo nito ang maluwalhating katapatan ng Diyos.

Isa sa mahahalagang implikasyon ng konklusyong ito ay ito: Magkaiba ang pananampalatayang nagbibigay-katwiran (justification) at ang pananampalatayang nagpapabanal (sanctification). Ang ibig sabihin ng “sanctify” ay magpakabanal o maging katulad ni Cristo. Ito’y sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.

Kung gayon, ito’y sa pamamagitan din ng pananampalataya. Dahil ang pananampalataya ay isang pagkilos ng kaluluwa na konektado sa biyaya, at tinatanggap ito, at ginagamit na kapangyarihan ng pagsunod, at binabantayan na hindi mawala ang biyaya dahil sa pagmamayabang ng tao.

Malinaw na iniugnay ni Pablo ang pananampalataya at sanctification sa Galacia 2:20 (“Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya”). Ang sanctification ay sa pamamagitan ng Espiritu at ng pananampalataya. Isa itong paraan ng pagsasabi na ito’y sa pamamagitan ng biyaya at pananampalataya. Ang Espiritu ay “mapagpalang Espiritu” (Hebreo 10:29). Ang paraan ng Diyos upang tayong maging banal ay sa pamamagitan ng Espiritu, ngunit ang Espiritu ay kumikilos sa pamamagitan ng pananampalataya sa ebanghelyo.

Simple lang ang dahilan kung bakit ang pananampalatayang nagbibigay-katwiran at pananampalatayang nagpapabanal ay pareho lang: Pareho silang gawain na tumutugon sa biyaya. Ang justification at sanctification ay hindi parehong uri ng gawain (ang justification ay pagbibitiw ng kabanalan; ang sanctification ay pagbabahagi ng kabanalan), ngunit pareho silang gawain ng biyaya. Ang sanctification at justification ay “biyaya na sinundan pa ng ibang biyaya” (Juan 1:16, ABTAG2001).

Ang natural na tugon ng tao sa walang-bayad na biyaya ng Diyos ay pananampalataya. Kung ang justification at sanctification ay parehong gawain ng biyaya, natural lang na pareho silang sa pamamagitan ng pananampalataya.

View Details

Gayunman, sila'y masasakop nito upang malaman nila kung alin ang higit na mabuti: ang maglingkod sa akin o ang maglingkod sa mga hari sa lupa. (2 Cronica 12:8)

Ibang-iba ang paglilingkod sa Diyos kumpara sa paglilingkod sa ibang tao.

Talagang nais ng Diyos na maunawaan at ma-enjoy natin ito. Halimbawa, utos niya, “Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon” (Awit 100:2, ASND). May dahilan para sa kagalakang ito. Sabi sa Mga Gawa 17:25, “Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan.”

Pinaglilingkuran natin Siya nang may kagalakan dahil hindi natin pasanin ang pagtugon sa Kanyang mga pangangailangan. Wala kailangan ang Diyos. Ibig sabihin, hindi natin matutugunan ang Kanyang pangangailangan sa pamamagitan ng paglililingkod sa Kanya. Sa halip ay nagdiriwang tayo sa paglilingkod dahil tinutugunan Niya ang ating mga pangangailangan. Ang paglilingkod sa Diyos ay pagtanggap ng biyaya mula sa Kanya para magawa natin ang kailangan nating gawin.

Upang ipakita kung paano nagseselos ang Diyos para sa atin at makita ang kaluwalhatian nito, mayroong kuwento sa 2 Cronica 12. Pinili ni Rehoboam, ang anak ni Solomon na naghari sa southern kingdom matapos ang pag-aalsa ng sampung lipi, na huwag paglingkuran ang Panginoon. Sa halip ay pinaglingkuran niya ang ibang diyos-diyosan at mga kaharian.

Bilang parusa, pinadala ng Diyos si Shishak, ang hari ng Ehipto, laban kay Rehoboam, dala ang 1,200 karwahe at 60,000 mangangabayo (2 Cronica 12:2–3).

Sa Kanyang habag, pinadala ng Diyos ang propetang Shemaiah kay Rehoboam dala ang mensaheng ito: “Ganito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Pinabayaan ninyo ako, kaya pinabayaan ko rin kayong mahulog sa kamay ni Shishak’” (2 Cronica 12:5). Ang magandang resulta ng mensaheng ito ay nagpakumbaba sina Rehoboam at ang kanyang mga prinsipe, humingi ng tawad, at sinabing, “Makatarungan si Yahweh” (2 Cronica 12:6).

Nang nakita ng Panginoon na nagpakumbaba sila, sinabi Niya, “Nagpakumbaba na sila, kaya hindi ko na sila lilipulin. Ililigtas ko sila sa lubos na kapahamakan at hindi ko na ibubuhos ang aking galit sa Jerusalem sa pamamagitan ni Shishak” (2 Cronica 12:7). Ngunit bilang disiplina, sinabi Niya, “Gayunman, sila’y masasakop nito upang malaman nila kung alin ang higit na mabuti: ang maglingkod sa akin o ang maglingkod sa mga hari sa lupa” (2 Cronica 12:8).

Malinaw ang punto rito: Magkaiba ang paglilingkod sa kaaway at sa Diyos. Paano? Ang paglilingkod sa Diyos ay pagtanggap at biyaya at kaligayahan at benepisyo. Ang paglilingkod kay Shishak ay nakakapagod at nakakaubos at malungkot. Nagbibigay ang Diyos. Kumukuha si Shishak.

Kaya naman mariin kong sinasabi na ang pagsamba tuwing Linggo ng umaga at ang pagsamba sa pamamagitan ng araw-araw na pagsunod ay hindi isang mabigat na pagbibigay sa Diyos, kundi maligayang pagtanggap mula sa Kanya. Ito ang totoong paglilingkod na hinihingi ng Diyos. Sa lahat ng iyong gagawin, magtiwala ka sa Akin bilang tagapagbigay.

View Details

Kabilang kayo sa mga unang pinili [ng Diyos] upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. (2 Tesalonica 2:13)

Binanggit ng Biblia ang ating eleksyon — ang pagpili ng Diyos sa atin — kay Cristo bago ang pundasyon ng sanlibutan (Efeso 1:4), bago pa tayo makagawa ng anumang mabuti o masama (Roma 9:11). Samakatuwid, ang ating eleksyon ay unconditional sa pinakadalisay na kahulugan. Hindi rin batayan ang ating pananampalataya o ang ating pagsunod para rito. Ito’y walang bayad at hindi nararapat sa atin.

Sa kabilang banda, maraming talata sa Biblia ang nagbabanggit ng ating panghuling kaligtasan (taliwas sa ating eleksyon ng eternity past) bilang conditional, batay sa isang nabagong puso at buhay. Kaya ang tanong ngayon ay, Paano ko masisiguro na ako’y magpapatuloy sa pananampalataya at kabanalang kailangan upang magmana ng buhay na walang hanggan?

Ang sagot ay nakaugat ang ating kasiguraduhan sa ating eleksyon. Sabi ng 2 Pedro 1:10, “Kaya nga, mga kapatid, lalo kayong maging masigasig upang matiyak ninyo na kayo ay tinawag at pinili ng Diyos. Kung gagawin ninyo ito, hindi kayo matitisod.” Ang divine election ay pundasyon ng pagiging committed ng Diyos na iligtas ako. Kung gayon, Siya’y kikilos sa akin sa pamamagitan ng biyaya ng pagpapabanal, upang ituloy ang anumang sinimulan ng Kanyang mapagbiyayang pagpili sa akin.

Ito ang kahulugan ng bagong covenant. Lahat ng naniniwala kay Jesus ay siguradong benepisyaryo ng bagong covenant, dahil sinabi ni Jesus sa Lucas 22:20, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo.” Kung baga, sinigurado ng aking dugo ang bagong covenant ng lahat ng nasa akin.

Sa bagong covenant, hindi lang basta nag-uutos ng pagsunod ang Diyos; binibigay Niya ito. “Babaguhin niya at lilinisin ang inyong puso at gayundin ng inyong mga anak upang ibigin ninyo siya nang buong katapatan. Sa ganoon mabubuhay kayo nang matagal” (Deuteronomio 30:6). “Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos” (Ezekiel 36:27; cf. 11:20). Ito ang mga pangako ng bagong covenant.

Ang eleksyon ay ang panghabang-buhay na commitment ng Diyos na gawin ito para sa Kanyang mga anak. Kaya naman sinisigurado ng eleksyon na ang mga pinawalang-sala ng Diyos ay Kanyang babahaginan ng Kanyang kaluwalhatian (Roma 8:30). Ibig sabihin, hindi Siya titigil sa pagkilos sa atin upang makamit natin ang lahat ng kondisyon para sa kaluwalhatian.

Ang eleksyon ang huling saligan ng kasiguraduhan. Dahil nag-commit ang Diyos na iligtas tayo, nag-commit din Siya na itaguyod ang lahat ng kailangan para sa kaligtasan natin.

View Details

Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito. (Roma 13:14) Hindi nabubuhay ang mga Cristiano na parang mga dikya, palutang-lutang lang sa mga alon ng kasalukuyang kultura. Nabubuhay tayo ayon sa kapangyarihan ng Espiritu at nahahanap natin ang ating dadaanan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Lumalangoy tayo — tulad ng dolphin, hindi ng dikya. Bahagi ng ating course setting at kapangyarihan nito ay maipapahayag sa maingat na pakikipag-ugnayan sa digital realities ngayon, kasama ang mga panganib dito. Narito ang lima. Ang hook ng pagiging maosyoso Nag-aalok ang ating gadgets ng walang-katapusang posibilidad para sa pagtuklas. Kahit ang simple na operating systems ay puwedeng umubos ng maraming oras sa pag-uusisa at pag-e-eksperimento. Di rin mabilang ang apps na uubos ng iyong oras habang inaakit ka nila sa kanilang kasalimuutan. Ang lahat ng ito ay nakapanlilinlang, nagbibigay ng ilusyon ng kapangyarihan at galing, ngunit iiwan kang nakararamdam ng kawalan at kaba sa huli. Resolusyon: Mahigpit kong lilimitahan ang paggugol ng oras sa pag-e-eksperimento sa aking gadgets at maglalaan ng mas maraming oras sa katotohanan kaysa sa technique. Ang kawalan sa mundo ng virtual (un)reality Nakakalungkot makakita ng matatalino at malikhaing mga tao na naglalaan ng maraming oras at araw ng kanilang buhay sa paglikha ng mga lungsod at hukbo at adventure na walang kinalaman sa realidad. Mayroon tayong iisang buhay. Lahat ng kapangyarihan ay ibinigay sa atin ng tunay na Diyos para sa tunay na mundo, na naghahatid sa tunay na langit at tunay na impiyerno. Resolusyon: Gagamitin ko ang aking paggawa at malikhaing lakas para sa tunay na mundo at hindi sa di-makatotohanang “virtual reality.” “Personal” na ugnayan sa isang makina Walang ibang imbensyon na halos katulad ng tao kaysa sa computer. Puwede kang maglaro rito. Kakausapin ka nito. Lagi itong nariyan para sa ’yo. May malaking panganib dito dahil maaari tayong maging tunay na komportable sa electronic “person” na kaya nating i-manage, at dahan-dahang lumayo mula sa unpredictable, frustrating, at minsan masakit na pakikitungo sa mga tunay na tao. Resolusyon: Hindi ko ipagpapalit ang personal na relasyon sa kapanatagan sa isang impersonal na computer. Ang panganib ng tryst “Trsyt \’trist\ pangngalan: kasunduan (sa pagitan ng mangingibig) na magkita.” Nagsisimula ang sexual affairs sa pribadong oras na magkasama, mahahabang pag-uusap, at pagbabahagi ng kaluluwa, na lahat ay maaari nang gawin nang palihim sa pamamagitan ng digital devices. Puwede mong isipin na “wala lang ’yun” — hanggang bigla siyang bumisita sa ’yo. Resolusyon: Hindi ako magku-cultivate ng one-on-one na ugnayan sa isang tao ng opposite sex maliban sa aking asawa. Kung ako’y single, hindi ako magku-cultivate nang ganitong ugnayan sa asawa ng ibang tao. Pornograpiya Mas mapanira ang X-rated videos. Maaaring hindi lang tayo nanonood kundi nakikisali rin sa kahalayan nito sa privacy ng ating kuwarto. Pinapayagan ng interactive porn na “gawin mo ito” o “ipagawa ito sa kanila” virtually. Hindi pa ako nakakakita nito. At wala akong balak makakita nito. Pumamatay ito ng espiritu. Tinutulak nito palayo ang Diyos. Tinatanggalan nito ng pagkatao ang kababaihan. Pinapatay nito ang panalangin. Binablanko nito ang Biblia. Tinatanggalan nito ng halaga ang kaluluwa. Sumisira ito ng spiritual power. Dinudumihan nito ang lahat. Resolusyon: Hinding-hindi ako magbubukas ng kahit anong app o website para sa sexual stimulation, o bibili o magdo-download ng kahit anong pornographic.

View Details

“Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon kung paano unang ipinamalas ng Diyos ang kanyang pagkalinga sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang sa kanyang bayan.” (Mga Gawa 15:14)

Talagang hindi posibleng labis nating bigyan-diin ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos, ang Kanyang karangalan, upang maging dahilan ng misyon ng church.

Nang nabaligtad ang mundo ni Pedro ng pangitain ng maruruming hayop sa Mga Gawa 10, at ng aral mula sa Diyos na dapat siyang magpahayag ng ebanghelyo sa parehong Hentil at Judyo, bumalik siya sa Jerusalem at sinabi sa mga apostol na ang lahat ng iyon ay dahil sa kasigasigan ng Diyos para sa Kanyang pangalan. Nalaman natin ito dahil ibinuod ni James ang speech ni Pedro tulad nito: “Mga kapatid, makinig kayo sa akin. Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon kung paano unang ipinamalas ng Diyos ang kanyang pagkalinga sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang sa kanyang bayan” (Mga Gawa 15:13–14).

Hindi kataka-takang sabihin ni Pedrong ang layunin ng Diyos ay magtipon ng mga tao para sa Kanyang pangalan, dahil tinuruan ng Panginoong Jesus si Pedro ng isang di-malilimutang aral ilang taon bago iyon.

Maaalala mong matapos tumalikod ng isang binatang mayaman kay Jesus at tumanggi itong sumunod sa Kanya, sinabi ni Pedro kay Jesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo [di tulad ng binatang mayaman]. Ano po naman ang para sa amin?” (Mateo 19:27). Mahinahon siyang sinaway ni Jesus, ipinakita na walang tunay na sakripisyo kapag nabubuhay ka para sa ngalan ng Anak ng Tao. Tugon Niya, “Kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, [asawa,] mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap siya ng sandaang ibayo at pagkakalooban siya ng buhay na walang hanggan” (Mateo 19:29).

Malinaw ang katotohanang ito: May galak na ipinagpapatuloy ng Diyos ang pandaigdigang layunin na pagtitipon ng mga tao para sa Kanyang pangalan, mula sa bawat lahi, wika, bayan, at bansa (Pahayag 5:9; 7:9). Hindi maubos-ubos ang Kanyang enthusiasm para sa karangalan ng Kanyang pangalan sa mga bansa.

Kung gayon, kapag sumasangayon ang ating layunin sa layunin ng Diyos, at alang-alang sa Kanya’y tinatalikuran ang ating paghahanap sa makamundong karangalan at ginhawa, at sumama tayo sa Kanyang global purpose, ang ubod nang tibay na commitment ng Diyos ay tila bandilang nawagayway sa ating harapan. Hindi tayo matatalo, kahit na maglakad pa tayo sa gitna ng maraming kapighatian (Mga Gawa 14:22; Roma 8:35–39).

View Details

Maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya. (1 John 1:9, ASND)

Naaalala kong sinabi ng isa sa mga propesor ko sa seminaryo na isa sa pinakamahusay na sukatan ng teolohiya ng isang tao ay ang epekto nito sa kanyang mga panalangin.

Tinuring ko itong totoo dahil nangyari ito sa aking buhay. Bagong kasal lang kami ni Noël noon at sinasanay pa naming manalangin nang magkasama bawat gabi. Napansin kong habang kumukuha ako ng biblical courses na humuhubog at nagpapalalim ng aking teolohiya, nagbabago rin ang aking mga panalangin.

Ang isa sa pinakamahalagang pagbabago noong panahong iyon ay kung paano ako natutong humarap sa Diyos batay sa kanyang kaluwalhatian. Sa pagsisimula ko sa “Sambahin nawa ang iyong pangalan” at pagtatapos sa “Sa pangalan ni Jesus,” ang kaluwalhatian ng Diyos ang layunin at batayan ng lahat ng aking mga panalangin.

Anong kalakasan ang dumating sa aking buhay nang natutunan kong ang paghingi ng tawad ay hindi lang dapat batay sa apela sa awa ng Diyos kundi sa kanyang mabuting paghatol din, sa pagbibigay-halaga sa pagsunod ng Kanyang Anak. Maaasahan mong patatawarin Niya ang iyong mga kasalanan at lilinisin ka sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid Siya. (1 John 1:9).

Sa Bagong Tipan, mas malinaw na pinapakita ang batayan ng lahat ng kapatawaran ng mga kasalanan, kumpara sa Lumang Tipan. Ngunit ang batayan — ang commitment ng Diyos sa ikaluluwalhati ng Kanyang pangalan — ay hindi nagbabago.

Tinuturo ni Pablo na ipinakita ng kamatayan ni Cristo ang katuwiran ng Diyos sa pagpapalampas sa mga kasalanan, at pinatunayan ang Kanyang hustisya sa pagbibigay-katwiran sa mga makasalanang umaasa kay Jesus at hindi sa kanilang mga sarili (Romans 3:25–26).

Kung gayon, namatay si Cristo upang linisin ang pangalan ng Diyos mula sa tila matinding kabiguan ng hustisya — ang pagpapawalang-sala ng mga makasalanan alang-alang lamang kay

Hesus. Ngunit namatay si Hesus sa paraan na ang pagpapatawad "alang-alang kay Hesus" ay katulad ng pagpapatawad "alang-alang sa pangalan ng Diyos." Walang kabiguan ng hustisya. Ang pangalan ng Diyos, ang Kanyang katuwiran, ang Kanyang hustisya, ay pinatunayan ng sakripisyo ni Cristo na nagbibigay-karangalan sa Kanya.

Tulad ng sinabi ni Hesus noong mga huling sandali, “Ako’y nababagabag ngayon. Sasabihin ko bang, ‘Ama, huwag mong hayaang sumapit sa akin ang oras na ito ng paghihirap’? Hindi! Sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako naparito — upang danasin ang oras na ito. Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan” (John 12:27–28). Ito mismo ang Kanyang ginawa — upang Siya’y maging makatwiran at tagapagtanggol ng mga nagtitiwala kay Jesus (Romans 3:26).

View Details

“Sapagkat hindi itatakuwil ng Panginoon ang kanyang bayan alang-alang sa kanyang dakilang pangalan, sapagkat kinalugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan para sa kanya.” (1 Samuel 12:22, ABTAG)

Madalas, ang pangalan ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang reputasyon, karangalan, at kabantugan. Ganito natin ginagamit ang salitang “pangalan” kapag sinasabi nating gumagawa siya ng pangalan para sa kanyang sarili. O minsan ay sinasabi natin, pangalan ng brand iyan. Ibig sabihin, isang brand na maganda ang reputasyon. Sa tingin ko, ito ang ibig sabihin ni Samuel sa 1 Samuel 12:22, nang sinabi niyang pinili ng Diyos ang Israel “para sa kanya” at hindi Niya sila pababayaan “alang-alang sa kanyang dakilang pangalan.”

Ang ganitong kaisipan tungkol sa adhikain ng Diyos para sa Kanyang pangalan ay napatunayan sa iba pang mga talata.

Halimbawa, sa Jeremiah 13:11, inilarawan ng Diyos ang Israel bilang damit-panloob, o belt, na pinili Niya upang i-highlight ang Kanyang kaluwalhatian, kahit may mga pagkakataong hindi karapat-dapat ang Israel. “Kung paanong kumakapit sa katawan ng tao ang damit-panloob, gayon ang nais ko sa mga taga-Israel at taga-Juda—na sila’y kumapit sa akin nang mahigpit. Ginawa ko ito upang sila’y maging karapat-dapat na bansang hinirang, at sa gayo’y papurihan nila at parangalan ang aking pangalan. Ngunit ayaw naman nilang sumunod sa akin.” Bakit pinili ang Israel at ginawang damit ng Diyos? Upang ito’y maging “pangalan, papuri, at kaluwalhatian.”

Sa kontekstong ito, ang mga salitang “papuri” at “kaluwalhatian” ay nagpapakita na ang kahulugan ng “pangalan” ay “karangalan” o “kabantugan” o “reputasyon.” Pinili ng Diyos ang Israel upang bigyan nila ng reputasyon ang Diyos. Sabi Niya sa Isaiah 43:21, ang Israel ay “nilalang ko . . . upang maging aking bayan, upang ako’y kanilang laging papurihan!”

At kapag nakita ng church ang sarili sa Bagong Tipan bilang tunay na Israel, inilarawan ni Pedro ang layunin ng Diyos para sa atin tulad nito: “Ngunit kayo ay isang lahing pinili . . . pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.” (1 Peter 2:9)

Sa madaling salita, ang Israel at ang iglesia ay pinili ng Diyos upang gumawa ng pangalan para sa Kanya sa daigdig. Kaya naman ganito ang ating una at pangunahing panalangin, “Sambahin nawa ang iyong pangalan” (Matthew 6:9). Kaya ganito tayo manalangin, “Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan”, for your name’s sake. (Psalm 23:3).

Kapag sinabi nating tayo’y mga taong nakasentro sa Diyos, tandaan na ito’y dahil sumasama tayo sa pagiging God-centered Niya. Sa dakong ito ng krus, ibig sabihin ay dumedepende at dinadakila natin si Cristo. “Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan” (1 Juan 2:12). “At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama” (Colossians 3:17).

View Details

“Huwag kayong matakot, tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayunma’y huwag kayong lumihis mula sa pagsunod sa Panginoon, kundi kayo’y maglingkod nang buong puso sa Panginoon. Huwag kayong bumaling sa pagsunod sa mga bagay na walang kabuluhan na hindi magbibigay ng pakinabang o makapagliligtas, sapagkat ang mga iyon ay walang kabuluhan. Sapagkat hindi itatakuwil ng Panginoon ang kanyang bayan alang-alang sa kanyang dakilang pangalan, sapagkat kinalugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan para sa kanya.” (1 Samuel 12:20–22, ABTAG)

Nang natakot ang mga Israelita at nagsisi sila sa kanilang kasalanang paghiling kay Samuel na bigyan sila ng hari tulad ng ibang mga bansa, dumating naman ang mabuting balita: “Huwag kayong matakot, tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito.” Nakikita mo ba kung gaano ito ka-backward pakinggan — backward at kamangha-mangha? Marahil ay inaasahan mong sabihin niya, “Matakot kayo, tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito.” Isa itong mabuting dahilan para matakot: Malaki ang iyong pagkakasalang humiling ng iba pang hari bukod sa Diyos! Ngunit hindi ito ang sinabi ni Samuel. “Huwag kayong matakot, tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito.”

Nagpatuloy siya, “Huwag kayong lumihis mula sa pagsunod sa Panginoon, kundi kayo’y maglingkod nang buong puso sa Panginoon. Huwag kayong bumaling sa pagsunod sa mga bagay na walang kabuluhan na hindi magbibigay ng pakinabang o makapagliligtas, sapagkat ang mga iyon ay walang kabuluhan.”

Ito ang ebanghelyo: Kahit na malaki ang iyong kasalanan, at sobrang dinishonor mo ang Diyos, kahit na mayroon ka nang hari at nagkasala ka sa paghingi ng iba pang hari, kahit hindi na mababago ang kasalanang ito o ang masasakit na bungang paparating pa lamang, mayroon pa ring kinabukasan at pag-asa. Mayroon pa ring awa.

Huwag matakot!

Heto ang saligan — ang batayan at pundasyon — ng ebanghelyo sa 1 Samuel 12:22. Bakit hindi mo kailangan matakot, kahit na ginawa mo ang lahat ng kasamaang ito? “Hindi itatakuwil ng Panginoon ang kanyang bayan alang-alang sa kanyang dakilang pangalan, sapagkat kinalugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan para sa kanya.”

Ang saligan ng ebanghelyo ay ang commitment ng Diyos sa Kanyang pangalan. Naririnig mo ba? Huwag kang matakot, kahit ikaw ay nagkasala. “Hindi itatakuwil ng Panginoon ang kanyang bayan alang-alang sa kanyang dakilang pangalan.” Dalawa dapat ang epekto nito sa iyo: madudurog ang iyong puso na pagpapakumbaba at mapapaindak ka sa tuwa. Pagpapakumbaba dahil hindi ang halaga mo ang pundasyon ng iyong kaligtasan. Kaligayahan dahil ang iyong kaligtasan ay tiyak, tulad ng katapatan ng Diyos sa Kanyang pangalan. Wala nang mas sigurado rito.

View Details

“Kumuha kayo ng mga kawal at pabantayan ninyong mabuti ang libingan.” (Mateo 27:65)

Nang si Jesus ay patay na’t nakalibing, at may malaking batong iginulong sa pintuan ng libingan, pumunta ang mga Pariseo kay Pilato at humingi ng pahintulot na lagyan ng seal ang batong panakip sa libingan at pabantayan ito sa kawal.

Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya — ngunit nauwi ito sa wala.

Wala silang nagawa noon, wala silang magagawa ngayon, at patuloy silang walang magagawa. Subukan man nila, hindi nila mapipigilan si Jesus. Hindi nila Siya mapananatiling nakalibing.

Hindi ito mahirap intindihin: Kaya Niyang lumabas dahil hindi Siya pinilit pumasok rito. Hinayaan Niya na Siya’y siraan ng puri at ayawan at libakin at itulak-tulak at patayin.

Inialay ko ang akin buhay upang ito’y kunin kong muli. Walang makakakuha ng aking buhay; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at mayroon akong kapangyarihang kunin itong muli. (Juan 10:17–18)

Walang makapipigil sa Kanya dahil wala sinuman ang nakapagpabagsak sa Kanya. Inialay Niya ang Kanyang sarili nang Siya’y handa na.

Nang tila mukhang habang-buhay na Siyang nakalibing, may ginagawang awesome si Jesus sa dilim. “Ang kaharian ng Diyos ay maitutulad sa isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. Natutulog siya kung gabi at bumabangon kung araw. Samantala, ang binhi ay tumutubo at lumalago ngunit hindi alam ng naghasik kung paano” (Marcos 4:26–27).

Akala ng mundo ay tapos na si Jesus — out of the way na — ngunit kumikilos si Jesus sa madidilim na lugar. “Hangga’t hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito’y mamatay, mamumunga ito nang sagana” (Juan 12:24). Hinayaan Niyang Siya’y mailibing — “walang makakakuha ng aking buhay” — at Siya’y muling darating nang may kapangyarihan kailanman at saanman Niya naisin — “Mayroon akong kapangyarihang kunin itong muli.”

“Siya’y muling binuhay ng Diyos at pinalaya mula sa kapangyarihan ng kamatayan, sapagkat hindi maaaring siya’y bihagin nito (Mga Gawa 2:24). Ang priesthood ni Jesus ngayon ay “dahil sa kapangyarihan ng buhay na kailanma'y hindi matatapos” (Hebreo 7:16).

For twenty centuries, ginawa ng mundo ang lahat ng makakaya nito — pero nauwi pa rin ito sa wala. Hindi nila kayang ilibing si Jesus. Hindi nila Siya kayang pigilan. Hindi nila kayang patahimikin o limitahan. Si Jesus ay buhay at malayang pumunta at dumating saanman Niya naisin.

Magtiwala ka at sumunod sa Kanya, anuman ang mangyari. Hindi ka matatalo sa huli.

View Details

Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay bago pa likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y pag-aari ng Korderong pinatay. (Pahayag 13:8)

Sigurado na ang kaligtasan para sa mga nakasulat sa aklat ng buhay.

Sinisigurado ng pagkakasulat sa aklat ng buhay ang ating kaligtasan dahil ang aklat na ito ay tinatawag na “aklat na pag-aari ng Korderong pinatay.” Hindi naligtas ang mga pangalan sa aklat na ito batay sa kanilang mga ginawa. Naligtas sila batay sa pagkamatay ni Cristo.

Ngunit sinabi ni Juan sa Pahayag 20:12, “Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat.” Kung gayon, paano nagkakaroon ng bahagi sa ating paghuhukom ang tala ng ating mga buhay na nasa “mga aklat,” kung tayo’y naligtas batay sa pagkamatay ni Cristo?

Ang sagot ay ito: Ang mga aklat, kung saan nakasulat ang ating mga ginawa, ay naglalaman ng sapat ng ebidensya na tayo’y pag-aari ni Cristo, kaya nagsisilbi itong public confirmation ng ating pananampalataya at ating pakikiisa kay Cristo.

Consider Revelation 21:27: “Ngunit hindi makakapasok [sa Bagong Herusalem] ang anumang bagay na marumi, ni ang mga gumagawa ng kasuklam-suklam, ni ang mga sinungaling. Ang mga tao lamang na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay na iniingatan ng Kordero ang makakapasok sa lungsod.” Dito, ang resulta ng pagkakasulat sa “aklat ng buhay” ay hindi lamang hindi pagkamatay, kundi hindi paggawa ng anumang bagay na marumi o kasuklam-suklam.

Halimbawa, i-consider natin ang magnanakaw sa krus. Sinabi ni Jesus na papasok siya ng paraiso (Lucas 23:43). Ngunit anong uri ng paghuhukom ang matatanggap niya kapag binuksan ang mga aklat? Higit 99.9% ng kanyang buhay ay puro kasalanan.

Sinigurado ng dugo ni Cristo ang kanyang kaligtasan. Ang kanyang pangalan ay makikita sa aklat ng buhay ng Korderong pinatay.

Pagkatapos ay bubuksan ng Diyos ang mga aklat. Una, gagamitin Niya ang tala ng mga kasalanan ng magnanakaw upang luwalhatiin ang dakilang sakripisyo ng Kanyang Anak. Ikalawa, babasahin ng Diyos ang huling pahina, kung saan nakatala ang dramatic na pagbabago ng magnanakaw sa krus. Ang nakatalang ginawa ng Diyos sa kanyang buhay noong huling araw na iyon ang magiging public confirmation ng pananampalataya ng magnanakaw at ng kanyang pakikiisa kay Cristo. At si Cristo ang magiging batayan ng kanyang kaligtasan, hindi ang kanyang mga ginawa.

Kaya kapag sinabi kong ang nakasulat sa mga aklat ay public confirmation ng ating pananampalataya at ng ating pakikiisa kay Cristo, I do not mean na ang tala ay mayroong mas maraming mabubuting gawain kaysa masasama.

Ang ibig kong sabihin ay may nakatala roong uri ng buhay kay Cristo na nagpapakita ng katotohanan ng pananampalataya — ang katotohanan ng pagbabagong-buhay at pakikiisa kay Cristo. Ganito natin hinaharap ang bawat araw bilang Cristiano: na may katiyakan na ang ating condemnation ay wala na (Roma 8:1), at ang mabuting gawang pinasimulan sa atin ng Diyos ay Kanyang lulubusin hanggang sa araw ni Jesu-Cristo.

View Details

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? (Roma 8:32)

Tinatanggal ng Diyos ang destructive power ng bawat sakit. Kailangan mo itong paniwalaan o hindi ka lalago, o mabubuhay, bilang Cristiano, sa gitna ng mga pagsubok at tukso ng modernong buhay.

Napakaraming sakit, kabiguan at discouragement, napakaraming alitan at pagsubok. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo, kung hindi ako naniniwala na kinukuha ng makapangyarihang Diyos ang bawat kabiguan at bawat discouragement at bawat alitan at bawat pagsubok at bawat sakit, at tinatanggalan ito ng destructive power, at ginagamit ito sa pagpapalaki ng aking kagalakan sa Diyos.

Pakinggan ang nakamamanghang mga salita ni Paul sa 1 Corinto 3:21–23, “Kaya’t huwag ipagmalaki ninuman na siya’y tagasunod ng sinuman, sapagkat ang lahat ay para sa inyo: si Pablo, si Apolos, at si Pedro, ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap; lahat ng ito’y para sa inyo. At kayo’y para kay Cristo, at si Cristo nama’y para sa Diyos.” Para sa ating ang sanlibutan. Para sa ating ang buhay. Para sa atin ang kamatayan. Ibig sabihin: Naghahari ang Diyos sa lahat, sa ngalan ng Kanyang mga pinili. Ang lahat ng haharang sa ating habang-buhay na pagsunod at ministeryo ay malulupig ng makapangyarihang kamay ng Diyos at magiging lingkod ng ating kabanalan at walang-hanggang kagalakan sa Diyos.

Kung para sa atin ang Diyos, at kung ang Diyos ay Diyos, totoong walang magtatagumpay laban sa atin. Siyang hindi ipinagkait ang Kanyang sariling Anak kundi ibinigay Siya para sa ating lahat, ay walang pagkakamali at malayang ibibigay sa atin ang lahat ng bagay — lahat ng bagay — sa sanlibutan, buhay, kamatayan, at sa Kanya mismo.

Napakahalagang kaibigan ang Roma 8:32. Napaka-overwhelming ng pangako ng future grace ng Diyos. Ngunit pinakamahalaga ang pundasyon nito: Tinatawag ko itong logic of heaven. Heto ang ating tatayuan laban sa lahat ng balakid. Hindi ipinagkait ng Diyos ang Kanyang sariling Anak! Ito ang logic ng langit! Kung gayon, gaano pa kaya Niya hindi pagkakaitan tayong binayaran ni Cristo ng Kanyang kamatayan — lahat ng bagay, lahat ng mabuti, at lahat ng masama ay kumikilos para sa ating ikabubuti!

Ito’y tulad ng katiyakan ng pag-ibig Niya sa Kanyang Anak!

View Details

Yamang si Cristo’y nagtiis ng hirap noong siya’y nasa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtiis na ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan. (1 Pedro 4:1)

Una sa lahat, ito’y kataka-taka. Kinailangan ba ni Cristo na tumigil sa pagkakasala? Hindi! “Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan” (1 Pedro 2:22).

Tapos, ito’y nag-click. Kapag hinanda natin ang ating sarili sa kaisipang nagtiis ng hirap si Cristo para sa atin, maiisip natin na tayo’y namatay kasama Niya. “Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo’y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos” (1 Peter 2:24). Nang tayo’y namatay kasama Niya, tayo’y tumigil sa pagkakasala.

Tulad ito nang nasa Roma 6. “Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. . . . Kaya dapat din ninyong ituring ang inyong sarili bilang patay na sa kasalanan ngunit buháy para sa Diyos, sapagkat kayo’y nakipag-isa na kay Cristo Jesus” (Roma 6:6–7, 11).

Sabi ni Peter, “Kayo man ay dapat maging handang magtiis!”

Sabi ni Paul, “Ituring ang inyong sarili bilang patay!”

Ang sandata para sa ating digmaan laban sa kasalanan ay ang paghahanda sa kaisipang ito — ang konsiderasyong ito.

Kapag dumarating ang mga tukso ni Satanas — na magkaroon ng pagnanasa sa isang bagay, na magnakaw, magsinungaling, mainggit, gumanti, manghamak, matakot — ihanda ang sarili gamit ang kaisipang ito: Nang nagtiis ng hirap at namatay ang aking Panginoon upang palayain ako mula sa kasalanan, namatay na ako rito!

Kapag sinasabi sa ’yo ni Satanas, Bakit mo tinatanggihan ang pagnanasa ng laman? Bakit mo haharapin ang gulong ito, kung puwede ka naman magsinungaling? Bakit hindi mo kunin ang harmless na karangyaang iyong iniimbot? Bakit hindi ka maghanap ng hustisya at iganti ang sakit na iyong natanggap?

Sagutin siya: Nagtiis ng hirap ang Anak ng Diyos (talagang nagtiis!) upang iligtas ako mula sa kasalanan. Hindi ako naniniwalang naghirap siya para gawin akong miserable. Kaya ang binayaran Niya ng kamatayan ay higit na maganda kaysa mga pagnanasa ng laman. Dahil nagtitiwala ako sa Kanya, ang aking kahinaan sa iyong pang-aakit ay lumiit na’t namatay.

Lumayas ka, Satanas! Hindi na ako maglalaway kapag napadaan ako sa iyong candy store.

View Details

May natutunang misteryo ang mga demonyo rito. Alam nilang tiyak na ang kanilang kapahamakan. Alam nilang magtatagumpay ang Anak ng Diyos. Pero hindi nila alam, hanggang nangyari ito, na darating si Cristo bago ang oras ng final defeat.

Hindi hihintayin ni Cristo ang dulo ng digmaan bago Niya pangunahan ang Kanyang mga hukbo sa labanan. Sinimulan na Niya ang pagwasak sa teritoryo ni Satanas. Nagsanay siya ng “life-squad” na gagawa ng matatapang na rescue operations. Nagplano si Cristo ng maraming taktikal na tagumpay bago ang panahon ng huling tagumpay.

View Details

Ang marupok na tambo’y hindi niya babaliin, ilaw na aandap-andap hindi niya papatayin. (Isaias 42:3)

Marahil ang pinaka-encouraging na mga salitang aking narinig nitong mga nakaraang linggo ay nagmula sa isang propesiya sa Isaias 42:13, kung paano gagamitin ni Jesus ang Kanyang spiritual power.

Pakiramdam mo ba’y isa kang “marupok na tambo” — tulad ng isa sa malalaking Easter lilies na natapakan ang tangkay kaya nasa lupa at walang makuhang pagkain? Pakiramdam mo ba’y isang ilaw na aandap-andap lamang ang iyong pananampalataya sa halip na isang malaking apoy — tulad ng isang maliit na red dot sa dulo ng mitsa matapos mong hipan ang iyong birthday candle?

View Details

Hindi natakot si Jesus sa awtoridad ni Pilato na ipapako Siya. Bakit hindi?

Hindi dahil nagsisinungaling si Pilato. Hindi dahil wala siyang awtoridad na ipapako si Jesus. Mayroon siya nito.

Sa halip, hindi natakot si Jesus sa awtoridad na ito dahil ito’y may pinanggalingan. Sabi ni Jesus, “Ibinigay iyan sa iyo mula sa langit.” Ibig sabihin, may kapangyarihan talaga ito. Hindi kulang. Ngunit labis.

So, paano ito hindi nakakatakot? Hindi lang may awtoridad si Pilato na ipapatay si Jesus. Mayroon siyang God-given na kapangyarihan na ipapatay Siya.

Hindi natakot si Jesus dito dahil ang kapangyarihan ni Pilato sa Kanya ay nakapailalim sa awtoridad ng Diyos kay Pilato. Nakakakuha ng comfort si Jesus sa sandaling ito hindi dahil walang kapangyarihan ang kalooban ni Pilato, kundi dahil may gumagabay sa kalooban ni Pilato. Hindi dahil wala si Jesus sa mga kamay ng takot ni Pilato, kundi dahil si Pilato ay nasa mga kamay ng Ama ni Jesus.

View Details

Bago ang worship service noong nakaraang Linggo, masigasig na nakipaglaban ang munting grupo ng mga santo sa kanilang mga panalangin — para sa pananampalataya ng ating mga kasamahan, at para sa mga simbahan ng Twin Cities, at para sa mga bansa. At one point, ipinanalangin ng isa ang mga salita ng Juan 1:14, 16:

Ang Salita ay nagkatawang-tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. . . . Dahil siya’y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos.

View Details

Sa parehong paraan na ang pag-ibig ni Kristo para sa atin ay makikita sa Kanyang pagkamatay, ang Kanyang paghihirap ay intensyonal rin. Kung sadya Niyang inialay ang Kanyang buhay, ito’y para sa atin. Ito ay pag-ibig.

View Details

Heto ang bahagi ng karanasang tinutukoy ng salmista kapag sinasabi niyang, “Purihin ninyo ang [= magbigay kayo ng] lakas ng Panginoon.” Ano ang ating ginagawa kapag “Pinupuri natin ang lakas ng Panginoon”?

View Details

Sino ang makikinabang sa mga pangako ng Diyos kay David?

Narito muli ang Mga  Awit 132:1718: “Sa lipi ni David, ako ay kukuha ng haring dakila, upang maingatan ang pagpapatuloy ng pamamahala. Yaong kaharian niya ay uunlad at mananagana, ngunit kaaway niya'y lahat mapapahiya.”

View Details

Sa panahong ito, inililigtas ng Diyos ang Kanyang sambayanan mula sa ilang kasamaan. Hindi sa lahat. Nakapapanatag ito ng loob, dahil kung hindi ay maaari nating ipalagay mula sa ating naranasang kasamaan na kinalimutan o itinakwil na tayo ng Diyos.

View Details

Tinatalakay ni Santiago ang tungkol sa pagmamataas at kahambugan, at kung paano sila lumalabas sa mga di-kapansin-pansing paraan. “Ngunit kayo’y nagmamalaki at nagyayabang, at iyan ay masama!”

View Details

Ang ating pagmamalasakit sa katotohanan ay isang di-maiiwasang pagpapahayag ng ating malasakit sa Diyos. Kung buhay ang Diyos, Siya ang sukatan ng lahat ng bagay, at kung ano ang Kanyang iniisip tungkol sa lahat ay dapat nating maging sukatan ng ating iniisip.

View Details

Ang talatang ito ay puno ng mga salitang nagbibigay-pag-asa sa mga makasalanang tulad natin. Puno rin ito ng motibasyon para sa kabanalan.

View Details

Ang pagpapala ay hindi lamang ang pagpapasya ng Diyos na gawan tayo ng kabutihan kahit pa hindi tayo karapat-dapat dito. Ito’y tunay na kapangyarihan mula sa Diyos na kumikilos at gumagawa ng mabubuting bagay sa atin at para sa atin.