AltM Radio: Recent Episodes

AlterMidya Network

Alternative news and views on issues that matter--brought to you by the Philippines’ only alternative media network, AlterMidya (People's Alternative Media Network).

View Details

Sa nagdaang mga linggo, naungkat ang iba’t ibang isyung dala ng paglipana ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa bansa. Panahon na nga ba para ipagbawal nang lubusan ang POGOs?Panoorin at sumali sa talakayan sa #ALAB Analysis!

View Details

Gumugulong ang balita tungkol sa imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC sa “War on Drugs” ni dating Pang. Rodrigo Duterte. Bakit nga ba mahalagang tutukan ang imbestigasyong ito?

‘Yan ang laman ng diskusyon kasama si si Atty. Krissy Conti, abogado ng drug war victims, sa ALAB Analysis!

Sama-sama nating pakinggan ang #ALAB!

View Details

Panukalang P100-minimum wage increase, masama ba sa ekonomiya?

Makakasama natin si Rosario Guzman ng IBON Foundation para sagutin ang epekto ng umento sa sahod sa ekonomiya.

Tara at pakinggan ang Break It Down!

View Details

Totoo bang gaganda ang buhay natin sa Cha-cha?

Makakasama natin si Sonny Africa ng IBON Foundation para talakayin ang posibleng epekto ng Charter change sa ordinaryong mamamayan.

Pakinggan ang Break It Down!

View Details

BAKIT BA IMPORTANTE ANG PUBLIC TRANSPORT SA EKONOMIYA? Hihimayin natin ang kahalagahan ng public mass transport sa pag-unlad ng isang bansa, at kung ano ang mga pwedeng solusyon imbes na ang tinutulak na #JeepneyPhaseout

Panoorin ‘yan sa latest episode ng BREAK IT DOWN!

View Details

Climate change ang pinag-uusapan ng world leaders ngayon na nasa Dubai para sa ang ika-28 na Conference of Parties o COP28. Pero duda ang environmentalists kung epektibo ba ang COP28 sa pagtugon sa climate crisis. Pag-uusapan natin ‘yan sa episode na ito ng #ALAB Analysis!

View Details

Sa pinakahuling episode ng Tambayan ngayong tinaguriang 'International Day of Climate Action', kumustahin natin ang dalawang environmental defenders na sina Jhed Tamano at Jonila Castro.

Kamakailan lang ay kinasuhan sila ng Department of National Defense ng perjury kaugnay ng paglalantad nila ng pagdukot sa kanila ng mga militar.

View Details

Sa latest episode ng BREAK IT DOWN, pag-usapan natin ang murang bigas.

Makakasama natin si Rosario Guzman ng IBON Foundation para himayin kung bakit nagmamahal ang presyo ng bigas!

View Details

Bumababa na raw ang inflation rate, pero bakit parang hindi naman nararamdaman?

Sa pilot episode ng BREAK IT DOWN, pag-usapan natin ang salitang INFLATION.

Panoorin si Sonny Africa ng @IBONFoundation sa programang naghihimay ng akala nating ay kumplikadong salita.

Ang BREAK IT DOWN ay programa ng Altermidya at IBON Foundation 🔥

View Details

Sa ikalawang episode ng Tambayan, pinuntahan natin ang mga manggagawa ng Wyeth na kamakailan ay kumaharap sa biglang tanggalan. Para sa mga manggagawa, naging matagumpay pa rin ang paggiit nila sa kanilang karapatan. Kumusta na nga ba sila?

Mapapanood din ang Tambayan sa iba't ibang social media pages ng Altermidya Network

View Details

Samahan ang aming Chairperson, Raymund B. Villanueva, sa pilot episode ng TAMBAYAN.

Sa unang episode, dinalaw natin ang tambayan ng mga magsasaka ng Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. Kakatanggap lang nila ng dokumentong ipinagkakaloob na sa mga agrarian reform beneficiaries ang lupang kanilang sinasaka.

Kumusta na nga ba ang mga magsasaka sa Hacienda Tinang isang taon matapos ang marahas na pag-aresto sa #Tinang83 at ang inaasahang installation nila sa lupa?

View Details

Ngayong linggo, nasaksihan natin kung paanong sa kabila ng mariing pagtutol ng iba’t ibang grupo, niratsada pa rin ng Senado ang pagpasa sa Senate Bill No. 2020 o ang Maharlika Investment Fund Bill. Ang tanong: bakit ba ganoon na lang ang pagmamadaling maipasa ang panukalang ito? Makabubuti nga ba ang Maharlika sa ekonomiya?

Makakasama natin ngayong gabi ang dalawang eksperto – sina dating Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Gov. Diwa Guinigundo at Sonny Africa ng IBON Foundation.

View Details

Mahigit 700 na ang political prisoners sa bansa. Marami sa kanila ang mabagal ang usad ng kaso tulad kay former senator Leila de Lima, na ipinakulong ng Duterte administration habang bahagi ng oposisyon. Makatwiran bang makulong ang isang indibidwal dahil sa pulitikal na paninindigan?

View Details

Uncomfortable truth: As we end Women's Month, it is just right to extol that fight of 'comfort women'--and let us be reminded of the cruelty during war.

Listen to Inday Espina-Varona's interview with 'comfort women' during the World War II in this special episode of ALAB Analysis.

View Details

Palalalimin kung bakit nga ba palala nang palala ang krisis sa transportasyon  Sama-sama nating pakinggan ang veteran journalist na si Inday Espina-Varona kasama sina Ira Cruz ng AltMobility PH at Ramir Mangila ng LABAN TNVS.

View Details

Nabalita kamakailan na planong dagdagan ang "agreed locations" ng US military sa Pilipinas. Sa gitna ng sigalot sa West Philippine Sea, bakit gustong palawakin ng Estados Unidos ang presensya nito sa bansa? Ano ang epekto nito sa soberanya natin? Sasagutin lahat 'yan sa pinakabagong show ng Altermidya, ang PAKI-EXPLAIN! 

View Details

In this episode of Rights Watch, Atty. Josa Deinla discusses the impacts of 'terrorist' designation on organizations and individuals by the Anti-Terrorism Council (ATC) and what are the remedies.

View Details

Sa pag-anunsyo ng International Criminal Court na ipagpapatuloy na nito ang imbestigasyon sa kasong “crimes against humanity” na nakasampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga dating opisyal ng kanyang administrasyon kaugnay ng madugong ‘War on Drugs,’ halos sabay-sabay ang naging sagot ng mga nasa gobyerno: labag ito sa soberanya ng Pilipinas. Bakit biglang napasok ang usapin ng soberanya kahit hustisya naman ang hiling sa ICC investigation?  

‘Yan ang laman ng talakayan kasama sina Atty. Krissy Conti at Atty. Neri Colmenares sa pinakabagong episode ng #ALABAnalysis!  

View Details

Kasama ang #JunkSIMRegistration network, pinag-usapan natin ang unang linggo ng implementasyon ng SIM Registration Law at ano ang karanasan ng ordinaryong mamamayan dito. Ano nga ba ang violations na nakita ng data privacy advocates sa pagpapatupad nito. Pakinggan:

View Details

Isa sa masasabing pinakamalagim na legasiyang iniwan ng Duterte administration ang madugong “War on Drugs.” Pero ngayong iba na ang administrasyon, maraming tanong ang namumutawi: Paano na ang hustisya para sa mga biktima at kanilang pamilya? Matitigil na ba ang mga madugong pagpatay, o tuloy pa rin?

'Yan ang laman ng talakayan sa pinakabagong episode ng #ALABAnalysis, kasama sina Carlos Conde ng Human Rights Watch, Llore Pasco Benedicto ng Rise Up for Life and for Rights, at drug policy reform advocate na si Atty. Henrie Enaje.

View Details

MAALAB NA PAGBATI PILIPINAS!

Balak daw ng Marcos Jr administration na ibalik ang programang Masagana 99, na sinimulan noong panahon ni Marcos Sr. Pero bakit umaalma ang mga magsasaka sa muling pagbuhay ng programang ito?

Tatalakayin ‘yan sa episode ng #ALAB para ngayong Buwan ng Pesante!

View Details

"Golden age" nga ba ang Martial Law? 

Napapanahong pag-usapan 'yan sa 50th anniversary ng Martial Law. 

Samahan sina Atty Chel Diokno at ekonomistang si JC Punongbayan sa latest episode ng #AlabAnalysis

Sama-sama nating pakinggan ang #ALAB!

View Details

Sa panahong laganap ang fake news at historical distortion, anong papel ang ginagampanan ng sining, lalo na ng pelikula?  ‘Yan ang tatalakayin natin ngayon sa #ALABAnalysis! Pakinggan at sumali sa diskusyon!

View Details

MAALAB NA PAGBATI PILIPINAS!

Nakailang linggo nang nakaupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pero ang pangakong "comprehensive all-inclusive plan for economic transformation" niya, mistulang lista sa tubig pa rin daw.

'Yan ang pag-uusapan sa bagong episode ng #ALABAnalysis, kasama ang mga ekonomistang si Emmanuel Leyco at Sonny Africa.

View Details

Imeldific comeback? 

Samahan  ang veteran journalist na si Inday Espina-Varona kasama sina Bibeth  Orteza ng Concerned Artists of the Philippines at Bonifacio Ilagan ng  CARMMA sa talakayan:

View Details

Nanalo na sa Supreme Court ang kaso pero ayaw pa rin pabalikin ang mga manggagawang tinanggal sa trabaho? Panoorin ang ating Payong Ligal kasama si Atty. Neri Colmenares.

View Details

Sa episode na ito ng Payong Ligal, pag-uusapan natin ang rights and welfare ng mga artist.  

Tutok na kasama ang ating abogado ng bayan na si Atty. Neri Colmenares!

View Details

Tama bang hindi papasukin sa trabaho kung wala pang bakuna?

‘Yan ang sasagutin nina Atty Neri Colmenares at Atty VJ Topacio sa latest episode na ito ng Payong Ligal.

View Details

Sa episode na ito ng Payong Ligal, pag-uusapan natin ang social pension at iba pang mga usapin ng ating senior citizens.  

Makinig kasama ang ating abogado ng bayan na si Atty. Neri Colmenares!

View Details

Sa pilot episode ng PAYONG LIGAL, si Atty Neri Colmenares ang aming inimbitahan para magbigay ng legal advice. Winner!  

Meron ba kayong katanungang ligal? Ipadala nyo lang ang inyong tanong sa pinakabagong  public service program ng Altermidya!

View Details

Lockdown na naman! Gutom na naman ang kakaharapin ng marami ngayong bawal na namang lumabas. Paano na ang ayuda? Tayo-tayo na naman ba ang magtutulungan?  

‘Yan ang pinag-usapan sa episode na ito ng #ALABAnalysis, kasama si Inday Espina Varona. Tara at makibahagi sa diskusyon kasama ang ekonomistang si JC Punongbayan at si Ana Patricia Non ng Community Pantry PH.

View Details

Seseryosohin na raw ni Pangulong Duterte ang plano niyang pagtakbo bilang bise presidente sa 2022. Pero ang tanong ng marami: pwede ba ‘yun?  

‘Yan ang pinag-usapan sa episode na ito ng #ALABAnalysis kasama si Edge Uyanguren at dating COMELEC chairperson at kasapi ng 1986 Constitutional Commission na si Atty. Christian Monsod.

View Details

Ngayong Pride Month, guests natin sa ALAB Analysis ang 2 myembro ng LGBTQ+ community: ang Filipino food historian & LGBT activist na si Giney Villar, at ang Lumad teacher na si Chad Booc.

View Details

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, may isang tanong na nasa isip ng sambayanan: malaya nga ba ang Pilipinas?   

Sa isang banda, patuloy pa rin ang impluwensya ng US sa bansa, at sa kabilang banda, unti-unting umiigting ang panghihimasok ng China hindi lang sa West Philippine Sea kundi sa marami pang aspekto ng lipunan at ekonomiya ng Pilipinas.  

‘Yan ang pinag-usapan ng ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona, Neri Colmenares ng Makabayan Coalition, at si Bobby Roldan, isang mangingisdang pumapalaot sa Scarborough Shoal.

View Details

For longtime peace consultants Prof. Jose Ma. Sison and Rafael Baylosis, what does it mean to be labeled as "terrorists" under the Anti-Terrorism Act?

Listen to the exclusive interview by veteran journalist Inday Espina-Varona at #ALAB Analysis!

View Details

Trending ang 'Duterte Resign' online petition sa gitna ng mga batikos sa tugon ni Pang. Duterte sa pandemya, krisis sa ekonomiya, at panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.  

Guests sina Dean Mel Sta. Maria ng FEU Institute of Law, at public interest lawyer Dino De Leon para palalimin ang tanong, "Nasaan Ang Pangulo?"

View Details

Habang lumalala ang COVID-19 batay sa datos, tumitindi rin ang paghihirap ng mamamayan. Alamin ang realidad sa likod ng mga numero sa ALAB Analysis, hosted by veteran journalist Inday Espina-Varona. 

Makakasama sa episode na ito sina Prof. Peter Cayton ng UP Covid-19 Pandemic Response Team at dating NAPC chair Liza Maza.

View Details

Hindi natapos sa malagim na 'Bloody Sunday' ang kalbaryo ng mga kaanak ng mga biktima. Tila nakipagpatintero pa sila sa pagkuha sa mga labi ng kanilang mga yumaong kaanak. Ano ang katotohanan sa likod ng 'Tokhang'-style na pagpatay at paghuli sa mga aktibista noong Marso 7?  

Tatalakayin 'yan sa pinakabagong episode ng ALAB Analysis kasama sina Inday Espina-Varona, Atty. Jasmin Regino ng Commission on Human Rights, at Atty. Rey Cortez ng National Union of People's Lawyers.

View Details

Matapos ang pagsugod ng mga pulis sa Lumad bakwit school sa Cebu noong February 15, nasaan na ang mga bata ngayon? Paano na ang kanilang edukasyon? Bakit nangyari ang raid?  

Tatalakayin lahat 'yan ngayong gabi sa pinakabagong episode ng ALAB Analysis, kasama sina Atty. Noemi Truya-Abarientos ng Children's Legal Bureau at Meggie Nolasco ng Salugpungan Schools.

View Details

Sa gitna ng pandemya, Charter Change o cha-cha ang prayoridad ng Kongreso ngayon. Ang sabi ng mga mambabatas, makakatulong daw ang pagbabago sa economic provisions ng Konstitusyon para mas maraming makapasok na foreign investments at makabangon ang bagsak na ekonomiya. 

Ano ang tunay na motibo sa likod ng pinakabagong tangka sa cha-cha. Pakinggan ang talakayan kasama sina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at ekonomistang si Sonny Africa ng IBON Foundation sa pinakabagong episode ng ALAB Analysis!

View Details

Mag-iisang taon na tayong nasa pandemya ng COVID-19. January 30, 2020 nang nareport ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa. Matapos ang isang taon, May mga bakuna nang nagawa laban sa virus, pero 'di pa rin malinaw ang mga detalye ng vaccine rollout program. 

Samahan sina Inday Espina-Varona, community doctor Leonard Javier, at Leni Nolasco ng Filipino Nurses United sa pagtalakay ng mga importanteng puntong dapat busisiin sa vaccination program dito sa pinakabagong episode ng Alab Analysis!

View Details

Human rights emergency: This is how human rights advocates describe the human rights situation in the Philippines.

How will the Filipinos face this situation? Join the discussion with human rights lawyers Atty. Chel Diokno, Atty. VJ Topacio, and Karapatan's Tinay Palabay.

View Details

In this episode, we talk about the US elections and the lessons the Filipino people can derive from it. Join the discussion with BAYAN USA's Rhonda Ramiro and UP Center for International Studies' Prof. Sarah Raymundo.

View Details

Why is there a need for a pushback against red-tagging? This episode is all about RED with human rights lawyer Atty. Maria Sol Taule and writer Joel Pablo Salud.

Join the conversation!

View Details

In this episode, we'll talk about President Rodrigo Duterte's threat to ban Facebook in the Philippines with Rappler's Maria Ress and Gemma Mendoza and blogger/columnist Tonyo Cruz.

View Details

Nurses who want to work abroad are being accused of being unpatriotic. In this episode, we will discuss the deployment ban on nurses with Maristela Abenojar of Filipino Nurses United. Listen to ALAB Analysis hosted by veteran journalist Inday Espina-Varona.

View Details

Where did the funds for emergency cash support and response go? Former DSWD Sec. Judy Taguiwalo and Ken Abante of CItizens’ Budget Tracker discuss the weaknesses of social protection and public budgeting in the time of pandemic.

View Details

Directors Bibeth Orteza and Carlitos Siguion-Reyna discusses the effect of the Anti-Terror Law on artists and artistic expression.

View Details

Public health specialist Dr. Tony Leachon, former adviser to the national taskforce on COVID-19, talks about the reforms in leadership needed to respond to the pandemic.

View Details

Senator Francis Pangilinan, one of the lawmakers who voted against the Anti-Terrorism Bill, explains why the controversial measure is unconstitutional as well as dangerous to our civil liberties.

View Details

Multi-awarded broadcast & digital journalist Atom Araullo discusses the importance of free expression especially during a public health crisis, and why we should call out intolerance to criticism both online and on the ground.

View Details

Dr. Gene Nisperos of the UP College of Medicine shares the reasons behind delays in mass testing and the Philippine government’s poor response to the COVID-19 pandemic.

View Details

Former Supreme Court spokesperson Atty. Theodore Te discusses the dangers of the Bayanihan to Heal As One Law on our civil liberties, and how we can protect our basic rights under the COVID-19 health emergency.

View Details

Nikki Tutay and Ana Dione of the Department of Labor and Employment (DOLE) discusses the situation of the POGO (Philippine Offshore Gaming Operation) industry and if Filipino workers are really at a disadvantage.